You are on page 1of 3

"Awit ng Pangarap"

By:Eriahna Summer L. Diaz

Tatay:Anak?nabalitaan mo na ba ang mga gagawin na programa ngayong nobyembre


na gaganapin sa plaza?
Anak:Ah hindi pa po Itay,ano po ba iyon?
Tatay:May paligsahan sa pagkanta,gusto mo bang sumama?
Anak:Ah wag na lang po Itay,may mas magaling pa po na iba dyan.
Tatay:Ano ka ba anak,ikaw ang pinaka magaling para sa akin,at walang makakahigit pa sa Ito..Mahal na
mahal kita anak.
Anak:Mahal na mahal din po kita Itay(yakap)

KINABUKASAN

Tatay:(gigisingin si Ara)Anak!anak!bumangon ka na dyan at mag-ayos na.


Anak:Bakit po Itay?saan tayo pupunta?
Tatay:Ah basta,malalaman mo rin mamaya.

ALING KURING'S SHOP

Anak:Itay?bakit po tayo nandito?


Tatay:Anak,bibili tayo ng maisusuot mo.
Anak:(nagtataka)Para saan po?
Tatay:Para sa paligsahan(ngiti)
Anak:Ah paligsahan(tumatango)sino po sasama sa paligsahan?
Tatay:Ha?ano ka ba anak,ikaw ang sasama sa paligsahan,diba matagal mo ng pangarap maging isang
sikat na mang-aawit?
Anak:Po?!(nagulat)paano pong ako ang sasama doon?(nagtataka)
Tatay:Sinali kita anak(naka-ngiti)
Anak:Pero po hindi ako sanay na humarap sa maraming tao(yuyuko)
Tatay:Alam mo anak,masasanay ka din(tapik sa balikat)
Anak:Pero Ita- - -
Tatay:Sige na anak,mag-ensayo ka na(ngiti)

Anak:(kakanta)Sa isang pangarap ako'y naniniwala~hindi ako titgil hangga't aking makak- - -*ubo*ubo*
Hay nako,kailangan ko pang mag-ensayo para hindi ako mapahiya(buntong hininga)

ARAW NG PALIGSAHAN

Tatay:Anak,kaya mo ito..andito lang si Tatay para suportahan ka.


Anak:Salamat po Itay(yakap)
Anak:(aakyat sa entablado)(titingin sa paligid,hahanapin ang kanyang Tatay)
Tatay:(bumubulong sa ere)Kaya mo yan Anak(naka-ngiti)
Anak:(Ngingiti at ipipikit ang mata..sisimulan ng kumanta)
Sa isang pangarap ako'y naniniwala~
Hindi ako titigil hangga't aking makakaya~
Unti-unting marara- - -(putok ng baril)(didilat bigla)(hinahanap ang tatay nya sa alon ng mga nanonood)
bagsak ng mikropono
Anak:(sigaw)Itay!Itay!asan po kayo?!(nakita ang tatay na nakahandusay sa sahig)
Tabi!Tumabi kayo dyan!
Itay?(naginginig)(titingin sa mga tao)
Anong tinitingin-tingin nyo dyan?!Tumawag kayo ng ambulansya!(mapapaluhod)
Itay(umiiyak)a-ano pong n-nangyari?b-bakit po may tama kayo ng bala?sino pong may gawa sa inyo
nito?
Tatay:(Nanghihina)A-anak,may babaril sana sa iyo dahil narinig ko kanina bago ka kumanta dahil ikaw
daw ang may kasalanan kung bakit di nakapasok sa paligsahan si Tonya ngunit nung babarilin ka na ay
agad kong sinalo ang bala gamit ang katawan ko(hawakan ang pisngi ni Ara)
Anak,tandaan mo ito,t-tuparin mo ang pangarap mo at magtapos ka ng pag-aaral dahil hindi lang p-para
sa a-akin Ito,p-para rin ito sayo..para k-kahit wala na ako ay kaya mong alagaan ang s-sarili mo at
matutong tumayo sa sarili mong paa,d-dahil hindi lahat ng o-oras ay a-andito ako.
Wag na wag kang susuko d-dahil kahit wala na ako,mananatili pa rin ako sa i-iyong tabi,Mahal na m-
mahal kita aking p-prinsesa(binawian ng buhay)
Anak:Itay?Itay!(umiiyak)gumising kayo dyan,wag naman pong ganito Itay,wag nyo po a-akong iwan gaya
ng pag-iwan sa atin ni Inay(yayakapin ang kanyang Tatay)
FLASHBACK
Tatay:Soledad?!saan ka pupunta?bat mo kami iiwan ng anak mo?!
Anak:Itay...ano pong nangyayari?
Tatay:Anak,wala ito..bumalik ka na sa iyong silid.
Anak:Pero po Itay
Tatay:bumalik ka na sa iyong silid Ara!
Kinabukasan
Anak:Itay?ayos lang po ba kayo?
Tatay:(pahid ng luha)Ah Oo naman anak
Anak:bakit po kayo umiiyak?
Tatay:Ang Inay mo kasi...iniwan nya na tayo(umiiyak)
Anak:b-bakit po?
Tatay:sumama sya sa lalaki nya(malungkot)naging mabuti naman akong asawa diba anak?
Anak:Opo Itay(malungkot)..tahan na po,pag laki ko kapag naging maganda ang buhay ko hahanapin ko si
Inay para makapiling na ulit natin sya(yakap kay Tatay)
END OF FLASHBACK
(Pupunasan ang luha)
Anak:Tutuparin ko ang pangarap ko Itay,hindi ko kayo bibiguin.

MAKALIPAS ANG DALAWANG TAON

Ara!Ara!Ara!(mga sumosoporta)
Anak:Ito na po Itay(tingin sa taas)natupad ko na,nagbunga na ang paghihirap ko sa pagsali aa iba't-ibang
paligsahan sa loob ng dalawang TAON(hinga ng malalim)
(AAKYAT SA ENTABLADO)
Anak:Bago ko umpisahan ang awit na ito ay may kailangan lang ako sabihin sa pinaka-importanteng tao
sa buhay ko na wala na sa tabi ko ngayon(malungkot)
Itay,kung naririnig mo ako,Mahal na mahal kita...para po sa iyo ang awiting ito.(tulo luha)
Sa isang pangarap ako'y naniniwala~
Ako ay lilipad at ang lahat makakakita~
Sa isang pangarap ako'y naniniwala~
Hindi ako titigil hangga't aking makakaya~
Unti-unting mararating~
Tagumpay ko'y makikita~
PATULOY ANG PANGARAP~
sigawan*palakpakan
Anak:(titingin sa langit)
Natupad ko Itay(naka-ngiti)

Dr. Chrizelle Joy Maicle


Theater Arts Teacher

You might also like