You are on page 1of 12

BAG

Ni: Alayka P. Balangi


Lunes ngayon marami na namang mga tao ang papasok sa kani-kanilang trabaho, mga
estudyanteng papasok sakanilang mga eskewelahan, mga sasakyan, jeep at motorcycle na kay
ingay na kong saan nag-aagawan ng pasahero.

Mang Sebastian: Mga anak, andito na tayo sainyong eskwelahan, magsipasok na kayo ah, at ako’y
mamamasada lamang nang may makain tayo mamaya

ani niya sa kanyang tatlong anak na si Anna, Kristine at juanico. Nag-sihanda naman ang tatlo
nitong anak at isa-isa itong nag-mano sakanilang itay.

Juanico: Itay ano po ulam natin mamaya? Tanong nito sakanyang itay na bunso sa mag-kakapatid.

Mang Sebastian: Kapag Malaki ang kita ni itay ngayong araw ay bibilhan ko kayo ng Lechon
Manok.

Nagsi-tinginan naman ang mag-kakapatid sakanilang narinig na tila nasasabik.

Kristine: Talaga po itay? Sana’y marami po kayong pasahero ngayong araw, matagal narin po
akong hindi nakakakain ng lechon manok itay. Sambit naman ng ikalawang anak ni mang
Sebastian na sa edad sampong taong gulang.

Anna: Ako din po itay matagal na rin po akong hindi nakakain ng Lechon manok. Sambit naman
ng panganay na anak ni Mang Sebastian.

Mang Sebastian: O siya, mag-sipasok na kayo sainyong klase, baka kayo’y mahuli, at sisipagan
ngayon ng itay na makadami ngayon, basta’t magsi-aral kayo ng mabuti mga anak ah.

Sabay sabay namang sumagot ang mga anak nito sakanya: Opo Itay!

Anna: Itay mag-ingat po kayo sainyong pamamasada ah. Pag-aalang sambit nito sakanyang itay.

Mang Sebastian: Oo naman anak. Sige na pumasok na kayo.

Habang nasa kalagitnaan ng kalsada si Mang Sebastian ay may nakita itong matanda na
nakahandusay sa daan, kaya’t agad naman nitong pinuntahan at dali-daling idinala sa malapit na
hospital ang matanda.

Doctor: Sino ang pamilya ng matandang ito?


Tanong nito ng isang doctor na siyang tumingin sa matanda. Agad namang lumapit si Mang
Sebastian at sinabing…

Mang Sebastian: Ako po ang nag-dala sa matanda dito po doc, dahil nakita ko pong nakahandusay
sa daan. Ano po ang kanyang karamdaman doc? Tanong nito sa doctor.

Doctor: Well, hindi naman malubha ang sakit ng matanda, subalit kailangan niyang mag-pahinga
dahil narin sa katandaan. Pwede na kayong lumabas mamaya o bukas kong gusto niyo.

Mang Sebastian: Hintayin ko na lamang na gumising ang matanda doc upang maitanong ko
sakanya kong sino ang kanyang pamilya na maaaring kumuha sakanya dito.

Doctor: Sige. Aalis na ako dahil may pasyente pa ako.

Mang Sebastian: Opo doc maraming salamat po.

Umalis agad ang doctor at naiwan si Mang Sebastian nang makita nito na dumilat ang matanda ng
matanda, kaya’t dali-dali nitong nilapitan.

Mang Sebastian: Lolo, kamusta po kayo?

Lolo: Nasan ako iho? Tanong ng matanda sakanya.

Mang Sebastian: Andito po kayo sa hospital, nakita ko po kasi kayong walang malay kaya’t idinala
ko kayo dito sa hospital.

Lolo: Maraming salamat iho.

Mang Sebastian: Lolo nasan po ang inyong pamilya? Bakit po kayo lumalabas ng bahay niyo nang
mag-isa?

