You are on page 1of 114

BAHAGHARI SA DAPITHAPON

Screenplay by Eric Ramos


For Direction by Joel Lamangan
For Production by Heaven’s Best Entertainment

Draft #2
12 May 2018

1. INT. SCHOOL AUDITORIUM. NIGHT

Grand Alumni Homecoming ng Marcelo H. del Pilar National High School,


ang pangunahing high school sa Malolos, Bulacan.

Kasalukuyang nagbibigay ng introductory speech ang school principal na si


MRS. VILLACAMPA, early 50S.

MRS. VILLACAMPA
Nagtapos siya na cum laude sa San Beda College
of Law noong 1959 at pumasa sa Bar noong
sumunod na taon. Nagtrabaho siya ng dalawang
taon bilang abogado ng Procter and Gamble
Philippines sa Maynila…

Close-up kay RAMON ESTRELLA, 84, naka-barong Tagalog at nakaupo sa


isang round table malapit sa stage.

MRS. VILLACAMPA (O.S.)


Noong 1963 ay umuwi sila sa Malolos ng
kanyang kabiyak na si Sylvia, na graduate naman
ng UST Conservatory of Music, para dito
simulan ang pamilya nila.

Two-shot kina Ramon at ang asawa niyang si SYLVIA, 84, naka-gown at


katabi niya sa mesa.

Makikita rin ang tatlo nilang anak na kasama nila sa mesa: si EMMAN, 58;
si GEORGINA, 49; at FE, 37. (May nakasabit na silver medal sa leeg ni
Georgina. Pinarangalan din siya kanina.)
Kasama rin nila sa mesa ang dalawang nakaunipormeng BODYGUARDS
ni Georgina.

Sa pagpapatuloy ng talumpati ni Mrs. Villacampa, makikita ang iba pang


mga alumni na na nakaupo sa iba pang mga mesa, at ang kabuuan ng
auditorium.

MRS. VILLACAMPA (O.S.)


Ang ating panauhing pandangal ay nagnegosyo
habang nagturo naman ng Musika ang kanyang
maybahay dito sa ating mahal na Alma Mater.
Noong 1969, pumasok siya sa larangan ng pulitika
at nahalal bilang bise alkalde ng ating bayan.
Nagnegosyo siyang muli noong panahon ng Martial
Law bilang tahimik na protesta sa diktadura ni
Presidente Marcos.

Sa video wall sa stage, mapapanood ang isang slideshow ng mga photos ni


Ramon bilang congressman at senador.

MRS. VILLACAMPA (O.S.)


Pagkatapos ng Edsa Revolution, muli siyang
lumahok sa pulitika at nanalong congressman
noong 1988. Mula 1992, tatlong beses siyang
nagsilbi bilang Senador ng ating Republika –
isang katangi-tanging karangalan para sa isang
lingkod-bayan na tubong Bulacan.

Babalik ang focus kay Mrs. Villacampa.

MRS. VILLACAMPA
Mga kaibigan, ikinalulugod kong ipakilala
ngayong gabi ang Most Outstanding Alumnus
ng Marcelo H. del Pilar National High School –
ang dakilang anak ng Malolos, ang ating mahal
na Senador, Ramoncito Estrella!

Tatayo at papalakpak ang lahat. Yayakapin at hahalikan ni Ramon si Sylvia.


Ie-escort nina Emman at Georgina ang kanilang ama paakyat ng stage.
Masayang yayakapin ni Fe si Sylvia.

Sasabitan ng isang gintong medalya si Ramon at aabutan ng plake nina Mrs.


Villacampa at dalawang lalakeng naka-barong.

2
Makikita sa video wall ang dalawang larawan ni Ramon.

Ang sa kaliwa ay isang kulay sepia na photo ng binatilyong Ramon bilang


graduate ng Marcelo H. del Pilar National High School. Ang sa kanan ay
isang recent photo niya.

2. INT. SCHOOL AUDITORIUM. SAME NIGHT.

Moments later. Nagtatawanan ang audience – lalo na sina Sylvia, Emman,


Georgina, at Fe – sa talumpati ni Ramon na hinaluan niya ng kaunting biro.

RAMON
Sabi ko kay Fredo, paano tayo papasok ng eskwela
kung pareho tayong amoy tae ng kalabaw?... Kaya
ayun, nag-cutting classes na lang kami at naligo
sa ilog kasama ng kalabaw!

Tawanan uli ang audience.

RAMON (cont’d)
Sa mga mas batang alumni, sigurado ako na
kilala n’yo ang Fredo na tinutukoy ko. Walang
iba kundi si Alfredo Veneracion, ang kababata
ko na nagsilbi bilang guro at principal sa
eskwelahang ito sa loob ng mahigit tatlong
dekada. Inabot mo ba siya, Mrs. Villacampa?

Titingin si Ramon kay Mrs. Villacampa na nakaupo sa gilid ng stage. Tatayo


ang principal at sasagot na medyo pasigaw para marinig ng marami.

MRS. VILLACAMPA
Yes, Senator!

RAMON (cont’d)
Mataray siya, ano po?

Tatawa na lang si Mrs. Villacampa. Ganoon din ang audience.

RAMON (cont’d)
Pagpasensyahan n’yo na ang matandang binata.
Gustong-gusto niya sanang dumalo sa

3
pagtitipong ito. Kaya lang ay mayroon siyang
munting karamdaman. Ipanalangin po natin
ang kanyang mabilis na paggaling. Salamat…
Siya nga pala, si Mrs. Villacampa ay dating fourth
year adviser ng aking ipinagkakapuring anak na
si Georgina, ang bagong halal na alkalde ng ating
bayan na pinarangalan din kanina.

Ituturo ni Ramon si Georgina. Magpapalakpakan ang mga tao. Tatayo si


Georgina, ngingiti, at masiglang kakaway sa mga tao gamit ang dalawang
kamay.

Muling tatanungin ni Ramon si Mrs. Villacampa.

RAMON (cont’d)
Ma’am, sino po ang mas mataray? Si Fredo o si
Mayora?

Muli ay tatawa na lang ang principal. Pabirong iismid si Georgina habang


tawang-tawa naman sina Sylvia, Emman at Fe.

RAMON (cont’d)
Iniaalay ko ang karangalang ito sa aking mahal
na asawang si Sylvia at sa tatlo naming mga
anak. Ang aking pamilya ang nagsilbing
inspirasyon ko sa lahat ng mga laban ko sa buhay.
Muli ay nais kong magbigay-pugay sa paaralang
ito at sa lahat ng mga naging guro ko dito. Dahil
nilagyan ninyo ng pakpak ang aking mga
pangarap, kabahagi ko kayo sa lahat ng nakamit
kong tagumpay. Maraming salamat at mabuhay
tayong lahat!

Magsisitayong muli ang lahat ng tao at bibigyan si Ramon ng masigabong


palakpakan.

Aabangan ng dalawang bodyguards ni Georgina si Ramon sa gilid ng


entablado at aalalayan sa pagbaba.

EMCEE (O.S.)
Ayan! Maraming salamat, Sen. Ramoncito
Estrella! Dito na po nagtatapos ang ating
programa. Pero sana huwag po munang

4
magsiuwi ang ating mga alumni. Marami pa po
tayong inumin. Feel free to go around and
take selfies with everybody!

Pagkababa ni Ramon, makikita niyang humahangos mula sa gilid ng


auditorium papalapit sa kanya ang isang lalaking naka-casual clothes
lang – si BEN, early 50s.

BEN
Senador!

Haharangin sana ng dalawang bodyguards si Ben pero agad nilang


mari-realize na kilala ito ni Ramon.

RAMON
Ano ‘yon, Ben?

Habang hinahabol ang hininga, may ibubulong si Ben kay Ramon.


Malulungkot si Ramon at babagsak ang mga balikat.

Titingin si Ramon kay Sylvia, na biglang kakabahan. Close-up kay


Sylvia.

SYLVIA (V.O.)
Hindi na ako masyadong nabigla sa naging
desisyon ni Ramon kinaumagahan. Ako lang yata
ang nakapansin…

3. EXT. ESTRELLA COMPOUND. DAY

Lunes ng umaga. Establishing shot ng compound ng Pamilya Estrella.

May isang mansyon sa harapan kung saan nakatira sina Ramon,


Sylvia, at si Fe. At isang mas maliit na bahay sa gawing likod at gilid
kung saan nakatira ang pamilya ni Emman.

SYLVIA (V.O.)
… na bagama’t niyakap niya ako at hinalikan
bago siya umakyat ng entablado…
.

4. INT. ESTRELLA MANSION – MASTER’S BEDROOM. DAY

5
Sa master’s bedroom, maabutan ni Sylvia si Ramon na nag-iimpake ng
mga damit sa isang malaking trolley luggage. Matitigilan si Sylvia.

SYLVIA (V.O.)
… pahapyaw lang ang pagbanggit niya sa akin
sa kanyang talumpati. Mas pinili niyang sariwain
ang kabataan nila ng kanyang pinakamatalik na
kaibigan.
.
SYLVIA
Aalis ka?

Titigil saglit si Ramon.

RAMON
Kailangan ako ni Fredo. Kung hindi lang dahil sa
parangal kagabi, kasama niya ako dapat sa
paglabas niya sa ospital.

Hihinga nang malalim si Sylvia. Mapapatingin siya sa portrait nilang


mag-asawa na nakasabit sa dingding. Kuha ito noong golden wedding
anniversary nila more than 10 years ago.

Tapos ay lalapit siya kay Fredo at pakikialaman ang pag-iimpake.

SYLVIA
Ako na.

Hahayaan siya ni Ramon. Mapapangiti si Ramon, maluha-luha.


Yayakapin niya mula sa likod si Sylvia, saka bubulungan.

RAMON
Salamat, mahal.

5. INT. ESTRELLA MANSION – LIVING ROOM. SAME DAY

Nakasuot ng jeans at T-shirt ng Gabriela Women’s Party na pinatungan


ng vest si Fe, ang bunsong anak nina Ramon at Sylvia.

6
Isasabit ni Fe sa leeg ng anak niyang si GLENDA, 9, grade 3 student,
ang school ID nito. Tapos ay magiliw niyang kukuritin ang pisngi ng
anak.

FE
O muntik mo na naman maiwan ang ID mo.
Naku, anak! Ang bata mo pa, ulyanin ka na!

GLENDA
Sige na, Mommy. Nandiyan na po ang service.

Mabilis na hahalikan ni Fe sa pisngi ang anak.

FE
O siya. Ingat ka. Be a good girl, okay?

GLENDA
Yes, mommy! Bye!

Mabilis na lalabas ng bahay ang bata hila-hila ang kanyang trolley


schoolbag.

Pagpihit niya, makikita niya ang isang MAID na may hinahatak na


trolley luggage.

Kasunod ng maid sina Ramon at Sylvia. Mapapansin niyang nakabihis


ng sport shirt, jeans at baseball cap ang kanyang ama.

FE
Papa, saan ang lakad mo?

RAMON
Sa Ninong Fredo mo. May taning na ang buhay
niya, hindi ba?

FE
Oo, pero bakit may dala kang maleta?

Magtitinginan sina Ramon at Sylvia.

RAMON
Doon na muna ako titira sa bahay niya.

7
Lalabas na si Ramon, kasunod ang maid. Pandidilatan ni Fe si Sylvia.

Susunod si Sylvia kay Ramon.

6. EXT. ESTRELLA MANSION – FRONT YARD. DAY. CONTINUOUS

Gulat na gulat si Fe. Susundan niya sina Ramon at Sylvia sa labas.

FE
Ano ibig sabihin nito, ‘Pa? Iiwanan mo si Mama?

RAMON
Hindi. Hindi ito hiwalayan. Apat na barangay
lang ang layo ng bahay ni Fredo. Lagi kong
tatawagan at ite-text ang mama mo.

Saglit na malilito si Fe. Pero muli niyang uusisain ang ama.

FE
Bakit mo kailangang mag-alsa-balutan? Di ba
puwedeng bumisita ka na lang do’n araw-araw?

RAMON
Makinig ka, Marife. Ang mama mo malakas pa.
Si Fredo malapit nang mamatay sa kanser. Mas
kailangan niya ako ngayon.

FE
Pero, ‘Pa!

Darating ang DRIVER at kukunin ang trolley luggage mula sa maid.


Hahalikan ni Ramon si Sylvia sa pisngi. Muli niyang haharapin si Fe.

RAMON
Fe, bantayan mo ang mama mo.

Tatango si Fe kahit nakasimangot.

Lalabas na ng gate na si Fredo kasama ang driver.

FE
‘Ma, ba’t ka pumayag?

8
SYLVIA
Anak, hayaan mo na ang Papa mo. Bisitahin na
lang natin sila ng Ninong mo.

Tatalikod na si Sylvia at babalik sa loob ng bahay, kasunod ang maid.


Maiiwang mag-isa si Fe, na hindi pa rin mapakali.

Pipihit si Fe papunta sa bahay ng Kuya Emman niya.

7. EXT. EMMAN’S HOUSE. SAME DAY. CONTINUOUS

Kakatok si Fe kahit bukas ang pinto.

FE
Kuya! Kuyaaaa!

Lalabas si MERLY, early 50s, asawa ng Kuya Emman niya.

MERLY
O Fe, bakit?

FE
Ate Merly, nandiyan pa ba si Kuya?

MERLY
Eto paalis na.

Lalabas si EMMAN, nakasuot ng simpleng polo barong at may bitbit na


briefcase. Papasok sa trabaho.

EMMAN
O ano’ng problema?

MERLY
Sasabay na ‘ko sa ‘yo. Sa kotse ko na
ipapaliwanag.

8. EXT. STREET OUTSIDE FREDO’S HOUSE. SAME DAY.

9
Hihinto ang SUV ni Ramon sa isang neighborhood na mas mukhang
probinsiya kesa sa lugar ng mansion niya.

Mabilis na bababa ang driver at bubuksan ang pinto ng backseat at


tutulungang bumaba si Ramon.

Habang kinukuha ng driver ang trolley luggage sa likod ng SUV,


mamasdan ni Ramon ang ancestral house ni Fredo.

Malaki ang lote na kinatatayuan nito. Mansyon ding maituturing ang


two-storey property pero lumang-luma na ito.

May karatula sa nakabukas na gate: BEN’S TAILORING &


BASKETBALL UNIFORMS.

Unang makakakita kay Ramon si NENA, late 40s, na nagwawalis ng


bakuran.

Ikalawa ang asawa ni Nena – ang sastreng si Ben, ang lalaking naghatid
ng balita kay Ramon kagabi.

Kasalukuyang nagdidilig ng mga halaman si Ben sa labas ng kanyang


tailoring shop sa gilid ng bahay.

Agad niyang bibitawan ang pandilig at hahangos para salubungin si


Ramon.

Papasok si Ramon sa bakuran, kasunod ang driver na hila-hila ang


trolley luggage.

Mapapatingin si Nena sa luggage.

Kukunin ni Ben ang luggage mula sa driver.

BEN
Ako na.

Iaabot ng driver ang hawakan ng trolley luggage kay Ben. Magpapaalam


na ito kay Ramon.

DRIVER
Sir.

10
RAMON
Sige, Baldo. Tatawag na lang ako kung may
kailangan ako.

DRIVER
Sige po.

Aalis na ang driver.

9. INT. FREDO’S HOUSE. SAME DAY. CONTINUOUS

Patutuluyin ni Ben si Ramon sa loob ng bahay. Puro antigo ang mga


muebles.

BEN
Huwag po kayo mabibigla. Nagpalit na po kami
ng kuwarto ni Tiyo.

RAMON
Ha? Bakit?

BEN
Pinalipat na po niya kami ni Nena sa master’s
bedroom sa itaas. Naka-wheelchair na po siya
kaya dito na lang siya sa kuwarto namin sa
ibaba.

RAMON
Ah… kunsabagay.

Bubuksan ni Ben ang pinto ng kuwarto. Magkasunod silang papasok ni


Ramon.

Ilalagay ni Ben ang luggage sa tabi ng wheelchair sa sulok.

Nakahiga sa kama si FREDO, early 80s. Bagama’t kasing-edad ni


Ramon, halatang mahina na ang katawan ni Fredo at putting-puti na ang
mga buhok.

Magigising siya. Mapapangiti pagkakita kay Ramon. Biglang sisigla.

FREDO

11
Ramon!

RAMON
Fredo.

Tutulungan ni Ben na makaupo si Fredo sa kanyang kama. Makikita ni


Fredo ang luggage ni Ramon. Manlalaki ang mga mata niya.

Uupo si Ramon sa tabi ni Fredo. Mabilis na aalis si Ben.

FREDO
May dala kang maleta?

RAMON
Oo. Dito na ‘ko titira. Sasamahan kita. Hanggang
sa huling sandali.

Lalapad pa ang ngiti ni Fredo. Mapapaluha ang mga mata sa kaligayahan.


Hahawakan ni Ramon ang kamay ni Fredo. Tapos ay yayakapin nila ang isa’t
isa.

Biglang uubuhin si Fredo. Tatalikod siya kay Ramon habang umuubo.


Hahagurin ni Ramon ang kanyang likod.

10. EXT. CAR ON THE ROAD. SAME DAY.

Nanggigil si Emman habang nagmamaneho ng kanyang kotse. Nasa


passenger seat si Fe.

EMMAN
Anak ng puta! Pagpipiyestahan sila ng mga
tsismoso’t tsismosa!

FE
O relax lang! Baka maaksidente tayo.

Panay ang tingin ni Fe sa kanyang cellphone.

EMMAN
Ano? Sumagot na ba si George?

FE

12
Wala pa eh. Busy tiyak ‘yon.

EMMAN
Dumiretso na lang tayo sa opisina niya.

FE
Buti pa nga.

EMMAN
Grabe naman si Papa. Hindi na inisip ang
kahihiyan natin.

FE
Ako naman ang concern ko si Mama. Siya ang
unang dapat maiskandalo. Hindi tayo.

EMMAN
Anong hindi tayo? Fe, damay ang buong pamilya
natin dito. Ang buong angkan natin!

11. EXT. MALOLOS CITY HALL. SAME DAY

Paparada ang kotse ni Emman sa parking lot. Agad na bababa sina


Emman at Fe. Mabilis silang maglalakad papunta sa entrance.

12. INT. MALOLOS CITY HALL – MAYOR’S OFFICE. SAME DAY

Nakikipagpulong si Goergina sa isang grupo ng mga negosyante.


Nakatingin sila sa isang malaking mapa ng Malolos.

GEORGINA
Paano ang drainage system? Saan n’yo
padadaanin?

BUSINESS LEADER
Dito po, Mayor.

GEORGINA
Papuntang Paombong?

BUSINESS LEADER

13
Yes, Mayor. We can build it in less than a year.

GEORGINA
Hmm. Sounds good. I like it!

Ngingiti ang BUSINESS LEADER at titingin sa mga kasamahan niya.

