You are on page 1of 3

A.

Suring pelikula
1. Pinangyarihan
 Ang pelikulang ito ay inilugar sa dalampasigan ng Sea port sa
lalawigan ng Calapan. Pinakita din dito ang mga parte ng dagat kung
saan nakatira ang mga butanding at dolphins.
2. Mga Karakter
 Jerome Miles Manzano (Tolits) – Pangunahing tauhan,
Palakaibigang batang lalaki na kahit butanding at dolphin ay
kaibigan nya. Sa murang edad ay natutong makipagsapalaran sa
buhay at magtrabaho.
 Precious Lara Quigaman (Tolits Mother) – Nanay ni Tolits na halos
mabaliw na dahil sa pag iwan sa kanila ng kaniyang asawa. Naging
bayarang babae sa dalampasigan.
 Kuya Aris – Isang mabuting kaibigan ni Tolits na hinayaan siyang
samahan siya kahit sa Maynila.
Buod
 Si Tolits ay isang batang naninirahan sa dalampasigan kasama ang
kaniyang ina. Siya ay lagging binubugbog ng kaniyang ina, kahit na
ganoon ay mahal pa din siya nito. Marami siyang kaibigan,
palakaibigan siyang tao’t pati mga butanding ay kaniyang ginawa
nang kaibigan. Isang araw, nalaman niya sa kaniyang Kuya Aris na
isang kaibigan sa kanilang lugar na mag-aaral sa Maynila.
Pinagisipan ito ni Tolits, dumaan sa isip niya na maaaring makakuha
ako ng magandang kinabukasan doon, subalit maraming nangyari
kung kaya’t bumalik siya sa kanilang lugar. Pagbalik niya ay naiiyak
ang kaniyang inang sinalubong siya’t niyakap ito. Sa huli ay nagsama
pa din sila ng kaniyang ina at ng mga butanding.

Direksyon
 Mula sa direksyon ni Jerome Miles Manzano

Sinematograpiya
 Maganda ang pagkakalugar ng bawat eksena ng pelikula sapagkat
nababagay ang mga ito sa mga senaryong nagaganap.
Disenyong Pamproduksyon
 Angkop na angkop ang paggamit nila ng mga kagamitan lalo na’t
nakukuha din sa lugar na iyon ang mga ito. Madalas na pinapagawa pa
ito ng mga director ngunit sa lagay nila, bumili o nanghiram na
lamang sila.
Paglalapat ng Tunog
 Umuugnay ang mga SFX ng pelikulang ito, maayos ang teknikal kahit
na minsa’y nahuhuli ang tunog ng boses ng mga tauhan. Ang mga
tunog na inilapat dito ay ugnay sa tunog na maririnig mo pag ikaw na
ang nasa kalagayan ng nasa palikula. Nakatulong din ang “e kasi bata”
sa pagpapakita ng importansya ng kabataan sa lipunan.

Miyuki F. Nakata X-Gregorio Zara

You might also like