You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Department of Education
NATIONAL CAPITAL REGION
SCHOOLS DIVISION OF PASIG CITY
ILUGIN ELEMENTARY SCHOOL
PINAGBUHATAN, PASIG CITY

LIHAM-PAHINTULOT PARA SA MGA MAGULANG PARA SA


PAGTATALAGA NG MGA BATANG LALAKING KAB SCOUT AT DAY CAMPING
(GRADE ONE)

Ika - 13 ng Nobyembre, 2023


Mga Mahal naming Magulang,

Ang KAPATIRANG SCOUT NG PILIPINAS ay ang Pambansang Asosasyon ng mga Kalalakihang Scout ng Pilipinas, kaugnay nito, a ng MABABANG
PAARALAN NG ILUGIN ay magkakaroon ng PAGTATALAGA NG MGA BATANG LALAKING ISKAWT sa Martes Ika- 21 ng Nobyembre, 2023 ,
mula 1:00 ng hapon hanggang 3:00 ng hapon sa IES Conference Hall. Ito ay isang paanyaya kung kayo ay boluntaryong pinahihintulutan ang
inyong anak sa aktibidad na ito.

Ang DAY CAMPING naman ay gaganapin sa Sabado Ika-24 ng Nobyembre, 2023 mula 8:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali. Ito ay may
Registration Fee na P 100.00 (para sa kanilang snacks, souvenir, certificate, awards, at iba pang kagamitan sa scouting).

Ang layunin ng SCOUTING ACTIVITY ay ang mga sumusunod:


 Ang ipatimo sa isipan ng mga batang iskawt ang pagmamahal sa DIYOS, sa BANSA, at sa KAPUWA;
 Ang maihanda ang kabataan sa RESPONSABLENG PAMUMUNO; at
 Ang maging bahagi sa PAGBUO ng isang lipunang naaayon sa PATAKARAN, PRINSIPYO, at PROGRAMA ng pag-iiskawt.

Inaasahan po namin ang inyong positibong pagtugon kaugnay dito.

Maraming Salamat Po!

Lubos na gumagalang,

GLENDA C. PEPITO, WBH


School KAB Scout Coordinator

SHERRY S. BASIÑO, WBH


School BSP Coordinator /Unit Leader

Pinagtibay ni:

MANUEL A. ROSALDO JR.


Institutional Head/Principal IV
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
PAHINTULOT NG MAGULANG

Ito ay nagpapatunay na ang aking anak na si _____________________________ na nasa Baitang/Pangkat _______________________


ng Mababang Paaralan ng ILUGIN ay pinahihintulutan kong lumahok sa PAGTATALAGA NG MGA BATANG LALAKING ISKAWT sa Martes
Ika- 21 ng Nobyembre, 2023 , mula 1:00 ng hapon hanggang 3:00 ng hapon at sa DAY CAMPING sa Sabado Ika-24 ng Nobyembre, 2023 mula
8:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali.

Anumang hindi inaasahan na pangyayari na hindi kontrolado ng mga guro ay wala silang pananagutan.

Pinapayagan ko ang aking anak Hindi ko pinapayagan ang aking anak

________________________________________ _____________________________
Pangalan at Lagda ng Magulang o Tagapangalaga Petsa

_______________________________________________________________________________________________

ILUGIN ELEMENTARY SCHOOL


Address: Phase 2 San Sebastian St.,Ilugin, Pasig City
Telephone No. 7955-2661

You might also like