You are on page 1of 44

PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA

PANANALIKSIK
BAITANG 11, YUNIT 7
Tekstong Prosidyural
TALAAN NG NILALAMAN

Introduksyon 3
Aralin 1: Kasanayan sa Pagtatala Bilang Salalayan ng Pananaliksik 4
Layunin Natin 4
Subukan Natin 5
Pag-aralan Natin 6
Alamin Natin 6
Sagutin Natin 12
Pag-isipan Natin 12
Gawin Natin 12
Aralin 2: Kahulugan at Bahagi ng Konseptong Papel 14
Layunin Natin 14
Subukan Natin 15
Alamin Natin 16
Pag-aralan Natin 16
Sagutin Natin 18
Pag-isipan Natin 19
Gawin Natin 19
Aralin 3: Pagbuo ng Rasyunal at Pagsulat ng Mga Layunin 21
Layunin Natin 21
Subukan Natin 22
Alamin Natin 23
Pag-aralan Natin 23
Sagutin Natin 28
Pag-isipan Natin 28
Gawin Natin 28

1
Aralin 4: Ang Pamaraan ng Pananaliksik at ang Inaasahang Bunga Nito 30
Layunin Natin 30
Subukan Natin 31
Pag-aralan Natin 32
Alamin Natin 32
Sagutin Natin 37
Pag-isipan Natin 37
Gawin Natin 37
Pagyamanin Natin 39
Paglalagom 42
Dapat Tandaan 42
Gabay sa Pagwawasto 43
Sanggunian 44

2
Pindutin ang Home button para
bumalik sa Talaan ng Nilalaman

BAITANG 11 | PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK

YUNIT 7

Tekstong Prosidyural
May iba’t ibang uri ng teksto batay sa layunin at gamit. May tekstong nais magbigay ng
impormasyon, maglarawan, manghikayat, magsalaysay, o makipagtalastasan. Mayroon din
namang teksto na nakatutulong sa pang-araw-araw nating pamumuhay sa pamamagitan
ng pagbibigay ng wastong gabay sa isang gawain. Ito ay ang tekstong prosidyural.

Mahilig ka bang magluto? Ano ang paborito mong lutuin? Nasubukan na ba ninyong
magluto ng isang putahe mula sa isang cookbook? Madali bang nasusundan ang mga
hakbang dito? Naging masarap ba ang inyong niluto dahil sinundan ninyo ang mga
hakbang? Paano ito nakatulong para mailuto ninyo nang madali at masarap ang putahe?

Bakit mahalaga ang isang maayos na paglalahad ng proseso o pamamaraan ng isang


gawain?

Saklaw ng yunit na ito ang pagtalakay ng katangian at kalikasan ng teksto, pagtukoy sa


paksa ng teksto, kahulugan at katangian ng mga salita sa teksto, at paggamit ng mga
cohesive device.

3
Aralin 1
Katangian at Kalikasan ng Teksto

Layunin Natin
Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang naipaliliwanag ang
kahulugan, katangian, kalikasan, at mga bahagi ng tekstong prosidyural.

Basahin natin ang sumusunod na halimbawa ng tekstong prosidyural:

Pagluto ng Adobong Pula


Mga Sangkap:
2 kilo ng karneng manok 1 ulo ng bawang
¼ tasang atsuwete 2 dahon ng laurel
2 kutsarang mantika 2-3 kutsarang patis
½ tasang suka paminta
1 tasang toyo asin

Mga Hakbang:
Una, ibabad ang manok sa suka, toyo, asin, at paminta sa loob ng 20 minuto. Habang
ibinababad ang karne ng manok, gisahin ang atsuwete sa mantika. Itabi ang mantikang
ginamit. Pagkatapos nito, isalang sa kawali ang karne kasama ang pinagbabaran. Pakuluin
hanggang lumambot ito. Habang kumukulo, isama ang dahon ng laurel. Kapag kakaunti na
ang sarsa ng adobo, isama ang mantikang may atsuwete. Bahagyang haluin hanggang sa
mamula ang karne ng manok.

Ilagay sa plato ang nalutong adobong pula at lagyan ng bawang para maging kaaya-aya
ang presentasyon ng putahe.

Batay sa lunsarang teksto, ano ang tekstong prosidyural? Ano ang mga katangian at
kalikasan nito? Ano ang mga bahagi nito?

4
Subukan Natin
Ibigay ang unang tatlong hakbang sa pagluluto ng adobong pula.

Pagluto ng Adobong Pula

Unang
hakbang

Ikalawang
hakbang

Ikatlong
hakbang

5
Pag-aralan Natin
Ang tekstong prosidyural ay naglalahad ng Alamin Natin
proseso o pamamaraan upang maisagawa,
matapos, o makamit ang isang inaasahang bagay, Tandaan at gawing gabay ang
gawain, o pangyayari. Ang bagay o pangyayaring kahulugan ng sumusunod na
ito ang itinuturing na kalalabasan ng proseso. salita:
• proseso – paraan
• klarado – malinaw
• espesipiko – tiyak
• maligoy – magulo; paulit-
ulit
• isalang – ilagay ang
niluluto sa paglulutuan

Ito ay nakatutulong sa pang-araw-araw nating pamumuhay sa pamamagitan ng pagbibigay


ng wastong gabay sa isang gawain. Halimbawa, para makapagluto ng masarap na adobo,
may wastong proseso o paraan na dapat sundin.

Mga Halimbawa ng Tekstong Prosidyural


May iba’t ibang uri ng tekstong prosidyural batay sa inaasahang kalalabasan ng gawain.
Narito ang ilan:

Halimbawa Katangian
Recipe Nagipapaliwanag ng mga hakbang sa pagluluto o paghahanda
ng pagkain
User manual o guide Nagsasaad ng pagbuo o pag-assemble ng isang gamit
Tour itinerary Nagbibigay ng direksiyon papunta sa isang lugar
Instruction Nagbibigay ng panuto sa paglikha ng isang e-mail o social media
account

6
Mga Bahagi ng Tekstong Prosidyural
May apat na bahagi ang isang tekstong prosidyural:

1. Pamagat
2. Mga sangkap o kagamitan
3. Sunod-sunod na hakbang sa paggawa
4. Kongklusyon o inaasahang kalalabasan

Tukuyin natin ang mga bahagi ng tekstong prosidyural mula sa ating recipe.

Pamagat
Ang pamagat ay ang kalalabasan ng proseso. Sinasagot nito ang tanong na “Ano ba ang
nais nating magawa o mabuo?” Sa ating teksto, nais nating magluto ng adobong pula.

Pamagat
Pagluto ng Adobong Pula

7
Mga Sangkap o Kagamitan
Ang mga sangkap o kagamitan ay listahan ng mga kakailanganin para sa gagawing
proseso. Nakatutulong ito para maihanda ang lahat ng sangkap bago pa simulan ang
gawain. Sa ating lunsaran, narito ang mga kailangan sa pagluluto ng adobo.

