You are on page 1of 2

Angel Rose Laroco

BSTM2

I. Pamagat
Ang Pamagat ng Pelikula na aking napanood ay EKSTRA, kung saan ipinakita ang hirap na
dinadanas ng mga ekstra.

II. Mga Tauhan


1. Loida – Ang Bida ng pilikula
2. Direktor – ang namamalakad sa teleserye
3. Assistant Director – ang tumutulong sa direktor
4. Josie – ang kumukuha sa mga ekstra katulad ni Loida
5. Venus – ang kaibigan ni loida
6. Brando – ang bidang lalaki sa teleserye
7. Ms. Amanda – ang nakasamang karakter at isa sa iniidolo ni Loida sa teleserye
8. Dona Beatriz – ang kontrabida sa teleserye
9. Richard Yap – isa sa gumanap sa teleserye
10. Belinda – bidang babae sa teleserye
11. Rafael – ang mapapangasawa ng bidang babae sa teleserye

III. Buod ng Pelikula

Ang kwentong ito ay nagpapakita ng buhay ng isang ekstra at ang nagta-trabaho bilang
ekstra ay si Loida. Siya ay may isang anak na nag-aaral kaya sya’y pumasok sa trabaho bilang
ekstra upang mabayaran ang pangmetrikula ng kanyang anak sapagkat mag-isa syang
binubuhay ang kanyang anak at ang sarili nya.

Noong araw na iyon, binalitaan ni Josie na nangangailangan ang isang teleserye, na


pinangungunahan nina Piolo Pascual at Marian Rivera, ng mga ekstra sa susunod na araw,
kaya’t dali-dali si Loida mag-impake ng mga damit at kostyum para sa teleserye. Madaling
araw siyang nagising, naghanda at tumungo sa lugar kung saan siya susunduin kasama ng iba
pang ekstra. Nang nakarating sya sa tagpuan nila, ipinakita rito na kapag nahuli ka sa
tinakdang oras na sinabi sayo, iiwanan ka, at kapag hindi ka angkop sa ibinigay na papel o sa
papel na pinili mo, papauwiin ka kahit malayo man ang pinanggalingan mo o kaya papaltan
ka.

Matutupad na ang kanyang pangarap na maging sikat at makasama sa eksena si Ms. Amanda
kung saan gagampanan nya ang papel bilang abogado ni Ms. Amanda kaya naghanda at nag-
ensayo sya kahit sya’y pagod, puyat, at gutom dahil iyon ang buhay at trabaho ng mga ekstra.
Ngunit sa panahon ng eksena, hindi niya nagawa ang tungkulin niya ng maayos sa sobrang
kaba nya kaya nagalit ang direktor at sya’y pinaltan at naging bisita na lang sya sa kasal nina
Belinda at Rafael. Iyon na ang pagkakataon na matutupad nya ang kanyang pangarap pero
hindi ito para sa kanya.

IV. Banghay ng mga Pangyayari


A. Tagpuan – ang tagpuan ay ang bahay ni Loida at ang pinagganapan ng teleseryeng
kaniyang pinasukan.
B. Protagonista – ang protagonista ay si Loida kung saan ipinakita ang mahirap na
pamumuhay bilang ekstra.
C. Antagonista – ang antagonista ay ang mga tao na nag maliit sa pagkatao ng mga ekstra
pati ang sarili ni Loida sapagkat pinangunahan siya ng kaba at nasayang ang pagkakataon
na makilala siya bilang aktor.
D. Suliranin – ang suliranin ng pelikula ay kung paano kumita ng pera para may maibayad sa
pagaaral ng kaniyang anak.

V. Paksa o Tema
Ang paksa o tema ng pilikula ay napapanahon, sapagkat hangang ngayon ay napaka hirap
kumita ng pera. Kahit pa ikaw ay may trabaho swertihan parin na magkaroon ka ng sapat na
sweldo para sa iyong pamumuhay at ipinakita dito ang diskriminasyon ng mga taong may
mataas na posisyon sa mga tao na nasa mas mababang posisyon kaysa sa kanila na hangang
ngayon ay nangyayari.

VI. Mga Aspektong Teknikal


A. Sinematograpiya – Maganda dahil naipakita ang mga eksena sa likod ng kamera at
naipakita ang bawat saya at hirap ng bawat tauhan sa kwento.
B. Musika – tamang tama ang musika para mag pakilig, mag pakaba at mag paantig ng
damdamin ng mga manonood.

VII. Kabuuang Mensahe ng Pelikula


Ang kabuuang mensahe ng pelikula ay Tatanggapin ang isang ina ang kahit anumang trabaho
at hirap para mabigyan ang pangangailangan ng kanilang mga anak; at kung wala ang mga
ekstra, walang buhay ang pelikula at magmumukhang “scripted” kaya dapat bigyan sila ng
halaga at konsiderasyon sa sobrang laki ng kanilang itinutulong sa pelikula o teleserye.

You might also like