You are on page 1of 2

“Sa Mata ni Ekang”

Ni Kara David

Ito ay tungkol sa isang musmos na bata at ang kanyang pamilya at kung paano sila

namumuhay. Si Melay, ang nanay ni Ekang, ay isang dating pick-up girl at ngayon ay runner ng

shabu. Dati ay may kaya ang pamilya, may sariling taga-laba ngunit nang magkasakit ang

kanyang lola at namatay ang kanyang tatay unti-unting naghirap ang pamilya nila at dahil hindi

ssanay magbanat ng buto ay lalo pa silang naghirap. Unti-unting naubos ang kanilang mga ari-

arian at ang kanyang ina ay pumaso sa mundo ng prostitusyon. Paglipas ng panahon si Melay na

mismo ang natutong dumiskarte sa kalye ngunit hindi alam ng kanyang mga magulang. Dito na

nagsimula ang pagkaligaw nya ng landas, nalulong sya sa droga at nahinto rin sa pag-aaral, at

nang magkaroon ng supling ay huminto na sya pagiging prostitute at pumwesto nalang sa bahay

para magbenta ng droga. Si Allan na ama ni Ekang ay pedicab driver sa umaga pero holdaper sa

gabi, Si Benjie na kapatid ni Melay ay bulakbol at laging napapasali sa away, at mabisyo tulad

ng ina at ama ni Ekang. Imbes na mag-aral ay nagbubulakbol nalang at umiinom ng alak upang

makatakas sa madilim na lugar na ginagalawan ng kanyang pamilya. Si nanay Lita na lola ni

Ekang dating hostes ngayon ay bugaw na. Gusto nyang ilayo sana at dalhin nalang sa probinsya

ang anak na si Benjie upang hindi narin matulad sa kanila. Sila ang pamilya ni Ekang.Ito ang

buhay na kinamulatan ng “Papa’s girl” na si Ekang. Hanggang kalian kay anila maitatago ang

katotohanan ng mundong ginagalawan nila sa mga mata ni Ekang. Sa akda ang mga mahalagang

kaganapan ay kung anong klase ng buhay ang mayroon ang batang si Ekang sa kabila ng magulo

at madilim na gawain na mga nakatatandang nakapaligid sa kanya at kung ano ang magiging

epekto nito sa kanya. Nakakalungkot ito dahil sa kahirapan ay maraming pamilya ang kumakapit

sa patalim para lang maitaguyod ang mahal nila sa buhay at sa kasamaang palad ay napupunta
sila sa baluktot na daan. Ang kahalagahang pangkatauhan na nakita ko sa teksto ay

pagpapahalaga sa pamilya at mahal sa buhay na makakagawa sila ng mali at pumasok sa

marumin kabuhayan para lang mabuhay sila. Ang teoryang pampanitikan ay “Teoryang

Realismo” sapagkat sa aking nakikita ay pumapaksa sa kalagayan na nangyayari, sa lipunan

tulad ng kahirapan at binibigyang diin ang lipunang ginagalawan ng mga tauhan. Para sa akin

ang nais ipahatid ng mga akda sa mga tulad kung makaka-basa o makaka-nuod kahit gaano man

kahirap ang buhay ay wag sana tayong panghinaan ng loob at piliin ang masamang gawain at

napagtanto ko na hindi rin tama na husgahan ang mga taong ito sapagkat wala tayong alam sa

totoong nangyayari sa kanilang buhay kung bakit sila naligaw ng landas.

You might also like