You are on page 1of 3

Meron po kayong background sa school counseling?

- Actually, kami, sa elementary, appointed kami


- Wala pang criteria for guidance teachers sa elem level, ang meron lang sa
secondary
- Sa secondary full time, sa elementary part time lang kaya kailangan magturo pa rin

- Kasi dito sa public school, pinagbawalan kami na gamitin yung term na guidance
counselor kasi ang dapat lang na gumamit nun ay yung mga licensed

- Pero kami dahil sa tagal na naming nagseserve, pwede kaming kumuha ng


licensure, pwede kaming magqualify as guidance counselor

- di ko pa yun nagagawa at di ko pa nasesend yung documents sa prc

- lahat kini-cater, pero ang tawag sa elem guidance teacher sa secondary guidance
counselor

Ilang years na po kayo as guidance teacher? Paki pause naman si doctor crush

- 17 yrs

Ano po yung nakapagpainfluence sa inyo?

- Kaya nagstay ako nung ano, kasi nung umpisa, ang nakikita ng principal dapat ideal
sya na guro para iappoint yung basta overall personality pati dun sa school kung
ano yung track record mo kung ikaw ba ay maganda yung performance mo sa ano,
kung namamaintain mo ng maayos yung klase mo, may role ka sa students mo, dun
nila nakikita.
- Bakit ako nagtagal? Nung una din, sa heart ko gusto ko din umpisahan na maganda
ang motibo kaya lang sa tagal, sa dami, lumalaki population di na talaga kaya na
isang guidance teacher tsaka dapat nagfafunction din ang mga teachers,
naggaguide din sila ng pupil nila

Para po sa inyo maam, ano po ang main role ng guidance teacher?

- Dapat talaga ang ano namin is yung para makatulong sa mga bata na makapag
adjust sa school kung meron silang problema, samin sila magcoconfine kung anong
area yung problem nila basta under personal. Kasi ang unang sign ay yung
nagkakaproblema sa classroom, di sila nakaka cope up sa pag-aaral tapos yung
expectations sa kanila saka nagkakaroon ng problem. So dun una, tutulungan mo
sila, magsesession kayo. Tinrain naman kami kasi every year noon natatandaan ko
meron kaming seminar tas yung mga speakers nila na licensed guidance
counselors. Tas binibigyan nila kami ng ng mga TIPS!!!!! Kung pano yung mga
tanong art of questioning. Ano yung dapat ideal na atmosphere pag nag aano
counseling ng bata. Tapos kung paano yung process, hindi yung ura-urada. Diba?
Hindi naman ganun yun eh! Mag uusap kayo ngayon tas tapos na? kaya nga ang
mga secondary guidance counselors, wala silang load, talagang tutok sila as gc.
- Struggles: nasasabihan na matagal mag counsel. Magtatanong tanong ka,
questioning. San maguumpisa? Mag-iimbestiga ka. Aalamin mo lahat ng side para
malaman mo kung talagang may problema sya
- EXAMPLE: bullying, yan syempre, di yan basta basta, nakikipagharutan ba sya nung
una. Tapos sabi ko, to be fair dun sa inaaccused nila.

Pano nyo pa nahahandle ang stress?

- Wala kasi pagka, yan katulad nyan, may co teacher ka na bibigyan ka ng time diba,
nakikipagkwentuhan sayo, may nasasabi ka, yun bang ganun, pinatatawa ka.
- Ayaw din mastress kasi baka imbes na makatulong, makadamage pa.

Base po sa 17 years of service, ano po yung pinakamahirap na nahandle nyo?


- Ay yung ano, abuses. Sabi sayo di pa ako guidance, sinasabak na ako sa mga
ganun.
- CASE: May stepfather, akala mo, ah mga ganun dapat maingat. Kami rin, kasi
pwede kaming balikan. Buti nalang meron ng proseso na sa DSWD na dapat talaga
dinadala yung bata kasi magkakaroon ka rin ng fear for your living.
- 1999, wala pa naman in place na mga tungkol sa ganun, talagang grabe. Babalik
kayo sa presinto, magkaharap kayo, oh diba? Namumukhaan ka nun. Ikaw yung
teacher kasama yung estudyante . pagtapos nun wala din nangyari, binalik pa rin
sya sa custody ng step mother, step brother. Mahina na kasi yung totoo nyang
tatay. Si stepmother, nagmamaneobra. Binalik pa rin sa kanila kasi gusto ng tatay

- Siguro pwede kong mabilang sa daliri ko, 5.

NAKAHANDLE NA RIN PO KAYO NG CASE NG MGA BATANG NAGAALCOHOL?

- Yung ang hindi pa, sa awa ng Diyos.


- Mga nahandle ko yung mga namolestya, yun na yung pinakaworst.

Pero meron naman po kayong satisfying cases?

- Oo naman. Yung mga nakita mo na kasi parents naman ang nagsasabi na thank you
maam, di mo pinabayaan, pinagtyagaan mo si ano. Meron naman din. Pero sa
ngayon, iba na ang mga bata ngayon.