Papasok si DONNA, early 30s, ang executive assistant ni Georgina, at


mabilis na lalapit sa kanya. May dali-dali itong ibubulong.

Makikita ni Georgina na nakasilip sa pinto sina Emman at Fe.

13. EXT. SUV ON THE ROAD. SAME DAY

Nakasakay sa malaking SUV ni Georgina ang tatlong magkakapatid.

Ang dalawang bodyguard ay nasa unahan. Isa sa kanila ang nagmamaneho.

Nasa backseat sina Georgina, Emman, at Fe. Nanggagalaiti si Georgina.

GEORGINA
Ang saya-saya ko pa naman kagabi! Para akong
nasa alapaap dahil sabay kaming pinarangalan
ng dakila kong ama. Ngayon bigla akong
lumagapak sa lupa! Por Dios por santo! Emman,
ano na lang ang sasabihin ng mga tao? Ng buong
Malolos!

EMMAN
Fe, tapatin mo nga kami.

FE
Ano ‘yon, Kuya?

EMMAN
Ikaw ang kasama nina Mama at Papa sa bahay.
Wala ba silang pinag-awayan nitong mga
nakaraang araw?

FE
Wala naman. Ang sweet-sweet nga nila e.

14
Kakamot sa ulo si Emman, saka titingin kay Georgina.

EMMAN
George, ikaw na kumausap kay Papa ha.

GEORGINA
O akala ko tayong tatlo. E di sana hindi na kayo
sumama.

EMMAN
Sa ‘yo lang naman nakikinig ‘yon. Basta nasa
likod mo lang kami ni Fe.

FE
Sige sa likod ka, Kuya. Ako ipaglalaban ko si
Mama.

Pahiya si Emman.

14. INT. FREDO’S HOUSE. SAME DAY

Nakaupo sa sala sina Georgina, Emman at Fe. Lalabas mula sa kuwarto


si Ramon.

Tatayo ang tatlo niyang anak. Magmamano si Emman kay Ramon pero
pipigilan siya ng ama.

RAMON
Huwag na. Alam ko naman kung bakit kayo
naparito. Gusto n’yo ‘kong pauwiin, hindi ba?

Aatras si Emman. Magsisiupo silang magkakapatid.

Uupo si Ramon sa bakanteng upuan sa tabi ni Fe.

RAMON (cont’d)
Kakaidlip lang ng ninong n’yo. Mag-usap tayo nang
tahimik at malumanay.

GEORGINA
Sige, Pa. Mahal din namin si Ninong. Lahat kami
inaanak niya sa binyag at kasal.

15
Haharap si Ramon kay Fe.

RAMON
Inabala mo pa ang mga kapatid mo. Lalo na
itong si Mayora. Napaka-busy nito, sinundo mo
pa sa City Hall!

FE
Pa, binigla mo si Mama sa desisyon mo kaya wala
na siyang nagawa. Samantalang kami, hindi mo
man lang kami kinausap.

EMMAN
Tama si Fe. Sana kinonsulta mo muna ang buong
pamilya.

RAMON
Para ano? Para humingi ako ng permiso sa inyo?

GEORGINA
May iba pang paraan. Ba’t mo kailangang tumira
dito?

RAMON
Bilang na ang araw ni Fredo. Gusto kong alagaan
siya hanggang sa huli niyang hininga.

GEORGINA
Pa, baka magkasakit ka rin sa plano mong ‘yan.
Akala mo ba kasing-tikas ka pa rin ng kalabaw?
Ikuha mo na lang siya ng full-time nurse.

EMMAN
Oo, Pa. Tapos bisitahin mo na lang siya every day.
Sasamahan ka namin. Magtotoka-toka kami.

RAMON
May nurse na akong kinausap na bibisita araw-
araw simula bukas. Pero importante kay Fredo
na nasa tabi niya ako sa lahat ng oras. Importante
‘yon sa aming dalawa. Hindi n’yo alam kung gaano
kalaki ang utang na loob ko kay Fredo. Makinig

16
kayo. Mahal ko siya.

FE
Alam namin ‘yon, Pa.

GEORGINA
Higit pa kayo sa magkaibigan.

EMMAN
Para na kayong magkapatid. Tulad namin.

RAMON
Higit pa doon. Panahon na para malaman ninyo
ang katotohanan. Mahal ko si Fredo gaya ng
pagmamahal ko sa Mama n’yo. Naiintindihan
n’yo?

Matitigilan sina Georgina at Fe. Mapapanganga si Emman.


Magtitinginan sila. Biglang magtataas ng boses si Georgina.

GEORGINA
Hindi katanggap-tanggap ‘yan, Pa!

Sisiklab si Ramon, manlilisik ang mga mata.

RAMON
Huwag mo akong pilitin na magtaas ng boses,
Georgina!

Mapapalunok si Georgina. Magbababa ng tingin.

Bubuntung-hininga si Ramon. Kakalma.

RAMON (cont’d)
Huwag nating istorbohin ang ninong mo.

Sasagot si Georgina pero hindi na galit. Tonong tampo na lang.

GEORGINA
Pero, Pa. Ano’ng sasabihin ng mga tao?

RAMON
Sabihin nila ang gusto nilang sabihin. Ano?

17
Tatawagin nila akong bakla?

Titingin si Georgina kina Emman at Fe.

RAMON (cont’d)
Mga anak, 2018 na. Insulto pa rin ba ‘yan sa
panahon ngayon?... Kinse anyos na ‘kong
retirado sa pulitika. Ano pa ang mawawala sa
akin?

GEORGINA
Masisira ang pangalan mo!

RAMON
Ang alin? Ang pangalang Estrella na dala-dala
mo at hindi ang apelyido ng asawa mo? ‘Yun
ba? Kaya ba nagpuputok ang butse mo?
Namemeligro na agad ang bagong karera mo
sa pulitika dahil sa asal ng iyong walanghiyang
ama?

Matatahimik si Georgina.

15. INT. ESTRELLA MANSION – LIVING ROOM . SAME DAY

Kasalukuyang kinakausap nina Emman, Georgina at Fe ang ina nilang si


Sylvia. At sabay-sabay silang nagsasalita.

FE
Kasi naman, Ma. Bakit ka pumayag? Lumaban
ka naman!

EMMAN
Sana pinigilan mo siya at sinabi mo muna sa
amin! Magkakampi tayo.

GEORGINA
Isang malaking eskandalo ito para sa pamilya
natin! Naku, Ma. Nakakahiya!

SYLVIA
Sandali! Teka lang muna. Isa-isa lang!

18
GEORGINA
May solusyon ako sa problemang ito. Ngayon
ko lang naisip. Kung talagang gustong alagaan ni
Papa si Ninong Fredo 24/7, bakit hindi niya rito
gawin? Dalhin niya rito si Ninong. Para walang
eskandalo.

EMMAN
Tama! Dalawa ang guest room dito. Mamili siya.

FE
‘Yung dito sa ibaba lang ang puwede. Naka-
wheelchair na si Ninong.

EMMAN
E di dito sa ibaba… Ma, dali! Sabihin mo kay Papa
ilipat dito si Ninong. Para tapos ang problema.
Everybody happy, di ba?

Ngingiti si Emman kay Georgina. Magha-high five sila.

EMMAN
Ang talino mo talaga, George!

GEORGINA
Magiging mayor ba ‘ko kung hindi?

SYLVIA
Sige, sige. Sasabihin ko sa Papa ninyo ang
panukala n’yong ‘yan.

FE
Thank you, Ma.

SYLVIA
Pero huwag kayong umasa na makikinig siya.

EMMAN
Ha? Bakit naman? Sabihin mo muna sa kanya.

SYLVIA
‘Yung ninong ninyo, ayaw niyang mamatay sa

19
ospital kaya pinili niyang umuwi na lang sa
bahay. ‘Yung bahay na ‘yon, doon siya
ipinanganak at doon siya lumaki. Karamihan ng
mga mahahalagang alaala niya sa buhay ay doon
nangyari… Ako man, kung may taning na
ang buhay ko, pipiliin kong malagutan ng hininga
sa sarili kong tahanan. Siguro naman pagbibigyan
n’yo ako sa gusto ko.

Magtitinginan ang magkakapatid. Tanggap nila ang katwiran ng ina.

SYLVIA
Alam ko na ang sasabihin ng Papa n’yo. Ganito.

Gagayahin ni Sylvia ang porma at timbre ng pananalita ni Ramon. Cute


ang hitsura niya.

SYLVIA (cont’d)
“Ang ninong n’yo ay nasa bingit na ng
kamatayan. Siya pa ba ang mag-aadjust sa
inyong tatlo?”

Matatawa si Fe, pero dismayado sina Emman at Georgina.

SYLVIA (cont’d)
Mahal ko rin si Fredo. Mas una ko pa siyang
naging kaibigan kaysa sa Papa n’yo. Hayaan na
lang natin sila.

Hindi na makakasagot ang tatlo. Pero si Fe naintindihan na niya sa


wakas ang ina niya. Yayakapin niya si Sylvia.

16. EXT. ESTRELLA COMPOUND - GARDEN SOFA. SAME DAY

Nagmemeryenda ang magkakapatid. Pinagsisilbihan sila ng maid.

Tahimik lang na minamasdan ni Sylvia ang mga anak. Iiling siya habang
nakangiti.

SYLVIA (V.O.)
Sa edad nila ngayon, na may sari-sarili na silang
buhay, bihira nang magkasama ng ganito ang

20
mga anak ko. Bilang ina, naaaliw ako sa
pagsasanib-puwersa nila laban sa kanilang ama.
Kahit alam kong mabibigo lang sila.

May tatawagan sa kanyang cellphone si Georgina habang kinakausap ni


Fe si Emman.

Naka-dekuwatro si Emman at nakabukas ang lahat ng butones ng polo


barong. Kita ang kanyang sando.

FE
Hindi ka na papasok?

EMMAN
Papasok. E kaso nasa City Hall ang kotse ko, di
ba? Sasabay lang ako dito kay Mayora.

FE
Akala ko feeling boss ka rin e.

EMMAN
O sige na, alam ko pareho kayong boss ng ate
mo.

FE
Sorry naman. Hindi ko ibinibida ang sarili ko.

EMMAN
Medyo boss naman ako a. Hoy, baka
nakakalimutan mo. Assistant department head
na ako sa Provincial Assessor’s Office. Na-
promote ako last year.

Bahagyang matatawa si Fe.

FE
Sorry, nakalimutan ko nga... Kunsabagay, ang
takot lang nilang sisantehin ang magiting na
panganay ni Senador Estrella.

EMMAN
Talaga!

21
Nakontak na ni Georgina si Ben.

GEORGINA
Hello, Ben!

INTERCUT WITH:

17. INT. FREDO’S HOUSE – BEN’S SHOP. SAME DAY

Tatayo muna si Ben mula sa kanyang sewing machine, kung saan


tinatahi niya ang isang basketball jersey, para sagutin ang tawag ni
Georgina.

BEN
Hello, Mayor!

GEORGINA
Ano ka ba, Ben? George na lang. Magkababata
tayo, di ba?

BEN
Matagal na ‘yon, Mayor.

GEORGINA
(ngingiti) Bahala ka. Pasensya na kung hindi na
tayo nakapag-usap kanina. Hindi naging maganda
ang pakikipagpulong namin kay Papa.

BEN
Sa totoo lang, tutol din ako sa sitwasyon. Kaya
namin ng asawa ko na alagaan si Tiyo Fredo.
Pero ano pa’ng magagawa ko?

GEORGINA
Meron, Ben. Makinig ka. Importante ‘to. Kung
ano man ang nangyayari ngayon diyan at kung
ano man ang mga mangyayari pa, sana manatili
lang diyan sa loob ng bakuran ninyo. Sana wala
nang makakaalam kundi tayo-tayo lang.
Maliwanag ba?

BEN

22
Oo naman. Naiintindihan ko.

GEORGINA
‘Yung mga customer mo na labas-masok sa shop
mo, sana siguraduhin mong hindi mag-uusyoso.

BEN
Sige. Ako’ng bahala.

Sasabat sa usapan si Emman.

EMMAN
George, ‘yung bintana. Pakisabi lagyan ng kurtina.

GEORGINA
O Ben, yung bintana sa sala. Lagyan mo ng makapal
na kurtina ha.

BEN
Sige. Sasabihin ko sa asawa ko.

GEORGINA
Binigyan ka ba ng panggastos ni Papa?

BEN
Oo. Namalengke nga agad si Nena.

GEORGINA
Maselan sa pagkain si Senator. Pasensya na.

BEN
Tiwala ako sa husay magluto ni Nena.

Sasabat si Sylvia.

SYLVIA
George, aircon.

GEORGINA
Kelangan mo ba ng bagong aircon sa kuwarto
nila?

BEN

23
Malakas pa naman ang aircon doon.

GEORGINA
Mabuti. Ben, kung may problema o kung may
kailangan kang kahit ano, i-text mo ko agad ha.
O kaya tumawag ka.

BEN
Sige, Mayor.

GEORGINA
Salamat.

Tatapusin na ni Georgina ang tawag.

SYLVIA
O magsilakad na kayo. May mga trabaho pa kayo.

Hahalik si Georgina sa pisngi ni Sylvia.

GEORGINA
Bye, Ma.

Ganoon din sina Emman at Fe. Aalis na sila.

18. EXT. STREET OUTSIDE ESTRELLA COMPOUND. SAME DAY

Lalabas ng gate ang tatlong magkakapatid. Tatawid sila sa kabilang side


ng kalsada kung saan nakaparada ang SUV ni Georgina.

Pagkasakay nila, darating ang isang sedan at hihinto sa tabi ng gate.

Bababa mula sa backseat si LARA, 20, ang panganay na anak ni


Emman. Kakaway si Lara sa babaeng naiwan sa backseat – si JET, 20,
mukhang tomboy, nakasuot ng volleyball uniform.

LARA
Thank you. Bye, Jet!

Magpa-flying kiss si Jet kay Lara.

JET

24
Bye, Lara!

Isasara na ni Lara ang pinto ng kotse. Aalis ang kotse.

Papasok na ng gate si Lara pero maabutan siya ni Emman. Hahawakan


siya sa braso ng kanyang ama. Aburido si Emman.

EMMAN
Lara!

LARA
O hi, Dad! Ba’t nandito ka pa?

EMMAN
Something came up. Nag-cutting classes ka ba?
Ba’t ang aga mo?

LARA
Absent ‘yung prof sa 9 to 12 class ko. I’m so
happy!

EMMAN
Ganoon ba? Sino ‘yung naghatid sa ‘yo?

LARA
Si Jet. Classmate ko. Volleyball player sa school.

EMMAN
Nanliligaw sa ‘yo?

Sisimangot si Lara.

LARA
Dad! Ang aga-aga!

Maririnig ang tatlong ulit na busina mula sa SUV. Mapapatingin si


Emman sa SUV. Nakababa ang bintana sa tabi ni Georgina. Yamot na
si Mayora. Sisigaw ito.

GEORGINA
Tama na ‘yan, Kuya! Tanghali na!

Matataranta si Emman. Titingnan niya nang masama si Lara.

25
EMMAN
Hoy, babae. Mag-uusap tayo mamayang gabi.

Iirap si Lara. Papasok na siya sa gate.

Tatakbo naman pabalik ng SUV si Emman, nagngingitngit.

19. EXT. SUV ON THE ROAD. SAME DAY

Binabagtas ng SUV ang mga pangunahing kalsada ng Malolos.

Sa loob ng sasakyan, nag-uusap ang magkakapatid tungkol kay Lara.

EMMAN
Hindi totoo ‘yan! Hindi ako naniniwala!

GEORGINA
Hay naku! Parents are always the last to know.

FE
Kuya, wala namang masama kung maging lesbian
ang anak mo.

GEORGINA
Anong wala? Fe, Katoliko tayo, di ba? Kasalanan
‘yon sa Diyos.

Medyo magtataas ng boses si Fe.

FE
Naku, Ate George! Dalawa lang ang alam kong
utos ni Hesukristo. Mahalin mo ang Diyos at
mahalin mo ang kapwa mo. Wala siyang sinabi na
bawal magmahal ng kapwa lalake o kapwa babae.

Ayaw pa rin magpatalo ni Georgina.

GEORGINA
Fe, alam natin kung alin ang normal at ang hindi.
Wala akong problema sa mga LGBT… XYZ na ‘yan.
Maraming productive members of society na

26
kagaya nila. Basta lang… alam mo na.

Nag-iinit na si Fe.

FE
Anong alam ko na?

GEORGINA
Basta sa tabi lang sila. Huwag sila masyadong…
loud o garapal.

FE
You see? That’s not acceptance! That’s
condescencion. You’re being self-righteous!

Magtataas na rin ng boses si Emman.

EMMAN
Teka, teka! Time out!

Matitigilan sina Fe at Georgina. Mari-realize nilang nagkainitan na sila


at inaawat na sila ng kanilang kuya.

Pero may tanong lang pala si Emman.

EMMAN (cont’d)
Ano nga meaning ng condescencion?

Biglang matatawa sina Fe at Georgina.

FE
Kuya, i-Google mo! Kainis ka!

EMMAN
Ah basta. Ina-assume n’yo na agad na lesbian
nga ang panganay ko. Hindi ako naniniwala.
I’m sure it’s just a phase. Lilipas din ‘yon.

GEORGINA
You wish!

Kakamot sa ulo si Emman.

27
20. EXT. SUV ON THE ROAD. SAME DAY. CONTINUOUS

Na-traffic ang SUV sa kalsada.

FE
Naniniwala ka bang bakla si Daddy?

EMMAN
Anak ng puta! Fe naman! Change topic, please?

Magtatakip ng mga tenga si Emman. Tatawa na naman si Georgina.

FE
Bakit? We’ve been dancing around the subject
all morning. But let’s face it. ‘Yun naman talaga
ang issue, hindi ba?

GEORGINA
Tama... Wait!

Ituturo ni Georgina kina Fe at Emman ang dalawa niyang bodyguards sa


unahan.

GEORGINA (cont’d)
Mario, Joey…

BODYGUARDS
Yes, Ma’am?

GEORGINA
Wala kayong naririnig ha? Wala kayong alam!
Maliwanag?

BODYGUARDS
Yes, Ma’am!

FE
Anyway, more or less matagal na nating alam
na kulay berde ang dugo ni Ninong Fredo.
Pero newsflash! Sila ni Daddy are lovers?

GEORGINA

28
Wait lang. Ang sabi lang ni Daddy ay mahal niya si
Ninong katulad ng pagmamahal niya kay Mama.
Malay ba natin kung consummated.

FE
Hindi ba malinaw sa ‘yo ang sabi niya? Kasi ako
gets ko agad.

GEORGINA
You’re jumping to conclusions. Okay, maybe
there’s a homosexual bond between Daddy and
Ninong Fredo. Pero it’s quite possible na
platonic lang.

