You are on page 1of 62

GORDON COLLEGE

Olongapo City Sports Complex, East Tapinac, Olongapo City


Tel. No. (047) 224-2089 loc. 314
Kolehiyo ng Edukasyon Sining at Agham

Panata sa Kalayaan Ni:


Amado V.Hernandez

Si Amado .Hernandez na kilala bilang si Ka Amado ay nabilanggo noong 1950 sa


pagkakasalang rebelyon laban sa pamahalaan sa pilipinas.Nahatulan siyang mabilanngo ng
hambambuhay ngunit sa isinagawang rebyu at pag-aaral sa kaso ng korte suprema ay
napawalang sala siya.Si Amado ay naging aktibong muli sa pampolitikong kilusan noong 1960 at
1970.Sa mga panahong ito ay naging tanyag ang mga tulang isinulat niya noong aktibo siya
bilang aktibista,lider ng mga manggagawa,at bilang isang manunulat.Karamihan ng kaniyang
isinulat ay may kaugnayan sa naging karanasan niya sa loob ng bilangguan tulad ng tula niyang
“Panata sa kalayaan,” Hindi nasayang ang panahon ni Ka Amado sa loob ng bilangguan sapagkat
marami siyang naisulat na tulang napakaloob sa aklat niyang isang Dipang Langit at ang
balangkas ng nobela niyang Mga Ibong Mandaragit ay nabuo rin sa loob ng bilangguan.

Bilangguan:piit na malupit na kapangyarihanang bihag din ng kaniyang takot sa matuwid


Ilang panahon nang kinulong at sukat nag sukdulang higpit: Daming mga araw,ang aking
asawa ay di makalapit, Mga kaibigan,kasama’t kapatid.
Bawat ang sa aki’y makipag-ulayaw kahit ilang saglit;
Ibong pinipilit na’y walang habag pa ring pinutlan ng bagwis;
Biglang iniligpit at itinitiwalag nila sa daidig:ang aking
Higaa’y tabling maligasgas ay wala ni banig,na iisang
Dangal sa amoy-libingang sementong malamig,
Ang aking pagkain ay laging mapait,
Ang kasuotan ko ay laging limahid;
Ang mukha ng araw,ano bang tagal nang aki’y nagkait?
Ang yabag ng kawal na bantay ay dinig
Sa gabing pusikit
Ang tiktak ng oras,tila tanikalang di mapatid-patid

Ako’y nagtitiis...
A,labis at labis
Ang bintana kong tiisi’t hinagpis!
Walang simasagot;walang umiimik..
Ako ba’y suminsay sa batas kung kaya pinagdusang tikis?
Nagdaya?Pumatay?Nanggaga?Nangghis?
Nagpayaman bagsa sa pumumulubi ng bayan kong amis?
GORDON COLLEGE
Olongapo City Sports Complex, East Tapinac, Olongapo City
Tel. No. (047) 224-2089 loc. 314
Kolehiyo ng Edukasyon Sining at Agham

Gising ang bathala’t kaniyang nababatid na kung tunay


Akong nagkasala’y dapat purihin ng higit:
Kasalanan kayang magdilat ng mata at magbukas ng bibig?
Kasalanan kayang magtanggol-itindig
Ang katotohanana’t katarungan lupig
Ng bayang mahirap ng dutsang paggawa’t aping magbubukid?
Kasalanan nga bang ang bahay ng dukha’t dangal na maliit
Ibangon ng buong
pagmamalasakit?
Laban sa tirano.diba kabanalan ng paghihimagsik?

Ngunit hindi lihim sa kahit sino;


Pag ang namumuno sa isang gobyerno
Ang unang hangarin ay pananagano
Sa kapangyarihan,kamanyang at gintong aktibidad ng trono
Ulong sa putikan pupulutin bawat di yumukong ulo..
Ganyan ang storya mula kay kristo
Hanggang kina Burgos,Rizal,Bonifacio
At maging nito mang itinitimpalak na malaya tayo;
Lumuhod sa puno’t humalik ng kamay sa palalong dayo
Ang di mababaling ngunit tuntuni’t panuto,
At pagkakasala saking matuto
Ng pangangatwiran:Itong Pilipinas ay sa Pilipino!
Ako’y ikinulong ng mga kaaway ng laya’t liwanag
laya sa gutom.ng laya sa takot at layang mangusap,
Ng layang sa Bathala’t hindi sa Diyos na huwad
Salamat,
At libong salamat...
Talastasan kong ako’y hindi nag-iisa sa ganitong hirap,
Talastas kong ako’y hindi nag –iisa sa pagkawakawak;
Puo-puong libo,laksa,yuta’t angaw ang kaisampalad
Na tagapagmana ng masayang Bukas;
Ang taghoy ng bawat inang Sisa sa dusang dinanas,
Ang may luhang dasal na nagluksang balo sa asawa’t,anak,
Ang iyak ng batang sa kasanggulan pa’y ulila nang ganap-
GORDON COLLEGE
Olongapo City Sports Complex, East Tapinac, Olongapo City
Tel. No. (047) 224-2089 loc. 314
Kolehiyo ng Edukasyon Sining at Agham

Mga walang-may na di iginalang ng bagis at dahas,


Ay dinig kong lahat,
Mabisang balsam sa kirot ng aking kaluluwang may sugat,

Ang libong nagsadlak sa mga piitan


Na kawangis ko ring pinapagkasala’y walang kasalanan
Ang lakang inusig at pinarusahan kahit walang sakdal
Ni hatol ng aling may puring hukuman,
Ang hindi mabilang Na pinagmalupitan
Sa bukid at nayon,sa lungsod
Ang lahat ng dampa,kubo,barumbarong na nilapastangan,
At ipinalamon sa apoy.pati na ng naninirahan.
Ang mga nalibing nang walang pangalan
Ni krus man lamang,
Di makakalimot ni malilimutan,
At ang tinig nila’y abot sa pandinig ng kinabukasan
Yaong mataimtim
Sa pananalangin
Yaong tumatangis sa gitna ng dilim
Ng gabing malalim,
Yaong libanga’y malimit abutin
Ng maputlang sinag ng mga bituin,
Yaong tigib-hapis ang ligaw na daing
Magmula kung saan anakin ay buntung-hininga ng hangin,
Yaong naglalamay sa parang,sa gubat at bulubundukin,
Supling nina Eliasat kabesang tales ng liping magiting
Na sumumpang hindi magpapaumanhin
Sa pag-aalipin;
Sa tahasang turing;
Lahat siniil
Na may karaparatan at nasang mamingil,
Sila'y handa’t gising
At kaisang-layon ng tanang sa baya’y hindi nagmamaliw
Isang bansang lakas na di mapipigil
Isang mundong buhay na di masusupil,
GORDON COLLEGE
Olongapo City Sports Complex, East Tapinac, Olongapo City
Tel. No. (047) 224-2089 loc. 314
Kolehiyo ng Edukasyon Sining at Agham

Siyang sasalubong sa gintong liwayway ng gintong mithiin

Ang aking katawa’y oo nga’t bilanggo,


Ngunit ang isipan at tibok ng puso
Ay di mangyayaring kulungan saglit man ng bakal o ginto
Ang pananalig ko at malayang kuro,
Kasama ng hangin at sikat ng araw sa lalong malayo;
Sa huni ng ibon,sa sigaw ng alon at angil ng punglo,
Sa tutol ng madla sa lahat ng utos na buklot at liko,
Sa sumpa ng tao na kawalang –budhi ng masamang puno,
Ay nakikisaliaw ang aking kaluluwang walang pagkahapo,
Hanggang sa makamtam ng bayan
ang taal na lupang pangako
Ang kahit na kitlin ang buhay ko’t biyakin ang bungo,
Sa bungo ko’y buong nakalimbag pa rin sa sariwang dugo:
“Pilipino akong sa pambubuhos ay hindi susuko!
GORDON COLLEGE
Olongapo City Sports Complex, East Tapinac, Olongapo City
Tel. No. (047) 224-2089 loc. 314
Kolehiyo ng Edukasyon Sining at Agham

Pangalan: Petsa:
Baitang & Seksyon:

A. Panuto: Basahin mabuti ang katanungan at bilugan ang letra ng tamang sagot.

1) Ano ang Pamagat ng Kwento?


a. Panata sa Kamalian
b. Panata sa Kagalingan
c. Panta sa Kalayaan
2) Si Amado Hernandez Ay kilala bilang ?
a. Ka Hernan
b. Ka Amado V
c. Ka Amado
3) Sino ang sumulat ng Panata sa Kalayaan?
a. Amado G. Hernandez
b. Amado V.Hernandez
c. Amado H.Hernandez
4) Ano ang naramdaman ni Amado nang hindi makalapit ang kanyang mga mahal sa buhay dahil
siya ay nasa bilangguan?
a. Masaya
b. Galit
c. Nalulungkot
5) Ano Kaya ang lasa nang Pinapakian sakanyang pagkait?
a. Mapait
b. Maalat
c. Matamis
6) Anong taon nabilanggo si Amado?
a. 1985
b. 1850
c. 1951
GORDON COLLEGE
Olongapo City Sports Complex, East Tapinac, Olongapo City
Tel. No. (047) 224-2089 loc. 314
Kolehiyo ng Edukasyon Sining at Agham

7) Kung ikaw si Amado gagawin mo rin ba ang kanyang ginawa?


________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________

8) Kung katulad mo rin si Amado na nasa bilangguan anong pamagat ng tula ang nais mong gawin?
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________

9) Ano ang naramdaman mo sa tula na iyong binasa?


________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________

10) Sa iyong palagay may mga tao parin kayang nakukulong sa kasalananan na hindi niya naman
ginawa? at Bakit?
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
GORDON COLLEGE
Olongapo City Sports Complex, East Tapinac, Olongapo City
Tel. No. (047) 224-2089 loc. 314
Kolehiyo ng Edukasyon Sining at Agham

Kampanyang Panlipunan sa Lindol

Narito ang halimbawa ng kampanyang panlipunan na buhat sa Department Science and


technology(DOST) at sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology(PHILVOLS).

A. Bago ang lindol

1.Ang susi sa mabisang pagplapalno laban sa kalamidad ay ang kahandaan.


Alamin kung ang inyong lugar ay nasa dinadaanan o malapit sa kinaroroonan ng isang “active
fault” o kung ito ay lugar na may malambot na lupa na maaring mag-“liquefy” kung magkaroon
ng lindol. Siguraduhin ang matibay na pagkakagawa sa mga bahay o gusali at ang pagkakagawa
ay dapat na umaayon sa tama at iminumungkahing “safe engineering practice” ng mga dalubhasa.
Alamin kung ang kinaroroonan ng gusali atiba pangmahahalagang
imprastraktura ay matitibay, pagtibayin pa kung kinakailanga

2. Ihanda ang inyong tahanan at lugar na pinagtatrabahuhan sa pagkakaroon ng lindol.


Itali ang mga mabibigat na kagamitan o kasangkapan sa dingding upang maiwasan ang
pagkahulog. Ang mga babasagin, mga nakakalasong kemikal at mga bagay na madaling magliyab
ay dapat na nakalagay o nakatago sa pinakailalim na bahagi ng mga istante at dapat na ito’y hindi
madaling magalaw o matapon. Ugaliin ang pagsasara ng mga tangke ng gas pagkatapos gamitin
.
3. Sanayin ang sarili sa iba’t ibang lugar sa inyong tahanan at opisina
Alamin ang mga matitibay na bahagi ng inyong gusali katulad ng hamba ng pintuan, mga lugar na
malapit sa “elevator shafts”, matitibay na lamesa kung saan maaaring manatili habang lumilindol.
Matutong gumamit ng pamatay sunog (fire extinguisher), mga gamit pang-unang lunas (first aid
kit), alarmang pang ligtas (alarms) at labasang pang emergency (emergency exit). Ang lahat ng ito
ay dapat na nasa mga lugar na madaling puntahan at malapitan at may palatandaan o markang
madaling
4. Karaniwang sanhi ngpagkapinsalakapag may lindol ay dahil sa mga naglalaglagang bagay
Ang mga mabibigat na kagamitan ay dapat nakalagay sa ilalim na bahagi ng mga istante. Tiyakin
ang matibay na pagkatali ng mga nakabiting bagay na maaaring makalag at bumagsak kapag
nagkaroon ng lindol. Maghanda at pamalagiin ang isang “earthquake survival kit” na naglalaman
ng de bateryang transistor, flashlight, first aid kit, tubig na maiinom, kendi mga de lata
at iba pang “ready-to- eat” na pagkain, pito at gas mask.

B. Habang Nagaganap ang Lindol


GORDON COLLEGE
Olongapo City Sports Complex, East Tapinac, Olongapo City
Tel. No. (047) 224-2089 loc. 314
Kolehiyo ng Edukasyon Sining at Agham

1. Kung nasa loob ng isang matibay na gusali, manatili sa loob.


Tumayo sa ilalim ng hamba ng pintuan o magtago sa ilalim ng matibay na mesa upang
maprotektahan ang sarili sa mga naglalaglagan at naghahampasang bagay.

