You are on page 1of 4

Lyra Joy B.

Calayan 1-A1 FIL101


Maikling kwento:

Una’t huli
Enero ng 1891, sinama ni Josefa si Carmelita sa kumbento sa Maynila sa loob ng anim na
buwan upang makalimutan kahit papaano si Leandro. Si Leandro ang naging kasintahan ni
Carmelita na nagtungo sa ibang bansa upang isakatuparan ang pangarap niya na maging isang
Heneral. Buwan ng Hunyo ay pinauwi sila ng kanilang mga magulang para sa selebrasyon ng
pista sa bayan ng San Gabriel sa loob ng isang linggo.
Sa bayan ng San Gabriel doon mapayapa at masayang naninirahan ang angkan ng
Montefalcon isa sa pinakamayamang pamilya sa baying iyon at may ari ng malawak na
hacienda. Ang haciendang iyon ay pagmamay-ari ni Don Carlos Montefalcon at Donya Silva
Montefalcon na magulang nina Maria, Sonya at Carmelita. Si Maria ang panganay na nasa bayan
ng San Gabriel upang mag-asikaso rin ng kanilang hacienda. Ang kasintahan nito ay si Lucas na
isa sa kanilang trabahador. Sila ay matagal ng magkasintahan at buong puso silang
nagmamahalan ng patago dahil hindi papayag ang magulang ni Maria na makapangasawa na
isang indyo lamang. Si Josefa naman ay isang ganap na madre na nagsisilbi sa Maynila. Si
Carmelita naman ay ang bunso at tinuturing na pinakapaborito ng kanyang ama sa kanilang tatlo.
Ang tatlong magkakapatid na ito ay may aking kagandahan at busilak na kalooban.
Sabik na sabik ang kanyang ama’t ina sa kanilang pagdating. Pagkadating nila ay
nagpahinga sila dahil pupunta silang simbahan upang sumimba at sumama sa prusisyon.
Pagkatapos ng prusisyon ay tumuloy sa mansion ng Gabriel sa gabing iyon upang maghapunan.
Ang angkan mga Gabriel ang nakatuklas at nagpalago ng bayan ng San Gabriel kung saan ito’y
ipinangalan sa kanilang ninuno. Ang bayan ng San Gabriel ay pinamumunuan ni Don Alfonso
Gabriel na Gobernador sa baying iyon at ang may bahay niya ay si Donya Kristina. Ang mga
anak nila ay sina Ferdinand na isang heneral, si Juanito na nag-aaral ng medesina sa Unebersidad
de Santo Tomas, si Sonya na isa sa pinakamatalik na kaibigan ni Carmelita at ang bunso na si
Danilo.
Pagkatapos ng hapunan ay naghiwa-hiwalay na ang iba upang makipag-usap. Sina Maria
at Carmelita ay pumunta sa may pintuan upang magpahangin nang may dumapong putting
kalapate na may maliit na papel sa paa nito. At nakita iyon ni Maria, kaya kinuha niya ang papel
na may sulat na makipagkita siya kay Lucas sa puno ng mangga sa burol. At hinayaan niya ang
ate niya at pinagtakpan ito. Nang lumipas na ang ilang oras ay napansin ni Josefa na nawala pa
rin si Maria, kung kaya’t sinabihan niya si Carmelita na pabalikin ang ate nila at lilibangin muna
nito ang mga magulang nito. Kaya lumabas si Carmelita upang pumunta sa puno ng manga sa
may burol, ngunit paglabas niya ay nakita niya si Kapitan Flores at tinanong siya kung saan siya
papunta. Ngunit hindi siya pinayagan dahil mag-isa lang siya at gabi na rin. Nang biglang
sumulpot sa si Juanito at sinabing “kahit pa kasama niya ako, hindi mo kami papayagan?” Kung
kaya’t wala nang nagawa si Kapitan Flores kaya pinadaan na niya sila. Nagulat si Carmelita sa
ginawa ni Juanito. Sinamahan niya si Carmela papunta sa burol sa may puno ng manga na
malapit sa hacienda. Labis na humanga si Carmelita kay Juanito. Kitang kita niya ang angking
kagwapuhan ni Juanito at ang kabaitan nito. Sa pagdating nila ay sobrang nagtataka si Carmela
dahil wala doon ang Ate Maria niya. Hanggang sa nakita sila nila Don Carlos, Don Alfonso, mga
donya at ang mga guardia personel.
Halong pagtataka sa mukha ng kanyang ama’t ina at tinanong kung bakit nandon sila. Sa
panahoong iyon ay bawal na magkasama ang binata at dalaga. Nagulat pareho si Carmelita at
Juanito sa nangyari. Hindi pa nila lubos na kilala ang isa’t isa.
Kinabukasan ay pumunta sa Hacienda Montefalcon ang pamilya ng Gabriel upang
ipinagkasundo ng mga magulang nila na ipakasal sila sa isa’t isa upang mas mapagtibay ang
samahan ng dalawang pamilya at upang pag-usapan ang detalye ng kasal.
Sa pagdaan ng panahon nakilala nila ang isa’t isa. Hindi inaasahan na mahuhulog si
Carmelita kay Juanito sa pagdaan ng panahon. Nang malaman ni Helena ang mga balita ay labis
na nasaktan dahil may lihim pala itong pagtingin kay Ginoong Juanito. Hanggang sa dumating
ang kaarawan ni Helena, iyon ang unang beses na Makita ni Juanito si Helena. Napansin ni
Carmelita na iba ang tingin at kislap sa mga mata ni Juanito nung Makita niya si Helena. Kaya sa
