You are on page 1of 14

Suring Basa

Ipinasa ni :

Ipinasa kay:
Ika-17 ng Marso 2023
Panimula
Ang suring basa ay ang pagsusuri ng isang akda. Ito ay ginagawa
upang mas maunawaan natin ang mensaheng nais ipahatid ng
may akda. Dahil dito, malaya nating naibabahagi ang ating
opinyon.

Ang paggawa ng suring basa ay isang paraan din ng pag


hihimay-himay ng nilalaman ng isang akda. Dahil mas inaaral
natin ito, mas madali nating naiintindihan kung paano at kung
para saan isinulat ang akda.

I - May Akda:
Si Binibining Mia Alfonso o mas kilala bilang Binibining Mia ay isang babae na mahilig
sa kasaysayan o historiya. Ipinanganak siya noong Abril 16. Nakapagsulat siya ng
isang istoryang nagngangalang “My Bestfriend’s Boyfriend” ngunit kalaunan ay binura
niya rin dahil masyado na daw gasgas ang ganoong kwento. Si Mia ay palaging
nabighani sa totoong buhay na mga kuwento, mito, alamat, at pangkalahatang
kasaysayan. Naniniwala siya na ang isang mahusay na manunulat ay isang malawak
na mambabasa. Nagsusulat siya kapag inspired at stressed. Sa pagsusulat niya
ibinubuhos ang lahat. Ang kanyang paboritong internasyonal na manunulat ay si Lang
Leav. Ayon kay Bb. Mia, “Gustong-gusto ko kung paano niya ako pinaluha, kahit isang
kapansin-pansing salita ay tumatagos sa puso ko. Mahilig talaga ako sa mga deep at
malalaim na salita na may another meaning, gusto ko ‘yong mapapaisip talaga ako sa
idea at concept na gustong ipaunawa ng writer.” Dahil sa kanyang pagmamahal sa
kasaysayan ay naisulat niya ang “I love you since 1892” na nahahati sa limang libro at
sobrang minahal ng maraming tao. Marami pang mga nagawang istorya si Bb. Mia pero
ito pa lamang ang nagawan ng libro : “Our Asymtotic Love Story” , “Salimsim” at “Thy
Love: Ang Unang Pagtatagpo”. Ang kaniyang Best-Selling na nobela na “I love you
since 1892 ay pinarangalan bilang Book of the Year – Fiction by ABS-CBN Books sa
isang virtual na kaganapan ng mga manunulat na dinaluhan nina Project Foreword
mentors Ricky Lee, Ardy Roberto, at Makiwander.

II - Buod
Si Carmelita Montecarlos ang bunsong anak ng pinakamayamang pamilya ni
San Alfonso, habang si Juanito Alfonso ay anak ng pinakamakapangyarihan at
maimpluwensyang gobernadorcillo. Isang kasunduan ang nagpatibay sa
kanilang pag-iibigan sa hinaharap. Dapat silang umibig, na ginagarantiyahan ng
isang kasunduan. Ikakasal sila sa araw ng ika-20 kaarawan ni Carmelita.

Gayunpaman, sa araw ng kanilang engrandeng kasal, binaril si Juanito. Walang


nakakaalam kung sino ang gumawa nito. Inakala ng lahat na ito na ang
katapusan ng kanilang trahedya. Na tulad ng kanilang mga kaluluwa, ang
kanilang trahedya na pag-iibigan ay napunta sa kabilang buhay. Ngunit may iba't
ibang plano ang tadhana.
Matapos ang mahigit 104 na taon, si Carmela, ang ikaapat na henerasyon ng
angkan ng Montecarlos, ay isisilang sa isang leap year — sa parehong araw na
ipinanganak si Carmelita. Ang isang maikling paglalakbay sa San Alfonso para
sa kanyang ika-20 kaarawan ay magbibigay sa kanyang rebeldeng buhay ng
isang kakaibang twist. Sa pamamagitan ng isang talaarawan, babalik siya sa
nakaraan at ang Carmela ng 2016 ay makikilala si Juanito ng 1892.

