You are on page 1of 2

Monologo ni Paulita Gomez

Isinulat ni: Fionna Marie G. Bacomo

Aking higit na ginagalang na Paulita Gomez,


Sa aking pagkabahala, ako’y natagpuan sa gitna ng iyong kwento. Ika’y isang karakter sa
pambansang nobela na “El Filibusterismo.” Sa pamamagitan ng mga pahina at mga talata, ako’y
natutong umunawa at sumalamin sa iyong pagkatao.

Mga minamahal kong kababayan,


Ako si Paulita Gomez, isang karakter sa nobelang El Filibusterismo. Ako ay isang dalaga
na nagmula sa isang pamilyang mayaman at makapangyarihan. Ngunit sa likod ng mga
tagumpay at yaman na ito, may mga saloobin at mga suliranin na akala ninyo ay hindi kailanman
makaaabot sa tulad kong nasa mataas na kalagayan.

Inampon ako ng aking tiya na si Donya Victorina simula nang ako’y maging isang ulila.
Hindi ko gaanong lubos alam ang buhay sa siyudad nang magsimula akong mamuhay sa poder
ng aking tiya. Habang ako’y lumalaki ay unti-unti akong natuto ng mga bagay na dapat kong
gawin at hindi dapat gawin.

Tinuruan ako ni Donya Victorina ng mga bagay-bagay tulad na lamang na dapat nating
gamitin ang ating talino at pairalin ang ating isipan imbes na ang puso.

Ako’y may iniibig na ang ngalan ay Isagani ngunit ang aming pag-iibigan ay nahinto
dahil sa pagkakasangkot nito sa di umano’y pag-aalsa. Dahil dito, pinakasal ako sa isa pang
mayamang binata na si Juanito Pelaez, upang mapalago ang kayamanan at impluwensya ng
pamilya ni Donya Victorina. “Mahal kita Isagani ngunit ika’y nagkasala at ako’y may pangalang
iniingatan na hindi puwedeng madungisan pagka’t buhay nami’y malalagay sa kapahamakan.”

Sa mga araw na kami’y magkasama ni Juanito ay unti-unting nahulog ang loob ko sa


kaniya. Siya’y masiyahing tao at alam niya kung papaano paibigin ang isang tulad ko. Palagi
niya akong pinapasaya kaya ang mga alaala naming dalawa ni Isagani ay unti-unti ng nabubuta
sa aking isipan ngunit may mga pagkakataong ako’y napapaisip na ako’y nagtaksil sa relasyon
namin ni Isagani. Alam kong kami’y tapos na ngunit mga mga bagay na bumabagabag sa aking
isipan tulad na lamang ng paano kung hindi nasangkot si Isagani sa pag-aalsa na iyon? Ang pag-
iibigan ba nami’y magpapatuloy o hihinto katulad ng nangyari ngayon? Paano kung pinaglaban
ko ang aming pag-iibigan at hindi sumuko ng basta-basta lang? Ngunit ang ilan sa mga
katanungan ay nasagot na ngayon, masangkot man si Isagani sa pag-aalsa o hindi, mas pipiliin
ko pa ring pakasalan si Juanito Pelaez. Hindi ko kayang mabuhay sa hirap at kumayod ng husto
para lang may makain.

Sa araw ng aming kasal ni Juanito Pelaez, isang pangyayari ang yumanig sa aming mga
buhay. Nagkaroon ng kagukuhan nang sumabog ang lamparang regalo ng isang alahero. Ang
mga tulisan ay planong magsagawa ng pagkitil sa aming mga buhay at maging marka ng
pagsisimula ng pag-aalsa.

Sa kabutihang palad, wala ni isa ang nasugatan sa pangyayari. Niligtas kami ni Isagani
nang kunin niya ang lampara at itapon malapit sa ilog. Laking pasasalamat ko sa kaniya sapagkat
ako’y niligtas niya sa kamay ni kamatayan na kahit ang aming relasyon ay tapos na ay hindi pa
rin niya ako pinabayaan.

Bago magtapos ang kuwento, napagtanto ko ang kadilimang bumabalot sa lipunan. Ang
mga taong nasa kapangyarihan ay patuloy na inaabuso ang kanilang kapangyarihan, at ang mga
mahihirap ay patuloy na nagdurusa sa kahirapan. Ngunit sa kabila ng reyalisasyon na iyon, wala
akong nagawa kundi ang manood sa hindi nagbabagong takbo ng mundo.

Sa pagwawakas ng kuwento, ang buhay ko’y aking naisalba at ako’y patuloy namuhay ng
marangya.

Muli, ako si Paulita Gomez, isang babaeng mayaman na iniwan ang kaniyang minamahal
para hindi madungisan ang pangalang kaniyang iniingatan.

You might also like