FE
You’re in denial, Ate.

EMMAN
Excuse me, agree ako kay George. Hindi ako
naniniwala na romantic or sexual ang bond nila.
At lalong hindi ako naniniwala na bakla si
Daddy! Nahulog lang ang loob niya sa sobrang
kabaitan ni Ninong.

FE
Isa ka pa!

EMMAN
Bakit? ‘Pag nagmahal ka ba ng bakla, bakla ka na
rin?

Magtatawanan uli sina Georgina at Fe. Medyo mapipikon na si Emman.

EMMAN
O ano’ng nakakatawa sa sinabi ko? George, akala
ko magkakampi tayo!

GEORGINA
Alam ko ang next mong sasabihin tungkol kina
Daddy at Ninong.

EMMAN
Ano ‘yon?

29
GEORGINA
It’s just a phase!

Hahagalpak na naman ng tawa ang mag-ate. Pikon na talaga si Emman.

EMMAN
Letse! Ang gulo n’yong kausap!

21. INT. FREDO’S HOUSE. SAME DAY

Lalabas ng kuwarto sina Ramon at Fredo.

Nakaupo si Fredo sa wheelchair at marahang itutulak ni Ramon ang


wheelchair patungo sa hapag-kainan kung saan naghihintay sina Ben at
Nena.

Nakahanda na ang tanghalian na niluto ni Nena. Sinigang na salmon at


piniritong lumpia ang ulam.

Mauupo sina Ramon, Ben at Nena. Uunahin ni Ramon lagyan ng


pagkain ang plato ni Fredo bago ang kanya. Sasalukan niya ng sinigang
ang tasa ni Fredo.

FREDO
Kaunti lang. Huwag mong damihan.

Titikman ni Ramon ang sabaw ng sinigang sa sarili niyang tasa.

RAMON
Masarap ang sinigang mo, Nena. Mas magaling ka
sa kusinera namin sa bahay.

NENA
Salamat po.

BEN
Specialty niya po ‘yan.

RAMON
Tikman mo, Fredo.

30
Titikman ni Fredo ang sabaw. Hindi niya masyado
malasahan. Iiling siya.

FREDO
Wala akong panlasa.

RAMON
Sige na. Kailangan mo kumain.

Iiling si FREDO.

RAMON
Nena, sa susunod, mas asiman mo pa ang
sinigang. Kung anuman ang luto mo, sobrahan
mo ang timpla.

NENA
Ha? Pero…

NENA
Huwag ang panlasa ko at panlasa ng asawa mo
ang isipin mo kundi ang sa Tiyo Fredo mo.

NENA
Ah… sige po.

RAMON
Teka, pahingi na lang ng patis.

Iaabot ni Nena kay Ramon ang lalagyan ng patis. Papatakan ni Ramon


ng patis ang tasa ng sinigang ni Fredo.

RAMON (cont’d)
Ayan. Malalasahan mo na ‘yan.

Titikman ni Fredo ang sabaw. Malalasahan niya ang alat. Tatango siya.

FREDO
Medyo maalat.

RAMON
Aba, mabuti may lasa. Kain na. Kailangan mo ng
sustansya.

31
FREDO
Para ano? Hindi na lalakas ang katawan ko.

RAMON
Para magkasama pa tayo nang matagal-tagal.

Magtitinginan sina Ramon at Fredo. Ngingiti si Fredo. Tatango.

Sasabawan ni Fredo ang kanin, lalagyan ng salmon. Saka susubo.

Matutuwa si Ramon. Gaganahan din siya sa pagkain.

22. INT. FREDO’S HOUSE. SAME DAY

Matapos magtanghalian, nanonood ng isang noontime show sa TV sina


Fredo at Ramon sa sala. Magka-holding hands sila.

Sa kusina, naghuhugas ng pinggan si Nena habang nakikipag-usap nang


pabulong kay Ben. Medyo aburido si Nena.

NENA
Ano’ng gagawin natin, Ben?

BEN
Unang-una bumili ka ng makapal na kurtina.
‘Yan ang bilin ni Mayor.

NENA
Para saan?

BEN
Para sa bintana. Para hindi sila makita ng mga
nagpapatahi sa akin.

NENA
Sige. Pero alalahanin mo, ang tiyo mo mahilig
lumabas para magpahangin.

BEN
Naka-wheelchair na siya ngayon. Dito na lang
‘yan sa bahay.

32
NENA
E si Senador? Ben, hindi ko alam kung gaano
natin katagal maitatago ‘yan.

BEN
Basta iwasan natin ang tsismis. Pagdating ng
mga anak mo mamaya, pagsabihan mo agad.

Sisimangot si Nena. Itutuloy ang paghuhugas ng pinggan.

23. EXT. BULACAN PROVINCIAL CAPITOL. SAME DAY

Establishing shot.

24. INT. PROVINCIAL ASSESSOR’S OFFICE. SAME DAY

Darating si Emman sa kanyang cubicle. Hindi ito corner office na may


glass wall. Pero enclosed ito kaya may kaunting ilusyon ng privacy.

Naghihintay sa kanya ang isang seksing dalaga, CATHY, 21, isang on-
the-job trainee. Hapit na hapit ang suot na damit at kita ang cleavage.

Very flirtatious si Cathy. Panay ang tapik, hawak at hagod sa braso at


balikat ni Emman.

CATHY
Sir! Buti naman nandito ka na. Akala ko hindi ka
na darating.

Mauupo si Emman sa kanyang silya at ilalapag ang briefcase. Agad


bubuksan ang kanyang desktop computer.

EMMAN
Sorry ha. May konting problema lang sa bahay.

CATHY
Gano’n ba, sir? OK lang. Basta i-credit mo ‘yung
hours ko simula 8:30 ha.

EMMAN

33
Sure! Ano ba ginawa mo habang wala ako?

CATHY
Wala. Nag-Facebook saka nag-selfie… Wala ka
namang ibinilin, sir.

Matatawa si Emman.

EMMAN
Oo nga naman.

Titingin siya paligid. Sinisiguro niyang walang witness sa nangyayari sa


cubicle niya.

CATHY
Gusto mo itimpla kita ng kape?

EMMAN
Huwag na. May ipapa-encode ako sa ‘yong files.

CATHY
No problem, sir. I brought my laptop.

EMMAN
Good girl!

CATHY
Ang bango mo naman, sir. What’s your perfume?

EMMAN
Ha?

Basta na lang ididikit ni Cathy ang kanyang ilong sa leeg ni Emman at


aamuyin ang pabango.

Tiyempong dumating si ANDY, early 50s, ang asawa ni Georgina. Sa


biglang tingin ni Andy, hinahalikan ni Cathy sa leeg si Emman at enjoy
na enjoy naman si Emman.

ANDY
Bayaw!

Magugulat si Cathy at matataranta si Emman. Tatalikod si Cathy.

34
EMMAN
O Andy! Napadaan ka? Maupo ka.

Mauupo si Andy.

ANDY
Busy ka yata, bayaw.

EMMAN
Hindi ah!... Si Cathy nga pala. Intern ko.

ANDY
Hi Cathy!

EMMAN
Cathy! This is First Gentleman Andy Collantes, the
husband of my sister.

Naka-recover agad si Cathy. Aakto siyang parang walang nangyari.

CATHY
Hi, sir! Nice to meet you. Can I get you anything?

ANDY
No thanks!

EMMAN
No, Cathy. Bigyan mo siya ng tubig. Ako rin.
Medyo mainit, ‘no? Pakilakas na rin ng aircon.

CATHY
Sige, sir.

Aalis si Cathy. Ngingiti nang malisyoso si Andy kay Emman.

EMMAN
Kung ano man ang iniisip mo, mali ‘yon. Hindi
gano’n.

Matatawa si Emman.

ANDY

35
Wala naman akong sinasabi. Bakit guilty ka?

EMMAN
O sige na. Nabalitaan mo na ‘yung kay Daddy?

ANDY
Ha? Ano ‘yon?

EMMAN
Ah wala. Si George na lang ang magkukuwento sa
‘yo. O bakit napadaan ka? Ano’ng maipaglilingkod
ko?

Lilinga sa paligid si Andy. Mukha ding guilty. Bubulong siya kay


Emman.

ANDY
May ipapagawa ‘ko sa ‘yo… Kikita tayo dito.

Ngingiti si Emman.

25. INT. NGO OFFICE - FE’S OFFICE. SAME DAY

Si Fe (official name: MARIFE ESTRELLA-HIZON) ang executive


director ng Gabriela Bulacan – Central Luzon Chapter.

Kakatapos lang niyang kausapin ang dalawang bisita – isang


BABAENG YOUTH LEADER at isang MADRE. Magpapaalam na ang
dalawa.

YOUTH LEADER
Sige, Ms. Fe. Aasahan namin ang suporta mo.

FE
Oo naman... Sister, nice to see you again. Kita-
kita na lang ulit sa rally!

MADRE
Yes, of course! Lagi naman e!

Aalis na ang dalawang bisita. Mauupo uli si Fe sa kanyang silya.


Haharap siya sa kanyang computer.

36
May darating na isa pang bisita – si JONEL, 25, NGO worker, makisig,
mukhang pintor o musikero.

Ngingiti sila sa isa’t isa pero matipid ang ngiti at may halong agam-
agam.

26. INT. COFFEE SHOP. SAME DAY

Dito minabuti ni Fe na mag-usap sila ni Jonel.

JONEL
Buti pa ‘tong kape mainit. Ikaw maligamgam ang
pakikitungo mo sa akin these past few weeks.
Akala mo hindi ko napapansin?

Hahawakan ni Fe ang kamay ni Jonel at pipisilin.

FE
Pasensya na, Jonel. Busy lang masyado. Sa bahay
at sa trabaho.

JONEL
Mahigit isang taon kitang niligawan. Palihim
dahil magkaopisina tayo at ayaw mong may
masabi ang mga staff mo. Lumipat ako sa ibang
NGO para wala nang issue.

FE
Sinagot na kita noong March. Official na tayo.

JONEL
Oo. Pinakamasayang birthday ko sa buong buhay
ko. Pero ano? It’s been four months, hanggang
ngayon parang nanliligaw pa rin ako.

FE
I’m sorry. Please, I need you to be more patient
with me.

JONEL
I’m trying very hard. Sana ikaw din.

37
Bubuntung-hininga si Fe.

JONEL (cont’d)
Bago naging tayo, four years ka nang hiwalay sa
asawa mo. Hanggang ngayon ba asiwa ka pa rin
sa age gap natin? Come on, Fe! You’re a feminist
and an activist. You should be proud na tawagin
kang cougar. Own it. Embrace it.

Ngingiti si Fe. Hahawakan niyang muli ang kamay ni Jonel at hahalikan ito.

JONEL (cont’d)
But I need some validation. I’ve met your
daughter. Twice. Pero hindi mo sinabing
boyfriend mo ‘ko. I’ve met some of your friends,
pero hindi mo pa rin ako ipinapakilala sa pamilya
mo. When can I have dinner with your parents?
With your sister, the mayor? Kelan ko kaya
makakainuman ang dakilang senador?

Mawawala ang ngiti ni Fe. Bibitawan niya ang kamay ni Jonel.

JONEL (cont’d)
Ikinakahiya mo ba ako?

Hindi na makakasagot si Fe.

27. EXT. ESTRELLA COMPOUND – GARDEN SOFA. NIGHT

Papasok ng gate si Emman, dala ang briefcase galing trabaho. Good


mood siya (dahil kay Cathy, ang intern niya) kaya pasipol-sipol pa.

Pero matitigilan siya sa makikita. Nasa garden sofa sina Fe, Merly, at
Lara. Umiiyak ang panganay niya at kino-comfort ng asawa niya at ng
bunsong kapatid niya.

Pagdaan niya sa tapat nila, mapapatingin ang tatlo sa kanya.

Titigil si Emman at titingnan sila nang masama. Pakiwari niya ay


pinagkaisahan siya. Naunahan siya ni Lara at nakakuha agad ng mga
kakampi.

38
Iirap siya at lalakad nang mabilis papunta sa bahay niya.

MERLY
Emman!

Hindi niya papansinin ang asawa. Diretso ang pasok niya sa bahay.

28. EXT. FREDO’S HOUSE. NIGHT

Establishing shot.

29. INT. FREDO’S HOUSE – LIVING ROOM. NIGHT

Nakikipaglaro si Fredo sa dalawang anak ni Ben na parehong lalaki –


sina PATRICK, 15, at RICHARD, 12. Tinuturuan ng dalawa ang lolo
nila na maglaro ng isang video game sa isang tablet.

FREDO
O pa’no ba ito?

PATRICK
‘Lo, pindutin mo lang. Touchscreen ‘yan. Taas
baba, taas baba.

FREDO
Ganito?

Matatawa si Richard.

RICHARD
Wow, mali!

Nasa tabi ng bintana si Ramon, kausap sa cellphone ang kanyang asawa.

RAMON
Galit pa ba ang mga anak mo?

INTERCUT WITH:

39
30. INT. ESTRELLA MANSION – MASTER’S BEDROOM. NIGHT

Nakaupo sa gilid ng kama si Sylvia habang nakikipag-usap kay Ramon.


Nakasuot na ng pantulog.

SYLVIA
Sa tingin ko, kumalma din sila matapos kong
pagsabihan.

RAMON
Mabuti naman. Sino pinakamainit? Si Georgina?

SYLVIA
Sino pa ba ang pinaka-nagmana sa ‘yo?

Matatawa si Ramon.

SYLVIA (cont’d)
Pakausap naman kay Fredo.

RAMON
Sige.

Lalapit siya kay Fredo at iaabot ang cellphone.

RAMON
Fredo!... Si Sylvia.

Titigil si Fredo sa pakikipaglaro sa mga apo.

Mula sa second floor, bababa ng tatlong baytang si Ben at tatawagin ang


dalawang anak.

BEN
Patrick! Richard! Akyat na. Matulog na kayo.

PATRICK/RICHARD
Good night, Lolo Fredo. Good night, Lolo
Ramon.

Ngingiti si Fredo sa dalawang bata bago kausapin si Sylvia.

RAMON

40
Good night, mga iho.

Mabilis na aakyat sina Patrick at Richard sa hagdan kung saan


sasalubungin sila ni Ben.

Marahang itutulak ni Ramon ang wheelchair ni Fredo papunta sa may


bintana. Ngingiti si Fredo sa paglapat ng telepono sa kanyang tenga.

FREDO
Sylvia, my dear!

SYLVIA (V.O.)
My darling, Fredo! Kumusta ka na?

FREDO
Eto, still alive but barely breathing. It won’t be
long.

SYLVIA (V.O.)
Huwag ka ngang magsalita ng ganyan.

FREDO
Don’t worry, my dear. I’m ready. Mentally,
emotionally, spiritually. Kahit ano pa ang sabihin
ng mga tao, I’ve lived a full life. I have no regrets.

SYLVIA (V.O.)
That’s good to hear.

Habang kausap ni Fredo si Sylvia, nakatanaw si Ramon sa labas ng


bintana – sa bilog na buwan na nagbibigay-liwanag sa mga puno at
halaman sa tapat ng bahay.

FREDO
And thank you for letting Ramon stay with me.

SYLVIA (V.O.)
You’re welcome. Papasyal ako diyan bukas.

FREDO
Sige. Hihintayin ka namin ni Ramon.

SYLVIA (V.O.)

41
Good night!

FREDO
Good night.

Ibababa na ni Fredo ang cellphone. Mapapansin niya na nakatingin sa labas


ng bintana si Ramon.

Nagbabalik-tanaw si Ramon sa kanilang kabataan. Close-up kay Ramon.

BEGIN MONTAGE

31. EXT. FREDO’S HOUSE – FRONT YARD, LATE 1945. NIGHT

Flashback.

May dalawang batang lalaki na naglalaro ng Jack ‘n’ Poy sa liwanag ng


buwan – sina Fredo at Ramon sa edad na 11.

Maganda ang bihis ni LITTLE FREDO samantalang luma ang damit ni


LITTLE RAMON. Mga apat na metro ang layo nila sa isa’t isa.

LITTLE FREDO/LITTLE RAMON


Jack ‘n’ Poy! Hali-hali hoy! Sino’ng matalo siyang
unggoy!

Bato ang anyo ng kamay ni Ramon. Gunting ang kay Fredo. Matutuwa si
Ramon.

LITTLE RAMON
Unggoy ka!

Hahakbang siya ng isang piye palapit kay Fredo habang tatawa-tawa.

LITTLE FREDO
Hindi yata.

Magtutunggali muli ang kanilang mga kamay.

LITTLE FREDO/LITTLE RAMON


Jack ‘n’ Poy! Hali-hali hoy! Sino’ng matalo..

42
Biglang lalabas sa main house ang Papa ni Fredo. Nakasuot ng silk robe
at may tabako sa bibig.

PAPA NI FREDO
Alfredo, uwi na! Tama na ‘yan. Hindi porke tapos
na ang giyera, puwede na kayong maglaro
hanggang hatinggabi!

Agad na magpapaalam si Little Fredo kay Little Ramon. Tatakbo


papasok ng main house si Little Fredo. Papasok na rin ang Papa niya.

NANAY NI RAMON (O.S.)


Ramon, anak!

Titingin si Ramon sa maliit na bahay sa gilid ng main house.


Naghihintay sa may pintuan ang kanyang NANAY AT TATAY – mga
katiwala ng Papa ni Fredo.

Maglalakad siya nang dahan-dahan papunta sa kanila.

32. EXT. STREET IN MANILA, CIRCA 1955. DAY

Continue flashback.

Bagong luwas sa Maynila sina YOUNG FREDO at YOUNG RAMON –


parehong 20 anyos. Mas maganda pa rin ang bihis ni Fredo kay Ramon,
na mukhang inosenteng probinsyano.

Isang malaking maleta ang dala ni Fredo habang isang tampipi ang kay
Ramon.

Naglalakad sila habang nakatingin si Fredo sa maliit na piraso ng papel


kung saan nakasulat ang address ng dormitoryo na tutuluyan nila.

Makikita nila ang dormitoryo.

33. INT. DORMITORY - ROOM . DAY

Continue flashback.

43
Sina Young Fredo at Young Ramon lang ang tenants kahit dalawang
double-deck beds ang nasa kuwarto. Pupuwesto sila sa kani-kanilang
mga kama – ‘yung parehong nasa ibaba.

Bubuksan ni Fredo ang kanyang maleta. Marami siyang dalang damit.


Ang iba ay ibibigay niya kay Ramon kasama ang isang pares ng sapatos.

Matutuwa si Ramon.

34. INT. DORMITORY - ROOM . DAY

Continue flashback.

Nag-aaral ng kanyang lessons si Young Fredo sa maliit na mesa sa tabi


ng bintana.

Papasok sa kuwarto si Young Ramon. Bagong ligo galing sa common


bathroom sa labas, hubad, nakatapis lang ng tuwalya.

