You are on page 1of 1

Masaya sa Bukid

Araw ng Sabado, dumalaw ang pamilya ni Nilo sa bukid. Dala-


dala ang basket na puno ng pagkain; nilagang kamote ,kamoteng
kahoy at saging. Sumakay sila sa isang kariton na hila-hila ng kanilang
kalabaw na si Makusog. Sa daan, masaya nilang pinagmamasdan ang
mga mapuputing tagak sa likod ng kalabaw.
Pagdating sa bukid ,masaya silang sinalubong ng kanilang Lolo
Kiko at Lola Mameng nagmano sila at pagkatapos ay pumasok at
sabay sabay na kumain .
“Nilo, maglaro muna kayo ni Nene, sumama kayo sa Lolo Kiko
ninyo, at tingnan ninyo ang ating mga alagang manok, baka at
kambing .” ang sabi ng kanilang ina.
“Kami ng Nanay mo ay pupunta muna sa bukid. Titingnan
namin kung namumunga na ang ating tanim na palay at mamimitas
din kami ng prutas at gulay upang madala sa ating pag-uwi ng bayan.
Sariwa at maaliwalas ang hangin sa bukid. Masayang naglalaro
ang mga bata. Gumawa si Lolo Kiko ng saranggola at agad nila itong
pinalipad.
“Lolo Kiko, Lolo Kiko, nakasabit po ang ating saranggola sa
puno.” ang umiiyak na sabi ni Nilo. Siya naming pagdating ng
kanilang ama at kinuha ang saranggolang nakasabit sa puno.
“ Alam mo Nilo, ang pagpapalipad ng saranggola ay katulad din
ng paglaki ng isang bata”, ang pangangaral ni Lolo Kiko. Maraming
kaligayahan at tagumpay ang mararanasan ngunit mayroon ding
kalungkutan at mga pagsubok , at sa lahat ng ito, kailangan niya ang
pagmamahal at ang paggabay ng kanyang mga mahal sa buhay lalo na
ng kanilang mga magulang”, ang pagpapatuloy ni Lolo Kiko.
Marami pang mga kwento, mga aral sa buhay at mga
matalinghagang mga salaysay ang mga natutunan nila sa kanilang
pagbisita sa bukid.
Masaya ang lahat, lalo na si Nilo sa kanilang pagbisita sa bukid.
At sa susunod na Sabado, tiyak nandito na naman sila, dahil ang
buhay sabukid ay tunay na masaya.

You might also like