Dahan-dahang umupo ang matanda sap ag-kakahiga at ipinakita nito ang kanyang pitaka na may
lamang larawan ng kanyang pamilya.

Mang Sebastian: Ito po ba ang inyong pamilya Lolo? Nasan po sila ngayon? Sunod-sunod naman
na tanong nito sa matanda.

Lolo: nasa likod ang selpon number ng isa kong po, na kong saan maari mong tawagan upang
puntahan ako dito sa hospital.
Mang Sebastian: Sige po lolo tawagan ko po ang nasa number na ito.

Habang hinihintay ni Mang Sebastian ang apo ng matanda, ay tumawag ito sakanyang asawa
upang sabihin na mahuhuli siya ng uwi.

Mang Sebastian: Mahal, ani nito sakanyang may bahay na si Aling Rosa. Mahuhuli ako sap ag-
uwi.

Aling Rosa: Bakit mahal? May nangyari ba? Pag-aalalang sambit nito sa asawa.

Mang Sebastian: Wala naman mahal, may hihintayin lang ako para maka-alis na ako dito sa
hospital.

Aling Rosa: Huh? Pasigaw na sambit nito na tila nag-aalala. Bakit mahal? Anong nangyari? Bakit
andiyan ka sa hospital?

Mang Sebastian: Wala naman mahal, idinala ko lang matandang nakita ko na nakahandusay sa
daan kaya’t idinala ko rito sa hospital. Pero maya-maya makakauwi na rin ako, inaantay ko lang
yung apo ng matanda para sumundo sakanya.

Aling Rosa: Sige mahal, mag-iingat ka riyan ah.

Mang Sebastian: Oo naman mahal, andiyan na ba ang mga anak natin?

Aling Rosa: Oo mahal, nandito silang tatlo, gumagawa ng kanilang assignment.

Dumating naman agad ang apo ng matanda kaya’t agad na itong nag-paalam sakanyang asawa.

Mang Sebastian: Sige na mahal, nandito na ang apo ng matanda.

Dali-daling lumapit ang apo sakanyang lolo at tinanong kong anong nangyari. Kaya’t sumingit si
Mang Sebastian.

Mang Sebastian: Nakita ko pong nakahundasay si lolo sa daan habang namamasahero ako, kaya’t
idinala ko siya dito sa hospital. Sabi naman ng doctor ay hindi naman daw malubha ang kanyang
sakit subalit kailangan nitong mag-pahinga dahil narin sakanyang katandaan.
Agad nag-pasalamat ang apo ng matanda na kong saan itinanong nito ang pangalan ni Mang
Sebastian, at ipinakilala rin nito ang sarili.

Salamat mang Sebastian sa pag-dala niyo po saaking lolo dito sa hospital, ako nga po pala si Karlo.

Mang Sebastian: Walang anuman po.

Karlo: Maraming salamat dahil hindi mo iniwan dito sa hospital.

Mang Sebastian: Ayos lang po iyon sir, oo nga pala maaari na rin daw po kayong lumabas sabi ng
doctor.

Karlo: Sige po manong, maraming salamat.

Mang Sebastian: Sige po, maaari ko na po kayong iwan, dahil hinihintay na ako ng aking may
bahay ang aking mga anak.

Bago pa man maka-alis si Mang Sebastian ay may inilabas si Karlo na pabuya para sa kabutihang
ginawa nit.

Karlo: Manong tanggapin niyo po itong kunting pera.

Mang Sebastian: Ay hindi na po, hindi naman po ako humihingi ng kapalit, kusang loob po akong
tumutulong.

Karlo: Tanggapin niyo na po ito, kunting tulong lang dahil sa ginawa niyo po sa lolo ko, kong wala
po kayo baka napano na ang aking lolo. Sige na po manong para po may maiuwi po kayo sainyong
tahanan, dahil naabala pa namin ang pag-hahanap buhay niyo.

Tinanggap naman ito ni Mang Sebastian, kaya’t pagdating nito sa kanilang tahanan ay may dala-
dala itong makakain at ang Lechon manok na request ng kanyang mga anak.