Ipagpapatuloy ni Fredo ang pag-aaral habang nagbibihis sa likod niya si


Ramon. Nararamdaman niya si Ramon pero hindi niya nakikita.
Mapapalunok siya at mapapabuntung-hininga.

Tapos ay magugulat na lang siya dahil tatabihan siya ni Ramon –


nakasuot na ng karsunsilyo at sandong puti.

May hawak na notebook at libro si Ramon, gustong magpaturo kay


Fredo. Itatabi ni Fredo ang kanyang aralin para turuan si Ramon.

Matiyagang makikinig si Ramon sa mga turo ni Fredo.

Maya-maya, aakbayan ni Ramon si Fredo. Tapos ay hahalikan sa pisngi.

Magba-blush si Fredo.

35. INT. FREDO’S HOUSE - BEDROOM . NIGHT

Back to present day.

Natutulog na sa kama si Fredo. Kukumutan siya ni Ramon.

44
Hihiga si Ramon sa tabi ni Fredo. Susukob siya sa kumot. Haharap siya
sa nahihimbing na kaibigan at hahalikan niya ito sa pisngi.

Tapos ay pipikit na rin siya na nakangiti.

END
MONTAGE

36. EXT. FREDO’S HOUSE – FRONT YARD. DAY

Maganda ang sikat ng araw kinaumagahan.

Bubukas ang pinto ng main house at lalabas ang naka-wheelchair na si


Fredo, tulak-tulak ni Ramon. Pareho silang naka-sumbrero at
sunglasses.

Tuloy-tuloy sila sa malawak na bakuran. Itutulak ni Ramon ang


wheelchair ni Fredo na paikot, tungo sa direksyon na malaking bilog.

Tuwang-tuwa ang dalawang matanda. Parang mga batang naglalaro.

Lalabas si Ben sa may pintuan ng kanyang shop, humihigop ng kape.


Maibubuga niya ang kape pagkakita kina Ramon at Fredo.

Ibibigay niya ang tasa kay Nena at agad siyang tatakbo papunta sa
dalawang matanda.

BEN
Senador! Tiyo Fredo!

RAMON
O good morning, Ben!

BEN
Bakit po kayo nandito sa labas?

Lilinga sa paligid si Ben.

FREDO
At bakit naman hindi? Ben, hindi mo ba alam na
mabuti sa kalusugan ang sikat ng araw sa umaga?

45
Hindi makakasagot si Ben.

RAMON
Paaarawan ko lang ng kaunti ang tiyo mo. Hindi
kami magtatagal.

BEN
Sige po.

Babalik na si Ben sa kanyang shop.

Itutulak ni Ramon ang wheelchair ni Fredo sa tabi ng isang bench.


Mauupo siya sa bench para magkatabi sila ni Fredo. Magho-holding
hands sila.

Maya-maya, naidlip na si Fredo pero hawak pa rin ni Ramon ang kamay


niya. Naglalaro si Ramon ng isang word game sa kanyang cellphone
gamit ang kabilang kamay.

Bubukas ang pinto ng gate at papasok ang DALAWANG BINATILYO


na kakatapos lang maglaro ng basketball.

Pareho silang pawisan at ang isa – ‘yung may kipkip na bola ng


basketball sa kili-kili – ay nakahubad at nakasampay ang jersey sa
balikat.

Lalakad sila papunta sa shop ni Ben pero mapapansin nila sina Ramon
at Fredo. Makikita nila na magka-holding hands ang dalawang matanda.

Magbubulungan sila at tatawa. Magigising si Fredo at mapapansin agad


ang dalawang binatilyo. Pandidilatan niya ang mga ito saka
bubulyawan.

FREDO
Hoy! Anong itinitingin-tingin n’yo diyan?!

Masisindak ang dalawang binatilyo. Kakaripas ng takbo palabas ng gate.

Matatawa si Ramon sa inasal ni Fredo. Biglang susuka si Fredo. Susuka


siya nang susuka. May kasamang dugo ang suka.

Matataranta si Ramon. Tatawagin si Ben.

46
RAMON
Ben! Ben!

37. INT. FREDO’S HOME - BEDROOM . SAME DAY

Pinapanood ni Ramon ang lalaking NURSE, late 20s, habang


kinukuhanan nito ng blood pressure si Fredo.

May thermometer din na nakaipit sa kili-kili ni Fredo, na nakaupo sa


wheelchair katabi ng kama.

Medyo guwapo ang nurse at maganda ang pangangatawan.

NURSE
Nag-stabilize na po ang presyon n’yo.

Kukunin ng nurse ang thermometer at babasahin.

NURSE (cont’d)
Normal naman ang body temperature.

FREDO
So iho, ibig sabihin hindi pa ‘ko mamamatay?

Matatawa ang nurse kahit deadpan lang ang mukha ni Fredo.

NURSE
Palabiro po pala kayo.

FREDO
Hindi. Inaaliw ko lang ang sarili ko dahil wala
akong choice.

Matitigilan ang nurse. Hindi niya maintindihan kung tinatarayan siya ni


Fredo o pinag-tritripan.

NURSE
Sir, muntik na po kayo ma-heat stroke. Huwag po
kayo masyado magbibilad sa araw.

RAMON
Nurse, ako ang may kasalanan. Hinayaan ko

47
siyang matulog.

Ngingiti ang nurse kay Ramon. Ngiti na parang kinikilig.

NURSE
Sige po. Next time, Senator.

RAMON
Hayaan mo. Sa gabi na lang kami magsa-
sunbathing.

Hahagikgik ang nurse. Lalo pang kikiligin. Pipilantik ang mga daliri.
Hayag na ang kabaklaan.

NURSE
Senator…May sasabihin po ako. Huwag po sana
kayong magagalit.

RAMON
Ano ‘yon?

NURSE
Kanina, pagbaba ko po ng tricycle diyan sa tapat,
may mga narinig akong kapitbahay na pinag-
tsitsismisan kayo.
.
Sasabat si Fredo. Galit ang tono.

FREDO
At ano’ng sinasatsat ng mga dalahira?

Saglit na matitigilan ang nurse. Mahihiya ng konti.

NURSE
Eh… ano raw po… mag-sweetheart daw po
kayong dalawa.

FREDO
Ganoon ba? Hayaan mo sila. Mamatay sila sa
inggit.

NURSE
Kung totoo po, gusto ko pong sabihin sa inyo na

48
full support po ako sa tambalan ninyo.

RAMON
Buti ka pa. Ang mga anak ko hindi nila matanggap.

Malulungkot si Ramon.

Matatahimik ang nurse. Magliligpit na siya ng gamit. Magpapaalam na


siya kay Fredo.

NURSE
Sige po, Sir. Bukas ulit.

Tatango si Fredo.

FREDO
Kung aabutan mo pa ‘kong buhay.

Iismid ang nurse.

NURSE
Si Sir naman e!

38. INT. FREDO’S HOUSE – LIVING ROOM. SAME DAY.


CONTINUOUS

Lalabas ng kuwarto sina Ramon at ang nurse. Magugulat si Ramon sa


makikita.

Magkatulong sina Ben at Nena sa pagkakabit ng makapal at dark brown


na kurtina sa bintana – kapalit ng manipis na puting kurtina.

Aburido agad si Ramon.

RAMON
Ben, Nena! Ano ‘yan?

Mahihirapang sumagot si Ben. Titingin muna siya kay Nena.

BEN
Ano po kasi… Para raw hindi kayo masyado
maarawan ni Tiyo Fredo.

49
Magagalit si Ramon.

RAMON
Para hindi na kami masikatan ng araw, ganoon
ba? Para hindi kami masilip ng mga tao?

Hindi iimik si Ben.

RAMON (cont’d)
At sino’ng nag-utos sa ‘yo?

Kakamot sa ulo si Ben.

Lumabas na rin ng kuwarto si Fredo dahil narinig niya ang mga boses
nila Ramon at Ben. Tatabi ang nurse para makaraan siya.

BEN
Si Mayor po.

Si Fredo naman ang sisiklab.

FREDO
Ano? Si Georgina ba ang may-ari ng bahay na ito?
Ibaba n’yo ‘yan! Ibalik n’yo sa dati!

Mapapahiya sina Ben at Nena.

39. EXT. APARTMENT ROW. SAME DAY

Nasa gate ng isa sa apat na magkakatabing apartments si Nena, kausap


ang isang tenant – si ALING BABY, late 40s.

Mag-aabot ng pitong P1,000 bills si Aling Baby kay Nena at bibilangin


ito ni Nena. Saka ibubulsa.

ALING BABY
Huy, Nena. Kumusta na si Mang Fredo?

NENA
Medyo masungit pa rin. Pero mahina na talaga.
Naghihintay na lang.

50
ALING BABY
E di ‘pag nawala na siya, sa inyo na ni Ben itong
mga apartment?

NENA
Sana nga, Aling Baby.

ALING BABY
Saka ‘yung bahay at lupa?

NENA
Ewan ko. Hindi kami nakakasigurado.

ALING BABY
At bakit? Wala namang ibang tagapagmana
kundi si Ben, di ba?

NENA
Eh kasi… Mahirap na lang magsalita.

ALING BABY
Ano?

NENA
Baka kay Senador Estrella mapunta.

ALING BABY
Ha? Eh ang yaman-yaman na nun, ‘no?

NENA
Naku, kung alam mo lang ang buong kuwento!

ALING BABY
Ano nga?

ALING BABY
Basta! Eto kasing asawa ko masyadong mabait.
Sabi ko magpagawa na ng kasulatan at
papirmahin na niya si Tiyo Fredo.

ALING BABY
Aba, dalian n’yo! Anumang oras baka matigok

51
ang matanda.

Lalapit sa kanila ang isang matabang babae mula sa katabing apartment – si


ISANG, early 30s.

ISANG
Huy, Aling Nena. Totoo ba ‘yung tsismis?

NENA
Anong tsismis?

ISANG
‘Wag kang magagalit ha?

ALING BABY
Ano na namang pasabog ‘yan, Isang? Nagbayad ka
na ba ng renta?

ISANG
Oo, last week pa. Advanced ako magbayad, ‘no?

ALING BABY
Yabang naman!

ISANG
Nena, totoo bang mag-jowa ang Tiyo Fredo mo
at si Senador Estrella?

ALING BABY
Ha?! Putek! Anong kabaliwan ‘yan, Isang? Hindi
ko ‘yan kaya!

NENA
Bakit? Ano’ng narinig mo?

ISANG
Nagli-live in daw ang dalawang hukluban, totoo
ba?... May nakakita raw sa kanila na magka-
holding hands habang nagpapaaraw sa bakuran
n’yo. Tapos nag-lips to lips raw?

ALING BABY
Diyos ko, Lord!

52
Sisimangot si Nena at magkikibit-balikat.

40. INT. MALOLOS CITY HALL – MAYOR’S OFFICE. SAME DAY

Nakaupo sa likod ng kanyang mesa si Georgina, nagbabasa ng mga


importanteng dokumento.

Biglang magba-vibrate ang kanyang cellphone na nakapatong sa mesa.


Titingnan niya ang caller ID. Ang asawa niyang si Andy ang tumatawag.
Sasagutin niya agad.

GEORGINA
Hello, Andy!

INTERCUT WITH:

41. EXT. CATHOLIC HIGH SCHOOL - PARKING LOT. SAME DAY

Tumatawid si Andy ng parking lot papunta sa entrance ng eskwelahan


habang kausap si George sa cellphone.

ANDY
Hello, George! This is urgent.

GEORGINA
Ha? Bakit?

ANDY
Nandito ako ngayon sa school ni Rufus. Nasa
principal’s office ang anak natin.

GEORGINA
Ano? Ano’ng nangyari?

ANDY
Pumunta ka na lang dito. Bilisan mo. Hindi ko
kayang harapin ‘to nang mag-isa.

Tatayo agad si Georgina, kabado.

53
42. EXT. CATHOLIC HIGH SCHOOL - PRINCIPAL’S OFFICE. SAME
DAY

Nagmamadaling papasok si Georgina.

Maabutan niyang nag-uusap sa round table ang principal na si MRS.


MAGNAYE, si Andy, ang anak nilang si RUFUS, 17, at si MR. LIM,
ama ng isang kaklase ni Rufus.

Luhaan si Rufus at nakatungo, halatang may malaking kasalanang


ginawa. May benda siya sa kanang kamao.

GEORGINA
Good afternoon!

MRS. MAGNAYE
Good afternoon, Mayor!

GEORGINA
Ano po’ng nangyari, Ma’am?

MRS. MAGNAYE
Well, your son got into a fight with a classmate.

MR. LIM
Excuse me, it wasn’t a fight. Hindi gumanti ang
anak ko.

ANDY
Well, Mr. Lim, your son started it.

MR. LIM
Mr. Estrella…

ANDY
Collantes! Collantes ang apelyido ko. Collantes
ang apelyido ni Rufus!

MR. LIM
Whatever.

Nagkakapikunan na ang dalawang ama.

54
MRS. MAGNAYE
Gentlemen, please calm down!

MR. LIM
May itinanong lang ang anak ko kay
Rufus na something about his lolo, the former
senator. And then basta na lang pinagsusuntok
nitong si Rufus. And now my poor son is in
hospital with a busted nose and upper lip. Ang
daming dugo! Ewan ko lang kung ilang stitches
ang kailangan. I should press charges, but why
bother? Ano’ng laban namin sa pamilya n’yo?

Haharap si Mr. Lim kay Georgina.

MR. LIM (cont’d)


Mawalang-galang na po, Mayor. Bayolente po
itong anak ninyo. Kanino po siya nagmana?

Magtitinginan sina Georgina at Andy. Pareho silang dismayado.

43. EXT. GEORGINA’S HOUSE. SAME DAY

Establishing shot. Marangya ang tahanan ni Georgina. Hindi kasing-laki


ng mansion ng kanyang mga magulang pero mas kaaya-aya dahil sa
Asian modern design nito.

44. EXT. GEORGINA’S HOUSE. SAME DAY

Bubukas ang pinto at papasok sina Georgina, Andy, at Rufus.


Nagpupuyos si Georgina sa galit sa anak.

Nakaupo sa sala si Bessie, 16, younger sister ni Rufus. Kagagaling lang


din niya sa school at suot pa ang P.E. uniform.

GEORGINA
Nakakahiya ka, Rufus! Kelan ka pa naging
basagulero? Ha?!

RUFUS

55
But I already told you, Mommy! I just defended
Lolo’s honor. Sabi ba naman ni Erwin bakla daw
si Lolo at mag-boyfriend sila ni Lolo Fredo!
Siyempre, sinapak ko siya. Tarantado pala siya e!

GEORGINA
Rufus! Tama na. Pasalamat ka ako ang ina mo.
Kung hindi, automatic expelled ka na.

RUFUS
They can’t expel me! I’m a consistent honor
student. This is the first time I got in trouble in
school.

GEORGINA
Don’t get smart with me, young man! Suspended
ka ng one week kaya grounded ka rin ng one
week. Now, go to your room!

Magdadabog si Rufus at tatakbo paakyat sa kuwarto niya.

Hihinga ng malalim si Georgina. Hihimasin ni Andy ang balikat at likod


niya para pakalmahin siya.

Lalapit sa kanila si Bessie, hawak ang cellphone.

BESSIE
Mom, Dad… Usap-usapan din si Lolo sa school
namin kanina. I even heard it from my teachers.
Is it true that he’s gay?

Hindi makakasagot sina Georgina at Andy.

BESSIE (cont’d)
Look! Somebody made a meme on Facebook.

Ipapakita ni Bessie sa kanila ang screen ng kanyang cellphone.

Close-up sa isang Facebook post na mukhang campaign poster. Isang


head shot ni Ramon na inedit at nilagyan ng makulay na make-up.

Ang pangalan sa ilalim ay inedit din. Sa halip na Ramoncito Estrella,


ang nakasulat ay RAMONCITA ESTARIRAY.

56
Kukulo na naman ang dugo ni Georgina.

45. EXT. STREET OUTSIDE FREDO’S HOUSE . SAME DAY

Darating ang SUV ni Fredo at paparada sa tapat ng gate.

May isang lalake at isang babae – mukhang mag-asawa – na mag-


uusyoso. Makikita nilang bababa ng sasakyan si Sylvia. Ganoon din
ang driver at maid.

BABAE
Oy, tingnan mo. Di ba ‘yan ang asawa ni Senador
Estrella?

LALAKE
Oo nga! Naku gegerahin na ata ‘yung dalawang
matandang bakla.

BABAE
Aba, dapat lang. Kung sa akin mo gawin ‘yan,
susugurin ko din kayo ng lalake mo!

Magugulat ang dalawa sa susunod na makikita. May hawak na malaking


kahon ng Ensaymada Malolos ang maid.

Ang driver naman may buhat na isang malaking bungkos ng mga


sariwang bulaklak.

Papasok sila Sylvia, ang driver, at ang maid sa pinto ng gate na bukas
naman lagi para sa mga customer ni Ben.

46. INT. FREDO’S HOUSE – LIVING ROOM. SAME DAY

Nakasimangot si Nena pagkahatid niya ng tatlong tasa ng kape sa isang


tray.

NENA
Eto na po ang kape.

RAMON

57
Salamat, Nena.

Ibababa ni Nena ang tray sa mesita. Mabilis siyang aalis.

Susubuan ni Ramon si Fredo ng isang piraso ng ensaymadang dala ni


Sylvia. Masayang ngunguya si Fredo.

Bubulong si Ramon.

RAMON
` Hindi talaga nakakalimutan ng asawa ko ang
paborito mo.

FREDO
At tingnan mo, biglang umaliwalas ang mundo
natin dahil sa kanya.

RAMON
Just like old times.

Bigla ngang gumanda ang buong living room dahil sa mga bulaklak na
dala ni Sylvia.

Pinapanood nila si Sylvia na kasalukuyang nagmamando sa maid at


driver sa pagde-decorate gamit ang mga bulaklak.

Lalapit sa kanila si Sylvia.

SYLVIA
Ramon…

RAMON
Mahal?

SYLVIA
Fredo…

FREDO
Yes, my dear?

SYLVIA
Naaalala n’yo pa ba ‘yung araw na inabangan n’yo
akong dalawa sa labas ng UST?

58
Mapapangiti si Ramon.

RAMON
Nakakahiya. Huwag na nating sariwain.

SYLVIA
At bakit hindi? ‘Yun ang una nating pagkikita.
Nating dalawa. Magkakilala na kami ni Fredo
noon.

FREDO
Oo. Dahil kaibigan mo ang isa kong kaklase at
ipinakilala ka niya sa akin isang tanghali sa
Escolta. Sino na nga ‘yun?

SYLVIA
Si Emer. Emerenciana Resurreccion!

FREDO
Oo. At mahigit isang oras tayong nag-usap. Parang
matagal na tayong magkakilala!