Mga Sangkap:
2 kilo ng karneng manok
¼ tasang atsuwete
2 kutsarang mantika
½ tasang suka
1 tasang toyo
1 ulo ng bawang
2 dahon ng laurel
2-3 kutsarang patis
paminta
asin

Sunod-sunod na Hakbang sa Paggawa


Ano ang mga hakbang sa paggawa? Ito ang sunod-sunod na hakbang na kailangang
sundin upang makamit ang inaasahang kalalabasan ng proseso. Mahalaga na klarado at
tama ang pagkakasunod-sunod nito. Sa ating halimbawa, sinimulan ang hakbang sa
pagbababad ng mga sangkap hanggang maluto na ang adobong pula.

Mga Hakbang:
Una, ibabad ang manok sa suka, toyo, asin, at paminta sa loob ng 20
minuto. Habang ibinababad ang karne ng manok, gisahin ang
atsuwete sa mantika. Itabi ang mantikang ginamit. Pagkatapos nito,
isalang sa kawali ang karne kasama ang pinagbabaran. Pakuluin
hanggang lumambot ito. Habang kumukulo, isama ang dahon ng
laurel. Kapag kakaunti na ang sarsa ng adobo, isama ang mantikang
may atsuwete. Bahagyang haluin hanggang sa mamula ang karne ng
manok.

8
Kongklusyon o Inaasahang Kalalabasan
Ano naman ang kongklusyon? Ito ay ang inaasahang kalalabasan ng ginawang proseso.
Ang paglalahad kung paano ihahain ang nilutong adobong pula ay ang malinaw na
halimbawa ng kongklusyon.

Ilagay sa plato ang nalutong adobong pula at lagyan ng bawang


para maging kaaya-aya ang presentasyon ng putahe.

Balikan natin ang mga bahagi ng ating tekstong prosidyural. Mayroon itong pamagat, mga
sangkap, mga hakbang, at kongklusyon.

9
Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Tekstong Prosidyural
Upang matulungan ang mambabasa na makamit ang inaasahang kalalabasan ng proseso,
dapat na:

• Simple ang mga salitang gagamitin para madaling maunawaan at masundan ng mga
mambabasa.
• Masinsin at tama ang pagkakasunod-sunod ng mga hakbang.
• Espesipiko ang mga direksiyon at paglalarawan ng mga sangkap at hakbang.
• Hindi maligoy ang mga salita. Direktang sinasabi nito ang dapat na gawin sa bawat
hakbang.

Simple ba ang mga salitang ginamit ng teksto?


Kung madali mo itong naintindihan at natukoy ang mga kailangang sangkap at mga
hakbang na susundan, masasabing simple ang mga salitang ginamit rito.

Pansinin din ang paggamit ng mga salitang


nagpapakita ng pagkakasunod-sunod ng
mga hakbang:
• una
• habang
• pagkatapos
• kapag

Kung gayon, masinsin ang teksto.

Masasabi ring espisipiko ang pagkakalahad


ng teksto. Tiyak ang mga gagawing hakbang
tulad ng:
• ibabad,
• gisahin,
• isalang,
• pakuluin, at
• haluin.

Dahil dito, masasabi ring hindi maligoy at


direkta ang paglalahad sa teksto.

10
Palagi nating tandaan ang mahahalagang kaalaman tungkol sa tekstong prosidyural:

• Naglalahad ito ng proseso o pamamaraan upang maisagawa, matapos, o makamit


ang isang inaasahang bagay, gawain, o pangyayari.
• Nakatutulong ito para maisagawa natin nang wasto ang pang-araw-araw nating
gawain.
• Halimbawa nito ang mga tekstong naglalahad ng mga hakbang tulad ng user manual
ng bago ninyong cellphone.
• Kung susulat ng isang tekstong prosidyural, tandaan na gawin itong simple,
malinaw, tiyak, at madaling maintindhan.

Kahulugan
Tekstong Prosidyural

Halimbawa

Bahagi

Katangian

Kailangang maayos na ilahad ang mga hakbang o paraan sa paggawa ng isang bagay o
gawain. Mahalaga ito upang maisagawa ito nang maayos at wasto, at makamit ang
inaasahang resulta o kalalabasan. Halimbawa, makapagluluto tayo ng masarap na
adobong pula dahil nauunawaan, nasusundan, at naisasagawa natin nang maayos at
wasto ang inilahad na mga hakbang dito.

11
Sagutin Natin
Sagutin ang sumusunod na tanong:
1. Ano ang tekstong prosidyural?
2. Bakit mahalaga ang isang maayos na paglalahad ng proseso o pamamaraan sa isang
gawain?
3. Paano masasabing epektibo o makabuluhan ang pagkakasulat ng isang tekstong
prosidyural?

Pag-isipan Natin
Paano mo ilalapat o iuugnay ang konsepto ng kalikasan, katangian, mga bahagi, at paraan
ng pagsulat ng tekstong prosidyural sa sarili, sa pamilya, sa paaralan, at sa bansa?

Gawin Natin
Sumulat ng isang tekstong prosidyural tungkol sa isa sa sumusunod:

• Recipe
• User manual o guide
• Tour itinerary
• Instruction

Malayang makapipili ng tiyak na paksa o pamagat. Ipasa ang kinakailangang output bago o
sa itinakdang panahon.

12
Gamitin ang sumusunod na rubrik bilang gabay:
[25%] [50%]
[75%] [100%]
Pamantayan Mas Mababa Kailangan pa ng Marka
Magaling Napakahusay
kaysa Inaasahan Pagsasanay

Nilalaman Wala o may Sinikap na Mahusay ang Napakahusay ng


kaunting makasulat ng pagkakabuo ng pagkakasulat ng
pagsisikap na magandang teksto; bagaman teksto; tama ang
makagawa ng teksto, subalit may ilang mali sa pagkakasulat ng
tamang teksto; mali ang mga bahagi at teksto gamit ang
napakalabo ng pagkakalahad ng katangian, mga bahagi at
pagkakasulat ng alinman sa mga masasabing halos katangian; tiyak
teksto dahil bahagi o tama ang na tiyak na natuto
walang sapat na katangian; pagkakasulat; sa aralin
kaalaman sa mga kailangan pang natuto sa aralin
bahagi at matuto sa aralin
katangian; tila at magsanay para
walang natutunan sa tamang pag-
sa aralin unawa
Kaayusan at Walang kaayusan Kailangang Maayos at malinis Napakaayos at
Kalinisan at napakadumi ng matutong maging ang output; may napakalinis ng
output; maayos at ilang nakitang ipinasang output;
napakaraming malinis sa bura, dumi, o walang nakitang
nakitang bura, paggawa; pagkakamali bura, dumi, o
dumi, o maraming pagkakamali
pagkakamali nakitang bura,
dumi, o
pagkakamali
Kasanayan Matatamo ang Kung May sapat na May
at kasanayan at magsasanay, may kasanayan at katangi-tanging
Kahusayan kahusayan sa potensiyal na kahusayan sa kasanayan at
pagsulat kung maging bihasa at pagsulat likas na
magiging mahusay sa kahusayan sa
seryoso pagsulat pagsulat
Panahon ng Nakapagpasa ng Nakapagpasa ng Nakapagpasa ng Nakapagpasa ng
Paggawa output sa loob ng output sa loob ng output sa output bago pa
ilang panahon ilang panahon itinakdang ang itinakdang
matapos ang matapos ang panahon ng panahon ng
itinakdang itinakdang pagpapasa pagpapasa
pasahan dahil pasahan
ipinaalala ng guro
KABUUAN