III - Pagsusuri
A. Uri ng Panitikan : Nobela
B. Pamagat : I love you since 1892

C. Layunin ng Akda : Ang layunin ng Akda ay ang maitatak sa


kaniyang mambabasa na mahalaga ang pamilya,kaibigan, mahalaga na
gumamit parin tayo ng magagandang asal at mahalaga ang kasaysayan,
na kahit napakatagal na panahon na ito kailangan parin natin itong
alalahanin at isa puso.
D. Paksa ng May Akda : Sa iba’t ibang paksa pinaikot ng May
Akda ang kwento ito ay ang mga pagmamahal ng isang pamilya,
pag-iibigan, kasiyahan, kalungkutan, kamatayan at paghihiganti.

E. Tagpuan: San Alfonso


Cebu
Bohol
Cavite
Maynila
Laguna

F. Tauhan :
Pamilya Montecarlos:
Don Alejandro Montecarlos - Ama nina Maria, Josefina at Carmelita.

Donya Soledad Montecarlos - Ina nina Josefina, Maria at Carmelita ; sinakripisyo


ang kaniyang buhay para mailigtas si Juanito

Josefina Montecarlos
- kapatid nina Maria at Carmelita na isang ganap na madre at kalaunan ay
namatay dahil nasaksak sa kaguluhang naganap sa simbahan

Maria Montecarlos - Nakatatandang kapatid nina Carmelita at Josefina ;


pinagmulan nila Carmela

Carmelita Montecarlos - ang bunsong anak ng Montecarlos; umibig kay Juanito

Pamilya Alfonso
Don Mariano Alfonso - gobernador ng San Alfonso ; pinaslang dahil sa maling
impormasyon na ibinintang sakanya

Donya Juanita Alfonso - asawa ni Don Mariano at namatay dahil sa malubhang


sakit at dahil sa pagkamatay ng kanyang Anak at Asawa

Hen. Sergio Alfonso - Punong Heneral ng San Alfonso na siniraan at pinatay rin
kasama ng kaniyang Ama

Sonya Alfonso-Corpuz - ang unica ija ng Pamilyang Alfonso na naunang ikasal


kay Ignacio Corpuz

Angelito Alfonso - nakababatang anak ng Alfonso na nagaaral ng abogasya

Juanito Alfonso - Nag-aaral ng medisina na naitakdang ikasal kay Carmelita


ngunit ang kaniya talagang minamahal ay si Carmela

Pamilyang Flores
Don Vicente Flores - ang naging gobernador nang mamatay si Don Mariano ;
ang may kagagawan ng lahat
Hen. Leandro Flores - Siya ang unang pag-ibig ni Carmelita na naging Punong
Heneral nang mamatay si Hen. Sergio Alfonso

Natasha Flores - nakagawa ng bagay na hindi katanggap tanggap dahil sa


kanyang inggit sa magkakapatid na Montecarlos

Helena Flores - ang unang inibig ni Juanito at ang dahilan kung bakit
nagkagulo-gulo ang lahat

Pamilyang Corpuz
Kapitan Pedro Corpuz - ang kanang kamay ni Don Mariano na pinatay rin dahil
sa pag-aakalang isa rin syang rebelde

Ignacio Corpuz - ang napangasawa ni Sonya na nabaril kaya sumali sa mga


rebelde para ipaghiganti ito

Pamilyang Isabella
Daniel Isabella - ama nina Carmela, Emily at Jenny

Carmenia Isabella - Ina nina Carmela, Jenny at Emily ; namatay dahil sa


kapanganakan ni Emily

Carmela - ang spoiled brat na anak at ang napunta sa nakaraan para maayos
ang kapalaran nina Juanito at Carmelita ; sa kaniya tunay na napamahal si
Juanito at hindi kay Carmelita