2. Kung nasa labas, pumunta sa isang ligtas at bukas na lugar.


Lumayo sa mga poste ng kuryente, pader at iba pang istraktura na maaaring
bumagsak o matumba.
Huwag manatili sa mga gusaling may mga salaming mababasag.
Kung nagmamaneho, itabi at ihinto ang sasakyan. Huwag magtangkang tumawid sa tulay o sa
overpass dahil maaaring napinsala na ito ng lindol

3.Kung nasa gilid ng bundok o dalisdis, lumayo muna sa mga lugar na maaaring
maapektuhan ng pagguho ng lupa.

4.Kung nasa tabing dagat at nagkaroon ng malakas na paglindol dahilan upang


mahirapang makatayo, mas makabubuting isipin at ipalagay na magkakaroon ng
“tsunami”. Tumakbo ng mabilis patungo sa lugar na palayo sa tabing dagat

C.Matapos ang Lindol


1.Kung nasa gilid ng bundok o dalisdis, lumayo muna sa mga lugar na maaaring maapektuhan ng
pagguho ng lupa. Lumabas ng matiwasay at maayos nang hindi nag-uunahan. Gumamit nang
hagdan sa pagbaba.Huwag gumamit ng elebetor. Suriin ang sarili at ang pinsala

2.Maliban kung nangangailangan ng tulong:

Huwag gamitin ang linya ng inyong telepono upang tumawag sa kamag-anak at kaibigan mga
linya ng telepono ay kailangan ng mga may kapangyarihan para sa madaling pagkalap at pagsalin
ng mga impormasyon tungkol sa kalamidad na naganap..

Huwag gamitin ang inyong sasakyan upang magmaneho at mag-masid sa mga napinsalang lugar.
Kailangan ang maluwag na kalsada para sa mabilis na operasyon ng mga taong magliligtas at
magbibigay tulong sa mga taong napinsala.

3. Tumulong na pababain ang bilang ng mga taong napinsala.


GORDON COLLEGE
Olongapo City Sports Complex, East Tapinac, Olongapo City
Tel. No. (047) 224-2089 loc. 314
Kolehiyo ng Edukasyon Sining at Agham

Huwag pumasok sa mga gusaling may nasirang bahagi. Maaring matuluyan ang pagkaguho o
pagbagsak ng mga ito kapag dumating ang malalakas na “aftershock”.
Makinig at mangalap ng balita at mga instruksyon galing sa mga maykapangyarihan tungkol sa mga
paraan ng pag-iwas sa mga sakuna sa pamamagitan ng pakikinig sa mga de bateryang transistor.
Sumunod sa mga reglamentong pangkaligtasan

4.Siyasatin ang kapaligiran.


Linisin ang mga lumigwak o natapong nakakalason at madaling magliyab na mga kemikal upang
maiwasan ang pagkakaroon ng mga di kanais-nais na pangyayari at pagdami pa ng mga
mapipinsala. Alamin ang posibilidad ng pagkakaroon ng sunog at agad na kontrolin at supilin ito.
Siyasatin ang linya ng tubig at kuryente. Tingnan kung nagkaroon ng
diperensya o sira ang mga ito. Kung inaakalang nagkaroon ng sira, patayin ang pinaka-linya ng
tubig o kuryente.
6. Kung kinakailangang lisanin ang tahanan, mag-iwan ng mensahe kung saan nakasaad ang
lugar na patutunguhan.
Dalhin ninyo ang “gamit pangkaligtasan pang lindol”, na naglalaman ng mahalagang bagay para
sa inyong proteksyon at kaginhawaan.
GORDON COLLEGE
Olongapo City Sports Complex, East Tapinac, Olongapo City
Tel. No. (047) 224-2089 loc. 314
Kolehiyo ng Edukasyon Sining at Agham
Pangalan: Petsa:
Baitang & Seksyon:

1) Tungkol saan ang iyong nabasa?


A. Kampanyang Panlipunan sa Lindol
B. Kampanyang Panlipunan sa Bansa
C. Kampanyang Panlipunan sa Ekonomiya
2) Ano ang dapat gawin habang lumilimdol?
A. Hold,Cover,and Duck
B. Duck,Cover and Hold
C. Cover,Hold,Duck
3) Ano ang dapat gawin habang lumindol kapag ikaw ay nasa labas ng inyong bahay?
A. Umiwas sa tao
B. Umiwas sa kalsada
C. Lumayo sa mga poste ng kuryente,at pader at iba pang mga maaring bumagsak
4) Ano ang ibig sabihin ng DOST?
A. Department of Science and Technology
B. Department of Social and Techonology
C. Department of Sciences and Techonological
5) Ano ang ibig sabihin ng PHILVOCS
A. Philippine Institute of Volcano and Seismology
B. Philippine Institution of Volcanology and Seismology
C. Philippine Institute of Volcanology and Seismology
6) Sa iyong palagay bakit natin kailangan malaman ang dapat gawin bago,habang at pagkatapos
ng lindol?

7) Sa iyong palagay ano kaya ang mga karaniwang sanhi ng pagkakapinsala kapag may Lindol?

8) Kung ikaw ay nasa loob ng bahay habang lumilindol ano ang gagawin mo?
GORDON COLLEGE
Olongapo City Sports Complex, East Tapinac, Olongapo City
Tel. No. (047) 224-2089 loc. 314
Kolehiyo ng Edukasyon Sining at Agham

9) Magbigay ng 1 (isa) na dapat gawing paghahanda bago ang lindol?

10) Magbigay ng 1(isa) na hindi dapat gawin habang lumilindol?


GORDON COLLEGE
Olongapo City Sports Complex, East Tapinac, Olongapo City
Tel. No. (047) 224-2089 loc. 314
Kolehiyo ng Edukasyon Sining at Agham
Kay Selya

May pagsaulan kong basahin sa isip


ang nangakaraang araw ng pag-ibig.
may mahahagilap kayang natitik
liban na kay Selyang namugad sa dibdib?

Yaong Selyang laging pinanganganiban,


baka makalimot sa pag-iibigan
ang ikinalubog niring kapalaran
sa lubhang malalim na karalitaan.

Makaligtaan ko kayang di basahin


nagdaang panahon ng suyuan namin
kanyang pagsintang ginugol sa akin
at pinuhunan kong pagod at hilahil?

Lumipas ang araw na lubhang matamis


at walang natira kundi ang pag-ibig,
tapat na pagsuyong lalagi sa dibdib,
hanggang sa libingan bangkay ko'y maidlip.

Ngayong namamanglaw sa pangungulila


ang ginagawa kong pang-aliw sa dusa,
nagdaang panaho'y inaalala,
sa iyong larawa'y ninitang ginhawa.
Sa larawang guhit ng mga sintang pinsel,
GORDON COLLEGE
Olongapo City Sports Complex, East Tapinac, Olongapo City
Tel. No. (047) 224-2089 loc. 314
Kolehiyo ng Edukasyon Sining at Agham

Sa larawang guhit ng mga sintang pinsel,


kusang inilimbag sa puso't panimdim,
nag-iisang sanlang naiwan sa akin,
at di mananakaw magpahanggang libing.

Ang kaluluwa ko'y kusang dumadalaw


sa lansanga't nayong iyong niyapakan,
sa ilog Beata't Hilom na mababaw
yaring aking puso'y laging lumiligaw.

Di mamakailang mupo ang panimdim


sa punong manggang naraanan natin,
sa nagbigting bungang ibig mong pitasin.
Ang ulilang sinta'y aking inaaliw.

Ang katauhan ko'y kusang nagtatalik


sa buntunghininga nang ika'y may sakit,
himutok ko noo'y inaaring langit,
paraiso naman ang may-tulong silid.

Nililigawan ko ang iyong larawan


sa Makating Ilog na kinalagian,
binabakas ko rin sa masayang do'ngan,
yakap ng paa mo sa batong tuntungan.

Nagbabalik mandi't parang hinahanap


dito ang panahong masayang lumipas,
na kung maliligo'y sa tubig aagap
nang hindi abutin ng tabsing sa dagat.

Parang naririnig ang lagi mong wika:


GORDON COLLEGE
Olongapo City Sports Complex, East Tapinac, Olongapo City
Tel. No. (047) 224-2089 loc. 314
Kolehiyo ng Edukasyon Sining at Agham
"Tatlong araw na di natatanaw tama,"
at sinasagot ko ng sabing may tuwa,
"Sa isang katao'y marami ang handa."

Ano pa nga't walang di nasisiyasat


ang pag-ibig ko sa tuwang lumilipas,
sa kagugunita, luha'y lalagaslas
sabay ang taghoy kong "O, nasawing palad!"

Nasaan si Selya ng ligaya ng dibdib?


ang suyuan nami'y bakit di lumawig?
nahan ang panahong isa niyang titig
ang siyang buhay ko, kaluluwa't langit?

Bakit baga noong kami'y maghiwalay


ay di pa nakikitil yaring abang buhay,
kung gunitain ko'y aking kamatayan
sa puso ko Selya'y di ka mapaparam.

Itong di matiis na pagdaralita


nang dahil sa iyo, nalayong tuwa,
ang siyang umakay na ako'y tumula,
awitin ang buhay ng isang naaba.

Selya'y talastas ko't malabis na umid,


mangmang ang Musa' ko't malumbay ang tinig,
di kinabahagya kung hindi malait,
palaring dinggin mo ng tainga't isip.

Ito'y unang bukal ng bait kong kutad


na inihahandog sa mahal mong yapak,
tanggapin mo nawa kahit walang lasap,
nagbuhat sa puso ng lingkod na tapat.
GORDON COLLEGE
Olongapo City Sports Complex, East Tapinac, Olongapo City
Tel. No. (047) 224-2089 loc. 314
Kolehiyo ng Edukasyon Sining at Agham
Kung kasadlakan man ng pula'y pag-ayap,
tubo ko'y dakila sa puhunang pagod,
kung binabasa mo'y isa mang himutok
ay alalahanin yaring naghahandog.

Masasayang Nimfas sa lawa ng Bai,


sirenas ang tinig ay kawili-wili,
kayo ngayo'y siyang pinipintakasi
ng lubhang mapanglaw na Musa kong imbi.

Ahon sa dalata't pampang na nagligid


tonohan ng lira yaring abang awit,
na nagsasalitang buhay ma'y mapatid,
tapat na pagsinta't hangad na lumawig.

Ikaw na bulaklak niring dilidili


Selyang sagisag mo'y ang M.A.R.
sa birheng mag-ina'y ipamintakasi
ang tapat mong lingkod na si F.B.
GORDON COLLEGE
Olongapo City Sports Complex, East Tapinac, Olongapo City
Tel. No. (047) 224-2089 loc. 314
Kolehiyo ng Edukasyon Sining at Agham

Pangalan: Petsa:
Baitang & Seksyon:

1) Ano ang pamagat ng tula na iyong binasa?


a. Selya
b. Flerida
c. Basilyo
2) Para Kanino ang tula na iyong binasa?
a. Kay Selya
b. Kay Lanceo
c. Kay Pricessa Floresca
3) Ang tula na iyong nabasa ay nag papahiwatig ng?
a. Kasiyahan
b. Pagtataksil
c. Pagmamahal
4) talastas ko't malabis na umid, mangmang ang Musa' ko't malumbay.
a. Sisa’y
b. Flerida'y
c. Selya’y
5) Masasayang Nimfas sa , sirenas ang tinig ay kawili-wili.
a. Lawa
b. Lawa sa Dagat
c. Lawa ng Bai

6) Sa____________mag-ina'y ipamintakas ang tapat mong lingkod na si F.B.?


a. Bieheng
b. Boses
c. Wala sa na banggit
GORDON COLLEGE
Olongapo City Sports Complex, East Tapinac, Olongapo City
Tel. No. (047) 224-2089 loc. 314
Kolehiyo ng Edukasyon Sining at Agham

7) Kung ikaw si Selya anu ang nais mong sabihin kay Florante?
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________

8) Matapos mong basahin ang tula.Ano ang pinaka tumatak sayo na sinabi ni Florante?
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________

9)Sa iyong palagay,Meron pa kayang kagaya ni florante na labis ang pagmamahal?


________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________

10)Ilarawan si Florante batay sa iyong nabasa.


________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
GORDON COLLEGE
Olongapo City Sports Complex, East Tapinac, Olongapo City
Tel. No. (047) 224-2089 loc. 314
Kolehiyo ng Edukasyon Sining at Agham

Tinig ng Karanasan

"Anupa't sa bangis ng dusang bumugso


minamasarap kong mutok yaring puso,
at nang ang kamandag na nakapupuno'y
sumamang dumaloy sa agos ng dugo."