13
Aralin 2
Pagtukoy sa Paksa ng Teksto

Layunin Natin
Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang natutukoy ang paksa,
pangunahing ideya, at ang sumusuportang mga ideya ng isang tekstong prosidyural.

Natutunan natin mula sa unang aralin ng yunit na


ito ang mga batayang kaalaman tungkol sa
tekstong prosidyural. Naglalahad ito ng proseso
upang makamit ang isang inaasahang bagay,
gawain, o pangyayari. Nakatutulong ito para
maisagawa natin nang wasto ang pang-araw-araw
nating gawain. Sa pagsulat ng tekstong
prosidyural, tandaan na gawin itong simple,
malinaw, tiyak, at madaling maintindhan.

Sa araling ito naman ay tatalakayin natin kung


paano matutukoy ang paksa at mahahalagang
kaisipan o ideya ng isang tekstong prosidyural.

Bawat teksto ay may paksa at nakapaloob na mga


ideya. Kasabay nito, aalamin din natin kung ano ang kahalagahan ng paksa at mga ideya sa
epektibong pagkaunawa sa binasang teksto.

• Paano matutukoy ang paksa ng isang tekstong prosidyural?


• Bakit mahalagang matukoy ang paksa at mga ideya ng isang tekstong prosidyural?

14
Subukan Natin
Tunghayang muli ang teksto. Sagutin ang sumusunod na tanong.

1. Ano ang apat na bahagi ng teksto?

2. Patunayan na ang tekstong ito ay:


• simple
• masinsin
• tiyak
• madaling maintindhan

15
Pag-aralan Natin

Basahin nating muli ang halimbawang teksto sa


Alamin Natin
sinundang pahina. Sa pagkakataong ito ay Tandaan at gawing gabay ang
tutukuyin naman natin ang paksa, pangunahing kahulugan ng sumusunod na
ideya, at sumusuportang mga ideya ng teksto. salita:
• kalalabasan –resulta
Pero, bago ito ay unawain muna natin ang • kaluluwa – diwa
kahulugan ng paksa, pangunahing ideya, at
sumusuportang mga ideya sa konsteksto ng
tekstong prosidyural.

Kahulugan ng Mahahalagang Tampok na Konsepto


Makatutulong ang paggamit ng graphic organizer para mabilis nating makita ang ugnayan
ng tatlong konsepto.

Paksa
Ang paksa ay ang pinag-uusapan sa teksto. Sa tekstong prosidyural, ito ang inaasahang
kalalabasan ng proseso. Matutukoy ito mula sa pamagat ng teksto. Ito ay mahalagang
bahagi ng tekstong prosidyural dahil nagsisilbi itong gabay upang matukoy kung ano ang
kalalabasan ng proseso o gawain.

Pangunahing Ideya
Ang pangunahing ideya ay ang prosesong
gagawin para makamit ang paksa o
resulta. Karaniwan itong makikita sa
pamagat ng tekstong prosidyural.

Sumusuportang Ideya
Ang sumusuportang mga ideya naman ng
tekstong prosidyural ay ang mga hakbang
na naglalahad kung paano isasagawa ang
proseso para makamit ang inaasahang
resulta.

16
Pansinin na magkakaugnay ang tatlong konsepto sa isang tekstong prosidyural.
Mahalaga ang bawat isa para maunawaan at maisagawa nang tama ang isang proseso o
gawain.

Ang mga hakbang (sumusuportang mga ideya) ay kailangan para maisagawa ang nais na
proseso o paraan (pangunahing ideya) upang makamit naman ang inaasahang kalalabasan
o resulta (paksa).

Pagtukoy ng Paksa, Pangunahing Ideya, at Sumusuportang Ideya


Muli, balikan natin ang lunsarang teksto, ang “Pagluto ng Adobong Pula.”

Tukuyin natin ang sumusunod na konsepto:

Konsepto Sagot, Paliwanag, at Patunay


Paksa Ang paksa nito ay ang “adobong pula.”

Ito ang inaasahang kalalabasan ng proseso. Matutukoy ito mula


sa pamagat ng teksto. Tingnan ang pulang mga salita.

17
Pangunahing Ang pangunahing ideya ay ang “pagluluto” nito.
Ideya
Ang pangunahing ideya ay ang prosesong gagawin para makamit
ang paksa o resulta. Karaniwan itong makikita sa pamagat ng
tekstong prosidyural. Tingnan ang asul na salita.
Sumusuportang Ang mga hakbang sa pagluluto ng adobong pula ang
Ideya sumusuportang mga ideya.

Ang sumusuportang mga ideya ng tekstong prosidyural ay ang


mga hakbang na naglalahad kung paano isasagawa ang proseso
para makamit ang inaasahang resulta. Tingnan ang berdeng
teksto.

Ang paksa, pangunahing ideya, at mga sumusuportang ideya ng tekstong prosidyural ay


mahalaga para maisagawa nang maayos ang isang proseso para makamit ang inaasahang
kalalabasan o resulta. Ang paksa at pangunahing ideya ng tekstong prosidyural ay nasa
pamagat nito. Ang mga hakbang sa paggawa naman ang sumusuportang mga ideya.

Tandaan natin na ang paksa at kaugnay na mga ideya ng isang tekstong prosidyural ay ang
kaluluwa ng teksto. Ito ang nagtataglay ng kabuluhan nito. Kung marunong tayong
tukuyin ang mga ito, higit nating mauunawaan ang mensahe ng teksto at ang inaasahang
mangyayari mula sa pagsasagawa nito.

Sagutin Natin
Sagutin ang sumusunod na tanong:
1. Ano ang paksa sa isang tekstong prosidyural? Paano ito matutukoy?
2. Magkakaugnay ba ang paksa at ang mahahalagang ideya sa tekstong prosidyural?
Patunayan.
3. Bakit mahalagang matukoy ang paksa at mga ideya ng isang tekstong prosidyural?

