You are on page 1of 19

“Ang buhay ay parang musika na

maaari mong baguhin ang bawat


liriko.”

_Eroles 2023
NILALAMAN :

May-akda Mga KATEGORYA at Teoryang Buod ng


Tauhan Tema Pampanitikan Pelikula

Ta g a p a g - u l a t :
Ryan C. Eroles
MAY-AKDA
Ang pelikulang Miss Granny ni
Sarah Geronimo ay naging matagumpay
sa ilalim ng pamamahala ng beteranang
Direktor na si Bb. Joyce Bernal. Ang
nasabing Direktor ay ipinanganak noong
ika-anim ng Setyembre 1968 sa lungsod
ng Maynila, nagsimula sa industriya ng
show business bilang isang film editor
sa Viva Films noong 1994. Siya ay
isang single mother sa kanyang babaeng
anak na si Liam at nagtapos sa
Play + My List
Unibersidad ng Santo Tomas.
MAY-AKDA
MGA NAKAMIT NA KARANGALAN SA
INDUSTRIYA NG TELEBISYON AT
PELIKULA:

1. GMMSF Box-Office Entertainment


Awards
2. Most Popular TV Director/s
3. GMMSF Box-Office Entertainment
4. Most Popular TV Director
5. Metro Manila Film Festival
6. Best Director (10,000 Hours),
At iba pa.
Play + My List
Play
+
MGA TAUHAN/KARAKTER

 Sarah Geronim “Audrey”


[INSERT IMAGE HERE]
( Bilang Batang Lola Fely ) [INSERT IMAGE HERE]

Si Sarah Geronimo ay nagwagi ng parangal


bilang Best Actress Award sa Filipino Academy of Movie
Arts and Sciences Awards (FAMAS). Ang kaniyang husay
sa pag-awit na sinabayan ng konting komedya ay saktong-
sakto sa karakter ni Audrey. Kapani-paniwala ang
kaniyang pag-arte bilang matandang babae na
nagkatawang 20 anyos na dalaga.

 Nova Villa “Lola Fely ”


Si Lola Fely (Nova Villa) ay isang babae sa edad
na 70s. Ang karakter niya ay matandang babaeng
masyadong seryoso sa buhay, masungit na biyenan ngunit
sobrang mapagmahal sa anak at apo.
MGA
KARAKTER/TAUHAN
 Xian Lim “Lorenz”
Ang prodyuser sa TV, si
Lorenz. Siya ay mahilig sa mga
klasikong kanta at ang
nakadiskubre sa talent ni
Audrey.

 James Reid “ Jeboy ”


Ang paboritong apo ni
Lola Fely na mataas ang
ambisyong maging magaling na
manunulat ng kanta at
magtatag ng sarili nitong
banda.
MGA
KARAKTER/TAUHAN
 Lotlot de Leon “ Angie ”
Ang manugang na babae ni Lola
Fely na nagkaroon ng malalang kaso ng
pagka-stress dahil sa araw-araw na
pagbubunganga ng matanda dito.

 Nonie Buencamino“ Ramon”


Ang nagiisang anak ni Lola Fely
na parating abala sa pagtatrabaho kaya’t
wala na itong panahon para sa ina at
hindi na nito napapansin ang mga
pangangailangan ng matanda.
MGA
 KARAKTER/TAUHAN
Boboy Garovillo “ Bert ”
Matalik na kaibigan ni Lola Fely at dating
tagapag-silbi ng pamilyang De Leon. Si Bert ay may
lihim na pagtingin kay Lola Fely.
 Ataska Mercado “ Hanna ”
Ang batang apo ni Lola Fely, siya ay
prangka at may lihim na talent sa pag-awit.

 Jojit Lorenzo “ Misteryosong Litratista ”


Gamit ang mahiwagang kamera ng “
Forever Young Studio” pinabalik ng misteryosong
litratista ang pagiging dalaga ni Lola Fely.

 Kim Molina “ Minnie”


