You are on page 1of 3

Eskinita

Sa loobang masikip , dikit dikit ang mga bahay , walang mga

streetlights , talamak ang tsismosa , pugad ng Droga , madalas

ang amukan , puno ng mga Dayo mula sa ibat-ibang mga lugar , ang

ilan ay may kuryente at ang karamihan ay jumper. Kung titingnan

ay mukhang walang katahimikan , matao lalo na twing gabi at

laging may inuman.

Makikilala ang dalawang nagnanais bumago ng kapalaran ,

nagbabalak umahon sa kadiliman , at makalaya sa tanikala. Sila

na kung titingnan ay talagang kakaawaan dahil na rin sa angking

bakas ng kahirapan.

Sila si Emman at Mary-ann , hindi magkamag-anak ngunit

magkababata , mas matangkad ng kaunti ang lalaki , may patpating

katawan at bigotehin , dalaput apat na taong gulang. Ang isa

naman ay si Mary-ann , kulot , sunog ang balat , at puro

tigyawat.

Kilala sila sa kalyahong ito na madalas kantyawan ng mga tambay

na Mataas ang lipad nagmamataas daw kasi dahil nakapag-aral ,

sila Emman at Mary-ann lang kasi ang laging nakaposturang

uniporme at may hawak na libro kapag sisikat na si Haring araw ,

3rd yr. college na si Mary-ann at magtatapos na si Emman ngayong

taon sa kursong Nursing.


Si Mary-Ann bagamat panglima sa pitong magkakapatid ay sya ng

umako ng responsibilidad ng kanyang ama at ina , isa syang

service crew sa kalapit na kanto sa pagtawid sa isa pang kalsada

, nasa pangatlong taon na sya ng kolehiyo sa kursong guro sa

primarya , Balediktoryan sya ng magtapos ng sekundarya kung kaya

naman agad syang nakakuha ng scholarship para magpatuloy sa

kolehiyo. Ang ama nyay nagtutulak ng droga at labandera naman

ang kanyang ina , ang kanyang mga kapatid naman ay maagang

nagsipang-asawa , katwiran nila ay dahil sa pagmamalupit ng

kanilang ama , sa makatuwid sya na lang ang nakikitang pag-asa

ng kanyang ina na magpaparaos sa kanya sa hirap kahit para kay

Mary-ann ang pagtupad nito ay parang pagsuot sa karayom.

Mahirap.Napakahirap.

Si Emman , paika-ika kung maglakad , isang tutor ng mayamang

pamilya Montano sa isang kilalang subdivision , kumikita sya

rito ng dalawang libo kapalit ng isa o minsan pay umaabot ng

dalawang oras , madalas ay ditto na rin sya maghapunan , nagtu-

tutor kasi sya matapos ng klase sa hapon . Ampon sya ng isang

tomboy kung kayat di nya kilala ang kanyang mga magulang. Isa na

syang Graduating student sa isang State University kung saan sya

ay pumapangatlo sa klase , kumukuha sya ng kursong Nursing ,

palagi mo syang makikitang malayo ang tingin , animoy may


malalim na iniisip , iba syang magsalita at talagang magaling

sya sa wikang ingles.

Sa bawat masalimuot , masikip at walang bumbilyang eskinita ay

mayroong Mary-ann at Emman na patuloy na nagsisikap sa hamon ng

buhay , kapwa humuhugot ng lakas mula sa kapaligirang

kinagisnan. Tunay ngang malayo pa ang daang tatahakin ng ating

mga Mary-ann at Emman pero ang mahalaga ay pareho silang

lumalaban at patuloy na nagsisikap sa hirap ng buhay. Hindi man

sila makilala at maparangalan ang mahalaga ay ginagawa nila ang

kanilang pananagutan. Dahil bilang tao naniniwala silang may

pananagutan sila di lang sa iyong sarili , pamilya , kapwa at

higit iyong Bayan.

Mabuhay ang mga Mary-ann at Emman ng Bayan ! Patuloy kayong

magsilbing inspirasyon at magsikap dahil darating din ang

tagumpay sa inyo sa tamang panahon.

You might also like