18
Pag-isipan Natin
Ang mga hakbang (sumusuportang mga ideya) ay kailangan para maisagawa ang nais na
proseso o paraan (pangunahing ideya) upang makamit ang inaasahang kalalabasan o
resulta (paksa). Ano ang praktikal na aplikasyon ng konsepto o pangungusap na ito sa
buhay mo?

Gawin Natin
1. Nakasulat na kayo ng isang tekstong prosidyural tungkol sa isa sa sumusunod:
• Recipe
• User manual o guide
• Tour itinerary
• Instruction

2. Mula sa isinulat na teksto, tukuyin ang sumusunod:


• Paksa
• Pangunahing ideya
• Sumusuportang mga ideya

Ipakita ito sa pamamagitan ng malikhaing grapikong pantulong at mga katulad nito. Ipasa
ang kinakailangang output bago o sa itinakdang panahon.

Gamitin ang sumusunod na rubrik sa kasunod na pahina bilang gabay:


[25%] [50%]
[75%] [100%]
Pamantayan Mas Mababa Kailangan pa ng Marka
Magaling Napakahusay
kaysa Inaasahan Pagsasanay

Nilalaman Hindi natukoy Natukoy nang Natukoy nang Natukoy nang


nang tama ang tama ang paksa, tama ang paksa, tama ang paksa
paksa at mga ngunit marami ngunit may isa o at mga ideya sa
ideya sa teksto; sa ideya sa dalawang teksto;
napakagulo teksto ang hindi kaisipan sa napakahusay na
nang natukoy; teksto na hindi nailahad sa
pagkakalahad gumamit ng natukoy; malikhaing
simpleng mahusay na
19
sa grapikong grapikong naipakita sa grapikong
pantulong pantulong grapikong pantulong
pantulong
Kaayusan Walang Kailangang Maayos at Napakaayos at
at Kalinisan kaayusan at matutong malinis ang napakalinis ng
napakadumi ng maging maayos output; may ipinasang
output; at malinis sa ilang nakitang output; walang
napakaraming paggawa; bura, dumi, o nakitang bura,
nakitang bura, maraming pagkakamali dumi, o
dumi, o nakitang bura, pagkakamali
pagkakamali dumi, o
pagkakamali

Panahon ng Nakapagpasa Nakapagpasa Nakapagpasa ng Nakapagpasa


Paggawa ng output sa ng output sa output sa ng output bago
loob ng ilang loob ng ilang itinakdang pa ang
panahon panahon panahon ng itinakdang
matapos ang matapos ang pagpapasa panahon ng
itinakdang itinakdang pagpapasa
pasahan dahil pasahan
ipinaalala ng
guro

KABUUAN

20
Aralin 3
Kahulugan at Katangian ng mga Salita sa Teksto
Contextual Analysis

Layunin Natin
Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang nabibigyang kahulugan
ang mga di-pamilyar na salita sa loob ng tekstong prosidyural sa pamamagitan ng
iba’t ibang paraan.

Sa pagbabalik-tanaw, maaalala nating ang kabuluhan ng isang tekstong prosidyural ay


matutukoy mula sa paksa at kaugnay na mga ideya nito. Sa tulong ng mga ito ay agad
nating matutukoy ang inaasahang resulta at paraan para makamit ito.

Sa ating pagbabasa, may mga pagkakataong nagkakaroon ng sagabal sa pag-unawa natin


sa teksto. Naranasan mo na bang huminto sa pagbabasa dahil may salita rito na hindi mo
nauunawan ang kahulugan? Ano ang ginagawa mo kung may ganitong pagkakataon?

• Bakit mahalagang nauunawaan ang mga di-pamilyar na salitang ginamit na tekstong


prosidyural?

21
Subukan Natin
Ibigay ang kahulugan ng mga di-pamilyar na salita sa teksto.

Salita Kahulugan

gisahin

atsuwete

isalang

sarsa

bahagya

22
Pag-aralan Natin

Mula sa mga nakaraang aralin, maaalala natin na


ang mga di-pamilyar na salita ay mga salitang
hindi kaagad nauunawaan ang kahulugan dahil Alamin Natin
hindi ito karaniwang ginagamit.
Tandaan at gawing gabay ang
kahulugan ng sumusunod na
Mga Paraan sa Pagtukoy ng Kahulugan
salita:
Salita • paalpabeto – ayon sa
May iba’t ibang paraan para matukoy ang alpabeto
kahulugan ng mga di-pamilyar na salita. Ilan sa • parirala – lipon ng salita na
mga ito ay ang: walang diwa
• Pag-alam ng kahulugan sa diksiyonaryo; • nakapaloob – sangkap
• Pagtukoy sa ayos ng salita; at
• Paggamit ng mga context clue.

Pag-alam ng kahulugan mula sa


diksiyonaryo
Isang paraan sa pagtukoy ng kahulugan
ng di-pamilyar na salita ang paggamit ng
diksiyonaryo. Ang diksiyonaryo ay aklat
kung saan nakaayos nang paalpabeto
ang mga salita. Nakalahad rin dito kung
paano ito binibigkas at sa anong bahagi
ng pananalita ito kabilang. Higit sa lahat,
mababasa rito ang kahulugan ng mga
Bunga ng puno ng atsuwete
salita.

Halimbawa:

Kapag kakaunti na ang sarsa ng adobo, isama ang mantikang may atsuwete.

23
Sa tulong ng diksiyonaryo, ang salitang “atsuwete” ay maliit na punongkahoy na
namumunga ng mga butong ginagamit bilang pampakulay ng pagkain at halamang gamot.

Kapag kakaunti na ang sarsa ng adobo, atsuwete - punongkahoy na may butong


isama ang mantikang may atsuwete. pampakulay ng pagkain

Pagtukoy sa ayos ng salita


Paano kung wala diksiyonaryo? Isa pang paraan para mahinuha ang kahulugan ng di-
pamilyar na salita ay ang pagsusuri sa ayos ng salita.

Sa ganitong paraan, kinukuha natin ang salitang-ugat at panlaping bumubuo sa di-


pamilyar na salita. Pagkatapos ay inaalam natin ang kahulugan ng mga ito at kung paano
ito nagbabago dahil sa ginamit na panlapi.

Halimbawa:

Habang ibinababad ang manok, gisahin ang atsuwete sa mantika.

• Ang salitang “gisahin” ay binubuo ng salitang-ugat na “gisa,” at hulaping “-hin.”


Ang salitang-ugat na “gisa” ay nangangahulugang “pagluto ng pagkain sa mantika,
bawang, at sibuyas.”
• Ang ibig sabihin ng hulaping “-hin” ay pag-uutos na magawa ang kilos sa isang
bagay. Kung gayon, ang kahulugan ng salitang “gisahin” ay “pag-utos na maluto ang
isang pagkain sa mantika, bawat, at sibuyas.”

