You are on page 1of 2

Sa isang pagsusuri noong 1984, sinasabi dito na ang mga pamilyang may iisa o

solong magulang ay nagkakaroon ng anak na mahina at hindi mahusay pagdating


sa mga akademikong kasanayan at gawain. Itong pagsusuri tungkol dito ay
natuklasan at napatunayan ng SES.
Batay sa pag aaral at pagsusuri noong 1986 tungkol sa mga ina na nag-iisang
bumubuhay sa kanilang pamilya (single-mother) ay kanilang natuklasan na ang
mga kabataan na nabibilang sa kanilang kinatatayuan ay nagpapakita ng mas
mababang akademikong pagganap kaysa sa mga may kumpletong pamilya.
Maraming pag-aaral ang patuloy sa pagtutok sa istruktura ng pamilya Si Clark
(1997) ay nagsagawa ng pagaaral at paghahambing tungkol sa wasak na pamilya
na may mababa at mataas na pang-ekonomiyang katayuan kumpara sa mga
pamilyang kumpleto na may mababa at mataas na SES. Sa huli, ang resulta nito ay
nagpapakita na ang mga estudyante na may kumpletong pamilya ay mayroong mas
mataas na antas na akademikong pagganap kaysa sa mga nag-iisang magulang
lamang.
Isa pang pag-aaral na isinigawa ni Mchlanahan (1999), ang mababang pagganap
ng mga kabataang wasak o sira ang pamilya ay nagdudulot at nagkakaroon ng mas
kaunting pinagkukunan ng pangangailangan.
Si Kim (2000) ay nagsagawa ng pag-aaral tungkol sa mga adisyunal na salik na
nakakaapekto sa akademikong pagganap ng mga kabataan gamit ang datos mula
sa National Survey of Family and Households (NSFH), at kanyang natuklasan na ang
istruktura ng pamilya, pagpapalaki ng magulang sa bata (parenting), lahi (race) at
mga karanasan sa paaralan ay makabuluhan sa pag-unlad ng bata
Si Stevenson at Baker (1987) ay nagsagawa ng pag-aaral tungkol sa pakikilahok at
pakikibahagi ng magulang sa pag-aaral o edukasyon ng kanyang anak (parental
involvement) kasama dito ang suportang binibigay ng magulang sa bahay at ang
direktang suporta na nakikita sa paaralan. Pinag-aralan nila ang magiging posibleng
epekto nito at sa huli ay natuklasan nila na ang mga batang may isang magulang
ay hindi gaanong nakikilahok sa mga aktibidad na isinasagawa sa paaralan kaysa sa
mga batang may kumpletong pamilya.

Zick, Bryant, and Osterbacka (2001) investigated married mother's work patterns,
parent-child activities, and academic achievement. Findings showed that in the
employed-mother household, both parents engaged in reading/homework activities
with their child more frequently, than the parents in non-employed-mother
households.
Moore and Pepler (1998) studied the household environment and academic
performance and found that the children who live in stressful or conflict prone home
environments tend to experience academic problems.

You might also like