"May dalawang buwang hindi nakatikim ako ng


linamnam ng payapa't aliw,
ikalawang sulat ni ama'y dumating
sampu ng sasakyang sumusundo sa akin. "

"Saad ng kalatas ay biglang lumulan


at ako'y umuwi sa Albanyang bayan;
sa aking maestro nang nagpapaalam
aniya'y 'Florante, bilin ko'y tandaan'."

'Huwag malilingat at pag-ingatan mo ang


higanting handa ng Konde Adolfo,
umilag-ilag kang parang basilisko,
sukat na ang titig ng mata'y sa iyo.

Kung ang isasalubong sa iyong pagdating, ay


masayang mukha't may pakitang giliw,
lalong pag-ingata't kaaway na lihim,
siyang isaisip na kakabakahin.

.'Datapwa't huwag kang magpahalata tarok


mo ang lihim ng kanyang nasa,
ang sasandatahi'y lihim na ihanda,
nang may ipagtanggol sa araw ng digma.

Sa mawika ito luha'y bumalisbis


at ako'y niyakap na pagkahigpit-higpit,
huling tagubilin: ' bunso'y
GORDON COLLEGE
Olongapo City Sports Complex, East Tapinac, Olongapo City
Tel. No. (047) 224-2089 loc. 314
Kolehiyo ng Edukasyon Sining at Agham
katitiis at hinihintay ka ng maraming sakit.

'Sisimulan mo na ang pakikilaban sa


mundong bayani'y punong kaliluhan.
hindi na natapos at sa kalumbayan,
pinigil ang dila niyang nagsasaysay

"Nagkabitiw kaming malumbay kapuwa


tanang ka eskuwela mata'y lumuluha;
si Menandro'y labis ang pagdaralita,
palibhasa'y tapat na kapwa-bata "

"Sa pagkakalapat ng balikat namin


ang mutyang katoto'y di bumitiw-bitiw,
hanggang tinulutang sumama sa akin,
ng aming maestrong kaniyang amain."

Yaong paalama'y anupa't natapos,


sa pagsasaliwan ng madlang himutok,
at sa kaingaya't gulo ng adiyos!
Ang buntong-hininga ay nakikisagot."

"Magpahanggang daong ay nakipatnubay


ang aking maestro'y kasamang iiwan;
humihip ang hangi't agad
nahiwalay sa Pasig Atenas ang aming sasakyan."
GORDON COLLEGE
Olongapo City Sports Complex, East Tapinac, Olongapo City
Tel. No. (047) 224-2089 loc. 314
Kolehiyo ng Edukasyon Sining at Agham
GORDON COLLEGE
Olongapo City Sports Complex, East Tapinac, Olongapo City
Tel. No. (047) 224-2089 loc. 314
Kolehiyo ng Edukasyon Sining at Agham

Pangalan: Petsa:
Baitang & Seksyon:

1) Ilang sasakyan ang sumunod kay Florante?


A.Lima
B.Dalawa
C.Sampu
2) Ang naging karanasan ni Florante ay nagsisilbi lamang na siya ay?
A.Matapang
B.Malungkot
C.Katawatawa
3) Ano ang binilin kay Florante?
A. 'Huwag malilingat at pag-ingatan ang higanting handa ng Konde Adolfo
B. Huwag magpakampanti at ingatan ang sarili kay haring Lenceo
C. Huwag malilingat at Pag-ingatan ang higanting Handa ng Duke Briseo
4)Bakit Pinag-iingat si florante?
A) Dahil Trip lamang ng kanyang maestro
B) Dahil si florante ay masaya
C) Dahil hindi niya alam ang panganib na nag –aantay sakanya
5)'Huwag malilingat at pag-ingatan mo. ang higanting handa ng ?
A. Haring Lenceo
B. Konde Adolfo
C. Duke Briseo
6)'Datapwa't huwag kang .tarok mo ang lihim ng kanyang nasa,
A.Magpahalata
B.Magpakita
C.Kabahan
7)May hindi nakatikim.,ako ng linamnam ng payapa't aliw,
A.Limang Buwang
B.Dalawang Taon
C.Dalawang buwang
8)Ikalawang ni ama'y dumating.sampu ng sasakyang sumusundo sa akin.
A.Dalaw
B.Sulat
C.Galit
GORDON COLLEGE
Olongapo City Sports Complex, East Tapinac, Olongapo City
Tel. No. (047) 224-2089 loc. 314
Kolehiyo ng Edukasyon Sining at Agham

9) Ano kaya ang mga napagdaanan ni florante?

10) Kung ikaw si Florante makakaya mo rin kayang lagpasan ang kanyang mga
Pinagdaanan?
GORDON COLLEGE
Olongapo City Sports Complex, East Tapinac, Olongapo City
Tel. No. (047) 224-2089 loc. 314
Kolehiyo ng Edukasyon Sining at Agham
GORDON COLLEGE
Olongapo City Sports Complex, East Tapinac, Olongapo City
Tel. No. (047) 224-2089 loc. 314
Kolehiyo ng Edukasyon Sining at Agham

Nanganganib ang Crotona

"Bininit na busog ang siyang katulad ng tulin


ng aming daong sa paglayag
kaya di naglaon paa ko'y yumapak
sa dalampasigan ng Albanyang S'yudad.

Pag-ahon ko'y agad nagtuloy sa Kinta.


di humiwalay ang katotong sinta.
Paghalik sa kamay ng poon kong ama,
lumala ang sakit nang dahil kay ina.

"Nagdurugong muli ang sugat ng puso


humigit sa una ang dusang bumugso,
nawikang kasunod ng lubang tumulo
Ay Ama! Kasabay ng bating: Ay Bunso!"

"Anupa't ang aming buhay na mag-ama


nayapos ng bangis ng sing-isang dusa,
kami ay dinatnang nagkakayakap pa
niyong embahador ng Bayang Crotona."

May dalawang buwang hindi nakatikim ako


ng linamnam ng payapa't aliw,
ikalawang sulat ni ama'y dumating sampu
ng sasakyang sumusundo sa akin."

"Saad ng kalatas ay biglang lumulan


at ako'y umuwi sa Albanyang bayan;
sa aking maestro nang nagpapaalam
aniya'y 'Florante, bilin ko'y tandaan'."

'Huwag malilingat at pag-ingatan mo


ang higanting handa ng Konde Adolfo,
umilag-ilag kang parang basilisko,
sukat na ang titig ng mata'y sa iyo."
GORDON COLLEGE
Olongapo City Sports Complex, East Tapinac, Olongapo City
Tel. No. (047) 224-2089 loc. 314
Kolehiyo ng Edukasyon Sining at Agham

Patotohanan mong hindi ba't ikaw ang napangarap


kong gererong matapang
na maglalathala sa sansinukuban
ng kapurihan ko at kapangyarihan."

"Iyong kautangang paroong mag adya.


nuno mo ang hari sa bayang Crotona
dugo kang mataas at dapat kumita
ng sariling dangal at bunyi sa giyera."

"Sapagkat matuwid ang sa haring saysay umayon


si Ama kahit mapait man,
nang agad masubo sa pagpapatayan
ang kabataan ko't di kabihasaan."

"Ako'y walang sagot na naipahayag


kundi 'Haring poon' dumapa sa yapak,
nang aking hahagkan ang mahal na bakas
kusang itinindig at muling niyakap."
GORDON COLLEGE
Olongapo City Sports Complex, East Tapinac, Olongapo City
Tel. No. (047) 224-2089 loc. 314
Kolehiyo ng Edukasyon Sining at Agham
GORDON COLLEGE
Olongapo City Sports Complex, East Tapinac, Olongapo City
Tel. No. (047) 224-2089 loc. 314
Kolehiyo ng Edukasyon Sining at Agham

Pangalan: Petsa:
Baitang & Seksyon:

1)Ano ang naramdaman mo sa iyong nabasa?


A.Malungkot
B.Nagagalit
C.Masaya
2)Ano ang pamagat ng kabanata?
A.Nanganganib si Aladin
B.Nanganganib ang kaharian
C.Nanganganib ang Crotona
3)Sino ang bayani ng Persya na nabanggit sa tula?
A. Heneral Osmalik
B. Haring Lenceo
C. Heneral Miramolin
4)Ako'y isinama't humarap nang bigla.Sa ng may gayak nang digma."
A. Haring Lenseo
B. Haring Aladin
C.Menandro
5)"Iyong kautangang paroong mag adya. nuno mo ang hari sa dugo kang mataas
at dapat kumita ng sariling dangal at bunyi sa giyera.
A. Bayang Crotona
B. Kaharian ng Albanya
C. Bayan ng makasalanan
6)"Ako'y walang sagot na naipahayag kundi ' ' dumapa sa yapak, nang aking
hahagkan ang mahal na bakas kusang itinindig at muling niyakap."
A. Heneral Osmalik
B. Haring Albanya
C. Haring Poon
7)Kung sa katapanga'y bantog si may buhay rin namang sukat na makitil
A.Florante
B.Adolfo
C.Aladin
GORDON COLLEGE
Olongapo City Sports Complex, East Tapinac, Olongapo City
Tel. No. (047) 224-2089 loc. 314
Kolehiyo ng Edukasyon Sining at Agham

8)Ano ang masasabi mo iyong nabasang Tula?

9)Sa iyong nabasang tula ano ang pinakatumatak sa iyong Isipan

10)Sa iyong palagay bakit kaya pinamagatan ang tula na “ Nanganganibna


Crotona”?
GORDON COLLEGE
Olongapo City Sports Complex, East Tapinac, Olongapo City
Tel. No. (047) 224-2089 loc. 314
Kolehiyo ng Edukasyon Sining at Agham

Ang Salawikain
( Lilibeth D. Monton)

Noong aking kabataan, tulad mo ngayon, ay ipinapalagay kong isang sirang pang aking
nanay tuwing siya'y magsesermon. Nakokornihan ako tuwing matatapo sa isang salawikain o
kasabihan. Lagi niyang sinasabi... Ang pagsisisi'y laging huli.

Kaysarap talagang matulog, mangarap. pero may kontrabida. Nangangarap ka gigisingin ka na.

Kung tanghali kang magising


, maging dumi ng manok,wala kang mapupulot.
Sino ba ang gustong mamulot ng dumi ng manok? Ang aking pamimilosopo.
Walang mahirap gisingin kundi iyong nagtutulog tulugan.
Humirit ang ate ko. Sumbong niya kay nanay, puyat daw ako at pagod kagah sa panonood ng TV.
Nakatatamad din ang mag-aral, lalo na't may magandang pala sa telebisyon. Ano ba kung may unit
test sa Science?

Ang sa taong karunungan,


pamanang di mananakaw.
Kung ibig ang karunungan,
habang bata ay mag-aral;
kung tumanda, mag-aral man,
mahirap nang makaalam.

Mangangatuwiran ako. Tinatamad ho ako.


GORDON COLLEGE
Olongapo City Sports Complex, East Tapinac, Olongapo City
Tel. No. (047) 224-2089 loc. 314
Kolehiyo ng Edukasyon Sining at Agham

Ang katamara'y kapatid ng kagutuman;


ang kasipaga'y kapatid ng kayamanan.
Minsan ay kinukulit ko ang nanay. Bago ang isusuot ng kaklase ko sa programa. Nagpabili ako ng
bagong damit. Isuot ko raw iyong aking ipinamasko o di kaya iyong pinaglumaan ng aking kapatid.
Maliit lang ang kita ng Itay mo, sabi niya.

Kapag maikli ang kumot.


matutong mamaluktot

Nanaghili rin ako sa mayayaman, lalo na kay Del. Ang ganda ng kanilang kulay abong Lancer.
Paglaki ko, magkakaroon din ako niyan.

Ang taong masikap, mga


pangarap matutupad.

Pero sabi rin:

Ang kapalaran ko'y di ko man hanapin,


dudulog, lalapit, kung talagang akin.

Ah, ngunit:
Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa.

Basta sabihin mong kaya mo, magagawa mo. Makalipas ang ilang araw, hindi ko na nakita
ang kulay abong Lancer nina Del. Narinig ko ang ilang usapan.

Walang pagod sa pagtipon,


walang hirap sa pagtapon.
GORDON COLLEGE
Olongapo City Sports Complex, East Tapinac, Olongapo City
Tel. No. (047) 224-2089 loc. 314
Kolehiyo ng Edukasyon Sining at Agham

Hindi bawat makinang ay ginto,


hindi bawat maputia ay tanso.

Ang hindi lumingon sa pinanggalingan,


hindi makakarating sa paroroonan.

Walang sumisira sa bakal kundi


ang sarili niyang kalawang.

Isang gabing ako'y nag-aaral, kumatok sa pinto ang mamang ni Del at kay Nanay ay nanghihiram,
dahil nahihiyang lumapit sa ibang kaibigan. Marahil ay pareho kaming isipan ni Nanay,
Sa panahon ng kagipitan,
makikilala ang tunay na kaibigan.

