You are on page 1of 14

Kasapatan sa Pasilidad sa Sports at Ang Pisikal

na Kalusugan ng DCSNHS Students

Isang Pamanahong Papel na Iniharap sa Kagawaran ng Filipino


Davao City Special National High School
Davao City
Bilang Bahagi ng Pangangailangan sa Akademikong Filipino 10

Ipinasa nina:

Delos Santos, Louisse Athena L.

Deboma, Mignonette Ainne G

Gloria, Sophia Margarette H.

Balaga, Sofhia Jerwen M.

Navera, Angela Marie C.

Alesna, Euhan Daniel L.

Salihuddin, Reihan H.

Batistis, James B.

Pebrero 2023 – Marso 2023


ABSTRAK

Ang pamanahong papel na ito ay tungkol sa isa sa pangunahing


kinakaharap ng mga estudyante, partikular na sa Mataas na Paaralang Espesyal
ng Lungsod ng Dabaw— ang pagkakaroon ng Sapat na Pasilidad Para sa Sport
na Mga Gawain na may kaugnayan sa Pisikal na Kalusugan ng mga mag-aaral
ay isang napakahalagang kakulangan sa ating paaralan. Saklaw ng pag-aaral na
ito ang mga dahilan, epekto, at solusyon sa napapanahong isyu na ito.

Ang layunin ng ginawang pag-aaral ay para makakalap ng makabuluhang


impormasyon na kinakailangan upang tuklasin ang antas ng mga estudyante sa
Mataas na Paaralang Espesyal ng Lungsod ng Dabaw na nangangailangan ng
pasilidad ng palakasan para sa kanilang pisikal na kalusugan, kasanayan,
libangan at malaman ang antas ng pisikal na kalusugan ng mga estudyante. Sa
pamamagitan ng pag-aaral na ito, malalaman ang naaayong detalye na ating
kinakailangan katulad ng kasanayan at kadahilanan ng pagnanais. Hinahangad
ng pag-aaral na ito na makakatulong sa mga mag-aaral, mga magulang, miyembro
ng mga organisasyon, ng paaralan, at Kagawaran ng Edukasyon.

Alinsunod sa wastong rekomendasyon ay ang pagtutuloy ng karagdagang


pag-aaral na may kaugnayan sa paksang ito para sa isang maunlad na panlipunan
at akademikong buhay ng mga mag-aaral. Inirerekomenda din sa mga
tagapagturo na hikayatin ang mga mag-aaral na lumahok sa iba’t-ibang
patimpalak at seminar upang mapalawak at mahasa ang kanilang mga kakayahan
sa isports.
KABANATA 1

A. PANIMULA

Lingid sa ating kaalaman na ang pagkakaroon ng sapat na pasilidad para


sa mga isports na gawain at mga kagamitan ay nakahuhubog sa pisikal na
pangangatawan. Hindi lamang ang pisikal na pangangatawan ang mahuhubog
kundi pati na rin ang kaisipan at naipamamalas ang pakikipag-sosyo sa kapwa-
tao. Bukod dito, nagbibigay din at nagpapanatili ng ligtas at malikhaing
kapaligirang pang-edukasyon. Sa buong kasaysayan, mga kaganapang
pampalakasan, mga kagamitan, at ang mga pasilidad ng palakasan ay naging
pangunahing bahagi ng kultura ng mga tao sa lipunan. Sa lumipas na henerasyon
hanggang sa kasaluyan ay patuloy itong ginagamit sa kadahilanang maglibang,
mag-ensayo, magagamit sa mga extracurricular activities o mga aktibidades na
sakop ang isports, at upang mapanatili ang pagiging aktibo at malusog ang pisikal
na kalusugan. Ang mga pasilidad ng pampalakasan, mga kagamitan, at mga
isports na gawain ay nagbibigay-lakas at inspirasyon sa mga tao upang maging
malusog ang pangangatawan ngunit isa rin ito sa naging hamon sapagkat sa
panahon ngayon, ang pagpapanatili ng “physical fitness” ay naging mahirap para
sa lahat. Ang isang pandaigdigang alalahanin sa kalusugan ay itinaas dahil sa
hindi malusog at hindi maayos na paraan ng pagkain. Ang mga tao ay naaakit sa
mga magagarang restaurant, mga naka-istilong bar at ilang pambihirang ngunit
classy na mga food cafe. Ito ay humahantong sa pagiging pisikal na hindi karapat-
dapat at sa kalaunan ay magdulot ng malalang sakit.

