You are on page 1of 2

Julia Jaffa Q.

Chavez
BSCE 2B
Feminismo

Way Back Home (Kathryn Bernardo at Julia Montes)


1. Sinu-sino o anu-anong puwersa ang humahadlang sa plano o pagtatagumpay ng babaeng
karakter?
- Ang pelikulang Way Back Home, dalawa ang nagging pangunahing tauhan dito at iyon
ay sina Joanna at Jessica na mayroong pwersa na humadlang sa kanilang gustong marating sa
buhay. Una na dito ang kay Jessica ang pagkawala ng kanyang kapatid na si Joanna at simula
non ay ang atensyon ng kanyang mga magulang ay tuluyang nawala ay hindi na siya
napapansing ng mga ito kahit na may nagawa siyang dapat ikatuwa ng mga ito. Habang si
Joanna naman ay kahit na siya ay nawala siya sa dagat, napunta siya sa pamilya na mapagmahal
ngunit sila ay mahirap lamang kung kaya’t hindi siya makapag-aral.

2. Paano inilarawan ang mga babaeng karakter: bida ba o Kontrabida ang nang-api o inapi, ang
nagsamantala o pinagsamantalahan?
- Masasabi kong inilarawan ang mga babaeng karakter ayon sa pelikula na ang isa ay
bida na siyang inapi (Joanna), at ang isa na may Kontrabida na nang-api at maaaring naapi rin ng
kanyang magulang (Jessica). Si Jessica ay nagsikap sa pag-aaral at paglangoy para makuha muli
ang atensyon at pagmamahal ng kanyang ina. Ngunit kahit anong gawin niya mukhang hindi na
niya ito makukuha pa kung kaya’t lumaki siyang may inggit at galit sa kanyang kapatid na lalong
nagpalayo ng loob niya sa kanyang kapatid. Si Joanna naman ay lumaking mabait, masunurin at
mapagmahal na kapatid at anak. Nagpapakita na malaki ang epekto sa isang anak kung paano
sila pakitunguhan ng kanilang magulang.

3. Paano bumangon sa kaapihan o sitwasyong mapagsamantala ang mga babaeng karakter?


- Simula nang mahanap at makabalik sa tunay niyang pamilya si Joanna at dinala sa
siyudad ay agad na nagbago din ang kanyang buhay pati na din ang buhay ng kanyang kapatid na
si Jessica. Nang dahil sa matagal na pagka-inggit at kulang sa atensyon ay pakiramdam ni Jessica
ay inagaw ni Joanna lahat nang sa kanya. Paulit-ulit silang nagtatalo na kung saan ay
nakakapagod na din. Kung kaya’t mas gustuhin na lang ni Joanna na bumalik sa nakilala niyang
pamilya sa probinsya dahil pakiramdam niya hindi siya nababagay sa lugar na iyon. Nang dahil
dito ay namulat silang dalawa at nagpasya na mag-usap at intindihin ang bawat isa dahil sila ay
tunay na magkapatid. Bumalik sila sa dati na kung saan ay magkasundo sila at masaya, nabuo
muli ang kanilang pamilya.
4. Paano nila sinalansang ang sistemang patyarkal?
- Dahil nga puro mga babae ang pangunahing karakter, nasakop nila ang buong pelikula
at mas umangat ang pagiging peminismo sa pelikula. Dahil din sa ipinakitang walang sawang
pagmamahal ni Amy sa kanyang anak na si Joanna ay umaabot sila sa punto ng kanyang asawa
na hindi niya na ito pinakikinggan at pinaninindigan ang kanyang mga desisyon bilang isa ina sa
kanyang nawawalang anak.

5. Paano sila nagpaalipin sa sistemang patyarkal?


- Sila ay hindi inalipin ng sistemang patriyarkal dahil mas lumutang ang mga karakter na
nagpapakita ng pagiging peminismo.
6. Mapagpalaya ba sa aspektong pangkasarian ang pelikula?
- Mapagpalaya ito sapagkat binigyang diin ang mga katanginan ng mga kababaihan na
ipakita ang kanilang mga talento at kagalingan sa pag-aaral hindi lang ng iba pang mga lalakeng
karakter sa pelikula. Ipinakita rin na kayang kaya rin gawin ng mga kababaihan ang mga kaya ng
kalalakihan katulad na lamang sa larangan ng “Swimming”.

You might also like