Naalala ko tuloy ang aking mga kaibigan. Away-bati kami. Sa mga away-bati na iyon ay
sari-sari ang natutuhan ko sa kanila.

Kaibigan sa harapan, kaaway


sa talikuran.

Ang mabuting kaaway ay sa harapan lumalaban.

Bago mo linisin ang ibang looban, linisin


mo muna ang iyong sariling bakuran.

Ang pagsasabi ng tapat ay pagsasama nang maluwat.

Ang masama sa iyo, huwag mong


gawin sa kapuwa mo.
GORDON COLLEGE
Olongapo City Sports Complex, East Tapinac, Olongapo City
Tel. No. (047) 224-2089 loc. 314
Kolehiyo ng Edukasyon Sining at Agham

Subalit sa mga kaibigan kong ito, may isang natatangi. Kakaiba ang tibok ng pus ko kapag siya ay
kasama. Hindi makakain, hindi makatulog. Sa bahay, mas matagal ako sa salamin. Nay! May
pimples ako. Sa paaralan, tuksuhan sa klase. Uuuuuy... kantina, kapag nasamid ka sa pagkain,
nagsisigawan. Number 31 Number 9! Si Tom Cruise! Bistado ka, si Jap ano? May kinikilig. Crush
ko lang. T.L. talaga ito.May isang kaibigan naman na pakipot sa kaniyang manliligaw. Inaawitan
namin ng theme song sa movie ng paborito niyang artista, iyong Megastar at ni Bad Boy na "Tulak
ng Bibig, Kabig ng Dibdib." Nakaaasar daw kami. Maniwala ka naman sa pagpapadyak-padyak
niya at pag-ismid. Isang gabi, hinanap siya sa bahay-bahay naming magkakaibigan ng kanyang
daddy. Iyon pala, ang aming kaibigang denial queen ay nagtanan. Kaya ayun…

Sa hinaba-haba ng prusisyon, sa
simbahan din ang tuloy.

May kaibigan din akong maagang nag-asawa. Malimit ang pag-aaway nila. Hindi tapos sa pag-
aaral, kaya mahirap makakita ng hanapbuhay. May hang-over sa buhay teenager, kaya ayun may
anak na, buhay binata pa.
Kita mo na…

Ang pag-aasawa'y hindi biro, hindi


pagkaing mailuluwa kung mapaso.

Ano! Nabasted si Eric? Nag-break sina Rowell at Sharon? Si Gabs ang nakatuluyan? Nino? Ni
Sharon, ni Rowell?

Maligaya ang magmahal,


kahit malimit kang masaktan.

Mabuti na ang masaktan, kaysa


hindi natutong magmahal.
GORDON COLLEGE
Olongapo City Sports Complex, East Tapinac, Olongapo City
Tel. No. (047) 224-2089 loc. 314
Kolehiyo ng Edukasyon Sining at Agham

Mayroong naging mapili…

Pili nang pili, sa bungi nauwi.

Nagmamarunong ako. Ako ang tama, mali si Nanay. Sinasabi niya sa akin na nalakaran na raw
niya ang nilalakaran ko pa lamang. Malay ba niyang doon ako magdaraan. Bubulongbulong ako
na parang bubuyog. Hindi naman ako maglalakad. May bus naman ano? Baka kami
magkasalubong pa. Ngunit kinain ko lahat ang sinabi ko.

Ang hindi sumangguni, may


dunong ma'y nagkakamali.

Laging nagpapaalala si Nanay:


Ang lumalakad nang matulin, kung matinik ay malalim;
ang lumalakad nang marahan, matinik man ay mababaw.

Huli man daw at magaling, maihahabol din.

Ang buhay ay panahon ng mga karanasan. Malalim na salawikain ay doon mo mauunawaan.


Marahil, salawikain ang katawagan sa mga bukambibig upang maiwasan ang sala o pagkakamali.
Naranasan ng matatanda, kung kaya't kanilang nawiwika.

Iyang kadalaan, isang karanasan.


Kung hindi pa nasilat, hindi mag-iingat.

Ang bayaning nasugatan, nag-iibayo ang tapang.

Sa panahon ng kabataan, kailangang maging maingat,patuloy sa pagtuklas ng karunungan at


pakikipagsapalaran Ang hindi makipagsapalaran. hindi makatatawid sa karagatan.
GORDON COLLEGE
Olongapo City Sports Complex, East Tapinac, Olongapo City
Tel. No. (047) 224-2089 loc. 314
Kolehiyo ng Edukasyon Sining at Agham

Gabi nanaman.Inaantok na ako, subalitmalinaw pa ring naririnig ang Nanay. Anak, maaring
magkaiba ang ating karanasan ngunit kahit papaano ay may pagkakatulad. Huwag mong
kalimutang magdasal bago ka mangarap. Hindi mo man akio maunawaan, tandaan mo…
Ang nanay na nangangaral,
Sa kaniyang anak ay nagmamahal
GORDON COLLEGE
Olongapo City Sports Complex, East Tapinac, Olongapo City
Tel. No. (047) 224-2089 loc. 314
Kolehiyo ng Edukasyon Sining at Agham

Pangalan: Petsa:
Baitang & Seksyon:

A. Panuto: Bilugan ang tamang sagot.

1) Bakit nasabi ng nagsasalaysay na parang sirang plaka ang kaniyang ina?


A. Dahil ito raw ay palaging naninigaw noong siya ay bata pa
B. Dahil ito raw ay palaging tulog tuwing umaga
C. Dahil ito raw ay palaging nagsesermon sa kaniya
D..Dahil ito raw ay palaging nagagalit sa kaniya
2)Saan patungkol ang kwento?
A.Bugtong
B.Tula
C.Kwento
D.Salawikain
3).Ang taong masikap, mga pangarap matutupad. Ano ang ibig sabihin ng
nakasalungguhit?
A.Masinop
B.Masipag
C.Mabait
D.Tamad
4)Sino ang dalawang taong n ag- uusap sa kwento?
A.Mag-ama
B.Magkapatid
C.Maglola
D.Magina
5)“ Nanaghili rin ako sa mayayaman, lalo na kay Del. Ang ganda ng kanilang kulay
abong Lancer. Paglaki ko, magkakaroon din ako niyan.” Anong ang nais pahayag ng
salitang “ Nanaghili”
A. Natutuwa
B.Nasasabik
C.Naiinggit
D.Naiinis
GORDON COLLEGE
Olongapo City Sports Complex, East Tapinac, Olongapo City
Tel. No. (047) 224-2089 loc. 314
Kolehiyo ng Edukasyon Sining at Agham
B. Panuto: Gamit ang iyong sariling pangungusap, ipaliwanag ang bawat salawikaing
nabasa sa kwento batay sa mga sumusunod. Isa hanggang 3 pangungusap lamang.

1) Kapag maikli ang kumot, matutong mamaluktot.


2) Ang hindi lumingon sa pinanggalingan, hindi makakarating sa paroroonan.
3)Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa.
4) Sa panahon ng kagipitan, makikilala ang tunay na kaibigan.
5)Ang lumalakad nang matulin, kung matinik ay malalim; ang lumalakad nang marahan,
matinik man ay mababaw.
GORDON COLLEGE
Olongapo City Sports Complex, East Tapinac, Olongapo City
Tel. No. (047) 224-2089 loc. 314
Kolehiyo ng Edukasyon Sining at Agham
Agyu
(Epiko ng mga Ilianon Manobo)

Ang pangunahing pinanggagalingan ng kabuhayan ng mga Ilianon ay pangongolekta ng


sera. Ipinampapalit nila ang sera sa mga Moro sa kanilang mga pangunahing pangangailangan
tulad ng palay, asin, at asukal. Nagkaroon ng di-pagkakaunawaan si Agyu at ang datu ng mga
Moro dahil sa pagkakautang nila ng isandaang tambak na sera. Upang maiwasan ang madugong
labanan, si Agyu at ang kaniyang pamilya ay umalis sa Ayuman at pumunta ng Ilian. Ngunit hindi
hinayaan ng mga Moro na mamuhay sila nang payapa. Sinundan nila ang mga ito upang paslangin
si Agyu at ang kanyang pamilya. Lumaban nang buong tapang si Agyu at sampu ng kanyang
pamilya, at nagwagi sila laban sa mga Moro. Pagkatapos ng kanilang tagumpay, naisip ni Agyu na
lisanin ang Ilian at pumunta ng bundok ng Pinamatun. Doon sila nagtayo ng mga bahay sa paanan
ng bundok.

Isang araw, pumunta si Agyu sa bundok ng Sandawa upang manghuli ng baboy-ramo. Limuwi
siya na dala ang kanyang huli habang ang kanyang kapatid na lalaki na si Lono at mga kapatid na
babaeng sina Yambungan at Ikwagan ay nakahanap ng pulot pukyutan. Hinati na nila ang
baboyramo at pulot pukyutan sa kanila at sa kanilang mga alipin. "Bakit ayaw mong kumuha ng
kamme at pulot para sa iyo at sa iyong asawa sa Ayuman.

Banlak" tanong ni Agyu sa kanyang kapatid na lalaki. Ang asawa ni Balak na si Mungan
by naiwan sa Ayuman sapagkat nagkaroon ito ng ketong. Hindi pumayag si Banlak sa ideya
Nagboluntaryo na lamang si Lono na pupunta sa Ayuman dala ang karne at pulot para kay
Mungan. Subalit sa kaniyang pagtungo kay Mungan, nakarinig siya ng malakas na boses nu
nagsasabi kay Mungan na tanggapin ang imortalidad sa pamamagitan ng pagkain ng kinakain ng
mga Diyos. Nang bumalik si Lono sa Pinamutan, sinabi niya kay Agyu at Banlak kung ano ang
narinig. Nais ni Banlak na makita si Mungan ngunit pinigilan silam Agyu. Bagkus, binagtas m
Agyu ang daan pababa ng Ayuman upang makita si Mungan ngunit huli na ang lahat. Pumunta
na si Mungan sa langit. Ang natira lamang ay isang gintong bahay. At nang bumalik st Agyu sa
Pinamutan, iniwan nilang muli ang lugar at nagpunta sa Tigyangdang. Ngunit hindi nila nakita
ang kapayapaan sa Tigyangdang. Napakaraming kaaway ang nagpapaalis sa kanila sa
Tigyangdang. At kahit anong gawin nila ay hindi nila matalo ang kalaban Nang dumating ang
pang-apat na araw ng pakikipaglaban ay lumapit ang kanyang binatang anak na si Tanagyaw
"Payagan mo akong lumaban, ama," sabi niya"Ngunit napakabata mo pa, anak." sinabi niya rito.
GORDON COLLEGE
Olongapo City Sports Complex, East Tapinac, Olongapo City
Tel. No. (047) 224-2089 loc. 314
Kolehiyo ng Edukasyon Sining at Agham

"Marahil nga ay bata ako ngunit ako ay matalino, ama," pilit ni Tanagyaw"Humayo ka at nawa
ay tulungan ka ng mga Diyos. Ingatan mo ang iyong sarili!" At umalis na si Tanagyaw upang
pumunta sa labanan. At natalo niya ang mga kalaban Nats ng pinuno ng mga kalaban na makasal
si Tanagyaw sa anak nitong babae na si Buy-anon ngunit tumanggi ito dahil napakabata pa nila.
Umabot si Tanagyaw sa bayan ng Baklayon at miligtas ang bayan laban sa mga kaaway. Pinatay
niya si Bagili, ang anak ng pinuno ng mga kaaway ng Baklayon. Nais ng datu ng Baklayon na
ipakasal ang kaniyang anak na si Paniguan kay Tanagyaw ngunit hindi pa ito
handang mag-asawa. At nang bumalik si Tanagyaw sa Tigyangdang,
nagtungo si Paniguan sa kaniya. Sinabi nito kay Agyu na nais nitong pakasalan si Tanagyaw.
Sumang-ayon si Agyu at ikinasal sina Tanagyaw at Paniguan Sa kabilang dako, hindi
tumigil ang pag-atake sa sambahayan ni Agyu. Paminsan- minsan, may mga kaaway na
umaatake sa mga pamayanan at pinapatay ang mga tao at mga hayop ni Agyu Ngunit matanda
na upang lumaban pa si
Agyu. Samantala, nag-isip si Tanagyaw upang makalaban ang mga kaaway. Nagsuot siya ng baluti
na kasintigas ng metal na sa lakas ay hindi maigalaw ng hangin. Pagkatapos, kinalaban niya ang
mga kaaway at nanalo si Tanagyaw. Ngunit hindi pa handang sumuko ang mga kalaban. Sinugod
ng anak ng datu si Tanagyaw gamit ang ginintuang espada Ginamit naman ni Tanagyaw ang
gintong tungkod at nagawang patayin ang anak ng datu at ang kanyang mga kasama ay tumakas
sa bundok dahil sa matinding takot.Napanatag na si Agyu, Nahihinuha na niya na maghahari na
ang kapayapaan sa kanilang kaharian. Ngayon, tatamasahin na nila ang magandang buhay na
mailap sa kanila noong una. Ang ani ay masagana at ang mga hayop ay dumarami na sa bilang
Isang araw, tinawag niya ang anak na si Tanagyaw."Ibinibigay ko na sa iyo ang Sunglawon.
Ipagtatanggol mo ito at pamahalaan ito nang may hustisya at pagpapahalaga sa mga tao. "Tutuparin
ko po ito sa tulong ng mga Diyos, ama," sagot ni Tanagyaw Sa sumunod na umaga, sina Tanagyaw
at Paniguan, kasama ang kanilang mga alipin, ay nagsimulang maglakbay patungo sa Sunglawon.
Handa na sila upang magsimula ng isang pamilya
GORDON COLLEGE
Olongapo City Sports Complex, East Tapinac, Olongapo City
Tel. No. (047) 224-2089 loc. 314
Kolehiyo ng Edukasyon Sining at Agham

Pangalan: Petsa:
Baitang & Seksyon:

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan.