SYLVIA
Naguwapuhan ako sa ‘yo. Kaya nang makita
kita sa bangketa ng España na may dalang
maraming bulaklak, kinilig ako. Akala ko
liligawan mo na ‘ko.

RAMON
‘Yun pala galing sa akin. Nahiya lang ako
mag-abot. Nagtago pa ako sa likod ng poste ng
kuryente.

FREDO
At noong tinawag na kita para ipakilala sa kanya…

RAMON
Nadulas ako sa balat ng saging. Plakda ang puwet
ko sa semento! Sa sobrang hiya ko, gusto kong
kumaripas ng takbo pabalik ng dormitoryo!

Magtatawanan silang tatlo.

59
Maya-maya, makakaramdam ng matinding sakit si Fredo sa kanyang
tagiliran. Dadaing siya. Hahawakan siya ni Ramon.

Kakabahan si Sylvia.

47. INT. ESTRELLA MANSION – LIVING ROOM. NIGHT

Pag-uwi ni Sylvia galing sa pagbisita kina Ramon at Fredo, nag-aabang


sa kanya si Fe sa sala kasama ang anak nitong si Glenda.

Magmamano si Glenda kay Sylvia.

FE
Sige na, anak. Doon ka na sa kuwarto. Mag-uusap
lang kami ni Lola.

Aalis si Glenda.

FE
Kumusta si Papa?

SYLVIA
Mabuti naman siya. Si Fredo ang hindi.

Maluluha si Sylvia. Yayakapin siya ni Fe.

SYLVIA (cont’d)
Nahihirapan na ang ninong mo. Napaka-cruel
talaga ng cancer!

FE
Ma, puwede ko ba silang dalawin?

SYLVIA
Kung kaya mong tiisin ang hitsura ni Fredo, bakit
naman hindi? Matutuwa silang dalawa.

FE
Tanggap ko na sila. Kung ano man sila.

SYLVIA

60
Mabuti ka pa. Dalawang araw lang na-process
mo na agad. Ako dalawang dekada. Tatlo pa
yata.

FE
Talaga, Ma?

SYLVIA
Oo, bunso. Mahal ko si Fredo bilang kaibigan.
Pero babae pa rin ako.

FE
Well, tumutol ako kahapon dahil nga concerned
ako sa ‘yo. Inisip ko na malaking sampal sa ‘yo
ang ginawa ni Papa.

SYLVIA
Napakahaba na ng pinagsamahan namin ng Papa
mo. At bawat araw ng mga taon na ‘yon, mula pa
sa unang araw, kasama si Fredo. Kasama namin.
Kasama ng pamilya natin. Isa siyang haligi ng
tahanang ito.

Mamasdan ni Fe ang mga family pictures na naka-display sa paligid ng


living room. Marami sa mga larawan ay kasama si Fredo.

SYLVIA (cont’d)
Alam mo bang ang pamilya ng Ninong mo ang nag-
paaral sa Papa mo mula elementary hanggang law
school?

FE
Akala ko scholar si Papa.

SYLVIA
Scholar siya ng Papa ni Fredo.

FE
Sabi dati si Kuya Emman, ito raw lupa natin
ay dating pagmamay-ari ng pamilya ni Ninong.
Nakita niya raw sa records ng Assessor’s Office.
Totoo ba?

61
SYLVIA
Totoo. Noong early ‘60s, namatay ang papa ni
Fredo kaya tumigil siya sa pagtuturo sa isang high
school sa Maynila at umuwi na ng Malolos. Kasal
na kami ng Papa mo noon pero wala pa kaming
anak. Nagdesisyon kami na dito na rin tumira at
magsimula ng pamilya.

FE
At itong lupa, binili ni Papa kay Ninong?

SYLVIA
Anong binili? Iniregalo sa amin ni Fredo.

Mapapanganga na lang si Fe sa pagkamangha.

SYLVIA (cont’d)
Ikaw, si Georgina at si Emman. Marami kayong
hindi alam.

Close-up kay Sylvia. Magbabalik-tanaw siya.

BEGIN
FLASHBACK

48. EXT BARASOAIN CHURCH, CIRCA LATE 1950S. DAY

Maririnig ang masigabong tunog ng kampana.

Lalabas ng pinto ng simbahan ang bagong kasal na sina YOUNG


SYLVIA at Young Ramon, parehong late 20s.

Sasabuyan sila ng mga bigas ng mga abay sa pangunguna ng best man


na si Young Fredo.

SYLVIA (V.O.)
Noong ikinasal kami ng Papa mo, hindi lang
basta best man si Fredo. Daig pa niya ang mga
ninong at ninang dahil kahati namin siya sa lahat
ng gastos.

YOUNG FREDO

62
Mabuhay ang bagong kasal!

OTHERS
Mabuhay!

Masayang-masaya si Fredo.

49. EXT./INT. HIGH SCHOOL CLASSROOM. DAY

Flashback continues.

Circa mid-1960s. Sa Marcelo H. del Pilar High School.

Nagtuturo ng English si Young Fredo, early 30s, sa kanyang mga


estudyante. Nakasulat sa blackboard in big bold letters ang mga salitang
“CONJUNCTIVE ADVERBS.”

Sa ilalim nito ay ang mga examples tulad ng: also, however, therefore,
likewise, furthermore, meanwhile, nonetheless, hence.

YOUNG FREDO
What is a conjunctive adverb? It’s an adverb that
connects two clauses. These two clauses are
usually complete sentences.

Sa hallway sa labas, pinapanood siya ni Young Ramon, early 30s.

Mapapansin ni Fredo si Ramon.

WIPE
TO:

Sa ibang classroom, kumukumpas si YOUNG SYLVIA, early 30s,


habang tinuruan niya ang mga estudyante niya na umawit ng isang
kundiman, ang “Bituing Marikit.”

YOUNG SYLVIA/STUDENTS
Bituing marikit sa gabi ng buhay./ Ang bawat
kislap mo’y ligaya ang taglay.

63
Sa hallway sa labas, pinapanood siya nina YOUNG FREDO at YOUNG
RAMON. Abot-tenga ang ngiti ng dalawa.

Mapapansin sila ni Sylvia.

50. INT. SCHOOL CAFETERIA. SAME DAY

Flashback continues.

Nagme-meryenda sila Young Sylvia, Young Fredo at Young Ramon.


Babatiiin ng mga estudyanteng dumadaaan sina Sylvia at Fredo.

YOUNG FREDO
May magandang balita sa ‘yo si Ramon.

YOUNG SYLVIA
Ano ‘yon?

Hahawakan ni Ramon ang kamay ni Sylvia.

YOUNG RAMON
Mahal, galing ako sa meeting ng Jaycees.
Kinukumbinsi nila akong tumakbo bilang bise
alkalde.

YOUNG SYLVIA
Ganoon ba? Gusto mo ba talagang pumasok
sa pulitika?

YOUNG RAMON
Pinag-iisipan ko nang seryoso.

YOUNG FREDO
Huwag mo nang pag-isipan. Alam kong pangarap
mo ‘yan.

YOUNG SYLVIA
Pero Ramon, kakatapos lang natin magpagawa
ng bahay. Ano’ng gagastusin mo sa kampanya?

YOUNG RAMON
‘Yan na nga ang ikinakatakot ko.

64
YOUNG FREDO
Hindi problema ‘yan. Gagawan natin ng paraan.

Mapapangiti si Ramon. Pero hindi si Sylvia.

SYLVIA
Naku, Fredo. Kung maglalabas ka ng pera, huwag
na lang. Malaki na ang utang na loob namin sa ‘yo.

YOUNG FREDO
Wala ‘yon, my dear. Ako’ng bahala.

Magkikibit-balikat na lang si Sylvia. Ngingiti si Ramon at tatapikin sa


balikat si Fredo.

MS. ARBOLEDA (O.S.)


Ramoncito?

Lilingon si Ramon at makikilala ang isang dating guro niya, si MS.


ARBOLEDA, early 50s. Masayang masaya ito na makita si Ramon.

YOUNG RAMON
Ms. Arboleda! Magandang araw po!

Tatayo si Ramon at ngingiti.

MS. ARBOLEDA
Kumusta ka na?

Mapapangiti na lang sina Sylvia at Fredo habang ipinapakilala ni Mrs.


Arboleda si Ramon sa mga co-teachers niya at mga estudyante. Kitang-
kita ang charisma ni Ramon na parang nangangampanya na.

51. INT. ESTRELLA MANSION, 1969. NIGHT

Flashback continues.

Nakikinig ng radyo si YOUNG SYLVIA, late 30s, habang hinehele ang


natutulog na sanggol na si BABY GEORGINA, 1.

Sa tabi niya, naglalaro ng yoyo si LITTLE EMMAN, 10.

65
RADIO ANNOUNCER (V.O.)
Wala pang bente porsyento ng mga balota ang
nabibilang mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa
matapos ang pambansang halalan kahapon. Pero
lumilitaw na malaki ang kalamangan ni
Pangulong Ferdinand Marcos laban sa kanyang
pangunahing katunggali – si Senador Sergio
Osmeña, Jr. ng Partido Liberal…

Biglang darating si Young Fredo, late 30s, humihingal pero nakangiti.

YOUNG FREDO
Sylvia! Sylvia!

SYLVIA
O Fredo. Anong balita?

Magmamano si Emman kay Fredo.

EMMAN
Mano po, Ninong.

Ngingiti si Fredo at hihimasin ang buhok ni Emman. Saka sasagutin si


Sylvia.

YOUNG FREDO
Kakagaling ko lang sa kapitolyo. Tapos na ang
bilangan para sa mayor at vice mayor ng
Malolos. Nanalo si Ramon!

SYLVIA
Talaga?!

FREDO
Oo! Nanalo si Ramon! Nanalo tayo! Sylvia,
nanalo tayo!

Magbubunyi sina Fredo at Sylvia. Magtatatalon sa tuwa si Emman.

EMMA
Yehey! Panalo si Papa! Yipee!

66
Magigising sa ingay ang sanggol na si Georgina. Papalahaw ng iyak.
Matatawa sina Fredo at Sylvia.

SYLVIA
Naku, tahan na, Georgina! Vice mayor na ang
Papa mo!

Biglang darating si Young Ramon, late 30s. May mga kasama siyang
supporters. Abot-tenga ang ngiti niya at nagbubunyi rin ang mga kasama
niya.

RAMON
Aba, aba! May nauna na palang naghatid ng
balita.

Tatawa si Young Fredo at sasalubungin ng yakap si Young Ramon.

YOUNG FREDO
Akala ko mamaya ka pa uuwi e! Congratulations
again!

YOUNG RAMON
Maraming salamat! May utang na naman ako sa ‘yo.

Pinapanood sila ni Sylvia na buhat-buhat pa rin ang sanggol na si


Georgina.

52. INT. ESTRELLA MANSION, 1969. SAME NIGHT. LATER

Flashback continues.

Dumami na ang mga tao sa bahay na nagse-celebrate ng panalo ni Emman.


Nagkakainan at nag-iinuman. Nagkukuwentuhan, nagtatawanan.

Iaabot ni Young Sylvia sa isang maid si Baby Georgina. Lilinga siya,


hinahanap si Young Ramon. Hindi niya makita.

Makikita niya si Little Emman, tinuturuan sumayaw ng cha cha ng isang


dalagang supporter ni Ramon. Mapapangiti si Sylvia.

Patuloy siya sa paghahanap kay Ramon. Papasok siya sa isang kuwarto at


maaabutan niyang naghahalikan sina Young Ramon at Young Fredo.

67
Mapapanganga si Young Sylvia sa pagkabigla. Maluluha siya. Pero hindi siya
magsasalita. Tatakpan niya ang bibig niya.

Hindi siya napansin nina Young Ramon at Young Fredo na patuloy pa rin ang
halikan. Tahimik siyang lalabas at dahan-dahang isasara ang pinto.

END FLASHBACK

53. INT. ESTRELLA MANSION – LIVING ROOM. NIGHT

Back to present day.

Balik sa pag-uusap nina Sylvia at Fe. Mahigpit ang hawak ni Fe sa mga


kamay ng kanyang ina.

FE
Hindi mo sila sinita?

SYLVIA
Hindi ko kinaya ang eksenang naabutan ko.
Hindi ko rin alam kung alam nilang nahuli ko
sila.

FE
Did you ever conftont Daddy?

SYLVIA
Hindi. Natakot ako dahil baka sabihin niya mas
mahal niya si Fredo kaysa sa akin...

54. INT. ESTRELLA COMPOUND, CIRCA 1974. DAY

Flashback resumes.

Sa isang sulok ng hardin, habang nagpa-party ang maraming bisita, na-


corner ni Young Sylvia, early 40s, si Young Fredo, early 40s. Lasing na
lasing si Sylvia.

SYLVIA (V.O.)
Pero nung 10th wedding anniversary namin ng

68
Papa mo, nalasing ako nang sobra at hinarap
ko si Fredo.

YOUNG SYLVIA
Alam mo, matagal ko nang alam.

YOUNG FREDO
Ang alin, my dear?

YOUNG SYLVIA
My dear, my dear! Hindi ako bulag. Hindi ako pipi.
Hindi ako bingi! Higit sa lahat, Fredo, hindi ako
tanga! Alam kong may relasyon kayo ni Ramon.

Matitigilan si Fredo. Lilinga sa paligid. Kabado.

YOUNG FREDO
Huwag kang mag-eeskandalo, Sylvia.

Tatawa si Sylvia, pero tawang pilit at walang ligaya.

YOUNG SYLVIA
Huwag kang mag-aalala. Hindi ko gagawin ‘yon.
Gusto ko lang aminin mo sa akin ang totoo.

Maluluha si Fredo.

YOUNG FREDO
Patawarin mo ako, Sylvia. Oo, mahal ko si
Ramon. Simula pa sa pagkabata minahal ko na
siya. Pero huwag kang mag-alala. Alam ko ang
lugar ko. Alam kong mali at alam kong bawal.
Alam kong hindi ko dapat ipaglaban. Ang mga
minamahal at iniingatan ni Ramon ay minamahal
at iniingatan ko rin.

YOUNG SYLVIA
Salamat.

Parehong luhaan, yayakapin nila ang isa’t isa.

55. INT. ESTRELLA MANSION – LIVING ROOM. NIGHT

69
Back to present day.

Balik kina Sylvia at Fe. Magyayakapan ang mag-ina.

GEORGINA (O.S.)
Ma, kailangan ko rin niyan sa mga oras na ‘to.

Magugulat sina Sylvia at Fe. Nasa harap pala nila si Georgina.

SYLVIA
Georgina, anak! Ano’ng problema?

Hihinga nang malalim si Georgina. Pinipigil maiyak.

56. INT. ESTRELLA MANSION – DINING ROOM. SAME NIGHT

Nagdi-dinner sina Sylvia at Fe kasama si Georgina. Malungkot silang


tatlo, lalo na si Georgina.

SYLVIA
Ano’ng gusto mong sabihin ko sa Papa mo?

GEORGINA
Hindi ko alam, Ma. Baka sabihin na naman niya
sarili ko lang ang iniisip ko. At ang karera ko sa
pulitika. Pero sana bago siya nagdesisyon na
samahan si Ninong, sana naisip niya muna ang
mga apo niya, na masyado pang bata para
maintindihan siya.

FE
Kumusta na si Rufus?

GEORGINA
Ayun, suspended ng isang linggo. Nagkulong na lang
sa kuwarto simula kanina. Ayaw makipag-usap sa
amin ni Andy.

SYLVIA
Talaga naman kasing idolo niya ang Papa ninyo.

70
GEORGINA
‘Yun na nga ang problema ko. Paano ko
ipapaliwanag sa panganay ko na ang mahal
niyang lolo ay nagladlad sa edad na otsenta y
kuwatro? Paano?

FE
Would you let me talk to your son? Please. I do
this kind of counseling all the time.

GEORGINA
At ano’ng sasabihin mo sa kanya? Na walang
masama sa ginawa ni Papa? Na tanggapin na lang
nating lahat ang relasyon nila ni Ninong? Sorry,
Fe. Thanks but no thanks!

FE
Gusto ko lang makatulong.

GEORGINA
Nagsumbong sa akin kanina si Kuya. Binrainwash
mo raw si Lara laban sa kanya.

FE
That’s unfair! Pakinggan niya muna ‘yung bata bago
siya maghusga.

GEORGINA
Whatever. Unlike Lara, wala namang identity
crisis si Rufus. Na-disillusion lang sa lolo niya.

FE
Hindi siya madi-disillusion kung hindi niya ine-
equate ang kabaklaan sa kahinaan o sa
katatawanan. I really wish I could sit down with
him.

GEORGINA
Sinabi ko nang hindi, di ba?

FE
Ate, sabi mo kanina masyado pang bata ang mga
anak natin para maintindihan ang ginawa ng lolo

71
nila. Tama ka. Ibig sabihin tungkulin nating
mga magulang na buksan ang mga isipan nila.

GEORGINA
Ako ang ina ni Rufus. Ako ang magpapaliwanag
sa kanya.

FE
Ang kaso sarado ang isip mo tungkol kina Papa at
Ninong.

GEORGINA
Kung magsalita ka akala mo kung sino kang
ekspekto sa buhay. Ikaw itong wasak ang
pamilya, di ba? Humarap ka nga sa salamin.
You’re 37 years old and still living with your
mother!

Mapapahiya si Fe. Tatayo si Georgina at aalis na.

SYLVIA
Georgina!

GEORGINA
Good night, Ma. Ikaw lang sana ang gusto kong
kausapin. Umepal lang ‘yang bunso mo!

Mabilis na aalis si Georgina. Magngingitngit si Fe. Malulungkot si Sylvia.

57. INT. ESTRELLA MANSION - ALTAR. SAME NIGHT

Naghihinagpis si Sylvia habang nagdadasal sa harap ng kanyang altar sa


bahay.

DISSOLVE
TO:

58. INT. ESTRELLA COMPOUND – SWIMMING POOL. DAY

72
Isang maaraw na Linggo nang tanghali. Nag-iihaw ng barbecue sina
Emman at Merly. Masayang nagsu-swimming sa pool sina Lara at
Glenda.

Nakaupo sa isang picnic table sina Sylvia, Fe, at JAIRUS, 17, ang
nakababatang kapatid ni Lara.

Nakatingin silang tatlo sa screen ng iPad na hawak ni Jairus.

Nakikipag-VIDEO CONFERENCE sila kay Ramon na nasa kuwarto ni


Fredo, nakaupo sa tabi ng kama kung saan nakahiga at nagpapahinga si
Fredo.

Gamit ni Fredo ang iPad na hiniram niya kila Patrick at Richard, ang
mga anak ni Ben.

Makikita ang masayang mukha ni Ramon sa screen ng iPad ni Jairus.

RAMON (V.O., sa iPad)


Hello there, Jairus!

JAIRUS
Good to see you, Lolo! Miss ka na namin!

