You are on page 1of 1

Ako si Paulita Gomez, ang Pamangkin ni Donya Victorina.

Batid kong hindi pangkaraniwan ang


aking kagandahan, hindi naman sa pagmamayabang ngunit halos lahat ng mga kalalakihan sa
aming unibersidad ay nahuhumaling sa aking kagandahan. Mayaman, matalino, kabigha-
bighani — marahil iyan ang pinakamagandang deskripsyon sa aking pagkatao. Busog man ako
sa pisikal na karangyaan, kayamanan, alam kong mayroon pa ring kulang sa akin. Tila
pagmamahal, pagmamahal ng mga taong sa akin lamang. kaya nga noong nakilala ko si
Isagani, ay sobrang saya, at lubos na galak ang naramdaman ng aking puso.

Naaalala ko noong kami ay nagtatawanan dahil halos makita na namin ang kasalang Juanito
Pelaez at Donya Victorina. Ngunit, nang makarating kami sa usapan ng kanyang bayang
sinilangan… noong makarating kami sa usapan kung paano makakarating sa kanilang bayan…
noong malaman ko na bago makarating sa kanilang bayan ay kailangan munang dumaan sa
mga bundok na punong-puno ng mga maliliit na linta. Sa pag-iisip pa lamang noon ay ako’y
kinilig sa sobrang takot.
Ako ay lumaki sa Maynila at hindi ako sanay. Hindi ko kakayanin na dumaan sa mga daanang
maputik nang paulit-ulit. Pangarap, pangarap kailan pa mangyayari ang sinasabi niya na
magiging mamamayan kami ng Pilipinas at makakamit namin ang maluwalhati naming
kapalaran, ngayong ako’y matanda na.

Kaya nga pinili ko si Juanito Pelaez, isang mayamang tao. Masaya naman ako kay Juanito.
Kaya nga pumayag na rin akong magpakasal sa kaniya. Sa totoo nga lang ay minsan ay tila
napapaibig na ko sa kanya. Si Juanito ay isang mapagpatawang lalaki, minsan nga ay
napapangiti niya ako. Pero sa tinagal-tagal naming kasal ay hindi ko mawari kung bakit hindi
sumasagi sa aking isipan na makipagtalik sa kaniya. Siguro nga ay hindi pa buo ang aking pag-
ibig sa kaniya. Marahil… marahil.

Pero minsan hindi ko rin mapigilang tanungin ang aking sarili kung tama ba ang desisyon kong
pakasalan si Juanito, o dapat ay umalis na lamang ako noon para pakasalan si Isagani? Ngunit,
naging makasarili ako noon, iyan ang tingin ko sa aking sarili. At isa pa, ayaw sa kaniya ni Tiya
Victorina. Siguro nga ay dapat ko na lang silang sundin sapagkat alam kong iyon ang
makabubuti para sa akin. Pero nagkamali ako. Marahil nga ay nagbulag-bulagan ako, at naging
sunud-sunuran sa kanilang lahat. Minsan napapaisip ako kung tunay ba kong masaya sa buhay
ko ngayon? Dapat ko bang balikan ang nakaraan? Siguro… siguro nga ay… siguro nga ay
dapat ko na muna lamang hanapin ang aking sarili. Kailangan kong malaman ang dapat kong
gawin. Dapat pa ba kong manatili kay Juanito? O kailangan ko nang umalis sa bayan na ito na
punong-puno ng mga kahabag-habag na pangyayari?

You might also like