1) Sino ang pangunahing tauhan sa kwento?


________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________

2) Ano ang pangunahing hanapbuhay ng mga Ilianon?


________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________

3) Saan nagtungo si Agyu at ang kaniyang pamilya nang sila ay lumisan sa kanilang lugar?
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________

4)Bakit pinagbabawalan ni Agyu ang kaniyang anak na si Tangyaw na lumaban?


________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________

5) Ano ang kasing- kahulugan ng salitang kinalaban?


________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________

6) Kung ikaw ay bibigyan ng pagkakataon, paano mo wawakasan ang kwento?


________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
GORDON COLLEGE
Olongapo City Sports Complex, East Tapinac, Olongapo City
Tel. No. (047) 224-2089 loc. 314
Kolehiyo ng Edukasyon Sining at Agham

7) Matapang na kinalaban ni Tanagyaw ang mga kaaway. Ano ang kasalungat ng


nakasalungguhit?
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________

8) Bilang isang anak, paano mo maihahalintulad sa iyong sarili ang ipinakitang ugali niTanagyaw?
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________

9) Bakit hindi na kayang lumaban ni Agyu ang kanilang mga kaaway?


_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________

10) Paano nagwakas ang kwento?


_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
GORDON COLLEGE
Olongapo City Sports Complex, East Tapinac, Olongapo City
Tel. No. (047) 224-2089 loc. 314
Kolehiyo ng Edukasyon Sining at Agham

Ang Unang Hari ng Bembaran


(Alamat ng Maguindanao)
Salin ni Venancio L. Mendiola

Noong unang panahon, kakaunti ang mga tao sa mundo at marami sa kanila ang mangmang
at walang katao-tao sa kanilang gawain at bagama't di pa umuunlad ang lugar na ito'y masasabing
maganda na. Sa buong Bembaran, kulang lamang na 20 pamilya ang nasasakupan ng Ayonan, si
Diwatandaw Gibon. At sapagkat malapit sa dagat ang Bembaran, ang mga alon ay sumasalpok sa
gitna nito. Nababatid ng mga tao na walang kasingganda ang kanilang pook. Batid nilang ligtas
sila sa kanilang mga kaaway. May kinatatakutan silang tagapayong espiritwal, si Pinatolo i kilid,
ang kakambal na espiritu ni Diwatandaw Gibon, ang unang hari ng Iliyan a Bembaran. Walang
palagiang anyo ang espiritung ito. Sa dagat, ito ay buwaya; sa lupa ito ay isang tarabosaw at sa
himpapawid, ito ay isang garuda.

Isang araw, ang mga tao sa Torogan ay nabahala sapagkat napansin nilang malungkot ang
Ayonan. Inanyayahan ni Mabowaya Kaladanan, isa sa mga nakatatanda, na magpunta sa torogan
upang tulungan ang Ayonan sa kanyang suliranin. Nang ang lahat ay naroroon na. nagtanong si
Dinaradiya Rogong, isang iginagalang na pinuno. sa kapulungan kung may prinsesa na maaaring
mapangasawa ni Diwatandaw Gibon. Ang lahat ay nag-iisip sumandali ngunit walang
makapagsabi ng ganoong lugar. Tumayo si Dinaradiya Rogong at iginala ang kanyang paningin sa
mga taong nangagkakatipon upang alamin kung ang lahat ng tao roon ay dumalo. Pagkatapos,
namataan niya ang isang mangingisdang nakaupo nang malapit sa pinto at malayo sa karamihan.
Tinawag niya ito at tinanong, "Samar, sa lahat ng iyong pangingisda sa iba't ibang lugar, nakarating
ka na ba sa isang lugar na kasingganda ng Bembaran, na may isang magandang prinsesa na
maipapantay sa ating Ayonan."

Ngumiti ang mangingisda at nagsalita: "Opo, datu, alam ko ang ganyang lugar at ito'y di
maihahambing sa ganda at anumang bagay rito. Ito'y tinatawag na Minango'aw at ang pangalan
ng hari ay Minangondaya a Linog. Ang hari ay may isang anak na babae na pinangalanang Aya
Paganay Ba'i, ang pinakamagandang babae sa pook."

Nang marinig ng mga tao ang sinabi ng Samar, napag-usap-usapan nila ito. Marami ang
naniniwala sa kanyang sinabi sapagkat isa siyang mangingisda at maaaring nakita niya ang lugar.
Ngunit nagalit si Dinaradiya Rogong sapagkat siya'y marami ring nalakbay at kailanman sa
kanyang paglalakbay ay hindi siya nakatagpo o nakarinig ng tungkol dito. Naisip niyang nagbibiro
ang Samar o niloloko sila kaya't nagbabala siya: "Mag-ingat ka sa iyong sinasabi. Nakapaglakbay
GORDON COLLEGE
Olongapo City Sports Complex, East Tapinac, Olongapo City
Tel. No. (047) 224-2089 loc. 314
Kolehiyo ng Edukasyon Sining at Agham
ako sa maraming lugar at kailan ma'y di ko narinig ang ganyang lugar. Mabuti pa'y magsabi ka ng
GORDON COLLEGE
Olongapo City Sports Complex, East Tapinac, Olongapo City
Tel. No. (047) 224-2089 loc. 314
Kolehiyo ng Edukasyon Sining at Agham

totoo 'pagkat hahanapin namin ang lugar na ito, at parurusahan ka namin kapag hindi namin ito
natagpuan."

Tiningnan ng Samar ang datu at nakita niyang namumula sa galit ang mukha nito.
Lumundag siyang palabas sa torogan. Nagpunta ang ibang pinuno kay Dinaradiya Rogong at
hinikayat siyang hanapin ang Minango'aw. Nang sumunod na araw, naghanda sila sa kanilang
paglalakbay, nanguha at naghanda ng pagkain at ilang pangangailangan. Nang handa na ang lahat,
umalis ang pangkat ngunit sa halip na maglayag sa karagatan, sila'y naglakbay sa dalampasigan at
nagtatanong sa mga tao kung saan nila matatagpuan ang Minango'aw, ngunit wala kahit sinuman
ang nakarinig sa ganoong lugar.

Pagkatapos ng isang buwang paglalayag, nakakita sila, isang madaling araw, ng dalawang
mangingisdang nag-aaway. Nang halos magpang-abot na ang dalawa, nangagsidatingan ang mga
lalaki sa Bembaran at sumigaw si Diwatandaw Gibon, "Hinto!"

"Kung kayo'y maglalabanan, masasaktan kayo o mamamatay at magdurusa kayo anuman


ang mangyari. Isipin ninyo ang inyong mga pamilya!" Huminto sa pag-aaway ang dalawa at
tinanong ng hari kung saan sila nakatira. Sumagot ang isa sa kanila, "Datu, ako'y tagaMinango'aw."
Nang marinig ito, nagalak ang pangkat sapagkat natapos na ang kanilang paghahanap.

Inutusan ng Ayonan ang mga mangingisda na lumipat sa kanilang bangka upang


patnubayan sila sa kanilang lugar. Sa paglalakbay, pinagtatanong nila ang mangingisda na kanya
namang sinagot sa kanilang kasiyahan. Noong papalapit na sila sa bukana ng look, nakiusap ang
mangingisda na magpauna sa kanila sa kanyang sariling bangka upang ipagbigay. alam sa hari ang
kanilang pagdating at ibalita sa kanya na sila'y mga kaibigan, at hindi mga pirata. Pagkalunsad
nito, dali-dali siyang nagtuloy sa torogan at ibinalita sa Ayonan ang tungkol sa mga panauhin.
Tinipon ng hari ang kanyang mga nasasakupan at napagkasunduan nilang salubungin ang mga
panauhin sa dalampasigan.
Naghanda ng isang malaking piging ang hari ng Minango'aw para sa kanyang mga
panauhin. Naghanda ang mga babae ng masasarap na pagkain. Pagkakain ng mga panauhin, inaliw
sila sa pamamagitan ng sayaw kolintang, sagayan, at ang lahat ng uri ng paligsahan sa pag-awit
sak'ba. Nang matapos ang lahat ng uri ng palaro, tumayo at nangusap ang tagapagsalita ng hari at
tinanong ang mga panauhin kung bakit sila nakarating sa Minango'aw, Ang kinatawan ni
Diwatandaw Gibon ay tumayo. Sinabi niya na dinala ang kanilang batang hari at magalang na
ipinakilala. Pagkatapos, nalaman ng mga tao na ang sadya ng mga panauhin ay ang pakasalan n
Ayonan ang kanilang prinsesa.
GORDON COLLEGE
Olongapo City Sports Complex, East Tapinac, Olongapo City
Tel. No. (047) 224-2089 loc. 314
Kolehiyo ng Edukasyon Sining at Agham

Tinanggap ang handog at ang paghahanda ay nagsimula. Napakasaya ni Diwatandaw Gibon


at ang kasal ay ginanap sa gitna ng kasayahan at labis na pagpipiyesta. Namalagi si Diwatandaw
Gibon sa Minango'aw ng limang taon at sa panahong ito'y nanganak ng dalawang lalaki ang
kanyang kabiyak. Hinandugan siya ng kanyang biyenan ng korona nito at kapangyarihan. Sa buong
panahong naturan, hindi niya dinalaw ang Bembaran at ngayon siya'y puno ng malakas na pag-
asam at pananabik na makabalik sa kanyang lupain. Nilapitan niya ang kanyang biyenan at nagsabi:
"Aking biyenan, kung pahihintulutan ninyo, nais kong makabalik sa Bembaran. Ibig kong makita
kahit ang damo ng pook na aking sinilangan."

Tumango si Minangondaya a Linog. "Tama ka.


Humayo ka." Pagkatapos, tinawag niya ang kanyang dalawang apo, inakbayan ang bawat isa at
sinabi sa nakatatanda: "Ikaw ay si Tominaman sa Rogong. Balang-araw, pupunta ka sa Bembaran,
ang lugar ng iyong ama. Katungkulan mong paunlarin ang lugar at pasayahin ang mga tao ng
Bembaran." Bumaling sa nakababata at sinabi: "Ikaw ay si Mangondaya Boyisan. Bilang bunso,
dapat mong tulungan ang iyong kapatid sa pagpapaunlad ng Bembaran at Minango'aw. Humanda
ka sa pagtulong at pagtatanggol sa mga tao sa dalawang lugar na ito."

Pagkatapos, binigyan ng hari ang dalawa niyang apo ng sumusunod na pamanang gamit:
isang mahiwagang bangka, ang Riramenlaw Mapalaw, na lalong kilala bilang Rinayong, na
nakapaglalayag sa dagat na hindi na kailangan ang sagwan sapagkat espiritu ang nagpapadpad dito.
Binigyan din niya ang mga apo ng isang agong na pinangalanang Mangandiya a Oray. Ito'y minana
pa niya sa kanyang lolo, isang ginintuang agong na kung pinapalo ay maririnig sa lahat ng lugar
ang tunog at kagya't na matatawag ang lahat ng tao at dalawa pang agong: Rogongan a Posaka at
Momongara Dayiring.

Tinawag niya ang kanyang anak na si Prinsesa Aya Paganay Ba'i. Nang lumapit ang
prinsesa at maiharap sa kanyang ama, sinabi ng ama sa anak na maaari siyang magtungo s
Bembaran kasama ng asawa at mga anak. Pagkatapos, kanyang pinayuhan ang anak, "Anak ko,
ang iyong unang katungkulan ay sundin ang iyong asawa at pangalagaan ang kanyang kalusugan
at kapakanan. Mahalin mo siya at alaming kapuwa mabuhay na nagkakasunde Buhayin at mahalin
mo ang inyong pamilya at tingnan mong sila'y nasa mabuting kalusugan.