RAMON (V.O., sa iPad)


Miss ko na rin kayo! Say hi to Lolo Fredo.

Makikita sa iPad screen ang upper body ni Fredo, na naka-recline sa


kanyang kama. Kakaway si Fredo.

Kakaway din si Jairus.

JAIRUS
Hello, Lolo Fredo! Kaway-kaway ka to everybody.

Iiikot ni Jairus ang iPad screen nang 360 degrees para makita sina Lara at
Glenda sa pool, at sina Emman at Merly sa barbecue pit.

Kakaway lahat maliban kay Emman.

Babalik sa screen ang mukha ni Ramon.

RAMON (V.O., sa iPad)

73
Sylvia, nasaan ang pamilya ni Georgina?

Titingnan ni Sylvia si Fe. Iiwas ng tingin si Fe.

SYLVIA
Hindi sila nakapunta. May sakit kasi si Rufus.

RAMON (V.O., sa iPad)


Ganun ba? O sige, enjoy kayo diyan! Hiniram ko
lang itong iPad sa mga anak ni Ben. Bye!

SYLVIA
Bye!

JAIRUS
Bye, Lolo!

Tapos na ang video call. Itatabi na ni Jairus ang kanyang iPad.


Kakausapin niya si Sylvia.

JAIRUS (cont’d)
‘La, I wanna visit Lolo. There in Lolo Fredo’s
place.

Magtitinginan sina Sylvia at Emman. Sisimangot si Emman.

EMMAN
Sorry, Jairus. Hindi puwede. Lolo Fredo is very
very sick. Baka mahawahan ka ng germs.

JAIRUS
Bakit si Lolo Ramon? He’s staying there now,
di ba? (kay Sylvia) At saka ikaw, Lola, you visited
them the other day.

SYLVIA
OK lang kung ako or si Lolo Ramon mo ang
mahawaan ng germs. Matatanda na kami. In
case we die, walang problema. Tutal, kasing-
tanda namin si Lolo Fredo mo.

JAIRUS
OK, Lola. I understand. But I don’t want anybody

74
to die, OK?

Biglang tutunog ang message alert sa cellphone ni Emman. Titingnan niya


ang message at magugulat siya sa laman nito. Kakabahan siya. Lalayo siya
para hindi makita ni Merly.

MERLY
O saan ka pupunta?

EMMAN
Masakit tiyan ko.

Hihimasin ni Emman ang tiyan at ngingiwi.

Lalakad siya papuntang restroom, habang sinisilip-silip ang screen ng


cellphone.

Maya-maya, tutunog nang magkasunod ang mga cellphone nina Merly


at Fe.

Magkasunod din nilang titingnan ang message. May video link ang
message. Ipe-play nila ang video at agad nilang mare-realize na isa itong
sex scandal.

Magtitinginan sina Merly at Fe. Manlalaki ang mga mata ni Merly.


Sisiklab siya sa galit at sisigaw.

MERLY
Emman! Emmaaaaaamn! Nasaan ka, Emmaaaan!

Lalabas si Emman mula sa C.R. Hawak niya ang cellphone niya.


Napanood na rin niya ang sex scandal. Mukha siyang guilty.

MERLY
Hayop ka! Tarantado ka, hindi ka na nahiya! Ang
baboy mo!

Susugurin ni Merly si Emman at babatuhin ng barbecue tongs.


Makakailag si Emman. Tatakas siya at papasok sa loob ng bahay.
Susundan siya ni Merly sa loob ng bahay.

Tuliro si Sylvia.

75
SYLVIA
Fe, ano’ng nangyayari?

Lalapit si Fe sa ina at ipapakita ang video sa cellphone niya. Haharangan


niya si Jairus para hindi ito makasilip sa video. Ganoon din sina Lara at
Glenda.

Saglit lang ay isasauli na ni Sylvia ang cellphone kay Fe. Parang


nagsisikip ang dibdib niya. Aalalayan siya ni Fe. Kakabahan si Fe.

FE
Ma, are you OK?

Kukuha si Lara ng bottled water at ibibigay kay Sylvia.

LARA
Here, Lola. Drink some water.

Iinom si Sylvia. Medyo giginhawa ang pakiramdam niya.

Pero maririnig nilang lahat ang nanggagalaiting boses ni Merly mula


naman sa loob ng bahay.

MERLY (O.S.)
Ang tanda-tanda mo na gumawa ka pa ng
ganitong kahayupan! Sino ‘yung babae sa video?
Kaedad lang yata ni Lara. Hindi ka na kinilabutan!
Hindi ka na nahiya sa mga anak mo!

Dismayado si Fe. Yayakapin niya si Glenda at tatakpan ang mga tenga.

Iiyak si Jairus. Susubukan siyang patahanin ni Lara pero lalo siyang


magwawala.

59. INT. EMMAN’S HOUSE – LIVING ROOM. NIGHT

Tapos nang mag-impake ng mga gamit sina Merly at Lara sa anim na


maleta at apat na balikbayan box.

Nasa isang sulok si Jairus, pagod na sa kakahikbi. May hawak na


malaking backpack.

76
Magmamakaawa si Emman kay Merly.

EMMAN
Merly, parang awa mo na. Hindi mo kailangang
gawin ito. Oo, nagtaksil ako. Pero isang beses
lang may nangyari sa amin ng babaeng ‘yon.
Natukso lang ako. Wala kaming relasyon! Ang
mali ko binidyohan ko. Hindi ko akalaing
kakalat nang ganito. Patawarin mo ‘ko… Mga
anak, patawarin n’yo ‘ko.

Darating si Fe, kasama ang driver at dalawang maid. Hahakutin na ng


driver at mga maid ang mga maleta at balikbayan box.

Magiging desperado si Emman.

EMMAN
Sige na, Merly! Hindi ninyo kailangang umalis ni
Lara. Ayusin natin ‘to. Please!

MERLY
Nakapagdesisyon na ‘ko. Wala na tayong kailangang
pag-usapan.

EMMAN
Unawain mo naman ako!

Hindi siya papansinin ni Merly. Lalapit si Merly kay Jairus.

MERLY
Jairus, anak. Puwede kang sumama sa amin ng ate
mo. Or you can stay here with Daddy. Nasa ‘yo ang
desisyon.

Tatayo si Jairus, isusuot ang backpack sa likod. Titingin siya kina Merly
at Lara, saka titingin kay Emman.

JAIRUS
I will stay with Lola.

Tatango si Merly at ngingiti nang matipid. Tatango din si Emman at


magkikibit-balikat.

77
Lalapit si Jairus kay Fe. Aakbayan ni Fe ang pamangkin.

FE
Come. Let’s go to Lola. You can stay in the guest
room.

Aalis na sina Fe at Jairus. Bahagyang maluluha si Merly.

MERLY
Anak, I’ll call you!

Paglabas nina Fe at Jairus, papasok muli ang ang driver at dalawang


maid para kunin ang mga natitirang maleta at balikbayan box.

Sasabay na sina Merly at Lara sa paghakot nila.

Maiiwang mag-isa at lulugo-lugo si Emman.

60. INT. EMMAN’S HOUSE. SAME NIGHT

Lasing si Emman. Kalahating bote na ng whisky ang nainom niya.


Tatayo siya. Dala ang bote at baso, aakyat siya mula sa sala papunta sa
master’s bedroom sa second floor.

SYLVIA (V.O.)
Sa isang iglap ay nakalimutan ng mga anak ko
ang problema nila sa kanilang ama. Biglang
natabunan ang inakala nilang malaking kahihiyan
ng isang panibagong eskandalo na mas lalong
susubok sa tibay ng aming pamilya.

Papasok si Emman sa kuwarto at tatambad sa kanya ang mga sinyales ng


madaliang pag-aalsa-balutan ng kanyang asawa.

Mapapaupo siya sa gilid ng kama. Magri-ring ang cellphone niya sa bulsa.


Ibababa niya sa sahig ang baso at bote ng alak.

Sasagutin niya ang tawag mula kay Georgina.

INTERCUT WITH:

78
61. INT. GEORGINA’S HOUSE. – BEDROOM. SAME NIGHT

Tumatawag si Georgina mula sa sarili niyang kuwarto. Sa likod niya,


makikitang nanonood ng basketball sa TV si Andy. Galit na galit siya.

GEORGINA
Ano’ng ginawa mo, Kuya? Tumatanda ka ba nang
paurong?

EMMAN
Anong ginawa ko? Nag-hang kasi ‘yung phone ko
noong isang araw, pina-repair ko. Ayun!

Lalong sisiklab si Georgina sa pilosopong sagot ni Emman.

GEORGINA
Kung hindi ka ba naman saksakan ng tanga!
Gagawa ka rin lang ng katarantaduhan, ginawan
mo pa ng ebidensya. Ikinalat mo pa!

EMMAN
Sige. Tanga na kung tanga! E di ikaw na ang
matalino. Ikaw na ang magaling!

GEORGINA
Huwag mong ibahin ang usapan. Sino ‘yung
babae? Menor de edad ba ‘yon?

EMMAN
Relax! She’s 21. OJT sa opisina.

GEORGINA
Tarantado ka talaga!

EMMAN
Hustler ‘yung babaeng ‘yon. Kung napanood mo
‘yung video, kita mo naman na alam niya ang
ginagawa niya. Tumatawa pa nga, di ba?

GEORGINA
Fine! Thank God it’s not rape. And it’s not statutory
rape. Pero mahalay pa rin, Kuya!

79
EMMAN
Hindi naman kita ang mukha ko. Siya lang!

GEORGINA
Suot mo ang relo mo. Kilala ko ‘yung relo mo,
gago ka! At pinangalanan ka sa title ng video.
At higit sa lahat, may ID picture mo sa sharing
photo. Kung sino man ang nag-upload,
kilala kung sino ka!

EMMAN
E ano ngayon? Ako lang ba ang merong sex
video? Big deal pa ba ‘yan sa ngayon?

GEORGINA
Big deal ‘yan dahil sa apelyido mo! Big deal ‘yan
dahil anak ka ni Papa at kapatid kita! Kung may
natitira ka pang hiya diyan sa katawan mo, mari-
realize mo na wala kang kuwentang anak! Wala
kang kuwentang kapatid! Wala kang kuwentang
asawa! Wala kang kuwentang ama! Wala kang
kuwentang tao!

Tatapusin na ni Georgina ang tawag. Ibabato ni Emman ang cellphone niya sa


kama.

Magbe-breakdown si Emman at magko-collapse sa sahig. Hahagulgol habang


nasa fetus position.

Hindi niya namalayan, nasa tabi na niya si Sylvia. Uupo at kakalungin siya.
Ang resulta ay isang imahe ng ina at anak na mala-Pieta.

62. EXT. ESTRELLA COMPOUND - EMMAN’S HOUSE. DAY

Kinaumagahan. Naglalakad sina Jairus at Glenda galing sa bahay nina Sylvia


at Ramon, patungo sa gate. Pareho silang naka-uniform at may dalang school
bag.

Saglit na hihinto si Jairus at titingin sa bahay ng daddy niya – sa bintana ng


master’s bedroom. Pero wala doon si Emman.

80
Tutuloy na sa gate si Jairus. Lalabas na sila ni Glenda.

63. INT. EMMAN’S HOUSE. SAME DAY

Tanghali na pero kakagising lang ni Emman. Iinom siya ng kape. Halatang


may matinding hangover.

Pipindutin niya ang kanyang cellphone.

INTERCUT
WITH:

64. INT. PROVINCIAL ASSESSOR’S OFFICE. SAME DAY

Iiling si MR. EMILIO SATURNINO, late 40s, ang Provincial Assessor,


pagkakita sa pangalan ni Emman sa caller ID ng kanyang cellphone.

Sasagutin niya ang tawag. Makikitang may dalawa siyang bisita: isang
babae at isang lalake.

MR. SATURNINO
Emman! The man of the hour!

EMMAN
Good morning, Boss!

MR. SATURNINO
O bakit wala ka sa mesa mo?

EMMAN
Pasensya na, Boss. Puwede bang mag-emergency
leave muna ‘ko ng dalawa o tatlong araw?

MR. SATURNINO
Well… kailangan mo nga siguro. Kailangan mo rin
ng abogado.

EMMAN
Ha?... Alam mo na, Sir?

MR. SATURNINO

81
Emman, may wifi ako sa bahay at may data plan
ako sa telepono ko.

EMMAN
Uhm… I can explain what happened.

Hihinga nang malalim si Emman.

Ngingiti si Mr. Saturnino sa kanyang mga bisita.

Ang lalake ay si MR. BALDEMOR, late 40s, matangkad at matipuno. Ang


babae ay si ATTY. MAPA, maliit pero mataray. Parehong seryoso ang mga
mukha nila.

MR. SATURNINO
Save that for later. May dalawang bisita ako na
naghahanap sa iyo ngayon. Si Mr. Baldemor, ama ni
Cathy. At ‘yung isa pa ay abogado ni Cathy, si Atty. Mapa.

Kakabahan si Emman. Mapapalunok siya.

65. INT. GEORGINA’S HOUSE – RUFUS’S ROOM. SAME DAY

Tumutugtog ng gitara si Rufus. Tumitipa ng chords pero parang hindi alam


kung anong kanta ang tutugtugin niya. Wala nang benda ang kanang kamay
niya pero may sugat pa rin.

Grounded pa rin siya kaya nakapambahay lang na damit.

May kakatok sa pinto. Hihinto sa pag-strum ng gitara si Rufus.

RUFUS
It’s open! Come in!

Papasok si Andy, nakabihis na para sa trabaho.

ANDY
Kumusta ka na?

RUFUS
OK na ‘ko, Dad. I’m really sorry for what
happened. Tinawagan ko na kagabi si Erwin,

82
and I apologized for what I did. Nag-sorry na rin
ako sa parents niya.

Ngingiti si Andy. Hahawakan niya sa ulo si Rufus at hihimasin ang buhok.

ANDY
That’s great, anak! Matutuwa ang mommy mo.

66. EXT. SUV ON THE ROAD. SAME DAY

Umaandar ang SUV ni Georgina sa mga kalsada ng Malolos.

Sa loob, katabi ni Georgina ang anak niyang si Bessie. Nakauniporme ang


dalagita, papasok sa school.

BESSIE
Mom, ka-text ko si Ate Lara last night. Nag-move
out na pala sila ni Tita Merly kagabi. That’s so sad!

GEORGINA
I know. Malungkot din ako for them.

A beat.

BESSIE
I miss Lolo. You know how much I love him.

GEORGINA
I know. You’re his favorite apo.

BESSIE
Maybe. Or maybe it’s a tie between me and Kuya
Jairus.

GEORGINA
Siguro nga.

A beat.

BESSIE
I miss Lolo Fredo, too. He’s always been very
sweet to me. Can we visit him and Lolo?

83
Biglang sisimangot si Georgina.

67. INT. FREDO’S HOUSE - BEDROOM. SAME DAY

Kasalukuyang dumadaing si Fredo sa matinding sakit sa kanyang


tagiliran. Nakaupo si Ramon sa kanyang tabi at nakakapit siya sa braso
nito.

Pipisilin ni Fredo nang ubod-higpit ang braso ni Ramon dahil sa


nararamdamang sakit. Mangiyak-ngiyak si Ramon. Parang siya rin ay
ginugupo ng kanser.

Samantala, itatarak ng nurse ang karayom ng hiringgilya sa isang


botelya ng morpina. Pagkatapos ay ituturok ang gamot sa gilid ng
kanang balikat ni Fredo.

68. INT. MALOLOS CITY HALL – MAYOR’S OFFICE. SAME DAY

Kinakausap si Georgina ni Donna, ang kanyang executive assistant.

DONNA
Ma’am, inemail ko na sa ‘yo ang VIP guest list
natin sa 50th birthday celebration mo. Please
check kung may nakalimutan ako.

GEORGINA
Oh my God! Malapit na pala. Ang dami ko kasing
iniisip, Donna!

DONNA
I understand, Ma’am. May follow-up meeting tayo
with the events planner tomorrow. So we need to
finalize the guest list and the seating arrangements.

GEORGINA
Sige. Magre-reply ako ko sa email mo mamaya.
Basta lang, let’s all remember, lahat ng gastos ko
sa party ay manggaling sa bulsa ko. May konting
sponsors pero ‘yung mga trusted ko lang. Walang
pera ng gobyerno, OK?

84
DONNA
Yes, Ma’am. Also, I think, from a PR standpoint,
kailangan nating maging super-successful ang
event na ‘to. Para makalimutan ng mga tao ang…
mga hindi kanais-nais na nangyayari ngayon.

GEORGINA
I know what you mean. Tama ka…. OK, Donna.
Usap uli tayo mamaya.

DONNA
Sige, Ma’am.

Tatayo na si Donna at lalabas ng opisina. Papasok naman si Sylvia.

Magugulat si Georgina. Tatayo siya at sasalubungin ng halik sa pisngi


ang ina.

GEORGINA
Ma! Naligaw ka yata. Sorry about last time ha.

SYLVIA
For what?

GEORGINA
‘Yung nagbangayan kami ni Fe sa harap mo.

SYLVIA
Well, makakabawi ka sa akin kung makikipag-
ayos ka sa kanya.

GEORGINA
Sorry, Ma. Siguro hindi muna sa ngayon.

Mauupo silang dalawa sa isang sofa katapat ng mesa ni Georgina.

SYLVIA
Anak, naparito ako para sa kuya mo.

Sisimangot si Georgina.

SYLVIA (cont’d)

85
Kailangan niya ang tulong mo.

GEORGINA
Tulong? Gusto ko siyang ipakulong!

SYLVIA
Georgina! Alam nating nagkamali siya pero
kapatid mo pa rin siya. Please naman, anak.

GEORGINA
Ma, mayor ako. I represent the people of this city.
Hindi ko puwedeng gamitin ang powers ko para
pagtakpan ang kasalanan ng kapatid ko.

SYLVIA
Gusto ko lang mag-recommend ka ng magaling
na lawyer para kay Emman. ‘Yun lang. Masama
ba ‘yon?

Iiling si Georgina. Ngingiti at hahawakan ang kamay ni Sylvia. Saka


tatawagin ang executive assistant niya.

GEORGINA
Donna…?

DONNA (O.S.)
Yes, Ma’am?

GEORGINA
Please get me the number of Atty. Castillo.

69. EXT. MERLY’S NEW APARTMENT. SAME DAY

Tinutulungan ni Fe at dalawa niyang staff sina Merly at Lara sa pag-


aayos ng mga gamit nila sa bago nilang tirahan, isang simpleng two-
bedroom apartment.

Lalapit si Merly sa kanya.

MERLY
Fe, maraming salamat sa tulong mo. Malakas
ang loob ko ngayon dahil sa ‘yo.

86
FE
You’re welcome. Pero alam ko you’ll be strong
enough for yourself and your daughter.

Lalapit si Lara kay Fe at yayakapin siya.

LARA
Thanks, Tita. You’re my hero.