Jenny at Emily - ang nakababatang kapatid ni Carmela

Mga iba pang tauhan sa nakaraan :


- Mang Raul
- Eduardo
- Therisita
- Eduardo
- Gobernador-Heneral
- Hukom Hilario Valencio
- Hen. Selerio Silvacion
- Ginoong Maximo Rosalejos
- Kolonel Santos
- Madam Olivia
- Ginoong Valdez
- Madam Ofelia
- Nenita
- Belinda
- Laura
- Don Buencamino
- Ca-Tapang
- Donya Julieta
- Don Diosdado Valdez
- Hukom Emilio Fernandez
- Padre Orlando
- Esmeralda Mangahas
- Aling Trinidad
- Mercedes
- Cristeta
- Carding
- Bergilio
- Heneral Seleno
- Senor Timoteo Delmundo

G. Balangkas ng mga pangyayari :

SIMULA
Si Carmela Isabella ay galing sa ninuno ng mga Montecarlo. Dahil siya ang
ika-apat na pinanganak sa kanilang henerasyon siya ang napili ng tadhana na
bumalik sa nakaraan para maayos ang kapalaran ni Juanito Alfonso, ang
mapapangasawa ng kapatid ng lola ng lola niya — Si Carmelita Montecarlos. Isa
pang dahilan dito ay kamukang kamuka niya si Carmelita Montecarlos. Kaya ng
makita siya ni Madam Olivia sa silid aklatan ng kanilang Unibersidad, hindi
nagdalawang isip si Madam Olivia na magpakita sakanya at sadyang ipakita ang
talaarawan ni Carmelita na binigay ng kaniyang lola noong nagpunta sila doon.
Hindi nga nagkamali si Madam Olivia dahil sinundan siya ni Carmela at
sinabihan na pagmamay-ari nito ang talaarawan. Sa sobrang bilis ng pangyayari
ay bigla nalang tinulak ni Madam Olivia si Carmela sa arch of the centuries ng
Unibersidad ng Santo Tomas kaya nalang siya nasa nakaraan at nasa katawan
ni Carmelita. Pinaliwanag sakaniya ni Madam Olivia ang lahat na meron siyang
misyon na dapat gawin. Sa umpisa palang na napunta si Carmela sa nakaraan
ay nabago na niya ang kapalaran ni Carmelita dahil nagkita sila ni Juanito sa
Maynila sa hindi pa tamang panahon.Gumawa siya ng paraan para hindi matuloy
ang kasal, iyon ay ang tulungan sila Helena at Juanito na magkatuluyan dahil sa
umpisa palang ang alam ni carmela ay si Helena dapat ang mahal ni Juanito at
ang nakatakda, nagawa niya naman ito ngunit habang tumatagal ay napapansin
ni Helena ay hindi na siya ang tinitibok ng puso ni Juanito. Noong araw ng pista
ay kinompronta ni Helena si Juanito at tama nga siya dahil mahal na ni Juanito si
Carmela. Doon nahuli sila nina Don Alejandro, Don Mariano at Don Flores.

