You are on page 1of 1

Ang Hamon Ng Aking Buhay Sa Gitna Ng Pandemya.

Umpisahan natin ang mga HINDI magagandang karanasan ko sa buhay sa gitna


nang pandemya. Hindi maganda ang dulot ng pandemyang ito dahil una kong
naranasan na mawalan kami nang pangkain sa araw-araw dahil dito. Pangalawa
ay ang pag-aaral ko, wala akong sapat na gamit noong nagsimula ang pandemya,
katulad ng gadgets at ibang school supplies na kailangan para sa Online Class o
New Normal kung tawagin. Mahirap ang naranasan ko dahil hindi ako makasabay
sa klase at isa pa dito ay wala kaming internet nang panahon na iyon.
Napabayaan ko nang kaunti ang aking pag-aaral noong panahon na iyon ngunit
hindi naman ako nawala sa with honors. Mahirap din magklase dahil minsan
hindi mo maintindihan ang mga "lessons o topic" na itinuturo sa amin nang
aming guro dahil maraming gumugulo sa isipan at isa pa doon ay hindi ka maka
focus sa mga gawain. Isa din sa mga karanasan ko ay ang nawalan nang mahal sa
buhay, na sobrang nagpalungkot sa akin noong panahon na iyon. Na stress at na
depress din ako noong panahon na iyon dahil sa ACADS at mga gastusin sa
bahay, kung paano namin malalampasan ang ganoon sitwasyon ng pamumuhay.
Pero dahil naniniwala kami na "God will Provide" hindi kami nagpasindak sa
hamon nang buhay.
Ito ang umpisa nang magandang karanasan ko sa gitna nang pandemya. Una ay
kahit na nasa gitna kami nang pandemya ay nagkasama-sama at nagkabonding
kami nang aking pamilya. Nagkaroon pa din ako ng tutor noon kaso ay hindi
araw-araw. Maganda din ang karanasan ko dahil marami din akong nakilala at
naging kaibigan sa mga socmed platform katulad ng twitter, Facebook,Telegram,
at Discord. Marami din akong nakasalamuhang bagong kaibigan sa mga socmed
platform lalo na ang Discord na naging tambayan ko at nagpasaya sakin sa gitna
nang pandemya.
Bukod dito ay nagkaroon din ako ng trabaho bilang isang Moderator sa isang
International Play to Earn Metaverse Game. Na lubhang nagpasaya sa akin
magpasa hanggang ngayon, dahil sa laki narin nang kinikita ko dito at
nakakatulong pa ako sa aking magulang at sa mga gastusin sa bahay at sa ibang
tao sa edad na 17 yrs old. Basta lagi lang nating tandaan na may mga bagay na
para sa atin at kailangan lang din minsan gawan ng paraan o kaya naman ay
hintayin nalang natin, dahil mas maganda kung para sa atin talaga iyon. At isa din
pala sa masayang karanasan ko ay naging gitarista at choir ako sa pagsama sama
ko sa pagsimba sa Minalungao at ang maganda dito ay naimpluwensiyahan ko
din ang aking pinsan na sumama. Yun lang aking mga karanasan at sana ay
naintindihan n'yo ang bawat karanasan na aking pinag daanan. Laban lang palagi,
huwag kang susuko kapatid, dahil ang lumalaban sa hamon ng buhay ay may
makakamit na tagumpay.

You might also like