Habang ibinababad ang manok, gisahin gisahin - lutuin ang pagkain sa mantika
ang atsuwete sa mantika.

24
Iginigisang mga buto ng atsuwete sa mantika

Paggamit ng context clues


May iba pa bang paraan para matukoy ang kahulugan ng di-pamilyar na salita?
Kung walang diksiyonaryo o hindi madaling suriin ang ayos ng salita, maaari din tayong
gumamit ng mga context clue.

Ang context clue ay mga pahiwatig, salita, o parirala na nakatutulong upang maunawaan
ang kahulugan ng isang di-pamilyar na salita sa pangungusap o talata. Makikita ito sa
paligid ng di-pamilyar na salita, maaaring nasa unahan o nasa hulihan o katabi ng salita.

Halimbawa:

Pagkatapos nito, isalang sa kawali ang karne kasama ang pinagbabaran.

Kung ating aalamin ang kahulugan ng salitang “isalang,” maaari nating tingnan ang
mga context clue na “kawali” at “pinagbabaran.” Ang salitang isalang ay isang pandiwa na

maaaring mahinuha na ginagawa sa kawali. Kung ating titingnan, ang nasa kawali ay karne
ng manok na ibinabad. Maiisip nating ang kilos na “isalang” ay may kinalaman din sa

25
pagbabad sa kawali. Kung gayon, ang ibig sabihin ng salitang “isalang” ay “paglagay sa
kawali.”

Pagkatapos nito, isalang - paglagay sa


isalang sa kawali ang kawali
karne kasama ang
pinagbabaran.

Isinasalang sa kawali ang karne ng


Patibayin pa natin ang ating natutuhan. manok

Halimbawa:

Habang kumukulo, isama ang dahon ng laurel. Kapag kakaunti na ang sarsa ng
adobo, isama ang mantikang may atsuwete.

Anong mga paraan ang magagamit natin sa pagtukoy ng kahulugan ng mga


di-pamilyar na salita sa halimbawa?

Alam mo ba ang kahulugan ng salitang “sarsa?”

• Magagamit natin ang diksiyonaryo sa pagtukoy ng kahulugan nito.


• Hindi masusuri ang ayos nito dahil wala itong panlapi.
• Maaari ding gumamit ng mga context clue.

Maaaring tingnan ang mga salitang “kakaunti” at “habang kumukulo” bilang mga
context clue. Mula sa mga ito, mahihinuha na dahil sa pagkulo ng nilulutong adobo ay
kumakaunti na ang sarsa nito. Ibig sabihin, ang sarsa ay isang bagay na kumakaunti kapag
pinakukuluan sa apoy. Kung gayon, mahihinuha na ang sarsa ay isang likido na
maituturing na sabaw ng adobo.

26
Habang kumukulo, isama ang dahon ng
laurel. Kapag kakaunti na ang sarsa ng sarsa – sauce; likido o malapot na sabaw
adobo, isama ang mantikang may atsuwete.

Maraming paraan para mabigyan natin ng kahulugan ang mga di-pamilyar na salita sa
teksto gaya ng paggamit ng diksyonaryo, mga context clue, at pagsusuri ng ayos ng salita.

Ayos ng
salita

Diksiyonaryo Context clue

Di-
pamilyar
na salita

Pakatandaan na hindi magiging buo ang pagkaunawa natin sa prosesong inilahad ng isang
tekstong prosidyural kung hindi natin nauunawaan ang lahat ng salitang nakapaloob dito.
Mahalagang nauunawaan natin ang mga di-pamilyar na salita sa isang teksto para
maisagawa nang tama at maayos ang prosesong sinusundan. Dahil dito, makabubuo tayo
ng maganda at inaasahang resulta.

27
Sagutin Natin
Sagutin ang sumusunod na tanong:
1. Bakit may mga di-pamilyar na salita sa isang teksto?
2. Paano mahihinuha ang kahulugan ng di-pamilyar na salita?
3. Bakit mahalagang nauunawaan ang mga di-pamilyar na salitang ginamit na tekstong
prosidyural?

Pag-isipan Natin
May naiisip ka bang sariling paraan upang madaling maunawaan o mahinuha ang
kahulugan ng mga salitang di-pamilyar o may malalim na kahulugan? Paano?

Gawin Natin
1. Nakasulat na kayo ng isang tekstong prosidyural tungkol sa isa sa sumusunod:
• Recipe
• User manual o guide
• Tour itinerary
• Instruction

2. Mula sa isinulat na teksto, natukoy na ninyo ang sumusunod:


• Paksa
• Pangunahing ideya
• Sumusuportang mga ideya

3. Mula sa sinuring teksto, piliin ang limang di-pamilyar na salita at bigyan ang mga ito
ng kahulugan gamit ang:
• Context clues
• Pagsusuri ng ayos ng salita
• Diksiyonaryo

Ipasa ang kinakailangang output bago o sa itinakdang panahon.


Gamitin ang sumusunod na rubrik bilang gabay: 28
[25%] [50%]
[75%] [100%]
Pamantayan Mas Mababa Kailangan pa ng Marka
Magaling Napakahusay
kaysa Inaasahan Pagsasanay

Nilalaman Napili nang Napili nang Napili nang Napili nang


tama ang tama ang tama ang tama ang
limang di- limang di- limang di- limang di-
pamilyar na pamilyar na pamilyar na pamilyar na
salita; wala o salita; nabigyan salita; nabigyan salita; nabigyan
nabigyan ang 1 ang 2-3 salita ng ang 4 na salita ang 5 salita ng
salita ng tamang ng tamang tamang
tamang kahulugan kahulugan kahulugan
kahulugan gamit ang gamit ang gamit ang
gamit ang tatlong paraan tatlong paraan tatlong paraan
tatlong paraan

Kaayusan Walang Kailangang Maayos at Napakaayos at


at Kalinisan kaayusan at matutong malinis ang napakalinis ng
napakadumi ng maging maayos output; may ipinasang
output; at malinis sa ilang nakitang output; walang
napakaraming paggawa; bura, dumi, o nakitang bura,
nakitang bura, maraming pagkakamali dumi, o
dumi, o nakitang bura, pagkakamali
pagkakamali dumi, o
pagkakamali

Panahon ng Nakapagpasa Nakapagpasa Nakapagpasa ng Nakapagpasa


Paggawa ng output sa ng output sa output sa ng output bago
loob ng ilang loob ng ilang itinakdang pa ang
panahon panahon panahon ng itinakdang
matapos ang matapos ang pagpapasa panahon ng
itinakdang itinakdang pagpapasa
pasahan dahil pasahan
ipinaalala ng
guro

KABUUAN

29
Aralin 4
Paggamit ng mga Cohesive Device

Layunin Natin
Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang natutukoy at
nagagamit nang wasto ang mga cohesive device sa pagsulat ng isang tekstong
prosidyural.

