You are on page 1of 5

Bataan Peninsula State University

Balanga City, Bataan

PANUNURING PAMPELIKULA
Sa SINESOSYEDAD

Ipinasa ni: Tracy Reign S. Bautista

Ipinasa kay: G. Vonhoepper N. Ferrer, MAF

Petsa: Nobyembre 06,2023


Panunuring Pampelikula

I. Tungkol sa Pelikula

A. Pamagat ng Pelikula: Rainbow Sunset

PANIMULA:
B. (Pangalan ng Direktor)
● Joel Lamangan

C. (Pangalan ng prodyuser o mga prodyuser)


 Elvira Alzona
 Harlene Bautista
 Dennis C. Evangelista
 Ferdinand Lapuz
 Rosalinda Reyes

D. (Mga Pangunahing Tauhan:


(Pangalan ng karakter – Artistang gumanap – Paglalarawan)
1. Eddie Garcia - Ramoncito "Ramon" Estrella
Isang Homosexual na may asawa at mga anak, kinikilala bilang isang kagalang-galang na
Senador sa San Martin. May malalim na pag mamahal sa kanyang kababata na si Fredo.
2. Tony Mabesa - Alfredo "Fredo" Veneracion
Naging guro at principal, isa siyang bakla at mayroong sakit na cancer, nag mamahalan sila ng
kanyang kababata na si Ramon na mayroong asawa’t anak.
3. Gloria Romero - Sylvia Estrella
Isa rin dating guro, mapagmahal na ina at asawa kay Ramon. Sinuportahan ang pagmamahalan
nina Ramon at Fredo kahit masakit ito para sa kanya.
4. Tirso Cruz III - Emmanuel "Emman" Estrella
Panganay na anak nina Ramon at Sylvia, may asawa at dalawang anak, babaero. Tutol ito sa
pagsasama ng kanyang ama at ang kababata nitong si Fredo dahil iniisip niya ang sasabihin ng
ibang tao at reputasyon ng kanilang pamilya.
5. Aiko Melendez - Georgina "George" Estrella
Pangalawang anak, isang matapang na babae, kasalukuyang Mayor ng San Martin, may asawa’t
dalawang anak. Hindi tanggap ang desisyon ng kanilang ama dahil ikakasira ito ng kanilang
pangalan.
6. Sunshine Dizon - Marife "Fe" Estrella
Bunsong anak, hiwalay sa asawa at may isang anak na si Glenda. Hindi sang ayon sa pag alis ng
ama dahil iniiisip niya ang mararamdaman ng kanyang ina pati narin ang eskandalong
mangyayari sa kanilang pamilya.
7. Jim Pebanco - Benjamin "Ben" Cruz

Pamangkin ni Fredo at kababata ni George na pangalawang anak ni Ramon, isang mananahi at


mayroon asaw’t anak. Tutol sa sitwasyon nina Fredo at Ramon ngunit wala rin nagawa dahil
tunay na nag mamahalan ang dalawa.
8. Adrian Cabino – Jairus Estrella– anak ni Emmanuel "Emman" Estrella
Mapagmahal na apo kina Ramon at Sylvia, nanirahan sa kanyang lolo’t lola nang mag hiwalay
ang mga magulang.
9. Albie Casiño – Jonel

Karelasyon ng bunsong anak ni Ramon, mas nakababata ito sa kanya at sila ay tunay na nag
mamahalan. Hindi alam ng marami ang kanilang relasyon at nais niyang ipaalam ito sa lahat
dahil tunay ang kanyang pag tingin.
10. Ali Forbes – Cathy

Intern secretary ng panganay na anak ni Ramon, maganda ang katawan at mukha na ginamit
upang akitin ang kanyang boss na si Emman. Naging dahilan ng pag hihiwalay ni Emman at ng
kanyang asawa na si Tanya, mukha itong pera at humingi ng 250,000 pesos kay Emman upang
iurong ang kanyang demanda.