GITNA
Labis na ikinagalit nina Don Alejandro at Don Mariano ang nalaman nila.
Nalaman nilang lahat na plinano ni Carmela na huwag ituloy ang kasal kaya
nagkaroon ng alitan ang Montecarlos at Alfonso. Dito nagsimula na magkaroon
ng mga sisihan at usapin sa San Alfonso na si Don Mariano at ang anak nitong si
Hen. Sergio ay parte ng rebelde at sumasalungat sa gobyerno. Nang mapunta
ito sa korte maraming tumestigo kay Don Mariano at napapatunayan na siya ay
guilty dahil sabi ng isang testigo na tanda raw ng pagiging rebelde ang
pagkakaroon ng isang ekis na pula. Dahil doon ay pinapatay si Don Mariano,
Hen. Sergio Alfonso at si Kapitan Corpuz. Labis na ikinalungkot ito ng mga tao
sa San Alfonso dahil ang ninuno ng mga Alfonso ang bumuo ng San Alfonso.
Pinatapon ang pamilyang Alfonso at Pamilyang Corpuz sa Bohol at kung sila ay
magbabalak na bumalik sa San Alfonso ay kamatayan ang kanilang aabutin.
Tumaas ang rango ni Don Flores dahil siya ang pumalit na Gobernador habang
si Don Alejandro ang naging kanang kamay nito. Nang mapunta si Carmela sa
Cebu para doon mag aral ng pagmamadre dahil tinanggihan ni Madam Olivia
ang kasunduang ipakasal si Carmela kay Leandro. Si Madam Olivia ang
nasunod kaya kinabukasan non ay pumunta na silang Cebu. Pagkarating nila
nagkita sina Juanito at Carmela ngunit nagpanggap si Juanito na di niya kilala
ang dalaga kaya kinabukasan sinundan nina Carmela at Therisita si Juanito at
nakarating sila sa Cebu. Doon nila nakita sina Sonya, Ignacio, Angelito, Donya
Jualita at Juanito. Ibang iba sila sa huling pagkikita dahil napaka simple na lang
nila. Sa araw rin na iyon namatay si Donya Juanita dahil sa malubha nitong sakit.
Noong araw ng kaarawan ni Juanito puro saya lang ang nangyari ngunit
kinabukasan ay bigla nanamang nagka problema dahil nalaman ni Carmela na
ipapakasal si Maria kay Don Vicente Flores. Agad agad siyang umuwi at
sinabihan ang kaniyang ama na bawiin iyon at handa na siya nalang at si
Leandro ang magpapakasal ngunit napag-alaman ni Carmela na kahit matuloy
ang kasal nila ay handa paring makipag-iisang dibdib si Don Vicente Flores kay
Maria basta't ipalaglag lang nito ang batang nasa sinapupunan. Anak ni Maria at
Eduardo ito kaya agad na nagalit si Don Alejandro at pinakulong si Eduardo.
Nagalit rin si Mang Raul na tatay nito at pinagbantaan si Don Alejandro na
babalik rin sakanya lahat ng ginawa niya kaya pinakulong at pinabugbog niya ito.
Plinanong sumama ni Carmela at Maria kina Juanito, Eduardo at Ignacio ngunit
nahuli sila dahil nagsumbong ang mayordona ng kanilang bahay na si
Esmeralda. At gaya nga ng sabi ang sino mang Alfonso at Corpuz ang
tumungtong sa San Alfonso ay hahatulan ng kamatayan. Kinulong at binugbog
ng mga guardia sibil sina Ignacio at Eduardo habang naitulak naman ni Ignacio
sa Ilog ng gabing iyon si Juanito dahilan para makatakas ito. Naiuwi si Juanito sa
Bohol at dalawang araw na tulog dahil sa tama nitong bala dahil don ay tumakas
si Sonya sa bohol at pumunta kay Don Alejandro para makiusap na palayain si
Ignacio at pinapangako na di na sila babalik kahit kailan ngunit hindi pwede na
baliwalain ni Don Alejandro ang batas kaya hinatulan niya ng kamatayan si
Sonya, sa harap ng kaniyang anak na si Carmela. Nang araw ng kaluluwa
umatake ang mga rebelde at doon sinaksak si Josefina ni Mang Raul. Labis na
kinalungkot ni Don Alejandro ng mamatay si Josefina at inamin kay Carmela ang
totoo na kahit kailan hindi naging parte ang sino mang Alfonso at Corpuz sa
rebelde. Napagtanto ni Don Alejandro na binalikan nga siya ng kaniyang mga
ginawa pero di natigil doon ang kasamaan nina Flores dahil lahat pala ay
planado nila.

