You are on page 1of 7

DYD Istorya script.

Title: A chaka affair.

Characters:
Paul Interino as Papa Poncio Pilato
Rhian as Princess Sarah
Fatty as Donya Ina
____________ as Peter
Hariet as Annabelle
Kuya Gelo as Pope Francis
6 Madlang People as Tinderas and Abay

Narrators:
Harvin M. Sta. Ana
John Arvin U. Novales

INTRODUCTION:
1. Lalabas yung video na “DYD Cinema presents”
2. Then yung “Rated LPG”
3. Voice over. Tatawagin ang 2 narrators.
4. Paglabas ng narrators sasayaw sila ng Billy-Vhong step
5. Tapos uupo na at kukunin ang libro ng istorya.

NARRATORS:
Arvin: KADA! Gusto niyo ban g Istorya??
Harvin: Sumigaw ng Istorya ang may gusto!
Madla: ISTORYA! ISTORYA! ISTORYA!

Arvin: Ang istorya natin sa gabing ito ay pinamagatang “A CHAKA AFFAIR”.

(1​ST​ SCENE): ANG PAGBABALAT NG PATATAS

Sarah: (Kumakanta ng “Bulaklak” habang nagbabalat ng patatas)


Bulaklak…sa buhay ay kailangan… ng mag kakulay ang mundo…

NARRATOR: Nang walang ano-ano ay biglang papasok si Peter.

Peter: Sarah! Ano ginagawa mo at pakanta-kanta ka pa?


Sarah: Wala lang….tinititigan ko yung patatas baka sakaling mag-balat mag isa Peter.
Peter: Tinititigan? Eh binabalatan mo yung patatas.
Sarah: Alam mo naman pala na binabalatan ko Peter..bakit tinatanong mo pa?
Ikaw kaya balatan ko dyan.

Peter: oh sya! Sya! Nagpunta nga pala ko dito dahil may gusto akong ihingi sayo ng pabor. Okay lang ba?
Sarah: Oo naman Peter basta kaya ko.
Peter: Pede mo ba ko samahan sa Ortigas? May pupuntahan kasi ako. Wag ka mag-alala ililibre kita.
Sige na samahan mo na ko!!
Sarah: Hay naku! Peter!!?? Tigilan mo ko.. Networking yan.

(Malulungkot si Peter)

(2​ND ​SCENE): ANG UTOS NI DONYA INA KAY SARAH.

NARRATOR: Biglang maririnig ni Sarah ang Malakas ag basag na boses ng isang matandang babae)

Donya Ina: Sarah! Sarah! Sarah! Nasan kaba!!!???


Sarah: Ina! Nandito po ako sa kusina nagbabalat ng patatas.
Donya Ina: (Papasok sa kusina) Tigilan mo muna ang pagbabalat ng patatas. Pumunta ka sa palengke at
mamili ka ng sangkap para sa pag-gawa ng Suman at Bibingka.
Sarah: Ano po ang okasyon Ina?
Donya Ina: Darating si Papa P. ang manliligaw ng ate mo. Kaya tigilan mo na ang pagatatanong. Ito ang
pera at magpunta kana sa palengke.
Srah: Sige po Ina! Aalis na po ako.
(nagpunta na nga sa palengke si Sarah)

NARRATOR: Ngayon kailangan natin ng 3 Madlang Tindera na magbebenta ng sangkap para sa pag gawa
ng Suman at Bibingka. Kailangan Marunong sumayaw, kumanta at umarte. Dapat mapabilib niya si Sarah
upang sakanya ito mamili ng sangkap. Maghahanap na si Sarah ng 3 madlang tindera.

Tindera 1: Bili na po kayo..murang mura.. piso isang dakot ng asukal. Dos ang kada butil ng malagkit na
Bigas at higit sa lahat kakantahan at sasayawan ko pa kayo.

NARRATOR: Kakanta ang tindera ng “To love you more by Celine Dion”

I'll be waiting for you


Here inside my heart
I'm the one who wants to love you more
You will see I can give you
Everything you need
Let me be the one to love you more

Sasayaw ng “gangnam style” habang umiiyak ng malakas na malakas.