Naranasan niyo na pong macriticize?

- Oo naman, may mga teacher sa school, sasabihan ka ng ang bagal bagal mo


naman magdesisyon, to your face pa yun ha.
- Kasi di mo madesisyonan agad eh, ako na sumagot.
- E sa totoo lang di ka naman basta-basta pwedeng magbibigay ng last decision. Kasi
di naman ikaw ang principal. Di rin nila maunawaan yun. Kapag ganun, later time
sige ikaw nalang, kahit sa dibdib mo minsan masikip na.
- Minsan mabigat din sa dibdib mo, sasabihin sayo misguided sayo eh miss
guidance

Ano po yung gagawin niyo if nalaman niyo na yung student niyo ay naabuse? Ano po yung
mga techniques?

- Ahhh.. pag ka ganun, ano na po yan ahmmm. Sa division na po yan, kapag ganun
hindi na yan pinapadiscuss dito samin sa school. Ang gagawin po namin, cocontact-
in naming yung DSWD, sakanila naming irereport na may gantong bata, gagawa
sila ng log jan at sila na din ang pipick up dito.
- Di na katulad noon, report sa barangay, ipapatawag mo yung magulang, hindi na
ganyan ngayon.
- Contactin mo yung magulang, halimbawa. Hindi naman siya involved. Mag uusap
sila ng DSWD sa Womens Desk, yung mga pulis, VAWC.

Nakahandle na po kayo ng mga magulang na passive/unresponsive?

- Meron. Example yung sa child abuse, di mo nga mapaniwalaan na yung step father
niya na may ganun talaga. Pagagalitan pa yung anak niya. Ang bait bait nga nung
bata, hindi lang isa DALAWA! Iba yung kaso nung isa yung tatay niya nagcommit
ng ano.. suicide pero buhay naman, yung tatay ha. Parehong di ka maniniwala na
may ganun na nanay, na mas sesermonan niya pa yung hindi sya naniniwala sa
sinasabi ng anak niya. Imaginin mo kung ako yun, mapapalaban ako ng salitan
yung medyo ano nasa tamang pagpapaliwanag eh wala eh ikaw ang nanay, anak
mo na nagsasabi pero di mo pa rin naniniwala. Ang balita ko nge eh sila parin eh..

Ano po kayo as a person?

- Syempre ako as a person wala akong family, single ako di ko na ano eh, walang
opportunity eh di ko naman tinitignan yun eh as kakulangan eh yun ang nangyari eh
kase nga ahhhh Christian ako ang ano ko, ang diyos ang gumagawa eh diba
nananalangin ka, may ginagawa ka din pero hindi mo alam may choice ka pa rin eh,
sa nangyari sa buhay ko hindi ko naman mapili, na magkaroon ako ng sarili kong
pamilya. Buhay na masasabi kong na expose ka rin sa family life, yung struggles ng
married life diba? Pero na expose naman ako sa mg nangyayari dito sa totoo, sa
sitwasyon ng mga bata ditto, sa sitwasyon ng mga mag-asawa na halos nagpakita
sa akin na okay lang ako ng wala akong pamilya pero sa family ko yung family ko
nanay, tatay ko okay pa naman eh nakakapagbonding namna kami, sa aming
magkakapatid nakakapag communicate naman,na nakakapag usap kmi yung ano
mas close nga kming magkakapatid eh siguro yun yung ano ko full back ko hindi ko
sila makaka. Siguro sa pamilya meron talagang isa o dalwa hindi masyadong
anokase syempre kailangan andun yung utos ng principal diba .. meron ka rin
talagang ma-oofend .inaamin ko hindi naman akong perfect.may na- oofend ako
pero I see to it na nilalapitan ko humihingi..nag sosorry talaga ako, iniiwasan ko
lang na inaaral ko pa rin hanggang ngayon na mag sosorry ka lang din naman eh
bakit kailangan mo pang saktan di ba? As much as possible wag nang I rerelease
yung ano mang napagdadaanan mo tsaka yung process na pinag aaralan
ko pa. basta yung about naman sa family andyan naman yung mga pamangkin ko
kaya so yung longing na magkaroon ng family na satisfy.

Ilang years po kayo bago kayo na appoint as guidance teacher?

- 3 years na sina-sub ako as guidance teacher, nagsimula kasi ako ng 1996, nung
1997 andito na ko sa Buhay Na Tubig, noon ang kwarto palang naming ay mga nasa
walo? Tapos nung 1999 inappoint na ko ng principal naming as guidance teacher.

Sa pag handle ng child. Hindi kami pwedeng mag asses ng mga bata kase wala kaming
karapatan, ang pinaka ginagawa lang naming ay yung making sa mga problema ng mga
bata, tulungan yung bata, tapos yun patawag yung magulang . feeling ko nga discipline
officer na ako eh hindi na guidance teacher.. ginagawa nga kaming panakot sa mga bata
eh .

You might also like