You are on page 1of 4

Filipino 10 Script

Narrator: Ang istorya ni Cupid at Psyche ay isa sa mga kwentong patungkol sa


pag-ibig na patuloy na binibigyang atensyon, sapagkat ang kanilang
pag-iibigan daw ay tanyag, kahit sa modernong panahon pa man.

Narrator: Dito, tinuruan tayo ni Cupid na magmahal ng walang kapalit,


magtiwala, at tanggapin ang isang tao bilang sya.

Narrator: Sa gayon, masasabi nating ang pinaka dakilang lakas ni Cupid ay


magmahal.

Narrator: Ngunit sabi sabi nga nila, “loving someone is both your biggest
weakness and greatest strength.” Ganoon din ba kaya si Cupid?

Narrator: Magandang umaga sa inyong lahat, kami ang ikatlong grupo, at


narito kami upang ihayag ang tatlong kahinaan at kalakasan ni Cupid.

Narrator: Halina’t samahan nyo kaming matuto at maglakbay. Nasaan na nga


ba si Cupid?

Scene 1:

/*Tumakbo ka jin papunta sa gitna, entrance mo yung pinto

Cupid: Narito ako, Ina! Ako raw ay iyong ipinatawag. (natatakot expression mo
dito)

/* lumapit ka non hannah kay jin tas parang inaayos mo damit nya, nag
papagpag ka ganon habang nakangiti, ngumiti ka rin non jin

Venus: Cupid, ang magaling kong anak. (nakasmile)

/* Tas bigla ka nalang nagalit out of nowhere tas push mo sya slight
Venus: Pumuti na ang aking mga buhok kakahintay sa iyo cupid! Nagawa mo
ba ang aking inutos? (galit)

Cupid: …

/* hindi ka nakapagsalita jin kasi nga napalpak ka sa misyon mo, mag sigh ka
non tas parang nag-aalala yung expression.

Venus: Tila yata’y hindi ka nagtagumpay sa iyong misyon?!!! (galit)

Narrator: Lubos na napuno ng takot si Cupid sa mga pagkakataon na iyon.


Subalit, ano nga ba ang tunay na dahilan? Nagtagumpay ba sya sa kanyang
Misyon? Ating balikan ang mga pangyayari…

Scene 2:

/*tulog si psyche tas lumipad ka jin papalapit sa kanya tapos nagulat ko nung
nakita mo mukha nya

Cupid: Ito ang utos ni ina, nararapat lang na gawin ko ito. (nagdodoubt ka)

/*kinukuha mo na yung pana tatamaan mo na sya kaso bigla syang nagising

Psyche: Paano ka napapad dito sa palasyo ?!?!?!?!:?!?!

/*Nagpanic ka jin kaya yung sarili mo napana mo tas sumigaw si psyche kaya
tumakbo ka paalis tas tika tika ka maglakad kasi may sugat nga paa mo

Psyche: AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA

Narrator: Dala ng takot sa ina, itinago ni Cupid ang mga pangyayari.

Narrator: Sa pamamagitan ng mga eksenang ito, ating natuklasan ang mga


kahinaan ni Cupid.
Narrator: Una sa listahan ang kanyang ina.

Narrator: Sunod naman ay si Psyche.

Narrator: At ang panghuli, masasabi rin natin na isa sa mga kahinaan ni Cupid
ay ang kanyang sarili.

Narrator: Ngayon atin namang tuklasan ang mga kalakasan ni Cupid.

Scene 3:

Zeus: Ngayon ay masasaksihan natin ang isang pambihirang pangyayari.


Bumalik ang pag-ibig pagkatapos mapagtagumpayan ang lahat ng mga
pasakit. Bukod doon, mayroob ba ritong mga tumututol sa pag-iisang dibdib
bina Cupid at Psyche?

/*walang nagsalita

Zeus: Mabuti

/*tas si hannah may iaabot na tubig kay psyche tas iinomin nya

Narrator: Si Psyche ay namulaklak sa buhay patungo sa imortalidad.

Narrator: At kaya naman si Cupid at Psyche ay nagsama sa buhay ng walang


hanggang kasiyahan

Narrator: Ang mga kalakasan ni Cupid ay ang mga sumusunod:

Narrator: Kakayahang magpa-ibig ang sino mang nais nya

Narrator: Pagmamahal kay Psyche


Narrator: At May paninindigan

Narrator: Dito na nagtatapos ang aming presentasyon, hanggang sa muli,


salamat sa pakikinig.

You might also like