Nakasulat na kayo ng sariling tekstong


prosidyural. Maaaring ito ay isang recipe,
user manual, tour itinerary, o kaya naman
ay instructions sa paggawa o pagbuo ng
isang e-mail o anumang personal na
account online.

Sa araling ito ay tatalakayin natin ang mga


cohesive device na angkop gamitin sa
pagsulat ng tekstong prosidyural.

• Ano ang mga cohesive device na


angkop sa pagsulat ng tekstong
prosidyural?
• Bakit mahalaga ang wastong
paggamit ng mga cohesive device sa
pagsulat ng tekstong prosidyural?

30
Subukan Natin
Isa pang uri ng cohesive device ang pag-uugnay, kung saan gumagamit ng iba’t ibang
pangatnig para pag-ugnayin ang dalawang pangungusap. Ilista ang lahat ng
pangatnig na ginamit sa teksto. Sumangguni sa ibinigay na halimbawa.

Mga pangatnig:

1. habang
2. _________________
3. _________________
4. _________________
5. _________________

31
Pag-aralan Natin
Ang mga cohesive device ay mga salita o kataga Alamin Natin
na nagsisilbing pamalit upang hindi paulit-ulit ang
paggamit ng mga pangngalan sa pangungusap. Tandaan at gawing gabay ang
Higit nitong pinagaganda ang anumang tekstong kahulugan ng sumusunod na
isinusulat. Malaki ang naitutulong nito sa pagsulat salita:
ng tekstong prosidyural, sapagkat higit na • transisyon – paglilipat
nagiging organisado ang paghahanay ng kaisipan. • ipinahihiwatig– ipinababatid
• lilimitahan – may takda
• pagsasapribado – gagawing
Cohesive Device: Pagpapatungkol
pribado; lingid sa publiko
Sa mga nakaraang yunit ay tinalakay natin ang
• masinsin – maayos at
mga cohesive device bilang anapora at katapora.
malinaw
Ito ang uri ng cohesive device na tinatawag na
Pagpapatungkol, kung saan gumagamit ng mga
panghalip bilang kahalili ng mga pangngalan sa pangungusap. Gayunpaman, hindi sa lahat
ng pagkakataon ay ginagamit lamang bilang pamalit ang mga cohesive device. Katunayan,
may apat na uri ng cohesive device ayon sa gamit nito.

Para sa tektong prosidyural, pinakaangkop gamitin ang mga cohesive device na


nag-uugnay sa mga kaisipang nakapaloob sa teksto.

Cohesive Device: Pag-uugnay


Ang pag-uugnay ay uri ng cohesive device na ginagamitan ng mga pangatnig. Layunin
nitong gawin malinaw ang transisyon o pagkakasunod-sunod at mapag-ugnay ang mga
hakbang sa isang prosesong isinasagawa.

Ano ang pangatnig? Ang pangatnig ay nag-uugnay ng mga salita, parirala, sugnay,
pangungusap, o pahayag. Sa tekstong prosidyural, inuugnay nito ang mga pahayag o ang
magkakasunod na hakbang sa pagitan ng mga sugnay at pangungusap. Ang mga
halimbawa ng pangatnig ay habang, pagkatapos, susunod, una, huli, at mga kagaya
nito.

32
Talakayin natin ang isang halimbawa mula sa recipe ng adobong pula.

Habang ibinababad ang karne ng manok, gisahin ang atsuwete sa


mantika.

Ano ang cohesive device sa pangungusap? Ang salitang “habang” ay isang pangatnig at
cohesive device. Pinagdurugtong nito ang dalawang proseso o pangungusap:

• Ibinababad ang manok.


• Gisahin ang atsuwete sa mantika.

Sa paggamit ng “habang,” ipinahihiwatig na ang dalawang magkaugnay na hakbang ay


isasagawa nang “sabay.”

Pansinin na kahit baliktarin natin ang ayos ng pangungusap ay magkapareho lamang ang
ipinahahayag nito.

Habang ibinababad ang karne ng manok, gisahin ang atsuwete sa


mantika.

(Gisahin ang atsuwete sa mantika habang ibinababad ang karne


ng manok.)

Narito pa ang isang halimbawa:

Pagkatapos itabi ng mantika, isalang sa kawali ang karne kasama


ang pinagbabaran.

Ang cohesive device dito ay ang salitang “pagkatapos.”

33
Ano ang mga hakbang na pinag-uugnay nito?

• Itabi ng mantika.
• Isalang sa kawali ang karne kasama ang pinagbabaran.

Gamit ang “pagkatapos,” ipinahihiwatig na ang ikalawang hakbang (ang pagsasalang ng


karne at pinagbabaran sa kawali) ay isasagawa lamang kapag natapos na ang unang
hakbang (ang pagtatabi ng mantika).

Kahit pa pagbaliktarin ang kanilang ayos, nananatili ang mensahe nito dahil tama ang
pagkakagamit ng cohesive device.

Pagkatapos itabi ng mantika, isalang sa kawali ang karne kasama


ang pinagbabaran.

(Isalang sa kawali ang karne kasama ang pinagbabaran


pagkatapos itabi ng mantika.)

Pagsulat ng Tekstong Prosidyural


Ngayon naman ay subukan nating sumulat ng isang tekstong prosidyural, gamit ang mga
cohesive device.

Alalahaning may apat na bahagi ang tekstong prosidyural:


1. Pamagat
2. Mga sangkap
3. Hakbang sa paggawa
4. Kongklusyon

Tandaan ding ang mga salitang gagamitin ay kailangang:


• simple
• masinsin
• espisipiko
• hindi maligoy

34
Mga gabay:
1. Ang unang hakbang sa pagsulat ng tekstong prosidyural ay ang pagsulat ng
pamagat. Ito ang maglalahad ng paksa ng ating teksto. Halimbawa, paano ba
lilimitahan ang mga taong makakikita ng ating Facebook account.
2. Huwag kalimutan na ang pangunahing ideya ng ating teksto ay nakalahad rin sa
pamagat ito. Kung gayon, mula sa nais natin gawin na paglilimita sa mga taong
makakikita ng ating Facebook account, maaari nating gamitin ang salitang
“pagsasapribado” bilang kaakibat na proseso para sa ating pamagat.
3. Maaari nang sumulat ng mga hakbang kung paano isasapribado ang ating Facebook
account.
4. Habang sumusulat ng tekstong prosidyural, gumamit ng simple, malinaw, at tiyak na
mga salita. Kung maaari, bawasan ang paggamit ng mga di-pamilyar na salita. Higit
sa lahat, huwag kalimutang gumamit ng mga pangatnig na mag-uugnay sa mga
hakbang, proseso, o kaisipan.
5. Pagkatapos, sumulat na ng kongklusyon. Tiyaking malinaw ang paglalahad ng
kongklusyon na nagpapakita ng inaasahang resulta o kalalabasan. Maaari pa ring
gumamit ng pangatnig bilang cohesive device.

