You are on page 1of 6

PANATA SA KALAYAAN

ni Amado V. Hernandez

(1)

[INTRO]

(BATA DAHAN-DAHAN! –IVOS)

Bata dahan dahan,

Bata dahan dahan,

Bata, bata

/putok ng baril

“KRIMINAL!”

“wala akong sala!”

Bilanggo: piit ng malupit

na kapangyarihang bihag din ng kaniyang takot sa matuwid;

“mga anak ko, pamilya ko huhuhu”

daming mga araw, ang aking asawa ay HINDI ‘di makalapit,

mga kaibigan, kasama't kapatid,

‘DI PWEDE bawal ang sa aki'y makipag-ulayaw kahit ilang saglit;

ibong pinilit na'y walang habag pa ring pinutlan ng bagwis;

mistulang salarin o isang maysakit

biglang iniligpit

at itnitiwalag nila sa daigdig;

ang aking higaa'y tabling maligasgas at wala ni banig,

na iisang dangkal na amoy-libingang sementong malamig,

ang aking pagkain ay laging mapait,

ang kasuotan ko ay laging limahid;

ang mukha ng araw, ano bang tagal nang sa aki'y nagkait?

Ang yabag ng kawal na bantay*/stomp 3x ay dinig

Sa gabing pusikit,
TIk…TAK…TIK…TAK… ang tiktak ng oras, tila tanikalang di mapatid-patid...

(2)

“Tulong! Tulungan niyo kami!”

*/ nagmukmok

*/nagwala

“MGA BINGI! BULAG!”

Ako'y nagtitiis...

A, labis at labis

ang bintana kong tiisi't hinagpis!

Walang sumasagot; walang umiimik...

Ako ba'y suminsay sa batas kung kaya pinagdusang tikis?

Nagdaya? Pumatay? Nanggaga? Nanggahis?

Nagpayaman baga sa pamumulubi ng bayan kong amis?

BAKIT!?

Gising ang Bathala't kaniyang nababatid

na kung tunay akong nagkasala'y dapat purihin ng higit:

kasalanan kayang madilat ng mata at magbuka ng bibig?

kasalanan kayang magtanggol-itindig

ang katotohana't katarungang lupig

ng bayang mahirap—ng dutsang paggawa't aping magbubukid?

Kasalanan nga bang ang buhay ng dukha't dangal ng maliit

Ibangon ng buong pagmamalasakit?

Laban sa tirano, diba kabanalan ang paghihimagsik?

GUMISING KAYO!

(DEKADA ’70)

*/umiiyak si/sila bilanggo habang pinaparusahan


Panahong walang palag, marami ang bulag

Natunaw ang habag sa taong lumabag

Di ka niyan pagbibigyan

Wala ka nang palag

/exit /pasok si gobyerno kaway kaway sa mga tao

/mga tao lumalapit

(3)

Ngunit hindi lihim sa kahit sino:

pag ang namumuno sa isang gobyerno

ang unang hangarin ay pananagano

sa kapangyarihan, kamanyang at gintong akibat ng trono,

ulong sa putikan pupulutin bawat di yumukong ulo...

“huwag po! Maawa kayo may pamilya pa ako”

*/ ginilitan ni gobyerno si mamamayan

*/ hinagpis ng pamilya

/nabuhay si mamamayan for a moment

“bulag ka, at ikaw ay bulag, lahat, lahat tayo ay bulag!”

Ganyang ang istorya mula kay Kristo

hanggang kina Burgos, Rizal,Bonifacio

at maging nito mang itinitimpalak na malaya tayo;

lumuluhod sa puno't humalik ng kamay sa palalong dayo

ang di mababaling tuntuni't panuto,

at pagkakasala sakaling matuto

ng pangangatwiran: Itong Pilipinas ay sa Pilipino!

(4)

Ako'y ikinulong ng mga kaaway ng laya't liwanag---

ng laya sa gutom,ng laya sa takot at layang mangusap,

ng layang sa Bathala't hindi sa Diyos na huwad;


salamat,

at libong salamat...

Talastas kong ako'y hindi nag-iisa sa ganitong hirap,

talastas kong ako'y hindi nag-iisa sa pagkawakawak;

puo-puong libo,laksa,yuta't angaw ang kaisampalad na tagapagmana ng masayang Bukas;

ang taghoy ng bawat inang Sisa sa dusang dinanas,

ang may luhang dasal na nagluksang balo sa asawa't,anak, ang iyak ng batang sa kasanggulan pa'y
ulila nang ganap---

mga walang-malay na di iginalang ng bangis at dahas,

ay dinig kong lahat,

mabisang balsam sa kirot ng aking kaluluwang may sugat

(5)

Ang libong nagsadlak sa mga piitan

Na kawangis ko ring pinapagkasala'y walang kasalanan

Ang lakang inusig at pinarusahan

Kahit walang sakdal

Ni hatol ang aling may puring hukuman,

Ang hindi mabilang

Na pinagmalupitan sabukid at nayon,sa lungsod at bayan,

Ang lahat ng dampa,kubo,barumbarong na nilapastangan,at ipinalamon sa apoy, pati na ng


naninirahan,

Ang mga nalibing nang walang pangalan

Ni krus man lamang,

Di makakalimot ni malilimutan,

At ang tinig nila'y abot sa pandinig ng kinabukasan.

{6}

Yaong mataimtin
sa pananalangin

yaong tumatangis sa gitna ng dilim

ng gabing malalim,

yaong libanga'y malimit abutin

ng maputlang sinag ng mga bituin,

yaong tigib-hapis ang ligaw na daing

magmula kung saang anakin ay buntung-hininga ng hangin,

yaong naglalamay sa parang, sa gubat at bulubundukin,

supling nina Elias at Kabesang Tales ng liping magiting na sumumpang hindi magpapaumanhin

sa pang aalipin;

sa tahasang turing:

lahat siniil

na may karapatan at nasang maningil,

sila'y hada't gising

at kaisang-layon ng tanang sa baya'y hindi nagmamaliw

isang bansang lakas na di mapipigil

isang mundong buhay na di masusupil,

siyang sasalubong sa gintong liwayway ng ganitong mithiin!

(7)

Ang aking katawa'y oo nga't bilanggo,

ngunit ang isipan at tibok ng puso

ay di mangyayaring kulungin saglit man ng bakal o ginto;

ang pananalig ko at malayang kuro,

kasama ng hangin at sikat ng araw sa lalong malayo;

sa huni ng ibon, sa sigaw ng alon at angil ng punglo,

sa tutol ng madla sa lahat ng utos na buktot at liko,

sa sumpa ng tao na kawalang-budhi ng masamang puno,

ang nakikisaliw ang aking kaluluwang walang pagkahapo,


hanggang sa makamtan ng bayan ang taal na lupang pangako

ang kahit na nila kitlin ang buhay ko't biyakin ang bungo,

sa bungo ko'y buong makalimbag pa rin sa sariwang dugo:

"Pilipino akong sa pambubusabos ay hindissss susuko!"

You might also like