pagdaan ng panahon ginawa niya ang lahat upang mapaibig si Juanito kahit na alam niyang may
gusto si Helena kay Juanito.
Bumalik na si Leandro sa Pilipinas dahil tapos na ang giyera sa ibang bansa at nakuha na
niya ang rango na inaasam niya. Siya na ay ganap na heneral at ang inspirasyon niya ay si
Carmelita ngunit sa pagdating niya ay iba na pala ang mahal nito. Kaya ginawa niya rin ang lahat
upang mapa-ibig muli si Carmelita. Ngunit hindi pa rin iyon sapat dahil mahal na mahal ni
Carmelita si Juanito.
Hanggang sa isang araw ay nag-usap sila Carmelita at Juanito. Pinagtapat ni Carmelita
ang kanyang pagmamahal, ngunit hindi niya inaasahan ang sagot ng binate “Ipagpatawad mo,
ngunit hindi ko masusuklian ang iyong pag-ibig. Gustohin ko mang hindi maituloy ang kasal,
kailangan kong sundin ang aking ama.” Labis na nasaktan si Carmelita at inakala niya na iba ang
tinitibok ng puso ni Juanito. Tumatakbo sa kanyang isipan na baka nagmamahalan si Juanito at
Helena. Alam ni Juanito na may nararamdaman siya kay Carmelita ngunit sa pagdaan ng
panahon ay naguguluhan siya dahil sa mga asal nito na minsan ay hindi niya nagugustuhan.
Enero ng 1892, ang mga mamayan ng San Alfonso ay nagtipon-tipon para sa selebrasyon
Bagong taon. Si Carmela ngayon ay nakatanaw kay Juanito na masayang nanonood ng
selebrasyon. Nang may lumapit na lalaki kay Juanito at ito’y may binulong at sila’y umalis.
Nakita ni Carmela ang pag-alis ni Juanito kung kaya’t sinundan niya iyon at nakarating siya sa
may tulay. Nakita niyang magkayap sina Juanito at si Helena.
Ang hindi alam ni Carmelita ay nag-usap ang dalawa dahil ipinahayag ni Helena kay
Juanito ang pagmamahal nito. Ngunit hindi tinanggap ni Juanito ang pagmamahal ni Helena
dahil ang turing ni Juanito sa kanya ay kaibigan lamang. At ang nakita ni Carmelita na
magkayakap sila ay ito lamang ay yakap ng pagtanggap at pagkakaibigan.
Hindi man lang tinanong ni Carmelita kung bakit magkasama sina Juanito at Helena.
Bigla nalamang siyang umalis doon ng hindi nila nakikita. Dinamdam ni Carmelita ang nangyari.
Nabalot ng poot, galit at sama ng loo bang kanyang puso.
Pebrero 29, ang kaarawan ni Carmelita at ang araw ng kasal nila ni Juanito. Ang araw na
pinakahihintay niya. Sila ngayon ay nasa simbahan ng bayan ng San Gabriel. Makulay at
elegante ang ayos ng simbahan at napuno ang simbahan dahil sa dami ng mga taong gustong
sumaksi sa pag-iisang dibdib ng mga anak ng pinakamayamang pamilya at
pinakamaimpluwensya.
Si Juanito ay nasa may harap ng altar at bakas sa kanyang mukha ang lungkot. Lungkot
dahil siya’y napilitan sa mga pangyayari. Sa pagpasok ni Carmelita sa simbahan ay halong saya
at kaba ang nasa puso niya. Hanggang sa magsimula ang seremonya ng kasal. Umabot sa tanong
ng pari kung tanggap ba ni Juanito si Carmelita bilang asawa. Sobrang daming gumugulo sa
isipan niya kung papaya siya o hindi, bago siya makapagsalita ay may umalingawngaw na putok
ng baril. Nagkagulo ang mga nasa simbahan
Tinamaan si Juanito sa may bandang puso. Kitang-kita ni Carmelita ang pagbaril kay
Juanito. Kaya dali-daling pinuntahan si Juanito ng kanyang ama’t ina at humingi rin ng tulong.
Dinala ng mga guardia personel si Juanito sa karwahe at idala sa pagamutan. Ngunit hindi na
kinaya ni Juanito.
Sa pagkamatay ni Juanito ay tumatakbo sa kanyang isipan na “Paano pa ako mabubuhay
kung wala din namang saysay ang buhay ko dahil namatay na ang aking pinakamamahal na tao.”
Pagkaraan ng isang lingo ng pagkamatay ni Juanito ay pumunta si Carmelita sa may dulong
bahagi ng kanilang hacienda na kung nasaan ang Lawa ng luha. Labis ang kanyang pagsisisi at
paghihinagpis sa ginawa niya sa kanyang pagmamahal. Kung kaya’t napagpasyahan niyang
magpakalunod sa Lawa ng luha upang magpakamatay.
Bago siya magpakalunod ay pumunta siya kay Ate Maria niya at binigay niya ang
kanyang talaarawan. Inamin at sinabi niya ang ginawa niya. Siya ang nagpapatay kay Juanito sa
tulong ni Heneral Flores. Kaya lubos ang kanyang galit sa kanyang sarili dahil sa kanyang
ginawa. Kung kaya’t sinabi niya na sana ay isunod ang pangalan sa unang anak na babae sa
kanilang angkan. Ikwento sa pnganay na anak na babae ang pagmamahal ni Carmelita para kay
Juanito at ipabasa ang nasa talaarawan ito. Hayaan na ang tadhana ang magpatuloy ng kanilang
pag-iibigan. Na sana’y maisulat muli nag-iibigan nila sa ikaapat na pagkakataon.