"Ipaglaban mo ang iyong karapatan at ang karapatan ng iyong hari. Humanda kang
ipagtanggol ang iyong dalawang bansang Bembaran at Minango'aw. Igalang mo ang matatanda at
bata. Mahalin mo ang mahihirap at ang mga ulila. Bigyan mo ng pagkakataon ang bawat isa na
magtagumpay sa buhay. Maging matapat ka sa lahat."
GORDON COLLEGE
Olongapo City Sports Complex, East Tapinac, Olongapo City
Tel. No. (047) 224-2089 loc. 314
Kolehiyo ng Edukasyon Sining at Agham

"Kung dumating ang mga panauhin, tanggapin mo silang pantay-pantay kahit na sila ay maharlika
pa o alipin. Turuan mo ng mabubuting bagay ang iyong mga anak. Lagi mong tupdin ang anumang
pangako. Maging mabuti kang maybahay at panatilihin mong malinis ang iyong bahay, sa loob at
labas, sa ibaba at itaas, pati ang bakuran."
Tinapos ng Ayonan ang kanyang pangaral at hinati ang kanyang ari-arian sa dalawa. Kalahati ang
ibinigay niya sa anak niyang prinsesa sa kanyang pag-alis. Dinala ni Diwatandaw Gibon ang
kanyang mag-anak at ang lahat ng kayamanang ibinigay sa kanila ng kanyang biyenan. Sakay ng
Rinayong, siya ay naglalakbay kasama ng kanyang mag-anak.

Nang malapit na sila sa bayang sinilangan, iniutos ni Diwatandaw Gibon na patunugin ang
mga agong sa buong lupain upang ibalita ang kanyang pagdating. Nagtakbuhan ang mga taga-
Bembaran at inilabas ang lahat ng kanilang mga bandera at magagandang mga palamuti at iniladlad
ang mga ito.

Tatlong taon ang matuling lumipas sa Bembaran. Isang araw, habang ang Ayonan at ang
kanyang asawa ay nakaupo sa lamia, namasdan ni Diwatandaw Gibon na kakaunti na ang mga
batang nagsisipaglaro sa bakuran. Naisip niya, kaawa-awa na ang isang maganda at mayamang
lugar tulad ng Bembaran na may kakaunting tao lamang na magtatamasa nito. Tinanong niya ang
asawa, "Ano sa palagay mo ang kaisipang ito? Papayagan mo ba akong mag-asawa ng marami
pang mga babae upang maragdagan ang populasyon ng Bembaran?" Nagulat ang prinsesa.
Nasabi niya sa sarili na kung nalaman lamang niya na gagawin ito, disin sana'y hindi na siya
pumayag na magtungo sa Bembaran. Malakas niyang sinabi, "Mahal kong asawa, napakahirap
kong tanggapin ang balak mo. Kung maririnig ng mag- anak ko ang iyong kagustuhan na
magaasawa ng mga ibang babae, makagagalitan nila ako at sisisihin tungkol dito. Sa palagay ko'y
magiging mabuti para sa iyo na ako'y diborsiyuhin upang malaya mong mapangasawa gaano man
karaming babae ang gusto mo. Babalik ako sa Minango'aw sa sandaling payagan mo ako." Niyakap
ni Diwatandaw Gibon ang asawa at sinabi sa kanya, "Huwag kang mag-alala nagbibiro lamang
ako." Pinangko niya ang asawa at ipinaghele sa kanyang braso. Umawit siya ng "pinakamamahal
kong kabiyak, huwag kang magalit sa akin sa pagkabitiw ko ng mga salitang nagbigay ng pasakit
sa iyong kalooban. Alam ko na nagpalungkot ito sa iyo, ngunit katungkulan ko bilang isang
namumuno na magbalak at mag-aral at mag-isip tungkol sa ikauunlad ng kanyang kaharian. Ang
mag-isip, ang magbalak kumilos ito ang mahalagang katungkulan ng isang namumuno maging
lalaki o babae. Dapat niyang pag-aralan ang lahat ng bagay upang matuklasan kung alin ang totoo,
alin ang mali, at alin ang biro lamang."

Tinawag ng prinsesa ang kanyang asawa sa kanyang tabi at winika sa kanyang asawa, "pag-
uusapan pa natin ang iyong balak. Sa palagay ko ay tama ka, kung kulangin ang iyong ariarian sa
GORDON COLLEGE
Olongapo City Sports Complex, East Tapinac, Olongapo City
Tel. No. (047) 224-2089 loc. 314
Kolehiyo ng Edukasyon Sining at Agham

paghahanda sa kasal sa lahat ng mga babaeng yaon, sabihin mo sa akin upang makakuha pa ako
ng ilang ari-arian ko sa Minango aw."

Nang sumunod na araw, tinipon ni Diwatandaw Gibon ang lahat ng tao sa Bembaran at
ipinahayag ang kanyang mga balak. Ang mahiwagang bangkang Rinamentaw ay inihanda at
pagkatapos matipon ang lahat ng kailangan, sinamahan ng piling tauhan si Diwatandaw Gibon sa
panliligaw. Una silang nagpunta sa Kodarangan a Lena para kay Walayin Dinimbangew, sa
Bagombayan a Lena para kay Walayin Pitagaman, sa Sanggiringa a Dinar para kay Walayin si
Remotak, at sa Minisalaw Ganding para kay Walayin Mangobabaw.

Kasama ang kanyang mga bagong asawa, bumalik si Diwatandaw Gibon sa Bembaran at
sa sandaling marating niya ang Baroraw a Lena'an, ang lugar ni Pamanay Masalayon, sa pagitan
ng Bembaran at Kadera'an, iniutos niyang patunugin ang mga agong upang malaman ng lahat ang
kanilang pagdating at makapaghanda sa pagsalubong sa kanya at sa kanyang mga bagong asawa.

Nang marinig ni Aya Paganay Ba'i ang agong, siya'y di mapalagay at malungkot sapagkat
alam niya ang kahulugan nito. Pinawisang mabuti ang kanyang mukha. Ngunit naalala niya ang
itinuro sa kanya ng kanyang magulang at gaya ng isang tunay na mahinhing babae, tumindig siya
at tinawag ang lahat ng mga kababaihan at mga alipin. Inutusan niya ang bawat isa na maglinis at
gayakan ang torogan at ang lahat ng kapaligiran nito. Naghanda siya ng limang malalaking
silidtulugan, pinalamutian ang mga ito, at hinintay niya ang pagdating ng asawa.

Dumating ang Ayongan at magiliw na sinalubong ang kanyang asawa at ipinakilala ang
mga bagong asawa sa kanya. Binati niya nang magiliw at sinalubong sila sa Bembaran kaya ang
hari at ang kanyang mga asawa ay nabuhay nang magkakasundo sa maraming taon. Buhat sa
kanyang limang asawa, nagkaroon ng maraming anak si Diwatandaw Gibon na pawang mga babae.
Sila'y sina Mabolawan Pisigi ng Kadorangan a Lena; Walayin Dirimbangen o Mapatelama Olan
ng lambayo'an a Lena; Garugay a rawatan ni Bagombayan a Lena; Romentak a Bolawan ng
Sanggiringa a Dinar, at Mapagalong an sirig ng Minisalaw Ganding.
Pagkatapos mabuhay nang maligaya at labinlimang taon, tinipon ni Diwatandaw Gihon ang kanyang
malaking pamilya isang araw at nagsimula siyang magbigay ng kanyang huling testamento.
Nakaupo sa kanyang silya, nagbilin siya sa kanila. Sinabi niya sa kanyang mga asawa na kung ayaw
nilang magbalik sa kanilang tahanan pagkamatay niya ay maaari sila sa Bembaran at pantay-pantay
sila ayon sa kapangyarihan ng Aya Paganay Ba'i. Hinikayat niya ang kanyang dalawang anak na
lalaki na magpakabuti sapagkat pagkamatay niya, sila ang papalit sa kanya. Binalangkas niya para
sa kanila ang pagiging mabuting pinuno.
GORDON COLLEGE
Olongapo City Sports Complex, East Tapinac, Olongapo City
Tel. No. (047) 224-2089 loc. 314
Kolehiyo ng Edukasyon Sining at Agham

"Kung makarinig kayo ng anumang alitan sa inyong nasasakupan," simula niya, "dapat ninyo
itong ayusin sapagkat katungkulan ninyo ito, anyayahan man kayo o hindi na ayusin ito. Huwag
kayong kakampi sa anumang panig upang ang inyong pagpapasya ay maging karapatdapat. Kung
may utang na babayaran at ang isang panig ay kulang sa salapi, ibigay ito buhat sa sarili ninyong
salapi."

"Mayroon kayong limang kapatid na babae. Pagsapit ng panahon na sila ay dapat


magasawa, isangguni ang tungkol dito sa inyong kamag-anak, sa panig ko at sa panig ng inyong
ina. Huwag kayong makialam, kahit anuman ang mangyari hangga't nagkakasundo ang dalawang
panig sapagkat alam nila na kayong dalawa ang huli nilang daraingan at hihingan ng kapasyahan."
"Lagi ninyong ipagtanggol ang mga karapatan ng inyong nasasakupan sa Bembaran at
Minango'aw. Kayo ang kanilang tagapagtanggol at may karapatan silang asahan ito sa inyo
sapagkat kayo'y aking mga anak."

"Kung ang sinumang magsalita, laban sa inyo, kahit sino man sila, maging dugong bughaw,
mga karaniwang mamamayan, matanda o bata, dayuhan o katutubo, lalaki o babae, huwag kayong
sasagot kaagad. Isipin munang mabuti ang bagay-bagay. Kung ito'y gagawin ninyo, hindi kayo
magkakamali. Maging mapagpatawad kayo at matiyaga. Gayunman, kung ang pag-insulto ay inulit
pa, hamunin ang tao at ipagtanggol ang inyong karangalan hanggang kamatayan."

"Ang pamana ko lamang sa inyo ay mahahalagang manang-ari at iba pang ari-arian.


Alagaan ninyo ang mga ito, lalung-lalo na ang torogan, ang tore, ang bangkang Rinamentaw, ang
tatlong agong, Magindaya a Oray, Rogongan, at Memongano Dayiring."

Pagkatapos mawika ang mga ito, namatay si Diwatandaw Gibon. Namahala sa lahat si Aya
Paganay Ba'i. Iniutos niya na palamutian ang torogan at pinatugtog sa mga tao ang lahat ng mga
agong. Iniutos niyang isabit ang lahat ng bandera sa paligid ng torongan at sa harap ng bakuran
nito. Nagtayo ang mga tao ng osonan upang ipahiwatig sa lahat ng kalapit na gustong dumalo sa
libing ng patay na hari at pinagsabihan din ang lahat ng kamag-anak ng kanyang limang asawa.

Pagkalibing sa Ayonan, ipinaayos ang kasal ng kanyang anak na lalaking si Tominamam


Rogong kay Prinsesa Lalawanan ng Jolo. Pagkatapos ng kasalan, namuno si Tominamam sa Rogon
sa Bembaran na sinusundan ang bakas ng kanyang ama, ang matalinong Haring Diwatandaw
Gibon, ang unang hari ng Iliyan a Bembaran.
GORDON COLLEGE
Olongapo City Sports Complex, East Tapinac, Olongapo City
Tel. No. (047) 224-2089 loc. 314
Kolehiyo ng Edukasyon Sining at Agham
GORDON COLLEGE
Olongapo City Sports Complex, East Tapinac, Olongapo City
Tel. No. (047) 224-2089 loc. 314
Kolehiyo ng Edukasyon Sining at Agham

Pangalan: Petsa:
Baitang & Seksyon

1) Ano ang pook na nasasakupan ng hari? ( LITERAL)


A. Bembaran
B.Torogan
C.Samar
D.Minango
2) Sino ang babaeng sinasabing maihahalintulad sa ganda ng kanilang lugar?
(LITERAL)
A.Dinaraya
B. Aya Paganat Ba'I
C. Aye Paganat Bae
D.Diniraya
3). Anong emesyon ang nakita ng mga tao sa hari na labis nilamg ikinabahala?
(LITERAL)
A.Masaya
B.Malungkot
C.Sawi
D.Galit
4). Ito ay salitang " torog" na nangangahulugang " matulog" ( KRITIKAL)
A.Torugan
B.Torogon
C.Turogan
D.Torogan
5) Isang uri ng instrumentong pang musima sa Maguindanao. (KRITIKAL).
A.Adong
B.Agong
GORDON COLLEGE
Olongapo City Sports Complex, East Tapinac, Olongapo City
Tel. No. (047) 224-2089 loc. 314
Kolehiyo ng Edukasyon Sining at Agham

C. Abong
D.Wala sa nabanggit

C. Panuto: Tukuyin ang kasing kahulugan ng mga salitamg sumusunod.


1) Paglalayag
A.Pagtakas
B.Paglalayas
C.Paglalakbay
D.Lahat ng nabanggit
2) Dugong bughaw
A.Dukha
B.Mayaman
C.May kaya
D.Wala sa nabanggit
3) Dalampasigan
A.Lupain
B.Lawa
C.Ilog
D.Tabing - dagat 4)
MarikitA.Maamo
B.Maganda
C.Maputi
D. Mabait

5) .Anong Pangalan ng Tauhan?