Ayon sa World Health Organization (WHO), humigit-kumulang 31% ng


pandaigdigang populasyon na may edad 15 pababa taong gulang ay
nagsasagawa ng hindi sapat na pisikal na aktibidad, at ito ay kilala na nag-aambag
sa pagkamatay ng humigit-kumulang 3.2 milyong tao bawat taon. Bilang
karagdagan sa pisikal na kawalan ng aktibidad, ang laging nakaupo na pag-uugali
ay isa ring malubhang problema, at isang malaking bilang ng mga tao ang
nakikibahagi dito sa loob ng mahabang panahon. Ayon sa Korea Health Statistics
ng 2018, dahil sa mga kakulangan ng pasilidad para sa gawaing pang-isports, ang
mga nasa hustong gulang sa Korea na may edad 19 pababa taong gulang ay nasa
8.3 oras ng sedentary time. 8.9% lamang ng populasyon ng may sapat na gulang
ang nakikibahagi sa 4 na oras ng sedentary time samantalang 20.6% ng mga nasa
hustong gulang ay kasangkot sa 12 na oras ng sedentary time.

Ayon nga sa ating Pambansang Kamao at dating senador na si Manny


Pacquiao (2018), “Paano natin aasahan na ilalabas ng ating mga atleta ang
kanilang potensyal kapag ang kanilang mga pasilidad ay natatakpan ng kalawang
at nasira?" kung saan siya ay humihiling sa kanyang mga kasamahan sa 24 na
miyembro ng Senado na tulungan siyang palakasin ang mahinang programa sa
sports ng bansa. Isa sa mga hakbang, ayon kay Pacquiao, ay aprubahan ng
Senado ang kanyang Senate bill (1515) na naglalayong palakasin ang Philippine
Sports Commission (PSC) sa pamamagitan ng pag-amyenda sa Republic Act
6847, na kilala bilang Philippine Sports Commission Act.

Dahil sa kakulangan ng mga pasilidad sa palakasan sa Mataas na


Paaralang Espesyal ng Lungsod ng Dabaw, napilitang magsanay ang ilang sports
team sa ibang lugar. Ang DCSNHS football team, ang SPED Wolves Football
Club, ay obligadong magbayad ng buwanang upa para sa paggamit ng Tionko
Football Field, na nagkakahalaga ng Php 300 kada oras. Bilang resulta, ang bawat
session ay tumatagal ng humigit-kumulang 2-3 oras araw-araw. Ang kanilang
pagtuturo ay dalawang beses sa isang linggo, kaya ang buwanang gastos ay
maaaring umabot sa 4800 pesos o mas mataas. Nagkakahalaga iyon ng malaking
pera sa mga atleta ng ating paaralan. Ayon pa kay Louwel Anthony Delos Santos,
isang head coach sa DCSNHS football team, napakahirap ng kanilang ginagawa
sapagkat nahahati ang kanilang pera sa mga kagamitang pang-isports at sa
buwanang upa, dagdag gastos lamang ito sa buong team at club ng DCSNHS.

Ayon sa isang pag-aaral ng American Heart Association, ang paglalaro ng


mga laro sa pampalakasan ay nagbibigay ng mga benepisyo sa kalusugan tulad
ng pagpapababa ng presyon ng dugo at pagpapabuti ng lakas at tibay ng mga
buto. Ang mga pasilidad sa pampalakasan ay mahalaga upang mapanatili ang
kalusugan at pamumuhay ng mga tao. Sa pamamagitan ng mga pasilidad na ito,
ang mga tao ay mayroong mga lugar kung saan sila ay maaaring mag-ehersisyo
at magpakaligaya habang nagpapalakas ng kanilang katawan.

B. LAYUNIN NG PAG-AARAL

Ang mananaliksik ay naglalayong matugunan ang mga sumusunod na


layunin: Malaman at mahinuha ang kahalagahan ng pagkakaroon ng sapat na
pasilidad para sa isports na mga gawain. Mailahad kung paano mahihikayat ang
mga mag-araal, pinuno, at iba pang mga tauhan sa paaralan na magkaroon ng
sapat na pasilidad para sa isports na mga aktibidades. Matukoy ang solusyon at
epekto nito sa pisikal na kalusugan ng mga estudyante ng Mataas na Paaralang
Espesyal ng Lungsod ng Dabaw.

A. Ano ang epekto ng may sapat na pasilidad para sa sports na mga gawain at
aktibidades sa mga mag-aaral.

1. Pisikal

2. Mental

B. Ano ang dulot ng pag-eehersisyo sa pisikal na kalusugan ng mga estudyante.

1. Kasanayan

2. Pangangatawan

C. Ano ang kaugnayan ng pagkakaroon ng sapat na pasilidad para sa mga isports


na gawain sa pisikal na kalusugan ng mga mag-aaral ng Mataas na Paaralang
Espesyal ng Lungsod ng Dabaw.

1. Taon

2. Pangkat
D. Ano ang koneksyon ng pananaw ng mga mag-aaral sa kasapatan sa pasilidad
sa sports at ang pisikal na kalusugan ng Davao City Special National High School
(DCSNHS) Students?

C. KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Ang anumang pag-aaral na pinagbuhusan ng panahon ay mayroong


kaakibat na kahalagahan hindi lamang sa makakabasa nito kung hindi maging sa
gumawa ng pag-aaral. Nakatuon ang mga kahalagahan ng pananaliksik na ito sa
Kasapatan sa Pasilidad sa Sports at Ang Pisikal na Kalusugan ng DCSNHS
Students.

