You are on page 1of 6

“ACADEMICS VS ATHLETICS,”

Ito ang dalawang mundong ginagalawan at inaasahang pagtagumpayan ng isang


Estudyanteng Atleta: ang mundo ng kompetisyon sa larangan ng isports at ang
mundo ng akademiya sa loob ng silid-aralan.

Tahanan ang Luna National High School sa maraming magagaling na manlalaro at


ako ay mapalad na mapiling isa sa mga Estudyanteng-Atleta ng paaralang ito.
Maaring para sa iba, mababa ang tingin nila sa mga tulad naming mga atleta.
Marahil sa pag-aakalang isports lang ang kaya naming gawin. Pero hindi nila batid
ang hirap ng isip at katawan naming mga atleta para mapagsabay lamang ang pag-
aaral at paglalaro. Tulad din ng isang ordinaryong estudyante, kailangan naming
galingan sa klase upang magkaroon ng matataas na marka.
Hindi biro ang maging isang Estudyanteng-Atleta. Nag-aaral kami, nagpapasa ng
mga “school requirements,” at nag sisikap din para makapasa. Kapag nagkatataon
pa na may mga laro, kailangan naming humabol sa mga “lessons”. Araw-araw
kailangang mag-“training” at mag diet sa pagkain upang mapanatiling malakas at
nasa kondisyon ang aming mga pangangatawan. Ang sabado at linggo na
karaniwang pahinga ng isang estudyante o araw ng “relaxation” para sa ilan, ay
hindi tulad sa aming mga atleta. Kalimitang ito ay “training day” pa din para sa
amin. Pag-eensayo sa isports na aming kinabibilangan ang malimit nakasanayan
upang sa bawat laban, tagumpay ang maiuuwi.
Mas mabigat ang nakaatas sa aming mga balikat. Inaasahan mula sa aming mga
Estudyanteng-Atleta ang parehong sipag at pagsisikap sa silid-aralan at sa
paglalaro upang makapagbigay karangalan sa aming paaralan. Ang bawat patak ng
pawis ng isang atleta ay napapawi kapag medalya na ay nakamit. Tropeyo o
medalya na dala naming sa aming mga magulang, sa paaralang humuhubog sa
aming isipin at sa aming mga sarili dahil ito ang premyo naming sa lahat ng
paghihirap sa pagiging isang Estudyanteng-Atleta.
Layunin ng mga bawat atleta na maging huwaran at magandang impluwensya sa
iba pang kabataan. Maipakita sa kapwa kabataan na ang isports ay isang daan
tungo sa may kalidad na buhay. Ang isports ay higit pa sa pisikal na aktibidad. Ito
ay humuhubog din sa personalidad ng isang tao. Sa pamamagitan ng isports,
nagkaroroon sila ng kompiyansa sa sarili, respeto sa regulasyon at awtoridad,
pagtutulungan at ang matutunan ang pagkatalo minsan at pagbangon muli.
Pinapalakas ng isports ang kompiyansa sa sarili ng isang manlalaro. Ito din ang
nagiging sandigan niya sa totoong buhay upang mag tagumpay.
Ang pagiging Estudyanteng-Atleta ay nagtuturo ng pagsisikap, pagpupursige at
ang kahandahang humarap sa anong hamon sa buhay. Ang pagiging atleta ay
nagtuturo ng pagtanggap ng tagumpay o pagkatalo man. Natutunan nila na sa
bawat pagkadapa ay kailangang bumangon at lumaban muli. Tulad din sa totoong
buhay na ating ginagalawan, kahit saang larangan: mundo man ng akademiya o
ang mundo ng pagiging atleta, nararapat na bumangon at lumaban. Ang bawat
atleta ay nagsisilbing ilaw sa ibang kabataan, na kahit anong hirap ay napapag-
tagumpayan. Sa kabila ng hirap na aming sinusuong, kaya din naming pag-
tagumpayan ang parehong larangan ng mundo ng “Academics o Athletics” man.

You might also like