Tindera 2: Miss! Mas mura ang mga sangkap ko dito. Sampung piso ang isang kaban ng malagkit na bigas
5 piso ang 10 kilo ng asukal at higit sa lahat mas magaling ako kumanta at sumayaw.

NARRATOR: Kakanta ang tinder ng “Power of Love by Celine Dion”

We're heading for something


somewhere I've never been
Sometimes I am frightened
But I'm ready to learn
Of the power of love

Sasayaw ng “Gentleman” habang umiire.


Tindera 2: Sandali lang! Miss! Dito ka bumili sakin. Kung mura mga paninda nila mas mura mga paninda
Ko. 1 ang 5 kilo ng asukal at 5 piso ang 2 kaban ng malagkit na bigas. Bonus! Kakantahan at
Sasayawan pa kita.

NARRATOR: Kakanta ang tinder ng “My All by Mariah Carey”

I'd give my all to have


Just one more night with you
I'd risk my life to feel
Your body next to mine
'Cause I can't go on
Living in the memory of our song
I'd give my all for your love tonight

Sasayaw ng “wiggle wiggle” habang umiiyak ng malakas.

NARRATOR: Mamimili na sya kung kanino siya bibili ng mga sangkap. At uuwi na sa kanilang bahay.

Sarah: Oh sayo na ko bibili tutal magaling ka naman sumayaw at kumanta. Salamt!


Tindera: Maraming Salamat Miss!

(3​RD​ SCENE): ANG PAGLULUTO NI SARAH AT ANG PAGDATING NI PAPA PONCIO PILATO.

NARRATOR: Nakauwi na nga si Sarah ng kanilang bahay at sisimulan na ang pagluluto ng Suman at
Bibingka na ihahanda niya para sa bisitang darating.

Sarah: (Kumakanta ng “Pasko na Sinta ko” habang nagluluto)

Pasko na sinta ko, hanap hanap kita


Bakit nagtatampo, nilisan ako
Sayang!! Sinta ang sinumpaan
At pagtitinginang tunay!
Nais mo bang kalimutang ganap..
An gating suyuan at galak!

NARRATOR: Narinig ni Donya Ina ang kanta ni Sarah at agad-agad itong papasok sa kusina.

Donya Ina: Sarah! Ang sabi ko magluto ka hindi mang bulabog! Bilisan mo nay an at darating
Na ang bisita ng ate mo.
Sarah: Opo Ina! Matatapos na din poi to. Sandali nalang po at luto na ito.

NARRATOR: Habang nag-uusap si Sarah at Donya Ina, biglang may kakatok sa pinto ng napaklakas.
Dumating na si Papa P. as in Papa Poncio Pilato. Dali-daling pupunta sa pintuan si Sarah at
Bubuksan ang pinto.

Sarah: Sandali lang po Ina. Bubuksan kop o ang pinto.


Donya Ina: Sige! Palagay ko si Papa Poncio Pilato nay an!
NARRATOR: Binuksan na ni Sarah ang pinto at nakita nya ang isang napakakisig na mukha ng lalaki.
Papasok si Papa Poncio na yabang na yabang dahil siya nga ay makisig.
Ngunit mapapatitig ito ng matagal kay Sarah. At agad naman magsasalit si Sarah.

Sarah: Maganda Araw po! Tuloy po kayo. Hinihintay na po kayo ni Ina. Ikukuha kop o muna kayo ng
Mamimiryenda ninyo.

Papa P: (Nakangiti at tatango lang sa tanong ni Sarah)

NARRATOR: Kakausapin ni Donya Ina si Papa Poncio.

Donya Ina: Magandang Araw po Papa P! Kamusta na po kayo?


