You are on page 1of 2

BALITANG ISPORTS

KABATAANG ATHLETA SA JABOY ES MATAGUMPAY NA NAKILAHOK SA DISTRICT


SELECTION SPORTS MEET

Sinulat ni: Ruby P. Magallanes/ Grade VI- Pupil/ Jaboy ES

Noong nakarang ika-6 ng Enero, 2024 matagumpay na nakilahok ang mga Kabataang athleta sa
paaralang Elementarya ng Jaboy sa District Selection Meet na ginanap sa paaralang Elementarya ng
Caridadad ang Athletics na Laro at ang Badminton na laro ay sa Lungsod ng Pilar, Surigao del Norte
Gymnasium. Bago pa man sumabak sa palarong isports ang mga Kabataan sa paaralang Elementarya ng
Jaboy ay masusing pinipili kung sino ang may kakayahan sa paglalaro. Mayroong kalahok sa Athletics at
Badminton Isahan at Dalawahan. “Piliin mo lang ang batang pinakamahusay at angkop sa kanyang
kakayahan sa paglalaro”, sabi ng ulong-guro ng paaralan sa isang guro.

Todo ensayo ang lahat ng athleta para makaseguro na makakuha ng panalo. Sa Larong athletics walong
Kabataan ang kalahok, sa larong Badminton ay tatlo naman. Silang lahat ay wala pang karanasan na
lumahok sa isang laban ng laro. “ Ginagawa namin ang lahat naming makakaya panahon sa laro at
salamat sa Ginoo adto na mga panahon”, sabi ng isang manlalaro.

“ Nangita kami adto ug tagsuportahan namo anak adtong nagdula sija , malipajon kami na isa na napili
an an amo bata aron morepresentar sa eskuwelahan ug pasalamat kami sa ija maestra sa kahago sa
pagtudlo sa dula” sabi ng magulang.

“Sinisiguro namin na sila ay mahasa lahat, practice sila sige tapus at encourage namo sila na i-enjoy lang
gud nila samtang magdula sila” pahayag ng isang guro.

Ang paaralan ay nakakuha lamang isang panalo sa larong Badminton. “Hindi man pinalad ang ibang
bata na manalo, napagtagumpayan naman nila ang paglahok sa District Selection Meet at malaking
bagay na iyon, babawi na lang kami sa susunod na laban”, sabi ng ulong-guro ng paaralan.

Ipinagdiwang ng paaralan ang tagumpay ng Kabataang athleta, at ipinagmalaki sila sa publiko at


komunidad.

You might also like