Nag-iisang anak ni Mang Bert na
paboritong magsayaw sa Plaza at kumain ng mais.
TEMA KATEGORYA TEORYANG
 Walang katumbas na (GENRE) PAMPANITIK
pagmamhal ng isang AN
ina.
 Pagkakaroon ng  DRAMA  ROMANTISISMO
 HUMANISMO
ikalawang pagkakataon  KOMEDY
sa buhay at ang  DEKONSTRUKSI
mahalagang papel ng
A YON
musika at  PANTASY  FEMINISMO
pagpapahalaga sa A
pamilya.
Buod ng Pelikula
Mabuting tao pero may pagka-bugnutin ang nagkakaidad nang
si Fely Malabaño (Nova Villa). Hindi lang magustuhan ang lasa ng
sinigang ay magtataray na sa manugang na si Angie (Lotlot). Maoospital
ang manugang dahil sa sobrang stress, at planong dalhin si Fely ng
kanyang anak na si Ramon (Nonie Buencamino) sa isang ‘nursing
home’ o tahanan ng mga matatanda, bagay na ikinalungkot ng ina. Isang
araw, maaakit siya ng isang photo studio na may display na litrato ng
paborito niyang artistang si Audrey Hepburn. Magpapakuha siya ng
litrato para ipatong sana sa ataol niya pagdating ng panahon —
pinangakuan naman siya ng photographer o litratista na pababatain nito
ang histura niya.
Buod ng Pelikula
Totoo ngang babata si Fely, bumalik siya sa kanyang
pagkadalaga. Sa una ay asiwa siya sa pagbabagong nangyayari, binalikan
niya ang photo studio para maghanap ng paliwanag, pero hindi na niya
makita ang talyer sa lugar na kinatagpuan niya animoy may hiwagang
bumabalot sa studio na kanyang natagpuan sapagkat ang photo studio ay
biglang naging tindahan ng puto at pares sa loob lamang ng ilang sandali.
Kalaunan, unti- unti niyang nagustuhan ang bagong hitsura niya at
binigyan niya ng bagong pangalan ang sarili: Odrey. Sa una ay naging
magulo’t malungkot ang buhay niya, lalo na’t gusto pa rin niyang nakikita
nang lihim ang anak at apo niya, pero masaya din, dahil maaari ng
matupad ang pangarap niyang maging isang mang-aawit mula pa ng bata
siya.
Buod ng Pelikula
Hindi naglaon ay naging bokalista si Odrey ( Lola Fely ) ng
banda ng kanyang paboritong apo na si Jeboy. Dahil sa kakaibang timpla
ng boses at pagkahilig sa klasikong musika ni Odrey ay mabilis na nakilala
ang bandang kinabibilangan niya ang Malabanyo Band. Hanggang
nadiskubre sila ng isang TV prodyuser na si Lorenz at nabigyan ng
pagkakataong magpakita ng kanilang talento sa telebisyon.
Napagkasunduan ng banda na ang kantang sinulat ng apo ni Lola fely na si
Jeboy ang kakantahin at tutugtugin ng kanilang banda sa pangwakas na
bahagi ng kumpetisyon. Dumating ang araw ng nasabing kumpetisyon
ngunit sa kasamaang palad ay naaksidente si Jeboy habang binabaybay
nito ang daan patungo sa lugar na kanilang tutugtugan.
Buod ng Pelikula
Mabigat man sa kalooban ni Odrey ( Lola Fely ) na hindi agad
makita ang apo ay mas pinili niyang awitin muna ang kantang sinulat ng
pinaka-mamahal niyang apo. Bago sumalang sa entablado si Odrey ay
binitawan niya ang mga salitang “ lakasan natin ang tugtog ha, kakantahin
ko ang kanta ng Jeboy ko! lakasan natin para marinig niya tayo” habang
bakas ang lungkot sa kanyang mga mata. Matapos kumanta ay agad
pumunta sa ospital si Odrey ( Lola Fely ) upang tignan ang kalagayan ng
apo at sa kasamaang palad ay kinakailangan nito na salinan ng dugo ngunit
silang mag-lola lamang ang magkapareho ng dugo o blood type. Hindi
nag-alintana si Lola Fely na magbahagi ng kanyang dugo kahit na ang
kapalit nito ay ang pagbalik niya muli sa pagiging matanda.
Buod ng Pelikula
Mas minabuti ng anak ni Lola Fely na si Ramon na palayain ang
ina at ayon pa rito nais niyang magsimula ang ina ng bagong buhay.
Ngunit nakiusap itong sana ay maging masaya na ito at gawin ang mga
bagay na magpapaligaya sa kanya. Ngunit sa huli ay nanaig ang pagiging
ina at lola ni Lola Fely at nagawa niyang isakripisyo ang pangalawang
pagkakataon ng kabataan niya para sa kaniyang pamilya. Makalipas ang
ilang taon, muling nakabangon ang pamilya sa pagsubok ng nakaraan at
natutunan nilang pahalagahan at unawain ang isa’t isa. Nagpatuloy ang
pagyakap sa musika ng mga apo ni Lola Fely na sina Jeboy at Hanna at si
natutunan naman ni Lola Fely na ilaan ang mga natitira niyang panahon sa
pagbuo ng magagandang alaala.
“Ang pag-ibig ay salitang hindi mahahanap sa
aklat ang kahulugan, ito ay animo’y mahika na
hindi natin sigurado kung may katotohanan
ngunit isang bagay ang may kasiguraduhan.
Ang pag-ibig ay salitang mainam na
naglalarawan sa sakripisyo, pagkalinga at
pang-unawa na kayang ibigay ng isang tao ng
sa kahit na anomang kapalit ay hindi nag-
aasam.”

You might also like