You are on page 1of 1

TEAM RENZ BALTAZAR

Agosto 17, 2023

G. ELMERSON M. PAULETE
Punong Guro
Bugarin Integrated National High School
Sitio Bugarin Barangay Halayhayin, Pililla, Rizal

Mahal na Punong Guro,

Ang pagpapala po ng ating Lumikha ay laging sumainyo.

Ang Barangay Halayhayin SK Aspirants Team Ato Juan, sa pakikipagtulungan ng


Sangguniaang Barangay ng Halayhayin ay magkakaroon po ng “Community Basic Life Support
Training. Ito po ay gaganapin sa ika- 19 ng Agosto taong kasalukuyan sa ganap na ika-7 ng umaga
(1 whole day training). Layunin po nito na makapagturo ng mga kaalaman tungkol sa Basic Life
Support sa ating mga kababayan. Kaugnay po nito kami po ay lumalapit sa inyong tanggapan upang
humingi ng pahintulot na magamit ang covered court ng BUGARIN INTEGRATED NATIONAL HIGH
SCHOOL bilang training venue para sa nasabing pagsasanay. Inaanyayahan din po namin ang mga
guro lalot higit ang nakatalaga para sa inyong School DRRM para libreng makakuha ng training.

Maraming Salamat po at inaasahan po namin ang inyong pabor at mahalagang pagtugon. God
Bless!

Sumasainyo,

You might also like