FE
Not me. It’s your mommy. Nanindigan siya para
sa karapatan niya. It’s not easy.

LARA
I know. That means I have two heroes… Group
hug!

Parehong yayakapin ni Lara sina Fe at Merly. Yayakapin din siya ng


dalawa.

70. INT. FREDO’S HOUSE – MASTER’S BEDROOM. SAME DAY

Pilit binabasa ni Nena ang isang dokumento kahit hindi niya ito naiintindihan.

Nakaupo siya sa gilid ng malaking kama habang nakahiga sa kanyang


kandungan si Ben. Dahil sa kanilang hitsura at mga gusgusing damit, halatang
hindi kanila ang kuwartong ito.

Pareho silang nakayapak at medyo madumi at makalyo ang mga paa.

Marangya at makasining ang disenyo ng silid na nagtataglay ng maraming


mga larawan mula sa walong dekada ng buhay ni Fredo.

Siyempre, may mga litrato na kasama si Ramon. May isa pa ngang solong
kuha ni Ramon noong kanyang kabataan.

NENA
Bakit kasi Ingles ito? Di ko tuloy maintindihan!

BEN
Basta tama ‘yan! Si Atty.Melendrez ay dati ring

87
abogado ni Tiyo Fredo. Kaya alam niya ang
sitwasyon ko. Alam niya na maraming nilustay
na pera at ari-arian si Tiyo kay Senador Ramon.
Mula pagkabata hanggang sa Senado. Kung baga,
namuhunan siya pero hindi siya kumubra.

NENA
Sa ibang paraan siya sinuklian.

BEN
Ganoon na nga siguro.

Babasahin uli ni Nena ang dokumento.

NENA
Teka. Sinasabi ba dito na mapapasaiyo ang mga
apartment sa poblacion at itong bahay at lupa?

BEN
Oo. At lahat ng mga gamit at kasangkapan na
nandito. Pati mga pera niyang natitira sa bangko.

NENA
Pirma na lang ni Tiyo ang kulang?

BEN
Ganoon na nga.

NENA
E ano pa’ng hinihintay mo? Baka maunahan ka
pa ni Senador.

BEN
Tumitiyempo lang ako.

NENA
Susmaryosep, Benjamin! Alang-alang sa mga
anak natin, kumilos ka na. Ano mang oras baka
malagutan ng hininga ang tiyo mong bakla.
Huwag kang papatay-patay!

Mapapaisip si Ben.

88
71. INT. FREDO’S HOUSE – BEDROOM. SAME DAY

Kausap ni Ramon si Sylvia sa cellphone niya habang nakaratay sa kama


si Fredo.

Natutulog habang may nakasaksak na suero sa bisig si Fredo. Maputlang


maputla na siya.

SYLVIA (V.O., sa phone)


Hiniwalayan na ni Merly si Emman at isinama si
Lara. Si Jairus dito sa atin muna nakatira.

RAMON
Ganoon ba?

SYLVIA (V.O., sa phone)


Sina Georgina at Fe magkaaway na rin. Hindi na
nag-uusap.

Nakatingin si Ramon sa kaawa-awang hitsura ni Fredo sa kama.

RAMON
Naku, mahal! Hindi na bata ang mga anak natin.
Kung ano man ang mga problema nila, kaya
nilang lusutan ‘yan. Hayaan mo silang matuto.

72. INT. CONFERENCE ROOM. DAY

Kaharap ni Emman sina Cathy, Mr. Baldemor, at Atty. Mapa.

Nakasuot ng maluwang na white sweatshirt at dark shades si Cathy.


Nakatungo siya habang masama ang tingin nina Mr. Baldemor at Atty. Mapa
kay Emman.

Buti na lang at katabi ni Emman ang kanyang abogadong si ATTY.


CASTILLO, mid-30, isang palangiting lalake na mukhang komedyante.

ATTY. CASTILLO
Pañera, none of us want this case to go to court.
Correct?... Well, my client is offering the amount
of P100,000 as compensation for moral damages.

89
ATTY. MAPA
Atty. Castillo, Ms. Baldemor was supposed to
graduate this semester. Instead, she has taken a
leave of absence and is facing possible expulsion
from her university. All because…

ATTY. CASTILLO
Excuse me! Whatever happened in the video was
fully consensual between both parties. Correct?

ATTY. MAPA
But your client violated their verbal agreement
that the video would be deleted immediately.
Instead, he circulated it to the public.

Sasabat si Emman.

EMMAN
Hindi ako ang nag-upload!

Sesenyasan siya ni Atty. Castillo na manahimik at hayaan siyang ayusin ang


gusot.

Magsusulat siya sa kanyang notepad ng halagang P150,000. Ipapasa niya


ang notepad kay Atty. Mapa. Ipapakita kay Mr. Baldemor. Iiling si Mr.
Baldemor.

Susulatan ni Atty. Mapa ang notepad at ipapasa pabalik kay Atty. Castillo.

Sabay titingnan nina Atty. Castillo at Emman ang notepad. Sa ilalim ng


P150,000 ay nakasulat ang halagang P250,000. Iiling si Emman at bubulong
kay Atty. Castillo.

Susulat ng P200,000 si Atty. Castillo sa notepad at ipapasa uli kay Atty.


Mapa.

Iiling uli si Mr. Baldemor. Guguhit ng bilog si Atty. Mapa sa notepad at


ibabalik ito kay Atty. Castillo.

Makikita ni Emman na binilugan lang pala ang P250,000. Close-up sa


P250,000.

90
Titingin si Emman kay Atty. Castillo. Tatango ang abogado. Bubuntung-
hininga si Emman.

73. INT. ESTRELLA MANSION – LIVING ROOM. NIGHT

Galing sa opisina si Emman at dala pa niya ang briefcase. Dumiretso


siya sa bahay ng mga magulang niya para bisitahin ang anak niyang si
Jairus.

Maaabutan niyang naglalaro ng video game sa iPad sina Jairus at Glenda.

EMMAN
Hi, Jairus! Hi, Glenda!

GLENDA
Hi Tito.

JAIRUS
Hello, Dad.

EMMAN
Miss na miss na kita, anak. Wanna come home?

Mahihiyang sumagot si Jairus.

EMMAN (cont’d)
OK. I guess you’re not ready. Tatanungin na lang
uli kita bukas o sa makalawa.

Tatango si Jairus. Lalabas mula sa kuwarto si Sylvia.

SYLVIA
O Emman.

EMMAN
Can I talk to you, Ma?

SYLVIA
O kids, pasok na kayo sa mga kuwarto n’yo. Gabi
na.

Susunod agad ang mga bata sa utos ng kanilang lola.

91
Lalapit si Sylvia kay Emman. Yayakapin siya ni Emman at bubulungan.

Biglang kakalas si Sylvia.

SYLVIA
Hindi, anak. Hindi kita papautangin. Ba’t di ka
lumapit kay Fe o kay Georgina?

EMMAN
Parehong galit sa akin ‘yon… Sige na, Ma.
Magbabayad pa ‘ko ng abogado. May one
hundred K ako ngayon. One fifty lang ang kulang.
It’s for my peace of mind. Please?

SYLVIA
Hindi! Ang sabi sa akin ng Papa mo, matatanda na
kayo ng mga kapatid mo. You should solve your
own problems.

Mapapahiya si Emman.

74. EXT. MALOLOS CITY HALL – PARKING LOT. DAY

Maglalakad si Emman at makikita niya ang nakaparadang kotse ni


Andy.

Lilinga siya sa paligid. Tapos ay kakatok siya sa bintana ng passenger


window. Bubukas ang automatic lock at papasok siya sa kotse. Uupo
siya sa tabi ni Andy.

Ngingisi-ngisi si Andy.

ANDY
Sinabi ko na nga ba, Kuya. Isang tingin ko pa lang
sa Cathy na ‘yon alam ko nang dadalhin ka niya
sa langit. Tapos, ihuhulog ka niya sa impyerno.

Hahagalpak ng tawa si Andy. Hahampasin pa sa hita si Emman.


Iismid lang si Emman.

ANDY (cont’d)

92
Hindi ka natuwa sa biro ko ha. Eto’ng sa ‘yo.

Aabutan ni Andy si Emman ng pera – isang bungkos ng P1,000 bills


worth P150,000 na nasa isang white envelope.

Ngingiti si Emman at ibubulsa ang envelope.

EMMAN
Maaasahan ka talaga. Salamat, Andy.

Tatawa uli si Andy.

ANDY
Anong salamat? Advanced payment ‘yan.

EMMAN
Ha? Para saan?

ANDY
Dun sa pinapagawa ko sa ‘yo. Ang bagal mong
kumilos.

EMMAN
Pero, Andy, hindi ba ilegal ‘yon?

ANDY
Hindi. Sabi ko nga sa ‘yo kausap ko ‘yung may-ari
ng lupa. Gagalawin mo lang ng konti ‘yung
papeles para tumaas ang presyo. Tapos ibebenta
namin sa isang third party. Simpleng transaksyon.
Malinis.

EMMAN
Sige.

ANDY
Basta walang makakarating kay George ha.

EMMAN
Siyempre wala.

ANDY
Alam mo naman ‘yon. Bago lang kasi sa pulitika

93
kaya masyadong maingat… Siyanga pala, alam
ko kung saan lumipat ang mag-ina mo.

EMMAN
Talaga? Saan?

ANDY
Doon sa isa sa mga apartment ko sa Balite.

EMMAN
Malapit lang pala. Kinontak ka ni Merly?

ANDY
Hindi. Si Fe ang nakiusap sa akin. Tinutulungan
niya si Merly. Parang project niya sa NGO.

Magngingitngit si Emman.

EMMAN
Anak ng…!

75. INT. NGO OFFICE - FE’S OFFICE. SAME DAY

Sinugod ni Emman si Fe sa kanyang opisina at kasalukuyan silang nagtatalo.

EMMAN
Pakialamera ka! Sa halip na tulungan mo kaming
magkaayos ng asawa ko, pinaglayo mo pa kami!

FE
Hindi ko kasalanan na nilayasan ka ni Ate Merly.
Bakit, Kuya? Ako ba ang gumawa at nagpakalat
ng kahalayan mo?

EMMAN
Tapos na ‘yon! Naareglo ko na. Si Merly na lang
ang kelangan kong ayusin. Ang kaso ginawa mo
pala siyang charity project ng pesteng NGO mo!

FE
Hindi kami peste! Sinasaklolohan namin ang mga
babaeng inaapi!

94
EMMAN
Ang sabihin mo man-hater ka! Kaya ka nilayasan
ng asawa mo at nawalan tuloy ng tatay si Glenda!
At dahil matagal nang wasak ang pamilya mo,
gusto mo pati pamilya ko mawasak din!

76. INT. NGO OFFICE . SAME DAY. CONTINUOUS

Sa kabilang panig ng dingding na salamin, lalo pang nataranta ang mga staff
at kaopisina ni Fe nang biglang dumating si Jonel, ang boyfriend ni Fe.

STAFF 1
Hala, si Jonel!

STAFF 2
Delikado! Awatin n’yo ‘yan!

Tuloy-tuloy si Jonel sa loob ng opisina ni Fe at maaabutan niyang dinuduro ni


Emman sa mukha ang kanyang girlfriend. Umiiyak na sa galit si Fe.

SYLVIA (V.O.)
At nangyari ang hindi ko inaasahan na dapat
sana ay napigilan. Lahat ng mga anak namin ni
Ramon ay nagmana ng kanyang tibay ng loob
at init ng dugo…

Hindi tayo papasok sa loob. Sisilip lang tayo sa salaming dingding gaya ng
mga staff ng NGO.

Susuntukin ni Jonel si Emman. Gaganti si Emman at magpapang-buno ang


dalawa habang nagsisisigaw si Fe.

SYLVIA (V.O.)
Hindi ko akalain na darating ang araw na
gagamitin nila ito laban sa isa’t isa. At hahantong
ito sa karahasan.

Babagsak si Emman. Uupuan siya ni Jonel sa tiyan at pagsusuntukin


hanggang mapuno ng dugo ang kanyang mukha.

SYLVIA (V.O.)

95
Pero ano pa man ang hindi pagkakaunawaan, sa
bandang huli, pamilya pa rin ang mananaig.
Sa kadugo ka pa rin kakampi.

Aawatin ni Fe si Jonel saka sasampalin ng ubod-lakas. Matitigilan si Jonel.


Tatayo at lalayo.

Sasaklolohan ni Fe si Emman. Sa wakas, may mga staff na papasok sa loob at


tutulungan sina Fe at Emman.

Magtititigan sina Fe at Jonel. Manlilisik ang mga mata nila.

Gamit ang panyo, pupunasan ni Emman ang dugo sa mukha niya. Tapos ay
haharapin niya si Jonel.

EMMAN
Sino ka? Ano’ng pakialam mo sa away naming
magkapatid?

JONEL
Ako si Jonel. Boyfriend ni Fe…

Magugulat si Emman. Titingin kay Fe. Lalayo ng tingin si Fe.

JONEL (cont’d)
Sorry, mali pala. Ex-boyfriend!

Titingin si Jonel saka dudura sa sahig. Magwo-walkout siya. Tatabigin ang


ilang staff sa paglabas.

77. EXT. ESTRELLA COMPOUND. NIGHT

Kinagabihan. Sa garden sofa, parang batang iiyak si Fe sa dibdib ni Sylvia.


Masuyong hihimasin ng ina ang kanyang balikat at likod.

Mula sa main house, dadaan si Jairus malapit sa kanila. Buhat-buhat ng


binatilyo ang malaking backpack niya.

Tutuloy siya sa bahay ng daddy niya. Nakatayo si Emman sa labas ng pinto,


may mga plaster sa kanyang mga sugat sa noo at pisngi.

96
Maaawa si Jairus sa hitsura ng ama. Maiiyak siya habang yakap-yakap siya ni
Emman.

Pagkatapos ay sasabihan siya ni Emman ng “Welcome home.” Papasok na si


Jairus sa loob ng bahay.

Maiiwan sa labas si Emman. Bago pumasok ay titingin siya kay Fe na


nakayakap pa rin kay Sylvia sa garden sofa.

Magtititigan ang magkapatid. Manlilisik ang mga mata. Pareho pa rin silang
galit sa isa’t isa.

Papasok na sa bahay niya si Emman.

QUICK DISSOLVE
TO:

78. INT./EXT. FREDO’S HOUSE – BEN’S SHOP. DAY

Gamit ang medida, sinusukatan ni Ben ang katawan ni Ramon. Pagkatapos ng


bawat sukat ay nagsusulat siya sa isang notebook gamit ang ballpen.

Pinapanood sila ni Fredo na nasa sulok, naka-wheelchair.

Sa labas ng patahian, nagwawalis ng lupa si Nena habang pasimpleng


nakikiusyoso.

RAMON
Ben, husayan mo ha.

BEN
Senador, ‘di po ba marami na kayong barong
Tagalog?

RAMON
Mahigit dalawang dosena siguro.

BEN
Bakit pa kayo nagpapatahi sa
akin?

RAMON

97
Gusto ko magkapares kami ng sa tiyo mo.
Aattend kami sa 50th birthday ni Mayora.

FREDO
Ikaw na lang kaya, Ramon? Mahirap bumiyahe
sa kalagayan kong ito.

RAMON
Kukuha tayo ng bubuhat at aalalay sa ‘yo.

FREDO
Hindi naman yata ako imbitado. Alam ko ang
sentimyento ni Georgina tungkol sa ating
dalawa.

RAMON
Puwes, kung hindi ka niya iimbitahin, hindi rin
ako pupunta. Tiyak, pati si Sylvia.

FREDO
Bueno.

RAMON
Ben, sigurado imbitado ka rin.

Mahihiya si Ben.

BEN
Ewan ko po. Bahala na.

Si Fredo naman ang susukatan ni Ben.

Sa pagdipa ni Fredo para masukatan ang haba ng braso niya, mapapansin ni


Ben ang testamento na ipinagawa niya sa abogado.

Halos abot- kamay lang ito ni Fredo ngayon. Nakapatong lang ito sa ibabaw
ng mga nakatiklop na basketball uniform na kakatapos lang tahiin ni Ben.

Matitigilan si Ben. Mapapatingin siya kay Nena na nagwawalis pa rin pero


nasa tabi ng pinto ng shop. Mawawari ni Ben na batid ni Nena ang sitwasyon.

Maya-maya, mapapangiti si Fredo.

98
FREDO
Ben, tamang tama ‘yang barong na tatahiin mo
para sa akin.

BEN
Tamang tama po sa ano?

FREDO
‘Yan na rin ang pamburol ko.

Matitigilan si Ben.

Biglang susugod si Nena papasok ng shop. Mabilis niyang hahablutin ang


testamento at iaabot kay Ben.

NENA
Ayan, Ben! Sabihin mo na ngayon sa tiyo mo!

Magugulat si Fredo. Pati si Ramon.

FREDO
Ben, ano ‘to?

Hindi makaimik si Ben. Manggigil si Nena.

NENA
Ben, may hawak kang ballpen. Papirmahin mo
na siya!

Manginginig ang kamay ni Ben na may hawak ng ballpen. Mapapaluha siya


sa matinding kaba.

79. INT. FREDO’S HOUSE – LIVING ROOM. SAME DAY

Muling bumisita si Sylvia kina Ramon at Fredo.

Sa isang tabi, tahimik na kumakain ng paborito n’yang ensaymada si Fredo.


Nakapatong ang ensaymada sa dokumentong ibinigay sa kanya ni Ben.

Nabahiran na ng naninilaw na mantika mula sa ensaymada ang unang pahina


ng dokumento.

99
Samantala, seryosong kinakausap ni Sylvia si Ramon.

SYLVIA
Magkakaaway na silang tatlo. Walang gustong
sumuko. Walang gustong magbigay. Walang
gustong magpakumbaba… Ramon, kailangan ko
na ang tulong mo.

Mauunawaan siya ni Ramon. Hahawakan ni Ramon ang kamay niya.

BEGIN MONTAGE

80. EXT. BARASOAIN CHURCH . DAY

Long shot ng simbahan habang magkahawak-kamay na naglalakad sina


Ramon at Sylvia palapit sa entrance.

SYLVIA (V.O.)
Fredo, magsimba muna tayo.

RAMON (V.O.)
Sige, Mahal. Dito kung saan tayo nagsumpaan.

81. EXT. BARASOAIN CHURCH . SAME DAY

Dahil weekday, walang masyadong tao sa loob ng simbahan.

Mataimtim na magdadasal sina Ramon at Sylvia malapit sa altar.

SYLVIA (V.O.)
Na magsasama ng tapat.

RAMON (V.O.)
Sa hirap at ginhawa.

SYLVIA (V.O.)
Sa sakit at kalusugan.

RAMON (V.O.)
Hanggang kamatayan.