Mang Sebastian: Mahal, mga anak narito na ang itay.

Agad namang isinalubong ang tatlo nitong anak at kinuha ang mga dal anito para ilagay sa kusina.

Mang Sebastian: Mga anak narito na ang hinihingi niyo saakin kanina.

Sabik na sabik naman ang tatlo nitong anak kaya’t napa wow ito sa nakitang Lechon.

Mang Sebastian: Mahal? Narito na ako.


Aling Rosa: O mahal, bakit ang dami mo namang dala at may pa lechon manok kapa. Ani nito
sakanyang asawa habang inaayos ang mga dala ng kanyang asawa.

Mang Sebastina: Yung matanda na tinulungan ko kanina, yung apo niya binigyan niya ako ng
kunting pera upang may maiuwi ako dito sa bahay, pasasalamat narin daw saaking ginawa.

Agad namang sumingit ang panganay na anak ni Mang Sebastian.

Anna: Wow, itay ang bait mo po talaga, kaya mana ako sainyo e.

Mang Sebastian: Aysus anak. Binubola mo na naman ako, sige na tulungan niyo ang inyong inay
upang makakain na tayo.

Masayang nag-sikain ang pamilya ni Mang Sebastian sa hapag kainan. Si Mang Sebastian ay isang
masipag na haligi ng tahanan na kong saan ay hindi ito nag-aatubiling tumulong kong
kinakailangan, sakto lang din sa gastusin ang kinikita nito para sakanyang pamilya kaya’t kahit
papaano ay nairaraos niya parin ang pangangailan para sakanyang asawa at sa tatlo nitong anak
bilang isang tricycle driver. Umaga, hapon at gabi ang pag-hahanap buhay ni Mang Sebastian,
minsan pa ay hating gabi na itong nakakauwi kapag hindi madami ang pasahero nito. Kaya’t lagi
namang nag-aalala ang kanyang asawa sa pag-hihintay.

Sa pag-uwi ni Mang Sebastian ay inabot ito ng hating gabi at nasa labas ng pintuan nag-hihintay
ang kanyang asawa.

Aling Rosa: Mahal, bakit ngayon ka lang? Pag-aalalang sambit nito sa asawa.

Mang Sebastian: Sorry mahal, mahina ang kita ngayon ee, kaya’t nag-babakasali akong makakuha
ng pasahero sa ganitong oras. Heto lang kita ko ngayon e.

Aling Rosa: Okey lang yan mahal, atleast nakauwi kang ligtas, yun ang importante.

Mang Sebastian: Oo ng apala, bakit dito mo pa ako hinintay sa labas ng pinto, pwede mo naman
akong hintayin sa loob. May nangyari ba?

Aling Rosa: Mahal, yung bunso nating anak, ang taas ng lagnat. Hindi ko alam kong ano ang
nangyari, kani-kanilang masiglang nakikipaglaro sakanyang mga kapatid sa labas, tapos ngayon
ang taas ng lagnat.
Agad namang pinuntahan ng mag-asawa ang kanilang bunsong anak upang tingnan ang kalagayan
nito. Nang biglang nanginginig ang kanilang anak at tumitirik ang mata nito sa dahil subrang taas
ng lagnat, kaya’t agad namang kinuha ang anak nito sa kinahihigaan at isinakay sakanyang trycyle
upang dalhin ito sa malapit na hospital.

Mang Sebastian: Doc, kamusta po ang anak ko?

Doctor: Sa ngayon ay bumaba ang lagnat ng iyong anak dahil narin sa gamot na aming itinurok
sakanya, subalit alam mo ba na may TB ang inyong anak?

Mang Sebastian: Po? Paano nangyari doc? E malusog at masigla ang aking anak. Paanong nag-
karuon ng TB ang aking anak?

Doctor: Wala ba sainyo ang may TB?