Wakas:
Lahat ng kaguluhan na nangyari sa San Alfonso ay dahilan lahat ng
kapangyarihan at titulo. Binaril at nilagay sa rehas si Juanito dahil nalaman ni
Leandro ang sikreto nilang pagkikita ni Carmela dahil doon ay tuluyang nasunog
ang talaarawan at kapag nangyari iyon ay nabigo si Carmela sa misyon niya.
Nang masunog ang talaarawan madalas na makaramdam si Carmela ng
pagkahilo at nangyari na nga ang kinakatakot niya. Siya ay na co-control na ni
Carmelita. Sobrang galit si Carmelita dahil nagawa raw mahalin ni Juanito si
Carmela ngunit ng si Carmelita ang nagmamakaawa ay hindi nito pinansin ang
kaniyang nararamdaman at patuloy lang sa paghingi ng tawad na hindi siya nito
kayang mahalin. Sobrang natatakot si Carmela dahil sigurado na siya na galit na
galit si Carmelita dahil nang isang beses na makabalik ito sa kaniyang katawan
ay nagulat siya na patay na si Josefina at ang kaniyang Ina kaya isa lang ang
gusto ni Carmelita. Ang mabigo si Carmela sa misyon niya at maiwang mag-isa
sa buhay si Carmela. Kaya nang makuha ulit ni Carmelita ang kaniyang katawan
ay pinatuloy nya ang kasal nila ni Leandro at tinuro kung saan nakatago ang
rebelde at si Juanito. Nang makabalik naman si Carmela sa katawan ni
Carmelita bumalik sakanya ang isang ala-ala ni Carmelita. Nang sinabi ni Juanito
na si Helena ang tunay nitong mahal at hindi niya kaya na mahalin si Carmelita,
sobrang nagalit si Carmelita at pumunta kay Kapitan Corpuz at inutusan na sa
oras ng kasal nila ay barilin si Juanito at siguraduhing sa puso ito tatama, ngunit
bago pa man mabaril si Juanito siya ay nagdalawang isip at balak na ipahinto si
Kapitan Corpuz ngunit huli na ang lahat. Nang makabalik naman sa katawan ni
Carmela si Carmelita ay nagbigay siya ng sulat kina Ca-tapang at Juanito. Ang
nilalaman ng sulat ni Carmela ay ang pagpapaaalam niya kay Juanito.
Naniniwala siya na kapag malayo sakanya si Juanito malayo rin si Carmelita
sakanya, kaya mas ligtas siya. Sumang-ayon si Carmela na sa Maynila
manirahan at magtago dahil ang Pamilyang Montecarlos ang isusunod ng mga
rebelde. Sa sulat naman ni Carmela kay Ca-tapang ay ang huwag muna tumuloy
sa plano na pagsugod dahil alam nina Leandro ang plano at baka matalo lang
sila pero nangyari ang nangyari dahil nagkagulo parin dahil sa ginawa ni
Carmelita. Nang nasa Maynila na sila papuntang daungan bigla nanamang
nagkagulo dahil dumating ang rebelde at gusto nilang paslangin si Gobernador
Flores dahil nalaman ni Ca-tapang na siya talaga ang may kagagawan ng lahat
ng kaguluhan at pag-paslang sa mahihirap. Napunta sa arch of the centuries
sina Juanito at Carmelita kung saan balak na patayin ni Carmelita si Juanito
ngunit nalabanan sya ni Carmela dahil nanaig ang pagmamahal nito kay Juanito
at binitawan ang baril na hawak. Pagkatapos non, bigla nalang nakabalik si
Carmela sa hinahanap. Sa huli, nagkita sila ng apo sa talampakan ni Angelito —
si Juanito Alfonso IV pero mas gusto niya na tinatawag na John. At magkaibang
magkaiba silang dalawa ni Juanito. Nagbalik si Carmela sa mansyon ng mga
Alfonso at nakita nya don ang lolo ni John na si Lolo Juaning at ipakita kay
Carmela ang obra ni Juanito, ang obra ng kaniyang muka. Naging ganap na
Doktor si Juanito at napa-aral niya si Angelito ng abogasya. Lahat rin ng
talaarawan ni Juanito simula 1896 hanggang 1963 kung saan nabulag at
namatay si Juanito ay nakatabi at ibinigay kay Carmela. Kalaunan ay namatay
rin ng maaga si Carmelita. Si Juanito lang ang tanging nakapag-sabi ng sakit
niya. Iyon ay ang naparusahan siya dahil sa kasakiman ng kaniyang ginawa,
pagkatapos nila magkita ng sampung araw ang nakalipas ay namatay si
Carmelita. Nabigyan rin ng hustisya ang pamilyang Alfonso at Montecarlos pati
ang ipinaglalaban ng mga rebelde at ni Ca-tapang.