Papa P: (Tatango lang ulit)
Donya Ina: Sandali lang po. Sasabihan ko lang po si Annabelle na nandito na po kayo.
Papa P: (tatango lang ulit)

(4​TH​ SCENE): ANG HARAPANG DONYA INA AT ANNABELLE

NARRATOR: Nagtungo na nga si Donya Ina sa kwarto ni Annabele upang sabihan ito tungkol sa pagdating
Ng kanyang manliligaw. Ngunit, mabibigla si Donya Ina at magtataas ng kilay dahil sa nakita nya.

Donya Ina: Annabell! Annabelle! Buksan mo ang pinto.

NARRATOR: Bubuksan ni Annabelle ang pinto. Makikita ni Donya Ina ang pag-me-make up ni Annabelle.

Donya Ina: (Nabigla) Annabelle! Nagme-make up ka pala. Maganda yan. Pero ang sabi ko sayo mag ayos
Ka bilang isang tao hindi bilang isang manikang naliligaw at nagmumulto.

Annabelle: Ina! Panget po ba ko?


Donya Ina: Tinatanong mo pa ?? Syempre Oo!

Annabelle: Ina naman ee!! Yung totoo po.

NARRATOR: Maglilitanya nan g pangaral si Donya Ina.

Donya Ina: Anak! Wala naman masama sa pagme-make up. Pero kailangan ba talagang limang patong
yang poundation mo? Nagmistulang may aspalto yang mukha mo. At isa pa, parang nasuntok yang
pisngi mo sa kapal ng blush on na nilagay mo. Matanong ko lang anak, Ka-ano-ano mo yung bidang
manika sa “Conjuring”? hindi naman na kasi kayo nagkakalayo ng pagmumukha.

Anak, alam ko mag-se-selfie-selfie ka pa.. tandaan mo lang..walang pakialam ang tao sa pagme-make up
mo. Sa tingin mo ba gagayahin nila ang make up mo? Baka kahit isang like wala kang makuha sa
facebook. At miski ako hindi din mag-la-like.

Ano ba pinag-gaga-gawa mo? Paki-explain! Huy! Labyu!

NARRATOR: Papasok si Sarah at sasabihing.


Sarah: Ina! Ipaghahanda ko na po ng maka-kain ang bisita.
Donya Ina: Bilisan mo Sarah. Nakakajiya sa bisita.
Sarah: Opo Ina!
Donya Ina: At ikaw naman Annabelle bilisan mo at nakakahiya kay Papa Poncio Pilato.

(5​TH​ SCENE): SI SARAH AT PONCIO PILATO

NARRATOR: Dinala na nga ni Sarah ang suman at bibingka kay Papa P. upang ito ay makakain na.

Sarah: Ito po ang suman at bibingka. Kumain po muna kayo

NARRATOR: Mpapatitig si Papa P. kay Sarah. At biglang magsasabi ng pick-up lines.

Papa P: Sarah! Keyboard kaba?


Sarah: (nagtataka) Ano po? Bakit po?
Papa P: Type kasi kita.

NARRATOR: Mag-iisip si Sarah at babanat din ng pick up lines

Sarah: Alarm clock kaba?


Papa P: Bakit?
Sarah: Ginising mo kasi ang natutulog kong puso e.

NARRATOR: Magkakatitigan si Sarah at Papa P. Unti-unting maglalapit ang kanilang mga mukha. Nang
Nang walang ano-ano..biglang nagsalita si Donya Ina! At babanat din ng pick-up lines.

Donya Ina: Wow! Ang sweet nyo naman. Mga lovebirds ba kayo?
Papa P at Sarah: Ahmm.. Bakit po?
Donya Ina: Ang sarap nyo ikulong.

NARRATOR: Dahil nga sa nagulat sila sa pagdating ni Donya Ina. Agad na kinuha ni Papa P. ang mga
Kamay ni Sarah at niyaya nya ito na manuod nlng ng cultural show.

Papa P: (Kukunin ang Kamay) Tara! Manood nalang tayo ng Cultural show sa Liwasang Bayan.
Sarah: Ahh.. sige mahilig ako sa cultural show.

NARRATOR: Agad silang tatakbo palabas ng bahay. Nang-gagalaiti si Donya Ina sa nakita at sumigaw!