Mang Sebastian: wala po doc. Wala rin po akong bisyo. Hindi po ako naninigarilyo. Paanong
nagkaruon ng TB ang bunso kong anak? Pag-aalalang sambit nito sa doctor.

Doctor: kong wala sa pamilya mo ang may TB siguro ay nahawaan ito sakanyang mga kalaro.
Kaya’t ikinalulungkot ko ang resultang nalaman niyo ngayon.

Mang Sebastian: Doc ano pong kailangan naming gawin upang gumaling kaagad ang aming anak?

Doctor: Sa ngayon ay uubserbahan pa namin ang inyong anak, at patuloy na bigyan ang inyong
anak ng mga gamot at bitamina para sa kanyang pangangatawan.

Sa narinig ni Mang Sebastian sa doctor tungkol sa kalagayan ng kanyang anak, ay di nito mawari
kong ano ang kailangan niyang gawin, dahil narin sa hirap ng buhay at dahil isa lamang siyang
trycycle driver. Subalit kahit trycycle driver lamang ang pagkakakitaan ni Mang Sebastian ay hindi
ito tumigil sa pamamasada upang may maipambili itong gamot para sa kanyang anak. Kaya’t kahit
tirik ang araw sa umaga, kahit malakas ang ulan sa hapon at kahit dilikado sa gabi ay patuloy parin
itong naghahanap buhay.

Habang nasa kalagitnaan ng pamamasada si Mang Sebastian ay may pumarang binatang lalaki
sakanya kaya’t agad naman nitong pinuntahan.

Binata: Manong sa terminal po pauwing bicol.


Mang Sebastina: Sige iho, sakay kana.

Agad namang sumakay ang binata na may dalang tatlong bag. Habang ihahatid ni Mang Sebastian
ang binata ay nakipag-usap ito upang may mapaglibangan sakanyang antok.

Mang Sebastian: Iho ang dami mo namang dala, wala ka bang kasamang uuwi sa bicol?

Binata: Wala po manong, nauna na kasi silang umuwi, nahuli lang ako sakadahilanang tinatapos
ko pa ang aking trabaho, kaya’t ngayon lang ako makakauwi sapagkat natapos ko na ang
pinapagawa saakin.

Mang Sebastian: Kaya pala, pero hindi ka naman nahihirapan sa iyong dala iho?

Binata: ay hindi po kaya ko naman po.

Dumating na sila sa terminal na sinabi ng binata, kaya’t tinulungan naman ni Mang Sebastina na
ibaba ang dala dala nito. At agad namang binayaran ng binata ang kanyang pamasahe at mabilis
naring umalis si Mang Sebastian pauwi sakanilang tahanan, sapagkat hindi na nito kaya ang antok.

Umaga na naman ay mamasada na naman si Mang Sebastian, subalit sa loob ng kanyang tricycle
ay napansin nitong may bag sa ilalim ng upuan kaya’t dagli nitong kinuha at binuksan kong ano
ang laman. Laking gulat niya ay isang malaking pera ang nakapaloob ng bag. Kaya’t agad itong
dumiretso muna sakanilang tahanan upang tingnan ng mabuti. Habang hinahalungkata ang laman
nito ay may nakita pa itong i.d nang may ari na kong saan ay naalala ni Mang Sebastian ito yung
huli niyang pasahero kagabi. Kaya’t kailangan niya itong isauli.

Habang papalapit si Mang Sebastian sa Pulisya upang e-report ang kanyang nakuha sakanyang
tricycle ay tila may biglang pumigil sakanya, na tila may bumubulong sakanya na huwag nang
isauli ang bag na may lamang pera para may maipagamot ito sakanyang may sakit na anak. Subalit
naisip ni Mang Sebastian ay masama ito, ngunit dahil narin sa bulong ng kanyang sarili ay biglang
tumarapas ang tricycle ni Mang Sebastian pabalik. Habang namamaneho ay iniisip nitong minsan
niya lang ito gagawin at para rin ito sakanyang anak upang gumaling. Ani nito “Diyos ko,
patawarin niyo po ako sa aking ginawa, kailangan na kailangan ko lang po ang pera para
maipagamot ang aking bunsong anak, patawarin niyo po sana ako”.