H. Tema -
Pinamagatan itong I love you since 1892 dahil nabanggit doon na kahit 1891
naging sina Carmela at Juanito ay nagawang sabihin ni Carmela ang katagang
"Mahal Kita" noong Enero 1892. Sa panahon ring iyan mas lumalim ang
pag-iibigan nila at masilayan ko iyon. Kaya rin ito pinamagatan na I love you
since 1892 ay dahil Pebrero 29 1892 nawala si Carmela sa panahon na yon at
simula ng araw na yon rin nalaman ni Juanito ang tunay na pagkatao ni Carmela
kaya simula ng taon na iyon hanggang magunaw ang mundo talagang mahal
niya si Carmela, kaya rin siguro walang sinabing hangganan o binanggit na
hanggang kailan ang salitang "I love you" sa pampagat dahil kahit kailan hindi
mag wawakas ang pagmamahal ni Juanito o nilang dalawa.

I. Estilo ng pagkakasulat -

Sa mga unang bahagi ng nobela masasabi ko na gumamit ang author ng


salitang banyaga at ang nakagisnan nating mga Pilipino na Taglish o minsan nga
ay purong Ingles na, ngunit syempre para mas maintindihan at maisapuso natin
ang kasaysayan kailangan gumamit ng malalalim, matalinhagang salita at
meron pa na Espanyol.
IV - Epekto Sa Mambabasa
Sa totoo lang sobra at grabe grabe ang naging epekto sakin ng kwentong ito.
Mula sa modernong mundo hanggang sa nakaraan ay napakaganda na.
Napakaraming luha ang aking naibigay sa kwentong ito pero kahit ganon
sobrang saya ko na nabasa ko ito. Kahit sa maikling panahon ko siya nabasa
masasabi ko na sobra sobra akong nasiyahan. Marami akong natutunan at
nalaman na talagang dadalhin ko hanggang sa aking pagtanda at hindi ko
malilimutan.

