You are on page 1of 2

Scene 1 pt.

Before the event happened

Madre: senoritas! As rapida for favor (mga binibini, bilisan ninyo, pakiusap)

Maria: Si, madre (opo, madre)

*Maglalakad sa pasilyo si maria kausap si Victoria habang nasa unahan naglalakad ang madre at
sa likod nila ang kanilang mga kaklase. Mauunahan silang maglakad ng mga ito dahil sila’y magu
usap

Victoria: Bueno. Talaga bang magaan sa iyong loob ang paanyaya mo sa akin na isasama mo ako
sa dadaluhing pagtitipon sa inyong tahanan?

Maria: amiga, bukal sa aking kalooban yon. Bueno, maghanda ka na pagkatapos ng ating klase
de gantsilyo sapagkat susunduin tayo ng aking tiya Isabel pagkatapos ng nobena.

Victoria: sa wakas makakatakas na rin tayo pansamantala sa byaterong ito. Bueno, si Crisostomo
Ibarra, nakarating na kaya mula sa Europa?

Maria: maaaring dumating na nga. O mahabagin, yan ang matagal ko ng ipinagdarasal.

Victoria: harinawa! Vamonos (tara na)

Maria: bumalik na tayo sa ating klase

*outside

*Kararating pa lamang ni Ibarra ng itoy salubungin ng kawal papasok sa bulwagan

Kawal: buenos dias senor Crisostomo Ibarra y magsalin (Magandang umaga, ginoong
Crisostomo Ibarra y magsalin) maligayang pagdating sa las filipinas.

Ibarra: muchos gracias (maraming salamat) (darating si Kapitan tiyago)

Tiyago: Hijo! Maligayang pagbabalik

Ibarra: Kapitan don tiyago!

Tiyago : Kamusta naman ang iyong paglalakbay?

Ibarra: Dapat po ay nakakapagod ngunit hindi ko naramdaman ito. Napawi ang lahat ng aking
dusa at hirap magmula ng pagyapak kong muli sa ating bayan.

Tiyago : Mainam kung ganon.

Ibarra: At si maria clara po? Maaari ko po bang kamustahin ang inyong anak?

Tiyago : Sinasabi na nga bat itatanong mo rin ang aking dalaga. Huwag kang mag alala Ibarra,
pagkat gaya moy natitiyak kong nasasabik na rin si maria clara na muling makitat makausap ang
kaniyang nobyo. Tunay na dapat nga nating ipagdiwang ito, na pagkatapos ng pitong taon ay
muli kayong magkikita.

*scene of maria holding a letter and picture of Ibarra showing how she missed him as
flashback*

Tiyago: isang piging ang gaganapin sa aking tahanan mamaya bilang pasasalamat at
pagsalubong sa iyong pagbabalik. At darating doon si ang aking anak.
Ibarra: Hindi na po ako makapag hintay. Ngunit tiyo, ang buong akala koy kasama ninyo ang
aking ama upang salubungin ako. Ang buong akala koy magkikita na kaming muli ng aking papa;
marahil ay hindi niya maiwan ang mga Negosyo sa san diego.

Tiyago : Marami pang panahon para pag usapan natin ang ganiyang bagay, magpahinga ka muna
dahil malayo ang iyong nilakbay. Susunduin na lamang kita bago ang pagtitipon mamaya.
Paalam sa ngayon.

Ibarra: (tatango)

Magkikita muli si tiyago at Ibarra habang itoy nagbibihis

Tiyago: hijo, mabutit nakabihis ka na. nakatulog ka ba ng maayos?

Ibarra: Nakaidlip naman po ako. Aalis na po ba tayo tiyo?

Tiyago :Hintay muna. Tiyak ko na isa sa mga panauhin ang magbabanggit sa pangalan ng iyong
ama at makikiramay saiyo.

Ibarra: Makikiramay po tiyo?

Tiyago : Ang totoo hijo ay may isang taon ng namayapa ang iyong ama ngunit hindi namin
nabalita saiyo dahil hindi naming alam kung nasan ka sa Europa.

Ibarra: Utang na loob tila itoy hindi Magandang biro, tiyo

Tiyago : Hindi biro bagkus katotohanan lamang. Totoo na namayapa na ang iyong ama.
Tanggapin mo ang aking pakikiramay hijo. Batid kong masakit mawalan ng minamahal sa buhay.

Ibarra: Ano ang totoong sanhi ng pagkamatay ng aking ama?

Tiyago : Hijo pagbigyan mo muna ako. Mahabang usapin ang kailangan kung kayat sa susunod
ko na sasabihin saiyo. Magtungo na muna tayo sa pagtitipon.

You might also like