Donya Ina: Sarah! Sarah! Sarah! Bumalik kayo dito! Hindi maari ito! Babangon ako at dudurgin kita!

(6​TH​ SCENE): CULTURAL SHOW (Sayaw sa Bangko)

NARRATOR: Nakarating na nga si Sarah at Papa P. sa liwasang bayan at sila’y manonood nan g Cultural
Show.

*******Sayaw sa Bangko******

(7​TH​ SCENE): THE MUSICAL: PAGTATAPAT NI PAPA P.


NARRATOR: Pagkatapos ng Cultural show. Kinuha ni Papa P ang mga kamay ni Sarah at nagtapat na ito
ng kanyang tunay na damdamin sa dalaga.

Papa P: (kukunin ang mga kamay ni Sarah) Sarah! May gusto akong sabihin sayo.
Sarah: Ano yun Papa P.
Papa P: Mahal kita at sana Mahal mo rin ako. Alam kong walang pang isang oras tayo nagkakilala pero
Hindi ko din maintndhan kung bakit gusting gusto na kita. Mahal na mahal na kita.

NARRATOR: Mapapa-sweet mode habang kinikilig hangaang buto.

Sarah: Nanood lang tayo ng cultural show tapos..agad agad mahal mo na ko?
Papa P: Totoo ang mga sinsasabi ko Sarah. (Kakanta ng “Akin ka nalan”

Akin ka na lang (akin ka na lang)


Iingatan ko ang puso mo
Akin ka na lang (akin ka na lang)
Wala nang hihigit pa sa 'yo

NARRATOR: Kakanta din si Sarah bilang sagot sa kanta ni Papa P.

Sarah: (kakanta ng “Hulog ng Langit”

Ikaw ang hulog ng langit


Ikaw ang aking pag-ibig
Ikaw ang katuparan dito sa aking daigdig
Ikaw sa aking ang bituin,
Walang kupas ang ningning
Ligaya kang walang hanggan
Ako'y sa 'yo, at ika'y para sa akin

NARRATOR: Mapapatingin sa mga mata ni Papa P at maglalapit muli ang kanilang mga mukha nang
biglang nanamang eeksena ang dakilang kontra bida.

Donya Ina: Itigil nyo ito! Hindi ito maari! Hindi ako makakapayag sa gusto ninyong mangyari.

NARRATOR: Kakanta si Sarah ng “Kontrabida by Sam Concepcion”

Bakit ba kailangang may intriga


Sa isang magandang istorya
At laging may kontrabida
Para mang-agaw ng eksena

Donya Ina: Hindi ako papaya Papa P. Hindi kita matatangap para kay Sarah!

NARRATOR: Kakanta naman si Papa P ng “Rude”


Can I have your daughter for the rest of my life?
Say yes, say yes 'cause I need to know
You say I'll never get your blessing 'til the day I die
Tough luck, my friend, but the answer is 'No'

Why you gotta be so rude?


Don't you know I'm human too?
Why you gotta be so rude?
I'm gonna marry her anyway

NARRATOR: Muli nanamang tatakbo palayo si Srah at Papa P. at sila’y pupunta sa pinka malapit na
simbahan upang doo’y magpakasal na nga,. Nang makarating na sila sa Simbahan makikita nila si Poipe
Francis.

Papa P: Father! Father! Father!


Pope Francis: (Mapapa lingon) Oh bakit iho? Ano maitutulong ko?
Papa P: Gusto na po naming magpakasal.
Sarah: Mahal po naming ang isa’t isa.

Pope Francis: Oh sige ..alam kong nagsasabi kayo ng katotohanan kaya ikakasal ko na kayo sa oras na ito.

Pope Francis: Ikaw lalaki. Tinatanggap mo ba ang babaeng ito na maging iyong kabiyak sa hirap at
ginhawa?
Papa P: Opo Father
Pope Francis: Ikaw babae. Tinatanggap mo ba ang lalaking ito na maging iyong kabiyak sa hirap at
ginhawa?
Sarah: Opo Father.
Pope Francis: Now you may kiss the ……

THE END!

You might also like