V. Kongklusyon

A. Aral
Sa aking pagbabasa ng nobelang ito masasabi ko na meron itong pagkarami-raming aral.
Kabilang dito ang mga:
- Kahit na kaibigan mo pa ang isang tao, kayang kaya ka parin nitong pagtaksilan
- Huwag magtiwala ng buong puso sa isang tao
- Huwag hayaan na lamunin ang iyong puso ng galit at paghihiganti
- Sa mundong ito may nagwawagi at may natatalo, ngunit hindi ibig sabihin na kapag ikaw
ay nabigo ay hindi kana makakabangon pa
- Maraming buhay ang kailangan mong isakripisyo para lang mailigtas ang isang buhay
- Walang masama sa pag-hingi ng tulong, kahit gaano pa kalala o kasakim ang nagawa
mo sa isang tao nasa dugo na ng isang pilipino na mababalewala lahat ng galit nito sa
puso at mananaig ang kabutihan
- May mga nagsasabi ng totoo ngunit nababaliktad ang katotohanan dahil may dapat
protektahan
- Noong unang panahon masasabi na malalalim ang samahan ng isa't isa dahil halos
lahat silang magkakaibigan ay talagang naglalaan ng oras para makapag-diwang, sa
ngayon kasi bihira nalang na makasama mo ang lahat ng kaibigan mo na damayan ka
sa isang pagdiriwang dahil halos lahat sila ay busy rin.
- Ang buhay ng mga mahihirap at walang kalaban-laban na mga mamamayan ay hawak
ng isang katungkulan at kapangyarihan
- Sa oras ng panganib, kapag takot ang naghari sa puso't- isipan ng isang tao hindi na
nito makokontrol pa ang sarili at tanging iisipin lamang nito ay ang makaligtas sa
panganib
- Ang mga tunay na bayani ay hindi manlang nabigyan ng karangalan at maayos na
libing.
- Ang paghihirap at isinakripisyo ng mga taong nais makamit ang kalayaan ay hindi na
masyadong napapahalagahan ng mga kabataan sa modernong panahon.
- Mahalaga ang paghingi ng tawad.
- Napakahalaga na magbalik-tanaw sa ating kasaysayan dahil hindi pa naman huli ang
lahat para bigyan ng importansiya ang pag-aaral ng ating kasaysayan, dahil kung
walang nakaraan, wala ring kasalukuyan
- Natural lang ang dumaan sa mabibigat na problema pero nakadepende parin yan kung
paano natin haharapin ang problema na yon dahil kung tutuusin hindi naman tayo
binigyan ng Diyos ng problema na hindi natin kakayanin
- Ang buhay ng isang tao ay regalo ng may kapal kaya dapat natin itong pahalagahan
- Sa oras na kinumpara mo ang sarili mo sa isang tao, hinding-hindi ka mananalo, bawat
tao may sariling kakayahan kaya kung ang bawat gagawin natin ay ituturing nating
kompitensya, mabibigo at masasaktan lang tayo
- Dahil sa sobrang pagmamahal ay kayang makagawa ng masama ang isang tao.
- Mag mula sa noon hanggang ngayon ay hindi mawawala ang tradisyon ng pasko sa
Pilipinas.
- Sa kabila ng bagyong dumating kasunod nito ay ang pagsibol ng liwanag ng pag-asa.
- Ang asul na rosario ay sumisimbolo sa kulay ng karagatan at kalangitan , sumisimbolo
rin ito sa pangako ng Diyos na kailanman ay hindi siya magbabago, siya ang Diyos
noon, ngayon at magpasawalang hanggan.
- Lahat ng hindi magagandang bagay ay magagawa mo para sa kapangyarihan at titulo
- Ang pag iwas ay hindi solusyon sa problema at ang hindi pagpapaliwanag sa isang tao
ay nag-iiwan ng isang malaking katanungan na dadalhin habangbuhay at ang huli ay;
- Ang pagbabayanihan ay ang pinakamamalaking katangian ng mga Pinoy.

B. Puna
Ang masasabi ko sa kwento na ito ay ito ay isang napakagandang obra. Isinulat at ipinagisipan
ang lahat ng mangyayari mula sa plot, hindi ko akalain na pati ako ay magugulat at hindi
inaasahan ang ibang nangyari. Hindi ko akalain na sobrang lapit na pala ng sagot sa mga
katanungan pero hindi ko parin napansin. Gusto kong sabihin na kahit sobrang haba at grabe
ang nailuha ko sa obrang ito napaka sulit naman lahat. Hindi ko masasabi na hindi ito happy
ending dahil masaya na ako na alam ni Juanito na iba si Carmela kay Carmelita. Masaya ako
na kahit imposible ay naghintay si Juanito kay Carmela.Masaya ako na binigyan sila ng
pagkakataon ng tadhana na makapag-usap o maramdaman ang presensya ng isa't isa sa
pamamagitan ng liham. Masaya ako para kay Carmela dahil naintindihan na niya ang
kahalagahan ng lahat. Masaya ako na nabigyan ng hustisya lahat ng mga namatay. Masaya
ako lahat sakanila.

You might also like