Basahin natin ang isinulat nating tekstong prosidyural.

Pagsasapribado ng Facebook Account

Una, i-click ang edit button (imahe ng kandado o padlock) na nasa malayong kanan ng
screen. Pagkatapos, mula sa drop-down, piliin kung sino-sino ang nais makakita ng iyong
mga post. I-set ito sa “friends” kung ang mga kaibigan lamang sa Facebook ang nais
mong makakita ng mga ito. Kapag tapos na, maaari mong ulitin ang proseso upang
tiyaking nakapribado na nga ang iyong Facebook account.

Mahalagang mapanatili mong pribado at limitado ang may access sa iyong Facebook
account para sa iyong kaligtasan.

Suriin natin.

35
Taglay ba ng tekstong ito ang mga katangian ng isang tekstong prosidyural?
• Simple ang mga salitang ginagamit.
• Madali itong maintindihan ng mga mambabasa.
• Masinsin ang teksto. Walang nakaligtaang hakbang sa proseso.
• Espesipiko ang mga salitang ginagamit. Malinaw ang paglalarawang mababasa sa
teksto.
• Hindi maligoy ang mga salitang ginamit. Direktang sinasabi nito ang dapat na gawin
sa bawat hakbang.

Gumamit ba ng wasto at angkop na mga cohesive device sa pagsulat ng teksto?


Pansinin ang mga pangatnig na:
• una
• pagkatapos
• kung
• kapag
• para

Ito ay mga pangatnig na nagpapahiwatig ng pagkakasunod-sunod ng mga hakbang.

Talakayin natin kung bakit mahalaga ang mga cohesive device sa pagsulat ng tekstong
prosidyural?
• Una, pinagaganda nito ang teksto.
• Gayundin, higit na nagiging organisado ang paghahanay ng mga kaisipan.
• Panghuli, nagiging gabay ito ng mga manunulat at mambabasa sa tamang
pagkakasunod-sunod ng sinusundang hakbang o gawain sa teksto.

Sa huli, nakatitiyak tayo na naisagawa nang maayos at wasto ang proseso at makakamit
ang inaasahang resulta o kalalabasan.

Mahalagang matutuhan natin ang mga pangunahing konsepto tungkol sa yunit na ito,
subalit mas mahalagang mailapat sa buhay ang mga natutuhan mula sa aralin.
Tandaan na ang lahat ng bagay ay dapat ginagawa nang may kaayusan at katalagahan.

36
Sagutin Natin
Sagutin ang sumusunod na tanong:
1. Ano ang mga cohesive device na angkop sa pagsulat ng tekstong prosidyural?
2. Bakit mahalaga ang wastong paggamit ng mga cohesive device sa pagsulat ng
tekstong prosidyural?
3. Ano ang natitiyak kapag nagagamit nang tama ang mga cohesive device sa pagsulat
ng tekstong prosidyural?

Pag-isipan Natin
Ano ang mga “cohesive device” sa buhay mo bilang mag-aaral? Paano nakatutulong ang
mga ito sa iyong pag-aaral?

Gawin Natin
1. Nakasulat na kayo ng isang tekstong prosidyural tungkol sa isa sa sumusunod:
• Recipe
• User manual o guide
• Tour itinerary
• Instruction

2. Mula sa isinulat na teksto, natukoy na ninyo ang sumusunod:


• Paksa
• Pangunahing ideya
• Sumusuportang mga ideya

3. Mula sa sinuring teksto, natukoy na ninyo ang limang di-pamilyar na salita at


nabigyan ang mga ito ng kahulugan gamit ang:
• Context clues
• Pagsusuri ng ayos ng salita
• Diksiyunaryo

37
4. Kaugnay pa rin ng isinulat na tekstong prosidyural, gawin ang sumusunod sa tulong
ng mga kaalaman sa paggamit ng mga cohesive device:

• Pagandahin ang teksto. Gawing malinaw ang transisyon o pagkakasunod-


sunod at pag-ugnayin ang mga hakbang sa tulong ng mga cohesive device.
• Gawin itong simple, masinsin, espisipiko, at hindi maligoy.

Ipasa ang kinakailangang output bago o sa itinakdang panahon.

Gamitin ang sumusunod na rubrik bilang gabay:


[25%] [50%]
[75%] [100%]
Pamantayan Mas Mababa Kailangan pa ng Marka
Magaling Napakahusay
kaysa Inaasahan Pagsasanay

Nilalaman Halos hindi Sinubukang Mahusay, dahil Napakahusay,


umunlad ang mas mas maganda dahil higit sa
teksto sa kabila mapaganda pa at mas inaasahan,
ng pagsisikap at organisado organisado ang napaganda at
na mapaganda ang teksto, teksto; mahusay naging
ito; napakagulo subalit ang organisado ang
ng maraming pagkakagamit teksto; tama at
pagkakagamit cohesive device ng cohesive napakahusay ng
ng cohesive ang hindi wasto devices, pagkakagamit
devices ang bagaman may ng cohesive
pagkakagamit ilang mali devices

Kaayusan Walang Kailangang Maayos at Napakaayos at


at Kalinisan kaayusan at matutong malinis ang napakalinis ng
napakadumi ng maging maayos output; may ipinasang
output; at malinis sa ilang nakitang output; walang
napakaraming paggawa; bura, dumi, o nakitang bura,
nakitang bura, maraming pagkakamali dumi, o
dumi, o nakitang bura, pagkakamali
pagkakamali dumi, o
pagkakamali

38
Panahon ng Nakapagpasa Nakapagpasa Nakapagpasa ng Nakapagpasa
Paggawa ng output sa ng output sa output sa ng output bago
loob ng ilang loob ng ilang itinakdang pa ang
panahon panahon panahon ng itinakdang
matapos ang matapos ang pagpapasa panahon ng
itinakdang itinakdang pagpapasa
pasahan dahil pasahan
ipinaalala ng
guro

KABUUAN

Pagyamanin Natin
Isagawa ang inaasahang pagganap (performance task).

Kayo ay beteranong mga manunulat. Ibabahagi ninyo ang inyong kakayahan at kasanayan
sa pagsulat ng tekstong prosidyural tungkol sa sumusunod:

• Recipe
• User manual o guide
• Tour itinerary
• Instructions

Naniniwala kayo na mahalagang taglayin ng bawat mag-aaral ang kakayahan at


kasanayang gumawa o sumulat ng tekstong prosidyural tungkol sa iba’t ibang larangan o
paksa. Ang kakayahan at kasanayang ito ang magiging daan upang magkaroon ng higit na
pagkakaintindihan at matagumpay na ugnayan ang manunulat at mga mambabasa.

