You are on page 1of 1

f.1. Buod (Mas mabuti kung kayo mismo ang gagawa ng buod.

Si Fely ay isang babae sa edad na 70s na nakatira kasama ang kanyang anak na si Ramon, anak na babae
na si Angie, apo na si Jeboy at apo na si Hana. Hindi talaga si Lola Fely ang pinaka- kaibig – ibig na senior
citizen sa paligid. Siya ay may isang opinion tungkol sa lahat at lahat, at kilala na ang pagkontrol at isang
pangunahing pagyakap.

Isang araw, nagmamadali si Angie sa ospital at sinabi ng doktor sa pamilya na upang siya ay
gumaling, kailangan nilang alisin ang anumang bagay na nagdudulot ng kanyang pagkapagod. Sa araw na
sinabi ni Ramon sa kanya na kakailanganin niyang lumipat sa isang nurse sa pag-aalaga , isang
nalulumbay at nabalisa na si Fely ay naglalakad nang walang layunin sa paligid ng lungsod at natagpuang
ang isang mahiwagang studio ng larawan na may mga lumang larawan ng kanyang paboritong aktres na
si Audrey Hepburn. Pumasok siya upang makuha ang kanyang larawan. Kalaunan, natuklasan niya na
siya ay magical na nagbago sa kanyang 20 taong gulang na sarili.

Binago ang pangalan ni Fely ang sarili na Audrey at ginagawang pinakamaraming pagkakataon.
Nakakakuha siya ng pagkakataon na mabuhay ang kanyang pangarap na maging isang mang-aawit at
naging bagay ng pagmamahal ng tatlong lalaki ang apo niya si Jeboy; Ang prodyuser sa palabas sa TV si
Lorenz at Bert isang matalik na kaibigan mula pa noong bata pa siya.

f.2 Panimula (Sa paanong paraan sinimulan ang pelikula? Ito ba ay sinimulan sa flashback o nagsimula
lamang sa mga karaniwang pagsisimula ng kuwento?)

Ang pelikulang Miss Granny ay nagsimula sa pamamagitan lamang ng pangkaraniwang panimula


ng isang kwento kung saan inilahad ang istorya sa kasalukuyan hanggang mapunta sa isang pantasya na
mabalik sa muling pagkabata ang pangunahing tauhan ng pelikula. Ipinakita sa simula kung gaano
kamahal at kaproud ang pangunahing tauhan sa kanyang anak ngunit isang gabi sa kanyang pag uwi ay
ipinakita naman nito ang motibo na sa isang nursing home na lamang patirahin ang kanyang ina, at dito
na nagsimula ang kwento ng kanyang muling pagkabata.

f.3. Suliranin (Ano-ano ang mga pangunahing problema ang kinahaharap ng mga tauhan?)

Isa sa mga problemang kinaharap ng tauhan ay ang pagsakripisyo ng pangunahing tauhan na si


Fely ng kanyang pangarap para sa kapakanan ng kanyang pamilya, at nang siya ay maharap muli sa isang
pagsubok kung saan kailangan niyang magdesisyon kung mananatili siya sa pagkabata o ang sagipin ang
kanyang apo, ay muli niyang pinili ang iligtas ang buhay neto kahit na ang kapalit ay ang kanyang
pangarap na unti-unti ng natutupad. Ikalawa naman ay ang kulang sa atensyon at pagpapakita ng
pagmamahal sa simula ang anak ni Fely sa kanyang ina, kung saan pinili niyang patirahin sa isang nursing
home si Fely at kahit ang simpleng pagbili nito ng sandals ng ina ay hindi nagawa. Ikatlo ay ang nang
maaksidente ang apo ni Fely, dahil ditto ay kinailangan nito ng dugo at tanging si Fely lamang ang match
ng type ng dugo.

You might also like