Mga tanong:
1. Pagkuha ng pangunahing paksa (Tema)
Ang pangunahing paksa ng maikling kwentong ito ay huwag tayong magpabulag sa pag-
ibig katulad ng kinahinatnan ni Carmelita. Katulad nga sa kasabihan na “too much love will kill
you.” Huwag tayong magpadalos-dalos sa ating gagawin lalo na kung pangungunahan tayo ng
ating damdamin. Huwag magpadala sa galit o sa matinding emosyon dahil possible itong
magdulot ng isang desisyon na magpapabago ng ating buhay.

2. Paglalarawan ng tauhan
Si Binibining Carmelita Montefalcon ang bunsong anak ng Montefalcon. Ang may
angking ganda, galling sa pagbuburda at talino. Siya ay nabulag sa pag-ibig niya kay Juanito.
Kaya sa susunod na buhay o pagkakataon, hinihiling at inaasam niya na sila ay tunay na
magmahalan.
Si Ginoong Juanito Gabriel ang ang binatang inibig ni Carmelita na may angking
kagwapuhan at kabaitan kung kaya’t nahulog si Binibining Carmelita sa kanya. Siya’y nag-aaral
sa Unibersidad de Santo Tomas na may kursong medisina na palaging sumusunod sa kanyang
ama.
Ginoong Lenardo ang unang naging kasintahan ni Carmelita. Nang dahil kay Carmelita
ay nakamit nito ang kanyang pangarap na maging isang Heneral. Mahal na mahal niya si
Carmelita na handang tanggapin na hindi na siya mahal ni Carmelita.
Si Binibining Helena, isa mga sa matalik na kaibigan ni Carmelita na may tinatagong
pag-ibig kay Juanito.

3. Kabisaan ng isip, damdamin, at kaasalan


Sa kabisaan ng isip ay maraming bagay ang nagging bago sa aking isipan matapos gawin
at mabasa ang kwento. Kailangan nating malaman ang kultura noong sinaunang panahon.
Kabisaan ng damdamin, ang naiwang bisa sa damdamin ko bilang isang mambabasa ay
halo-halong damdamin mula umpisa hanggang sa wakas. Nagsimulang masaya at nakakakilig at
nagwakas ng malungkot.
Sa kabisaan naman sa kaasalan ay naipakita dito na huwag tayong magpadala sa ating
damdamin dahil nakakagawa tayo ng desisyon ng padalos-dalos. Kailangan nating pag-isipan ito
dahil ito’y magpapabago sa atin bilang tao.

4. Teorya, pilosopiyang ginamit


Ang mga teoryang ginamit ay simbolismo na naglahad ng damdamin at kaisipan at
ekspresyonismo na naglahad ng damdamin at kaisipan.

5. Pahiwatig ng may-akda o Pagpapahalagang pantao


Matuto tayong makinig, tumanggap at magpatawad. Kung mahal natin ang isang tao
kailangan nating tanggapin ang kanilang nararamdaman para sa atin. Baguhin natin ang masama
nating gawi. Huwag tayong magpadala sa emosyon dahil ito’y nagdudulot sa isang desisyon na
magpapabago ng ating buhay. Kung mahal natin ang isang tao matutong tumanggap katulad ni
Leandro.

6. Makatotohanang pangyayari sa tunay na buhay


Sa totoong buhay ay maraming mga taong nagpabulag sa pag-ibig. Marami rin ang
nagdedesisyon ng padalos-dahol sa panibugho ng kanilang damdamin. Kaya nagagawa nilang
saktan ang ibang tao at ang kanilang sarili.

You might also like