A. Pangalan ng kanilang lugar
B. Pangalan na tumutukoy sa hari
C. Pangalan ng manunulat
GORDON COLLEGE
Olongapo City Sports Complex, East Tapinac, Olongapo City
Tel. No. (047) 224-2089 loc. 314
Kolehiyo ng Edukasyon Sining at Agham

Dalawang Mukha ng Siyensiya ni


Armando F. Kapuan
Napakaingat na tao ng mga siyentipiko. Kapag nais nilang suriin ang isang bagay. sisikap nilang
ibukod hangga't maaari ang sistemang ito at gawin itong napakasimple hangga't makakaya. Ideal
sa siyensiya na ibukod ang mga paisa-isang epekto ng mga paisa- isang kadahilanan.

Sa kasamaang-palad, bihirang-bihirang tumakbo sa ganitong ideal na antas ang kalikasan.


Ang mga simple't pang-araw-araw na bagay ay kombinasyon ng maraming nag- agnayang
kadahilanan at nang sa gayon din karami't kasalimuot na nag-uugnayang epekto. Sa isang likas na
bagay, tulad ng ulan, na wari'y nagaganap nang di kinasasangkutan ng tao, hindi natin ito gaanong
iniintindi. Ngunit tayo'y nababahala kapag ang mga aktibidad ng tao ay tuwirang impluwensiya at
tuwirang naiimpluwensiyahan ng isang likas na penomenon (lalo na't pangekonomiya ang mga
aktibidad na ito).

Halimbawa ng ganitong penomenon ang mabilis na paglago ng nilad (water lily) sa ibabaw
ng Laguna de Bay. Sa maraming lugar sa paligid ng lawa, biglang nahinto ang pangingisda
sapagkat natabunan na ang lawa ng makapal na halamang tatlong piye sa ibabaw at ilan pang piye
sa ilalim. Dahil sa labis na kapal nito'y hindi man lamang mailunsad mula sa pampang ang mga
bangka ng mangingisda. Makakita man ang mga mangingisda ng puwang na may tubig na
mapaghahagisan ng lambat, ang biglang bugso ng hangin ay mabilis na tumatangay sa nakapaligid
na nilad upang pumulupot ito na tumatangay sa lambat. Napakalubha ng nagiging epekto nito sa
kabuhayan. Bumaba na ang kita ng mga taong umaasa sa pangingisda sa lawa. Dahil dito'y hindi
mabayaran ang mga inutang para sa kagamitan sa pangingisda at ang buhay nila'y naging
sangkahig-sangtuka na lamang.

Sa problema ng enviromental pollution pagpaparumi sa kapaligiran, kapansin-pansin kung


paanong ang magagandang intensiyon Sa isang larangan ay nagkakaroon ng masasamang epekto
sa iba namang larangan. Ang paglikha sa mga sabong panlinis (na nagkakataong nababase sa
petrolyo tulad ng karamihan sa mga modernong kemikal) ay itinuturing na napakabuting bagay at
GORDON COLLEGE
Olongapo City Sports Complex, East Tapinac, Olongapo City
Tel. No. (047) 224-2089 loc. 314
Kolehiyo ng Edukasyon Sining at Agham

humantong paggamit dito sa halos lahat na ng "modemong" pook-tahanan ng mga tao. Subalit
upang umubra, ang mga pormula na sabon ay kailangang gumamit ng napakaraming aditibong
phospate, Sapagkat ang sabong pampaligo at panlinis ay ginagamitan ng tubig, sapagkat
karaniwang itinatapon ang gamit ng tubig, lumaki nang lumaki ang konsentrasyon ng phospate sa
mga batis, ilog, at lawa,Ang phone (kasama ang nitrate) ay mahalagang bahagi ng pagkain ng mga
halamang. tubig at ang pagdami ng sustansiyang ito ang dahilan ng pagkapal ng mga organismong
hanggang sa yaong mga tobigan na dati'y bumubuhay sa maliit at matatag na populasyon ay naging
mga berdeng sopas at may panahong taon-taong namamatay at bumabaho. Ang ganitong
pagpapataha sa pamamagitan ng sustansiya na humahantong sa "pamumukadkad ng alga" ang isa
sa pangunahing sanhi ng pagtanda ng mga tubigan o yaong tinatawag na cutropikasyon Bukod sa
pagbaba ng kalidad ng tubig (ang tubig na may alga ay hindi maiinom, salain man) ang
cutropikasyon ay makaaambag pa sa mga pangyayaring nakasisira sa kabuhayan, tulad nitong
nakaraang pagkamatay ng mga isda sa mga baklad sa Laguna.

Makikita ang pagdadalawang-mukha ng siyensiya sa naganap sa Laguna. May pagsisikap


na makagawa ng kabutihan-pag-unlad sa pamamagitan ng siyensiya. Subalit a halip na kabutihan
ang idulot ng siyensiya, ang di-inaasahang epekto ay kapahamakan. Mangyari pa ba ito sa buktot
na tendensiyang sinasadya man o hindi ay may layong makapinsala sa pasimula pa man.
Napakaraming negosyante ang sa kasamaang-palad ay nasa kategoryang ito. May mga masisibang
may-ari ng trosohan na kumakalbo sa mga bundok, mga nanghuhuli ng balyena na halos nakalipol
na sa ilang uri ng balyena, mga tagamanupaktura ng kemikal na nakalason na sa kilo-kilometrong
ilog at ekta-ektaryang lupang agrikultural.

Ang nakapanghihinayang sa pagdadalawang-mukha ng siyensiya ay ang bagay na tunay na


nagsisikap makagawa nang mabuti ang mga taong kasangkot sa iba't ibang aktibidad kaugnay nito.
Kaya't inihihimatong man ng maingat na pagsusuri na maaaring makalikha ng pinsala, mahirap na
ring maneutralisa ang kanilang marubdob na pagsisikap "Papanong kakalabanin mo ang mas
malawak na empleyo, mas malaking produksiyon ng bigas, mas mataas na GNP?”
GORDON COLLEGE
Olongapo City Sports Complex, East Tapinac, Olongapo City
Tel. No. (047) 224-2089 loc. 314
Kolehiyo ng Edukasyon Sining at Agham

Paano haharapin ng mga siyentipiko ang ganitong pangyayari? Ano ang kailangan upang
ito'y maunawaan? Ano ang ating magagawa tungkol dito?

Nitong nagdaang panahon, maraming siyentipiko ng kalikasan ang nagpapalagay


na dapat tayong gumamit hindi lamang ng utak sa pagharap sa napakakumplikadong mga sistema
(tulad ng problema ng eutropikasyon), gaya ng paggamit natin
hindi lamang ng lakas ng masel upang gampanan ang ating aktibidad. Dapat nating
harapinang tunay na masalimuot na kalagayan ng mga likas na penomena, sapagkat
ang siyentipikong ideal ang pagbubukod at simplikasyon ay hindi uubra sa ganitong larangan.
Ngunit upang makapagtrabaho man lamangsa
ganitong kapaligiran na wika ng isang siyentipiko ay "magulo, hindi maaaring "utak lamang" ang
gagamitin. Ang ganitong larangan ay siyentipikong pagsisikap na hindi pa lubos na kilala at
nasaliksik sa bayang ito.
GORDON COLLEGE
Olongapo City Sports Complex, East Tapinac, Olongapo City
Tel. No. (047) 224-2089 loc. 314
Kolehiyo ng Edukasyon Sining at Agham

Pangalan: Petsa:
Baitang & Seksyon:

Panuto: Bilugan ang letra tamang sagot.

1) Ano ang pamagat ng teksto?


a. Dalawang Mukha ng Piyesta
b. Dalawampung Mukha ng Siyensiya
c. Mukha ng Sensa
d. Dalawang Mukha ng Siyensiya

2) Bakit maraming mangingisda ang biglang hinto sa pangingisda?


a. Sapagkat puro patay ang mga isa
b. Sapagkat natabunan na ang lawa ng makapal na halaman.
c. Sapagkat mataas ang tubig
d. Wala sa nabanggit

3) Ano ang nais ipahiwatig ng teksto?


a. Ang pagkasira ng kalikasan
b. Ang pagkasira ng tahanan
c. Pagkakaroon ng mgahalaman
d. iba't - ibang uri ng isda at halaman

4) Ito ay mahalagang nahagi ng pagkain ng mga halamang- tubig


a. Posphates
b. Phospata
c. Phoslates
d. Phospate

5) Saan makikita ang dalawang mukha ng siyensiya?


a. Cebu
b. Laguna
c. Cavite
d. La Union
GORDON COLLEGE
Olongapo City Sports Complex, East Tapinac, Olongapo City
Tel. No. (047) 224-2089 loc. 314
Kolehiyo ng Edukasyon Sining at Agham

Panuto: Isaayos ang mga salita ayon sa kasidhian ng kahulugan ng mga sumusunod.

1) Masisiba, masasakim, matatakaw


_____________________________
2) Bugso, kagyat, bigla
_____________________________
3) Itaas, tuktok, ibabaw
_____________________________
4) Naubos, nakapatay, nakalipol
_____________________________
5) Masidhi, marubrob, matindi
_______________________________
GORDON COLLEGE
Olongapo City Sports Complex, East Tapinac, Olongapo City
Tel. No. (047) 224-2089 loc. 314
Kolehiyo ng Edukasyon Sining at Agham

Saranggola ni
Efren R. Abueg
Rading, Paquito, Nelson... pakinggan ninyo ang kuwentong ito.
May isang batang lalaki, walong taong gulang. Humihiling siya sa kanyang ama ng jung
guyon.
"Anak, ibibili kita ng kawayan at papel. Gumawa ka na lamang ng saranggola," wika ng
ama.
"Hindi ako marunong, Tatay," anang batang lalaki.
"Madali "yan. Tuturuan kita," sabi ng ama at tinapik sa balikat ang anak Bumili nga ito
ng papel at kawayan, tinuturuang gumawa ng saranggola ang anak.
Ngunit nang nagpapalipad na ng saranggola ang bata, ang taas niyon ay laging
mahihigitan ng mga guryon ang malalaking saranggola.
Tatay...ibili mo ako ng guryon," sabi uli ng bata sa ama.
"Anak...pag-aralan mo na lamang mapalipad nang mataas ang suranggola. Madadaig mo
ang taas at tagal ng lipad ng guryon!”
Nainis ang bata sa kanyang ama.
"Kinakantiyawan ako sa bukid, Tatay," anang bata. "Anak daw ako ng may-ari ng
kaisaisang estasyon ng gasolinahan sa bayan Bakit daw kay liit ng saranggola ko!" Nagtawa ang
ama at tinapik na naman sa balikat ang bata.
Tinuruan nga ng ama ang bata ng higit na mataas na pagpapalipad ng saranggola pat na
ang pagpapatagal niyon sa kalawakan. Nalagpasan nga ng suranggola niya ang thang guryon
Ang iha namang guryon na lumpad nang pagkataas-taas ay nalagutan ng tali at nagsibagsak bali-
bali ang mga tadyang, wasakwasak.
Minsan sa pagpapataas ng lipad ng bata sa kanyang saranggola, napatid ang tali.
Umalagwa ang saranggola Hinabol nilang magama iyon at nakita nilang nakasampid so
isang balag
"Tingnan mo hindi nasira," nagmamalaking wika ng ama. "Kung guryon 'yan, nawasak
na dahil sa laki. Kaya tandaan mo, ang taas at tagal ng
pagpapalipad ng saranggola ay nasa husay, ingat, at byaga Ang malaki ay madali ngang tumaas,
pero kapag nasa itaas na, mahirap patagalin doon at kung bumagsak, laging nawawasak.
Nakalimutan na ng batang iyon ang tungkol sa saranggola nang maging katorse anyo siya.
May iba na siyang hilig damit, sapatos, malaking baon sa eskuwela, at pagsama-sama sa mga
kaibigan.
"Anak dalawang sapatos lamang ang gagamitin mo sa pasukang ito. Kung masira saka na
papalitan. Magtitipid ka rin sa damit at huwag kang gusta nang gasta. Hindi madaling kitain
ang salapi," pagunita ng kanyang ama.
GORDON COLLEGE
Olongapo City Sports Complex, East Tapinac, Olongapo City
Tel. No. (047) 224-2089 loc. 314
Kolehiyo ng Edukasyon Sining at Agham