39
Para higit na maunawaan ang inaasahang pagganap, narito ang GRASPS:

Tunguhin Ibahagi ang kakayahan at kasanayan sa pagsulat ng


(Goal) tekstong prosidyural
Gampanin
Mga bihasang manunulat
(Role)
Tagatanggap
Mga mag-aaral
(Audience)
Dapat mataglay ng bawat mag-aaral ang kakayahan at
Kalagayan
kasanayang gumawa o sumulat ng tekstong
(Situation)
prosidyural
Bunga at Pagganap
(Product and Talakayan, Tekstong prosidyural
Performance)
Pamantayan
Rubrik
(Standard)

Gamitin ang sumusunod na rubrik bilang gabay:


[25%]
[50%]
Mas Mababa [75%] [100%]
Pamantayan Kailangan pa Marka
kaysa Magaling Napakahusay
ng Pagsasanay
Inaasahan
Nilalaman Napakagulo ng Katamtaman Mahusay ng Napakahusay ng
bunga at lamang ang bunga at bunga at
pagganap; kalidad ng pagganap; may pagganap; may
napakalabo ng bunga at malinaw na napakalinaw na
mga bahagi, pagganap; mga bahagi, mga bahagi,
katangian, may mga katangian, katangian,
paksa, at bahagi, paksa, at paksa, at mga
kaisipan; hindi katangian, kaisipan; akma kaisipan;
akma ang paksa, subalit ang akmang-akma
pagkakagamit ng medyo malabo pagkakagamit ang
mga salita at ang kaisipan; ng karamihan pagkakagamit ng
cohesive device hindi akma ang ng salita at lahat ng salita at
ilang salita at cohesive device cohesive device
cohesive device

40
Walang malinaw Hindi gaanong Natamo ang Natamo ang
na tunguhin at naipakita ang pangunahing pangunahing
hindi napalutang pangunahing layunin at layunin at
ang layunin at hindi mahusay na nagampanan
pangunahing gaanong nagampanan nang buong
layunin; hindi nagampanan ang role husay ang
nagampanan ang role tunguhin o role
ang role

Pagpapa- Nangailangan ng Nakayang gawin Nakayang Pinaghirapan at


halaga paggabay kahit ang madadaling gawin ang pinaghandaang
sa simpleng bahagi, mahihirap na mabuti ang
gawain; nangailangan bahagi, gawain, hindi na
madaling ng paggabay; nangailangan nangailangan ng
umayaw; ginawa muna ng paggabay; paggabay;
umaasa sa iba ang mahihirap ginawa muna madaling
na bahagi, ang mahihirap nakaugnay at
maaaring na bahagi, kaya natapos sa oras
umayaw kung pa ring ang gawain
walang magpatuloy
paggabay kahit walang
paggabay

Pakikilahok Hindi nakilahok May naipakitang Nagpakita ng Nagpakita ng


ng Bawat at walang interes kaunting interes interes subalit masidhing
Indibidwal sa paghahanda at pakikilahok hindi gaanong interes at
at sa paghahanda nakilahok sa aktibong
pagsasakatupa at paghahanda at pakikilahok sa
ran ng pagsasakatupa pagsasakatupar buong
inaasahang ran ng an ng paghahanda at
pagganap inaasahang inaasahang pagsasakatupa
(performance pagganap pagganap ran ng
task) (performance (performance inaasahang
task) task) pagganap
(performance
task)

KABUUAN

41
Paglalagom

Tekstong Prosidyural

Katangian ng Pagtukoy sa Kahulugan ng


Cohesive Devices
Teksto Paksa mga Salita

paksa,
context clues,
naglalahad ng pangunahin, at
pagsusuri ng ayos, pangatnig
paraan o proseso sumusuportang
at diksyunaryo
ideya

DAPAT TANDAAN
• Ang tekstong prosidyural ay naglalahad ng proseso o pamamaraan
upang maisagawa, matapos, at makamit ang isang inaasahang bagay,
gawain, o pangyayari.
• Layon ng tekstong prosidyural na gabayan ang mga mambabasa sa
wastong pamamaraan sa pagsasagawa ng isang bagay o gawain.
• May apat na bahagi ang tekstong prosidyural: pamagat, mga
sangkap o gamit na kakailanganin, mga hakbang sa paggawa o
pagbuo, at ang kongklusyon.
• Kinakailangang maging simple, masinsin, espesipiko, at hindi
maligoy ang wikang gagamitin sa pagsulat ng tekstong prosidyural.
• Ginagamitan din ito ng mga cohesive device. Sa tulong ng mga
pangatnig, madaling magabayan ang mambabasa sa pagkakasunod-
sunod ng mga hakbang nito.

42
Gabay sa Pagwawasto
Aralin 1: Katangian at Kalikasan ng Teksto

Subukan Natin
1. Una, ibabad ang manok sa suka, toyo, asin, at paminta sa loob ng 20 minuto.
2. Habang ibinababad ang karne ng manok, gisahin ang atsuwete sa mantika. Itabi ang
mantikang ginamit.
3. Pagkatapos nito, isalang sa kawali ang karne kasama ang pinagbabaran.

Aralin 2: Pagtukoy sa Paksa ng Teksto

Subukan Natin
1. Pamagat, mga sangkap o gamit na kakailanganin, mga hakbang sa paggawa o
pagbuo, at ang kongklusyon
2. Simple ang mga salitang ginagamit. Madali itong maintindihan ng mga mambabasa.
Masinsin ang teksto. Walang nakaligtaang hakbang sa proseso. Espesipiko ang mga
salitang ginagamit. Malinaw ang paglalarawang mababasa sa teksto. Hindi maligoy
ang mga salitang ginamit. Direktang sinasabi nito ang dapat na gawin sa bawat
hakbang.

Aralin 3: Kahulugan at Katangian ng mga Salita sa Teksto

Subukan Natin
Salita Kahulugan
gisahin iluto sa mantika

atsuwete punongkahoy na may mapupulang bunga at mga buto

isalang ilagay sa pinaglulutuan


sarsa malapot na sabaw

bahagya hindi gaano; kaunti

43
Aralin 4: Paggamit ng mga Cohesive Device

Subukan Natin
1. habang
2. pagkatapos
3. una
4. para
5. huli

Sanggunian

Gonzales, Lydia Garcia, Makabagong Gramar ng Filipino. Quezon City: Rex Publications,
1999.
Sicat-de Laza, Crizel. Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik.
Quezon City: Rex Publications, 2016.

44

You might also like