100
82. INT. PROVINCIAL ASSESSOR’S OFFICE. SAME DAY

Unang bibisitahin nina Ramon at Sylvia si Emman sa kanyang opisina.

Nasorpresa si Emman. Pero agad siyang yayakapin ni Ramon.

Mag-uusap nang masinsinan ang panganay at ang kanyang mga magulang.


Magpapaliwanagan. May kaunting iyakan. Hanggang sa magkakaunawaan.

INTERCUT WITH:

83. INT. MALOLOS CITY HALL – MAYOR’S OFFICE. SAME DAY

Sumunod bibisitahin nina Ramon at Sylvia si Georgina.

Tulad ni Emman, masosorpresa din si Mayora. Mas mabigat ang pag-uusap


nila. May sumbatan. Mas madamdamin ang iyakan. Magkakapaliwanagan
pero hindi ganap ang unawaan.

Pero dahil pulitiko, nagawan ng paraan ni Georgina na matapos ang pag-


uusap on a conciliatory note.

Ibibigay niya ang invitation cards sa kanyang mga magulang para sa kanyang
nalalapit na 50th birthday party. Kasama ang imbitasyon para kay Fredo.

INTERCUT WITH:

84. INT. NGO OFFICE – FE’S OFFICE. SAME DAY

Pinakamasaya aang pagbisita nina Ramon at Sylvia kay Fe. Kaunti lang ang
drama at mabilis ang unawaan.

Walang sawa si Fe sa kakayakap at kakahalik sa kanyang ama.

Nakipag-selfie pa siya sa dalawa – isang pa-sweet at isang wacky. Game na


game sina Ramon at Sylvia sa wacky shot.

SYLVIA (V.O.)
Dalawa ang panalangin namin ni Ramon nang
nagsimba kami sa Barasoain kaninang umaga.

101
Ang una ay para sa kalusugan ng kaibigan naming
si Fredo. Ang ikalawa ay para sa kapayapaan at
pagkakaisa ng aming pamilya.

END MONTAGE

SLOW DISSOLVE
TO:

85. EXT. EVENTS PLACE – NIGHT

Establishing shot.

Maraming mga magagarang kotse ang nakaparada at pumaparada pa.

86. INT. EVENTS PLACE – MAIN HALL. SAME NIGHT

Marangya ang pagtitipon. Nagkalat ang malalaking larawan ni Georgina at


pagbati in big bold letters: HAPPY 50th BIRTHDAY, MAYOR GEORGINA
ESTRELLA!

Parang miting de avance pero mas class at sosyal.

May isang girl group na kasalukuyang nagtatanghal sa entablado bagama’t


hindi pa ito bahagi ng program proper.

Makikita rin sila sa malaking video wall sa gilid ng entablado. Pero walang
masyadong nanonood sa kanila.

Karamihan ng mga bisita ay abala pa sa pagkuha ng pagkain sa dalawang


mahabang buffet table sa magkabilang bahagi ng bulwagan.

Hindi magkaugaga sina Georgina at Andy sa pag-welcome at pag-estima sa


mga mga VIP guests.

Darating si Emman. May kaunti pang bakas ng mga sugat sa mukha niya.
Kasama niya ang anak na si Jairus.

May dala silang mga regalo. Lalapit sila kay Georgina, at babatiin ito.

EMMAN

102
Happy birthday, golden girl!

GEORGINA
Kuya!

Hahalikan ni Emman sa pisngi ang kapatid. Yayakapin siya nang mahigpit ni


Georgina.

JAIRUS
Happy birthday, Tita George!

Iaabot niya kay Georgina ang dalawang regalo nilang mag-ama.

GEORGINA
Thank you, Jairus. You look so pogi tonight!

JAIRUS
You look lovely, Tita.

Ngingiti si Georgina. Lalapit sina Rufus at Bessie kay Jairus. Yayain nila si
Jairus na sumama sa kanilang table.

Iaabot ni Georgina ang mga regalo sa isang staff niya.

GEORGINA
Sila Merly at Lara? Darating ba?

EMMAN
Oo. Malapit na raw sila.

GEORGINA
Kumusta na kayo ng asawa mo?

EMMAN
Ayun, nililigawan ko ulit. Sana maibalik ang
tambalan.

GEORGINA
Sama ‘ko lima, Kuya.

EMMAN
Salamat.

103
A beat.

GEORGINA
Sorry ha. Sa lahat ng nasabi kong masakit at
hindi maganda.

EMMAN
Kalimutan na natin.

Sisipatin ni Fe ang mga bakas ng sugat sa mukha ni Emman.

GEORGINA
Naghilom na ang mga sugat.

Ngingiti sila sa isa’t isa.

May yayakap kay Georgina mula sa likod – si Fe.

FE
Happy birthday!

Titili sa tuwa si Georgina. Hahalikan at yayakapin niya nang buong higpit si


Fe.

Babati din ang anak ni Fe – si Glenda.

GLENDA
Happy birthday, Tita George!

GEORGINA
Thank you so much, Glenda.

Susunduin ni Bessie si Glenda at isasama sa umpukan nila Rufus at Jairus.

Patuloy ang yakapan nina Georgina at Fe.

GEORGINA
Sorry.

FE
Anong sorry sorry? Happy happy lang tayo
ngayong gabi, Ate. I love you!

104
GEORGINA
I love you, too!

Lalapit sa kanila si Emman.

EMMAN
Puwede ba ‘kong sumali diyan?

Titingnan siya nang seryoso ni Fe. Kakabahan si Emman. Ngingiti si Fe.

FE
Oo naman.

Yayakapin ni Fe si Emman. Magyayakapan ang tatlong magkakapatid.


Magiging emosyonal si Georgina.

FE (cont’d)
Ate, walang iyakan. Masisira ang makeup mo.

May darating na photographer at kukunan ng litrato ang group hug ng tatlong


magkakapatid.

Magpo-pose sila. Tatlong klase ng pose – seryoso, sweet, at wacky.

Darating sina Merly at Lara. Babati sila kay Georgina.

Magtitinginan nang makahulugan sina Emman at Merly. Ngingitian ni


Emman si Lara.

GEORGINA
O lahat tayo. Andy! Halika rito. Dalhin mo ang
mga bata!

Mabubuo ang tatlong pamilya sa isang litrato – sina Emman, Merly, Lara at
Jairus; sina Georgina, Andy, Rufus at Bessie; at sina Fe at Glenda.

Pagkatapos, matitigilan si Georgina.

GEORGINA
Sandali. Fe, nasaan na sina Mama at Papa?

FE
Sinabihan ko sila na agahan nila. Alam ni Papa

105
na siya ang unang magsasalita.

87. INT. EVENTS PLACE - MAIN HALL . SAME NIGHT.


CONTINUOUS

Right on cue, papasok ng bulwagan sina Sylvia, Ramon, Fredo, at Ben. Si


Ben ang taga-tulak ng wheelchair ni Fredo.

Suot nina Ramon at Fredo ang kanilang matching barong Tagalog. Elegante si
Sylvia sa kanyang puting terno.

Naka-itim na long-sleeved shirt si Ben. Dahil nakaitim siya at nasa likod nii
Fredo, halos hindi siya nakikita.

Pero pansing-pansin ng mga tao sina Sylvia, Ramon at Fredo. Bukod sa


kanilang mga puting kausotan, magkaka-holding hands kasi ang tatlo.

Sa harap ng stage sila dadaan at tatawid. Biglang matatahimik ang mga tao.
Titigil ang mga kumakain para pagmasdan sila.

Maraming magbubulungan. Merong mga magtatawanan dahil sa


paghahawak-kamay nina Ramon at Fredo.

Lalong lalakas ang tawanan dahil makikita sila sa video wall.

Magagalit si Georgina pero tahimik lang siya.

Sasalubungin ng mga apo nila sina Sylvia at Ramon, pati na rin si Fredo.
Susunod na babati sina Fe, Emman, at Merly.

Hindi lalapit si Georgina. Nasa tabi lang niya si Andy.

Magtitinginan nang masama sina Ramon at Georgina. May tensyon sa


paligid.

Pero biglang didilim at tutugtog na ang intro music.

Sandali pa ay magliliwanag naman ang entablado. Magsisimula na ang


programa. Lalabas sa entablado ang hosts – isang lalake at isang babae.

FEMALE HOST
Good evening, ladies ang gentlemen!

106
MALE HOST
Welcome to the grand 50th birthday celebration
of the lovable mayor of Malolos City – Mayor
Georgina Estrella!

Ihahatid ng mga ushers sina Ramon at Sylvia sa isang mesa malapit sa stage
kung saan kasama nila sina Andy, Rufus at Bessie, at mga bodyguards ni
Georgina. Wala si Georgina.

Ilalabas ni Ramon mula sa kanyang bulsa ang nakatiklop na dalawang pahina


ng papel kung saan nakasulat-kamay ang kanyang speech.

MALE HOST
My name is Adam.

FEMALE HOST
And I’m Apple.

MALE HOST/FEMALE HOST (O.S.)


And together we are… Adam’s Apple! Kami po
ang hosts ninyo sa napakasaya at napaka-
espesyal na gabing ito.

Lilinga si Ramon at makikita sa katabing table sina Fe at Emman at ang kani-


kanilang mga pamilya.

May maaalala siya. Bubulong siya kay Sylvia.

RAMON
Si Fredo? Nasaan si Fredo?

Magtataka rin si Sylvia.

SYLVIA
Oo nga. Nasaan na sila ni Ben?

Ibubulsa ni Ramon ang kodigo niya para sa kanyang talumpati. Tatayo siya at
lilinga. Makikita niya sina Fredo at Ben na ine-escortan ng dalawang ushers
papunta sa isang mesa sa likod sa bandang sulok.

Maii-stress si Ramon. Kukunot ang noo. Mauupo muli at bubulong kay


Sylvia.

107
Makikita ni Sylvia si Donna at tatawagin niya ito. Lalapit si Donna. Si Ramon
ang magtatanong.

RAMON
Miss…

DONNA
Yes, Senator?

RAMON
Nasaan si Georgina?

DONNA
Baka nasa backstage po. You want me to call her?

RAMON
Hindi bale na. Pakisabi na lang doon sa mga
ushers na ibalik nila dito si Fredo, ‘yung kaibigan
naming naka-wheelchair. At ‘yung kasama niya, si
Ben. Bakit nila dinala sa likod?

DONNA
Sorry po. Sinusunod lang po namin ang seating
arrangement.

Lalong na-stress si Ramon.

RAMON
Ano? Ano’ng seating arrangement?

DONNA
‘Yun po ang inaprub ni Mayor. Sa likod daw po
si Sir Alfredo Veneracion.

Hindi na makakaimik si Ramon. Malilito siya, mangagalaiti., mahihilo.

Makikita niya si Georgina na babalik sa mesa nila. Pero hindi nito papansinin
si Ramon. Sa halip ay kakausapin si Andy na parang walang nangyayaring
kakaiba.

Kakausapin uli ni Donna si Ramon.

108
DONNA (cont’d)
Sir, tatawagin na po kayo ng hosts ha.

Iikot si Donna sa paningin ni Ramon. Mapapakapit siya kay Sylvia.

FEMALE HOST
…And to give his opening remarks, we’d like to
call to the stage the father of tonight’s celebrant.
A man who needs no introduction.

MALE HOST
Friends, let’s give a big round of applause to…
Senator Ramoncito Estrella!

Magpapalakpakan ang mga tao.

Bubulong si Ramon kay Sylvia. Tatayo ang dalawa at mabilis na lalakad


patungo sa mesa sa likod kung saan naroon si na Fredo at Ben.

Magtataka ang mga tao kung bakit papalayo sa stage si Ramon sa halip na
paakyat dito.

FEMALE HOST (O.S.)


Ah… Senator?

MALE HOST (O.S.)


Dito po ang stage, hindi sa likod.

FEMALE HOST (O.S.)


Sir…?

Tatayo si Georgina at maluluha sa galit. Alam niyang nagwo-walkout ang


kanyang ama’t ina.

Magtitinginan sina Fe at Emman.

QUICK DISSOLVE
TO:

88. EXT. ESTRELLA COMPOUND. DAY

Establishing shot.

109
Bagong sikat pa lang ang araw. Maririnig ang tilaok ng mga manok.

89. EXT. ESTRELLA MANSION – MASTER’S BEDROOM. DAY

Gigisingin si SYLVIA ng kanyang cellphone na nagba-vibrate sa bedside


table sa tabi niya.

Babangon siya at mauupo sa gilid ng kama. Sasagutin niya ang tawag.

SYLVIA
Hello.

Matitigilan siya sa narinig. Mapapaluha siya.

CUT TO:

90. INT. FREDO’S HOUSE – BEDROOM. SAME DAY

Lumuluha din si Fredo habang kausap si Sylvia sa telepono.

Nakaupo siya sa wheelchair katabi ng kama kung saan nakaratay ang


malamig na bangkay ni Ramon.

FREDO
Ang daya niya. Inunahan niya ‘ko.

May hawak na dalawang pahina ng lukot na papel ang bangkay ni Ramon.


Kukunin ito Fredo mula sa kamay ni Ramon.

FREDO (cont’d)
Namatay siyang may hawak na papel. Ito sana
‘yung talumpati niya kagabi.

Hahagulgol si Fredo.

91. EXT. FUNERAL PARK. DAY

Napakaraming tao ang dumalo sa libing ni Ramon.

110
Pinakamalakas ang palahaw ni Georgina. Agos ang mga luha niya sa balikat
ni Andy. Kipkip ni Georgina sa kanyang dibdib ang handwritten speech ng
kanyang yumaong ama.

Humahagulgol din sina Rufus at Bessie.

Tahimik lang na umiiyak sina Emman at Fe, kasama sina Merly, Lara at
Jairus, at Glenda.

Pagdating ng kabaong sa lote kung saan ito ilalagak, naroon na at


naghihintay sina Sylvia at Fredo, na lumuluha sa balikat ng isa’t isa. Nasa
likod ni Fredo sina Ben at Nena na awang-awa sa kanilang tiyo.

Maririnig natin ang boses ni Ramon habang binibigkas niya ang ilang
bahagi ng talumpating isinulat niya para sa kaarawan ni Georgina.

RAMON (V.O.)
Mahal ko ang aking mga anak. Wala akong
paborito sa kanila. Patas at pantay ang pag-ibig
ko sa bawat isa. Pero kung tatanungin ako kung
sino ang pinaka-nagmana sa akin, si Georgina –
ang aking pangalawa – ang siyang nangunguna.
Pasintabi sa panganay at bunso. Pagbigyan na
natin ang may kaarawan.

RAMON (V.O., cont’d)


Hindi ako nagtataka kung bakit siya ang
sumunod sa aking yapak. Taglay ni Georgina
ang talino, tapang at puso na kailangan para
magsilbi nang tapat sa taumbayan. Isa lang ang
nakikita ko na kanyang kahinaan. Ito ay ang
kakulangan ng pang-unawa sa mga taong hindi
niya mawari ang kasarian. Ikinalulungkot ko na
ang sarili kong anak, sarili kong dugo, ay hindi
matanggap na maraming uri ng pag-ibig sa
mundo. Gaya na lang ng pag-ibig namin sa isa’t
isa ng kanyang Ninong Fredo.

RAMON (V.O., cont’d)


Bukod sa akin, may isa pang lalake na nag-alay
sa kanya ng wagas na pagkalinga simula pa sa
kanyang pagkabata… hanggang sa pagtanda. Ito
ay ang kanyang ninong na ngayon ay unti-

111
unting ginugupo ng isang malupit na
karamdaman. Ang tanging hiling ko ay
maliwanagan ang isip ng mahal kong anak.
Buksan sana niya ang kanyang puso… bago
mahuli ang lahat.

Lalapit si Georgina kay Fredo at luluhod sa gilid ng wheelchair nito, tanda ng


paghingi ng tawad.

Hahawakan siya sa balikat ni Fredo at itataaas. Magyayakapan sila at sabay


na tatangis.

92. INT. FREDO’S HOUSE – LIVING ROOM. SAME DAY

Pag-uwi mula sa libing, ipapakita ni Fredo kay Ben ang isang lumang
testamento.

FREDO
Ben, limang taon na sa akin ang testamentong
ito. Basahin mo... Meron bang ibang pangalan
diyan bukod sa akin at sa iyo?

Pahapyaw na babasahin ni Ben ang testamento. Mapapaluluha siya sa


matinding kagalakan. Yuyuko siya at yayakapin niya si Fredo.

FREDO (cont’d)
Maraming salamat. Kahit kailan hindi mo
ako pinabayaan.

Maiiyak si Nena na nanonood sa magtiyo.

QUICK DISSOLVE TO:

93. EXT. ESTRELLA MANSION. DAY

Kinabukasan. Lalabas si Sylvia ng bahay kasabay si Fe.

Kasunod nila ang maid nila na may dalang dalawang maleta na may
disenyong bulaklakin – isang malaki at isang maliit.

112
Hinihintay sila ni Emman na nakaupo sa garden sofa. Tatayo si Emman at
sasabay kay Fe.

Lalabas sila ng gate.

94. EXT. STREET OUTSIDE ESTRELLA COMPOUND. DAY

Makikita ni Sylvia si Georgina, nakatayo sa tabi ng kanyang SUV. Ngingiti


nang may agam-agam si Georgina. Bubuksan niya ang backseat door ng
sasakyan at sasakay sina Sylvia, Fe, at Emman.

Dahil nag-iisa lang ang bodyguard/driver, si Emman ang uupo sa passenger


seat.

Papagitnaan nina Georgina at Fe si Sylvia.

Aandar na ang SUV.

95. EXT. FREDO’S HOUSE AND STREET OUTSIDE. SAME DAY

Makakarating ang SUV at paparada sa tapat ng gate.

Sa bakuran, nagwawalis si Nena habang nagdidilig ng mga halaman si Ben.

Magugulat sila. Makikita nilang papasok si Sylvia na nakangiti at masaya.

Kasunod ang tatlo niyang mga anak. Dala ni Emman ang dalawang maleta.
May bitbit na isang bungkos na mga sariwang bulaklak si Fe.

At si Georgina, buhat-buhat ang isang malaking kahon ng Ensaymada


Malolos.

SYLVIA (V.O.)
Ipinagkaloob ng Diyos ang dasal namin ni Ramon
na pahabain pa ang buhay ni Fredo. Hindi ko man
inaasahan na si Ramon ang una Niyang kukunin,
tungkulin kong bantayan at alagaan ang aming
mahal na kaibigan. Salamat at ngayon ay buong-
buo ang suporta ng aking mga anak.

113
Bubukas ang pinto ng main house at naroon sa kanyang wheelchair si Fredo,
masayang-masaya. Pinapanood ang pagdating ni Sylvia.

96. INT. FREDO’S HOUSE - BEDROOM. SAME DAY

Susubuan ni Sylvia ng lugaw si Fredo. Maluluha si Fredo sa tuwa.

THE END

114

You might also like