E. Tema ng Pelikula
Tema
Ang pelikula ay umiikot sa relasyon nina Fredo at Ramon na kung saan tumatalakay sa isang uri
ng pag mamahalan na hindi bumabase sa kasarian o edad ng isang tao, nandirito rin ang aspeto
ng pagpapaka totoo sa sarili at pag tanggap sa katotohanan.
II. Mga Aspektong Teknikal
A. Musika
Nababagay at nabibigyan buhay ng mga musikang ginamit ang bawat emosyon at pangyayari sa
pelikula na naging dahilan upang maramdaman ng mga manonood ang kwentong ipinapakita ng
mga karakter.
B. Sinematograpiya
1. Maganda ba ang kabuuang kulay ng pelikula?
Dahil sa mga makabagong kamera at teknolohiya ay mas naging maganda ang kabuuang kulay
ng pelikula na ginamit upang makuhanan ang emosyon ng mga karakter.
2. Mapusyaw ba o matingkad ang pagkakatimpla ng kulay na kuha ng mga kamera?
Tama lamang at bagay na bagay ang pagkakatimpla ng kulay na mas nag paganda pa sa buong
pelikula.

Tagpuan
(May maganda bang tagpuan ang pelikula? Nakatutulong ba ang tagpuan sa
kabuuang palabas? Angkop ba ang mga tagpuang ginamit sa tema at kwento ng pelikula?)
Nakuha ng tagpuan ang atensyon ng mga manonood dahil makaka relate ang iba sa tagpuang ito,
ipinakita rito na mahirap ang buhay lalo na sa pag ibig, nandirito ang itataya mo na ang lahat at
ibibigay ang lahat dahil sa sobrang pag mamahal.
III. Kahalagahang Pantao
A. Paglalapat ng Teoryang Pampantikan (Historikal na Dulog)
Ang pelikulang ito ay tumatalakay sa pagmamahalan ng dalawang tao na parehas ang kasarian,
Teoryang Queer. Marami sa lipunan ang hadlang sa kanilang relasyon ngunit hindi sila nag
patinag at inilaban ang relasyon nila hanggang sa huli.
B. Mga Aral
- Hindi natutumbasan ng kahit ano man ang tunay na pagkakaibigan
- Hindi kayang tiisin ng magulang ang kailang mga anak
- Walang pinipiling kasarian ang tunay na pagmamahal
- Ang pag tanggap sa katotohana ay katumbas ng kapayapaan
-Laging tumulong o makipag tulungan sa kapwa
C. Kongklusyon (Buod ng Pelikula)
Umiikot ang kwento ng pelikula sa malalim na pagmamahalan nina Ramon at Fredo, isang
matandang bading. Si Fredo ay bakla at may cancer na unti-unting nagpapahina sa kanya. Nasa
tabi niya si Ramon na hindi nagdalawang isip na iwan ang kanyang pamilya para alagaan siya
para makasama siya sa mga huling araw nito. Noong una, magulo si Ramon at Fredo dahil may
asawa at anak si Ramon na nangangailangan sa kanya. Si Silvia, isang malakas at matiyagang
babae, ay tinanggap ang alok ni Ramon at walang pag-aalinlangan na sinuportahan ang kanyang
asawa. Alam ni Silvia ang nakaraan nila at may utang na loob si Ramon kay Fredo kaya tinitiis
niya ang lahat kahit masakit. Ngunit sa pagtanggap ni Silvia sa asawang si Ramon, kabaligtaran
naman ang kanilang tatlong anak. Ang panganay sa mga anak ay si Emman, kasalukuyang mayor
ng kanilang distrito na si Georgina, at ang bunso ay si Fe. Nasa hustong gulang na ang kanilang
tatlong anak at hindi matanggap ang seksuwalidad ng kanilang ama. Iniisip nila kapag lumabas
sa lipunan na ang ama nila ay isang bakla. Ito ang simula ng hidwaan sa pagitan ng
magkakapatid dahil ang desisyon ng kanilang ama ay nakaapekto sa pamilya. Ngunit biglang
nagbago ang lahat isang umaga sa nakakagulat na balita na si Ramon ay namatay bago si Fredo,
at sila ay nagkasundo na ayusin ang kanilang mga hindi pagkakaunawaan. Sabay nilang binisita
si Fredo, na hanggang ngayon ay nami-miss pa rin ang kanyang pinakamamahal na si Ramon.
Kalaunan ay pinalitan ni Silvia si Ramon bilang tagapag-alaga ni Fredo.
D. Rekomendasyon
Maganda itong panoorin upang maliwanagan ang isipan ng bawat isa sa ibang kasarian, na hindi
ito hadlang upang maging isang mabuting tao at para mag mahal. Kahit ano pa man ang iyong
kasarian at edad, hangga’t wala kang tinatapakan na ibang tao ay may karapatan kang mag mahal
ng kahit sinong gusto mong mahalin. Ang pag tanggap at pag respeto sa katotohanan ay makapag
bibigay sa atin ng kapayapaan at dahilan ng pagkakaisa.

You might also like