"Kawawa nga ako, Tatay." katwiran ng bata: "Anak ako ng tanging may-ari ng estasyon ng gasolina
at machine shop sa bayan natin, pero ang itsura ko... parang anak ng pobre."
"Disente ka naman Malinis ang damit mo, husto ka sa mga gamit sa eskuwela at husto ka
rin sa pagkain. Hindi dapat sobra sa mga pangangailangan ang isang batang tulad mo. Hindi
natututuhan ang pagtitipid."
Hindi naunawaan ng bata ang paliwanag ng ama at nagkaroon siya ng hinanakit dito.
Tinitipid siya sa lahat ng bagay, hinihigpitän sa pagsama-sama sa mga kabarkada at madalas
pinatatao sa istasyon ng gasolina at pinatutulong sa machine shop kung araw na walang klase
"Pinahihirapan talaga ako ng Tatay," puno ng hinanakit ang tinig na pagsusumbong ng bata sa ma:
"Kaisa-isa pa naman akong anak, ang turing niya sa akin... parang ampon.
"Hindi totoo ang sinabi mo, anak," malumanay na sansala ng kanyang paghihinanakit niya
sa ama. "Alam mo, mataas ang pangarap mya para sa iyo."
"Bakit? Ano ang gusto niya para sa akin?"
"Ibig niyang maging mahusay kang inhinyero.”
Hindi na kumibo ang bata at hindi rin napawi ang hinanakit niya sa ama. Gayunman hindi
na siya makapaghimagsik dito Iginagalang niya ito at pati ang kanyang ina.
Nang labingwalo na siya, napagkaisahan ng kanyang mga barkada na kumuha sila ng
commerce.
"Mabuti 'yon Magsama-sama tayo sa isang unibersidad," mungkahi ng isa sa limang
magkakaibigan.
Pumayag siya. Ngunit nang kausapin niya ang ama, tumutol ito.
Inoobserbahan kita, anak. Hindi mo hilig ang commerce. Palagay ko mechanical vering ang bagay
sa iyo. Tänungin mo ang iyong ina.
Masama man ang loob, sumangguni pa rin siya sa ina
"Hindi sa kinakampihan ko ang iyong ama, anak. Pero sa tingin ko.. engineering nga ang
bigay sa iyo. May machine shop tayo..sino ba ang magmamana niyon kundi ikaw
Nasunod ang kanyang ama at napilitan siyang tumiwalag sa kanyang barkada. Napag-isa
sya sa pag-aaral sa higsod at ngayong binata na siya, hindi na hinanakit kundi paghihimagsik and
ang kanyang nadarama.
" Ayoko nang mag-aral, Inay." sabi niya sa kanyang ina nang dalawin siya nito sa
Sormitoryo "Tipid, pagtitiis, kahihiyan lamang ang dinaranas ko. Bakit ako ginaganoon ni Jay
Gusto ha niya akong pahirapan?"
Pinayapa ng kanyang ina ang kanyang kalooban.
"Magtiwala ka sa amin, anak Wala kaming gagawin ng iyong ama kundi makabubuti sa
iyong hinaharap."
"Makabubuti ba sa akin ang magmukhang basahan at magdildil ng asin?
GORDON COLLEGE
Olongapo City Sports Complex, East Tapinac, Olongapo City
Tel. No. (047) 224-2089 loc. 314
Kolehiyo ng Edukasyon Sining at Agham

"Makabubuting matuto kang magtiss Pagkatapos mo naman ng


pag-aaral at magtagumpay ka sa hanapbuhay, magiging magaan sa iyo ang lahat."
"Bakit kailangan ko pang magtagumpay? Hindi ba't pamamana ninyo sa akin ni Itay ang
ating kabuhayan""
"Totoo iyan, anak pero paano mo mapauunlad ang ating kabuhayan kung hindi mo alam ang
mga hirap sa pagtatayo niyan??"
Hindi maintindihan ng binata ang sinabi ng kanyang ina, subalit naisip niyang
makapagtitiis pa siya. Isinubsob na lamang niya ang ulo sa pag-aaral.
Nakatapos naman ng inhinyerya ang binata. Hindi siya nanguna sa klase, ngunit
sapagsusulit sa gobyerno, nakabilang siya sa nangungunang unang dalawampu.
“Ngayon, anak...bibigyan kita ng sampung libong piso.
Gamitin mo sa paghahanapbuhay." sabi ng kanyang ama nang makuha na niya ang
lisensiya bilang mechanical engineer.
Namangha siya.
"Akala ko ako na ang hahawak ng ating machine shop pagkatapos ko ng pag-aaral." wika
niya sa ama
"Bata pa ako, anak. Kaya ko pang mag-asikaso ng hanapbuhay na iyan. Saka ibig ko
magpundar ka ng sariling negosyo."
"Bakit pa, Itay? Mayroon na tayong negosyo."
"Mabuti na 'yong makatindig ka sa sarili mong mga paa"
Tinanggap niya ang halagang ipinagkaloob ng ama. Humiwalay na rin siya ng tirahan mga
magulang
"Alam kong malaki ang hinanakit mo sa iyong ama. Gayunman, ibig kong isaisip mong
kabukasan mo ang lagi niyang inaalala."
Ngunit may lason na sa kanyang isip Hindi na siya naniniwala sa sinabi ng kanyang
Naging lubos ang paghihimagsik niya sa kanyang ama.
Nagtayo siya ng isang machine shop sa dulo ng kanilang bayan. Agad-agad siyang
pinagsadya ng kanyang ama.
"Bakit hindi pa sa ikatlong bayan ka nagtayo ng machine shop? Magkukumpetensya pa
tayo rito."
"Akala ko ba'y bahala na ako sa buhay ko, Itay?"
Natigilan ang kanyang ama, saka napailing. Nag-iwan pa ito ng salita bago lumisan. "Kung
sabagay mabuting magturo ang karanasan."
May isang taon ding nagtiyaga ang binata sa pamamahala ng kanyang malite machine shop
sa dulong bayan. Kakaunti ang kanyang parokyano dahil higit na malaki a machine shop ng
kanyang ama at mahusay ang mga tauhan nito. Nagkautang tuloy siya s labindalawang libo sa mga
GORDON COLLEGE
Olongapo City Sports Complex, East Tapinac, Olongapo City
Tel. No. (047) 224-2089 loc. 314
Kolehiyo ng Edukasyon Sining at Agham

kinukunan niya ng materyales. Nang hindi siya makabayad, m ang mga makinang kanyang
ginagamit.
"Nabigyan na kita ng pang-umpisang puhunan. Hindi ka sumunod sa mungkahi ko na
umiwas sa kumpetisyon. Subukin mo namang maghanap ng puhunan sa sarili pagsisikap
Noon nagsiklab ang binata. Nakalimutan niya ang paggalang sa mga magulang Dumabog
siya sa harap ng ama.
"Ano kayong klaseng ama? Bakit ninyo natitiis ang inyong anak? Kasiyahan ba niny
makitang nahihirapan ako?"
“Ibig kong matutuhan mo ang lahat ng nangyayari sa buhay na ito. Hindi madali mabuhay
sa mundo, anak."
"Hindi ba kaya may mga magulang ay para gumaan ang buhay ng mga anak?"
"Ang ikagagaan ng buhay ng mga anak ay wala sa mga magulang kundi nasa mga
itinuturo nila sa mga ito."
Nagkahiwalay ng landas ang mag-ama. Naglayas ang binata nang hindi man lang
nagpaalam kahit sa ina. Nagpalipat-lipat sa kung saan-saang trabaho hanggang pagkaraan ng
limang taon, nakaipon siya ng sampung libong piso at nakabili ng maliit na machine shop
Kumontrata siya ng paggawa ng tambutso sa isang auto assembler at kumita siya nang malaki
Sa loob ng tatlong taon, nagtayo na rin siya ng machine shop.
Ang dugo ay dugo, ang kasabihan, kaya dinadalaw ang binata ng kanyang may edad
nang ina. Isang araw, dumating ito sa kanilang bahay, gaya ng dati may pasalubong s
tatlong apong lalaki.
"Ibig ng Itay mong makita ang kanyang mga apo, pero hindi siya makadalaw rito dahil
sa hinanakit mo," sabi ng kanyang ina "Kinalimutan ko na, Inay, na nagkaroon ako ng ama!"
Umiyak ang kanyang ina.
"Kung gayon... baka hindi na kayo magkita, anak!" nawika nito bago umalis. Si tindi ng
hinanakit, hindi pa rin niya binigyang-halaga ang bulalas na iyon ng kanyang ina Nagpakagumon
siya sa trabaho, naghanap pa ng mga bagong kontrata hanggang sa loob pang dalawang taon, kilala
na ang kanyang machine shop sa Pasay. Isang araw, hindi niya dinatna ang kanyang asawa at
tatlong anak sa bahay.

"Nasaan sila?" usig niya sa mga katulong.


"Umuwi ho sila sa probinsya.
patawirin daw ho ang inyong ama!"
"Umuwi uli? Bakit, lagi ba sila roon?" Tumango ang tinanong na katulong.
"May dalawang taon na hong parati silang nagpupunta roon. Dinadalaw ang
inyong matanda"
GORDON COLLEGE
Olongapo City Sports Complex, East Tapinac, Olongapo City
Tel. No. (047) 224-2089 loc. 314
Kolehiyo ng Edukasyon Sining at Agham

May poot na sumiklab sa kanyang dibdib. Nanlambot siya sa galit. Ngunit sa


pagkakaunawang patawirin ang kanyang ama, nagbalik sa kanyang isip ang masasayang sandali
sa piling nito. Nagunita niya ang pagpapalipad nila ng saranggola.
"Wala sa laki ng saranggola ang pagpapalipad at pagpapatagal niyon sa itaas, nasa husay,
tiyaga, at ingat iyan!"
Magdamag siyang hindi mapalagay Lagi niyang naiisip ang sinabing iyon ng kanyang ama.
Kinabukasan, sakay ng kanyang kotse, nagbalik siya sa bayang sinilangan.
"Patay na siya!" bulalas ng kanyang asawang umiyak sa kanyang dibdib.
May nabugnos na moog sa kanyang puso. Ang hinanakit ay nahalinhan ng pagsisisi
Nilapitan niya ang ina at sa pagkakayakap dito, umiyak siya nang marahan, kasamang
nagdadalamhati ang lahat ng himaymay ng kanyang laman.
"Huwag kang umiyak... namatay siyang walang hinanakit sa iyo," anas ng kanyang ina.
"Wa-walang hinanakit?"
"Oo, anak... dahil natupad na ang pangarap niya. Nasa itaas ka na. At sabi niya sa akin. pati
sa asawa mo. nakatitiyak siya na makapananatili ka roon."
Nang lapitan niya ang kabaong ng ama at tunghayan ang mga labi nito, parang lumundag
ang kanyang puso at humalik sa pisngi ng yumao. Kasunod niyon, nagunita na naman niya ang
pagpapalipad nila ng saranggola.
"Wala sa laki ng saranggola ang pagpapalipad at pagpapatagal niyon sa itaas. Nasa
husay at tiyaga at ingat iyan. Hayaan mo. . tuturuan kita!" paliwanag ng ama.
Rading, Paquito, Nelson... tandaan ninyo ang kuwentong iyan. Kuwento namin iyan ng
inyong namatay na lolo. Kuwento naming dalawa iyan.
GORDON COLLEGE
Olongapo City Sports Complex, East Tapinac, Olongapo City
Tel. No. (047) 224-2089 loc. 314
Kolehiyo ng Edukasyon Sining at Agham

Pangalan: Petsa:
Baitang & Seksyon:

A. SURIIN: Sagutin ang sumusunod na katanungan.


1) Paano sinimulan ang kwento?
________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________

2) Ano ang palaging hinihiling ng pangunahing tauhan sa kwento?


____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________

3) Sa paanong paraan pinangaralan ng ama ang kaniyang anak?


________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________

4) Bakit hindi sang – ayon ang kaniyang ama't ina sa gustong kursong commerce?
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________

5) Paano ipinaramdam sa kwento ang pagsisisi ng isang anak sa kaniyang ama?


________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________

B. Tukuyin sa loob ng kahon kung sinong tauhan ang nagsasalita sa kwento at ipaliwanag kung bakit
ito ang kaniyang itinugon. Ilagay ang sagot sa patlang.

Ama, Ina, Asawa, Kaklase, Kapatid, Katulong, Anak

1)" Kaya tandaan mo, ang taas at tagal ng pagpapalipad ng saranggola ay nasa husay,
ingat, at tiyaga. Ang malaki ay madali ngang tumaas, pero kapag nasa itaas na, mahirap patagalin
doon at kung bumagsak, laging nawawasak"
2) " Magtiwala ka sa amin, anak. Wala kaming gagawin ng iyong ama kundi
makabubuti sa iyong hinaharap"
3) " Anak ako ng tanging may- ari ng estasyon ng gasolina at machine shop sa bayan
natin, pero itsura ko... Parang anak ng pobre"
4) " Patay na siya?"
5) " Ang ikagagaan ng buhay ng mga anak ay wala sa mga magulang kundi nasa mga
itinuturo nila sa mga ito.
GORDON COLLEGE
Olongapo City Sports Complex, East Tapinac, Olongapo City
Tel. No. (047) 224-2089 loc. 314
Kolehiyo ng Edukasyon Sining at Agham

You might also like