You are on page 1of 2

Mabs: Gandang Ganda Ka-Filipino!!

All: Gandang-ganda Mabs!!


Mabs: Talaga namang hindi natin kakayanin ang chika today dahil sa mga bisita natin! Kilalanin ang mga
representative ng mga guro sa buong Pilipinas! (name) at (name)!!
Teacher 1: Hello! Gandang Ganda ka-Filipino!
Teacher 2: Gandang ganda mga bhie!!
Mabs: Ayaaan! Talaga namang ang gaganda ng mga guro natin ngayon, diba mga ka-Filipino?
Teacher 2: Ano ba yan, masyado mo naman kaming binobola. Pero true!!
Mabs: Kumusta naman kayo? Ang daming nababalitang issue ngayong patungkol sa sektor ng edukasyon.
Lalong-lalo na sa sweldo ng mga guro. Anong reaksyon niyo patungkol dito?
Teacher 1: Ito, maayos naman kami kahit underpaid at sa amin pa minsan iniaasa ang maintenance ng
classroom. All in all, masaya naman lalo na pag nakikita naming may natututunan sa amin ang mga bata.
Teacher 2: Oo, tama ka (name). Higit pa sa pera na makita ang ngiti ng mga batang natutulungan natin.
Mabs: Maiba tayo, hindi ba’t mula naman primarya ay mayroon nang asignaturang Pilipino? Hanggang
Kolehiyo. Ngunit ano nga ba ang layunin ng Filipino Kurikulum sa SEDP o Secondary Education
Development Program)?
Teacher 1: Layunin nito na Linangin ang kasanayan sa pag-unawa, pagpapakahulugan, pagsusuri, at
pagbibigay-halaga sa mga paksa ng mga mag-aaral. Alam mo naman sa panahon ngayon, lalong-lalo na
dahil sa dumaang dalawang taon na walang face-to-face classes, talaga namang masyadong natengga sa
bahay ang mga mag-aaral kaya hindi na sila masyadong sanay sa mga kasanayang ito.

Teacher 2: Tama ka diyan, (name). Pero ang pangkalahatang layunin talaga ay ang Linangin ang kasanayan
at kaalaman sa paggamit ng Filipino sa pakikipagtalastasan. Kasi, alam mo ngayon Mabs, sa sobrang
inobatibo ng bansa natin, nakakalimutan na nating gamitin ang sariling wika natin sa pagsasalita.

Mabs: Alam mo, tama ka. Ako nga minsan, kapag nagsasalita ako at nakakalimutan ko yung tagalog ng
isang salita, bigla akong napapatigil at napapaisip kung tama ba yung ginagamit kong salita. Kasi sobrang
nakasanayan na natin diba? Like legit.

Teacher 1: Oo, hindi talaga maitatanggi yan. Dala na rin ng maraming impluwensya sa atin ng mga banyaga,
pati ang mga pananaliksik natin, kadalasan ay nasusulat sa ingles. Kaya naman layunin din ng Filipino
Kurikulum na paunlarin ang mga kaalaman at kasanayan sa pagsasaling wika at sa pag-aaral at
pananaliksik.

Mabs: Oy ha, base sa aking pananaliksik, ay nahahati raw s atatlong domeyn ang layunin sa pagtuturo.
Pangkabatiran, Pandamdamin at—ano nga yung isa? Motor—

Teacher 2: Saykomotor. Dito nakakabilang yung paglinang sa mga kakayahang pisikal. Kaya mayroon
tayong mga aktibidad sa paaralan na kabilang ang pagpapalakas ng katawan.

Mabs: Ayun! Saykomotor nga.


Teacher 1: At ang pangkabatiran naman ay ang pinaka karaniwang layunin dahil karaniwang nakatuon ang
pagtuturo sa kaalaman o kabatiran ng mga mag-aaral.

Teacher 2: Sa pandamdamin naman, ito ay nahihinggil sa mga saloobin, emosyon, kawilihan, at


pagpapahalaga.

Mabs: Ang dami ko namang natututunan today! Kayo rin ba mga ka-Filipino? Syempre naman, desisyon
ako eh. Mga guro, may nais ba kayong sabihin sa ating mga ka-Filipino?

Teacher 1: Nais ko lang sabihin na ang Filipino, ay ang ating identidad. Gaano man tayo ka-sanay sa
pagsasalita o pag-gamit ng wika ng banyaga, hindi dapat nawawala sa atin ang pagkakaroon ng interes at
kaalaman sa ating wika.

Teacher 2: Kaya naman ang mga guro sa Filipino ay talaga namang ginagawa ang ating makakaya upang
hindi mawala sa kasanayan ng bawat mag-aaral na Pilipino ang wikang Filipino.

Mabs: Maraming maraming salamat sa pagdalo sa ating chismisan na punong-puno ng kaalaman sa araw
na ito. Hanggang sa susunod muli!! Gandang Ganda ka-Filipino!

All: Gandang-ganda Mabs!!

You might also like