Dumiretso si Mang Sebastian sa hospital upang bisitahin ang kanyang mag-ina.


Mang Sebastian: Mahal, kamusta na? Kamusta na kalagayan ng ating anak?

Alimg Rosa: Gaya parin ng dati mahal, nawawala ang lagnat, subalit bumabalik din. Malaki narin
ang babayaran natin dito sa hospital, saan tayo kukuha ng pambayad?

Mang Sebastian: Ako na ang bahala mahal, makakabili rin tayo ng gamot para saating anak.

Aling Rosa: Saan ka kukuha ng pera?

Hindi pinansin ni Mang Sebastian ang tanong ng kanyang asawa bagkos ay pinuntahan nito ang
anak na nakahiga at hinalikan nito sa noo. Bigla rin dumating ang doctor upang bisitahin ang
pasyente.

Mang Sebastian: Doc kamusta po ang aking anak?

Doctor: kailangan nang painumin ng gamot ang inyong anak upang hindi na lumala ang sakit nito.

Mang Sebastian: Magkano po ba ang gagastusin doc?

Doctor: Umaabot ito sa halagang 50 thousand hiwalay pa nito ang pamabayad niyo sa bills na ito.

Mang Sebastian: Sige po doc, bigyan niyo na po ng gamot ang aking anak, mag babayad po ako
mamaya.

Dahil sa narinig ni Aling Rosa sa sinabi ng kanyang asawa ay lumapit ito kaagad at kinausap ang
asawa.

Aling Rosa: Mahal? Saan ak kukuha ng pera.

Mang Sebastian: Akon na ang bahala mahal, huwag kana pong mag-alala.

Aling Rosa: Paanong hindi ako mag-aalala ee wala tayong pera mahal?

Mang Sebastian: Mahal, ako na ang bahala.

Dahil sa pagtataka at pag-aalala narin ni Aling Rosa sa kanyang asawa ay sinundan nito si Mang
Sebastian na pumunta sa cashier upang mag-bayad. At laking gulat nito na makita ang isang
malaking pera na inilalabas ni Mang Sebastian sa isang bag.
At nang pabalik si Mang Sebastian ay agad nitong nakita ang kanyang asawa na gulat at pag-aalala
sa nakita nito sakanya.

Mang Sebastian: Mahal? ani niya sa kanyang asawa na nag-aalala.

Aling Rosa: Mahal? Saan mo nakuha yan?

Mang Sebastian: mahal, huwag kang mag-alala hindi ko ito ninakaw.

Aling Rosa: Saan mo nga nakuha yan? Galit na tanong nito sa kanyang asawa.

Mang Sebastian: Napulot ko ito sa aking tricycle, pag-mamay ari ng huli kong pasahero kagabi.

Aling Rosa: Bakit hindi mo ito isinauli?

Mang Sebastian: Gagawin ko sana mahal, pumunta na ako sa pulis upang ereport ang aking
nahanap, subalit napa-isip ako na maari natin itong magamit pambayad sa gastusin ng ating anak.
At para maipagmot natin ang ating anak.

Aling Rosa: Pero mali yang ginawa mo, parang nag nakaw kalang din sa hindi pag-sauli ng bag
na yan sa may-ari.

Hindi na lamang makasagot si Mang Sebastian sa sinabi ng kanyang asawa. At pumasok ang isang
nurse upang ibigay ang mga gamot na ipapainom sa anak at ang resebo na binayad ni Mang
Sebastian kanina.

Nurse: Manong maaari na po kayong makalabas bukas ng hospital, at heto po ang gamot na
kailangan inumin ng inyong anak. Nakasulat narin diyan sa papel na yan kong ilang beses iinumin
sa isang araw ang gamot.

Mang Sebastian: Maraming salamat po.

Nurse: Sige po sir, okey na po ang kalagayan ng inyong anak, nasiayos ko na rin po ang kanyang
dextrose. Tumawag lang po kayo sa labas kong may problema man.

Mang Sebastian: Opo. Maraming salamat ulit.


Hindi naman pinapansin ni Aling Rosa ang kanyang asawa dahil sa nalaman. Kaya’t kahit sap ag-
uwi nila sa bahay ay wala paring imik ito kahit anong suyo ang ginagawa ni Mang Sebastian.

Mang Sebastian: Mahal galit ka parin ba?

Aling Rosa: Bakit mo ginawa ang isang bagay na hindi katanggap tanggap mahal? Oo napagamot
mo nga ang ating anak? Kaya bai to ng konsensya ko? Kaya ba ng konsensya mo habang buhay?

Dahil sa sinabi ng asawa nito ay malalim ang kanyang pag-iisip kong ano ang kanyang gagawin.
Subalit umaga pa lamang ay umalis na si Mang Sebastian, hindi dahil sa mamasada ito kundi
pupunta ng pulisya upang ereport ang nahanap nitong bag. Dumating naman ang may ari ng bag
at tiningnan ang laman nito, pero bago pa lamang mag-salita ang may ari.

Mang Sebastian: Iho, humihingi ako ng paumanhin kong yan na lamang ang natira sa iyong pera,
dahil nagamit ko ito para maipagamot ko ang aking anak na may sakit at mabayaran ang gastos sa
hospital, patawarin mo sana ako. Isasauli ko naman talaga ang bag mo na walang bawas, subalit
dahil narin sa tukso ng pangangailangan para saaking anak, ay nagawa ko itong galawin.
Paumanhin. Pero pagtatrabauhan ko po ang aking nagamit na pera, mamamasada po ako lagi upang
makapam-bayad ako sainyo.

Iho: Nauunawaan ko ang iyong rason manong kong bakit mo iyon nagawa, hanga po ako sainyong
katapatan na kahit nabawasan niyo ang aking pera ay may lakas na loob parin kayong isauli ito.
Huwag po kayong mag-alala manong dahil hindi ko po kayo kakasuhan o sisingilin sa ginalaw
mong pera. Suablit kong mangyari po ulit ito, hindi lang saakin kundi sa iba, kahit kailangan na
kailangan mo pa ito, ay dapat isauli niyo na kaagad. Pasalamat ka po manong mabait ako (pabirong
sambit ng binate). Sige na po manong maraming salamat sa pag-sauli ng aking bag. Mag-iingat po
kayo.

Mang Sebastian: Oo iho, maraming salamat, asahan niyo po akong hindi na ito maulit muli.

Iho: Sige na manong uwi na po kayo. Salamat uli.

Masayang umuwi si Mang Sebastian sa kanyang tahanan at ibinalita nito kaagad sakanyang asawa
ang nangyari. Tuwang tuwa naman si Alimg Rosa sa kanyang nabalitaan. Tinawag naman nito ang
tatlo nitong anak upang palalahanan.
Mang Sebastian: Mga anak pumunta muna kayo rito saglit saamin ng inyong ina, may sasabihin
lamang ako.

Pumunta naman ang tatlo nitong anak na nag-tataka.

Anna: Ano po iyon itay? Tanong nito sakanyang itay.

Mang Sebastian: mga anak, kahit ganito lang kami ng inyong inay, kahit mahirap lang tayo dapat
mag-patuloy kayong gumawa ng kabutihan ah, huwag gagawa ng hindi maganda, dahil hindi lang
para saamin iyon kundi sa sarili niyo.

Anna: Opo itay. Huwag po kayong mag-alala.

Masayang nag-salo salo ang pamilya ni Mang Sebastian sa hapag-kainan. Dahil narin sa
magandang nangyari sa kanilang buhay.

You might also like