1. Para sa mga Kabataan at mga Mag-aaral ng DCSNHS

Ang pananaliksik na ito ay makakatulong upang magbigay alam at


impormasyon sa mga estudyante tungkol sa kahalagahan ng pagkakaroon ng
sapat na pasilidad para sa isports sa paaralan. Ang mga negatibong salik ng hindi
pagkakaroon ng sapat na pasilidad sa isports at kung ano ang magiging epekto
nito sa ating katawan. Bukod pa rito, mabibigyan sila ng buong tiwala at suporta
upang mahubog ang kanilang hilig sa larangan ng isports.

2. Para sa mga Magulang

Ang pamanahong papel na ito ay magbibigay kaalaman sa mga magulang


ukol sa mga epekto ng pagkakaroon ng sapat na pasilidad para sa isports sa
paaralan. Makakatulong din sila sa pamamagitan ng paghikayat ng kanilang mga
anak na sumali upang maipakita ang kanilang hilig sa larangan ng isports.
3. Para sa mga Guro

Sila ang magbibigay daan at magiging instrumento upang maengganyo ang


mga mag-aaral sa kasanayan sa pakikisalamuha sa masayang paraan, makabuo
ng kaibigan at mapanatili ang pagiging aktibo sa paaralan. Bukod pa rito,
matutulungan nila ang mga mag-aaral sa pagpapahusay ng mga itinatagong hilig
sa larangan ng isports.

4. Para sa Paaralan

Ang tagumpay ng mga estudyante ay tagumpay din ng paaralan o


unibersidad na kanilang pinapasukan sapagkat, nirerepresenta nila ito sa tuwing
sila ay lumalaban sa iba’t-ibang paaralan. Ang bawat parangal at tagumpay na
nakakamtan ng mga estudyante ay kumakatawan at nagrereplek din sa kanilang
unibersidad.

5. Para sa mga Mananaliksik

Ang pananaliksik na ito ay maaaring makatulong at makapagbigay ng


malawak at sapat na impormasyon ukol sa kahalagahan ng pagkakaroon ng sapat
na pasilidad sa isports. Bukod pa rito, ang kahalagahan ng pag-aaral nito sa kanila
ay magsisilbing gabay sa mga susunod na pananaliksik. Ang mga magiging
kasagutan o mga impormasyon na kanilang makakalap mula sa kanilang mga
respondante ay maaaring gamitin bilang basehan kung gaano ka importante ang
pagkakaroon ng sapat na pasilidad para sa mga gawaing pang-isports.
D. KONSEPTWAL FREYMWORK

(Di- Malaya)
(Malaya)
Pisikal na Kalusugan ng
Kasapatan sa Pasilidad mga Estudyante ng
sa Sports Davao City Special
National High School

Pisikal Mental Kasanayan Pangangatawan

Tayo ay Maaaring Tumataas Pinapalakas nito


mabawas ang ang ating
mas kasanayan ng
an ang immune system,
magiging mga mag-
stress ng aaral na ating mga buto
aktibo at mapalago o
mga mag- at buong
may makadiskubre
pangangatawan.
aaral at pa ang
gana o Pinapabawas
mapalaka kanilang hilig
enerhiya s ang
sapagkat sila din nito ang
ay
tayo sa self- nahuhubog
ating kondisyon
mga confidenc sa mga na magkaroon
isports. ng obesity.
gawain. e.
E. SAKLAW AT LIMITASYON

Ang pag-aaral na ito ay tumatalakay sa saklaw at limitasyon ng Kasapatan


sa Pasilidad sa Sports at Ang Pisikal na Kalusugan ng Davao City Special National
High School (DCSNHS) Students.

Sinasaklaw sa pag-aaral na ito ang mga pananaw ng mga mag-aaral na


nasa ika-pito hanggang ika-labing isang baitang na may kasariang babae at lalaki
ukol sa Kasapatan sa Pasilidad sa Sports at Ang Pisikal na Kalusugan ng
DCSNHS Students.

Ang pananaliksik na ito ay isinagawa lamang sa Km. 7 Bangkal, Talomo,


Davao City, Davao Del Sur hanggang sa loob ng kampus ng Davao City Special
National High School.

Saklaw ng pananaliksik na ito ang paglalahad ng mga pananaw mula sa


mga mag-aaral tungkol sa Kasapatan sa Pasilidad sa Sports at Ang Pisikal na
Kalusugan ng DCSNHS Students.

Nangyari ito sa loob ng ikalawang marka ng akademikong taon 2022-2023.


Ito ay nakatuon sa mga mag-aaral na nasa ikaapat na taon pangkat Fidelity, ilang
halimbawa, at makakatulong sa buong komunidad ng nasabing paaralan.
F. DEPINISYON NG MGA TERMINOLOHIYA

Pinapahalagahan ng mga mananaliksik ang mga sumusunod na salik


upang makapagbigay-linaw sa kabuuan ng pag-aaral.

Pasilidad ng palakasan/Sports Facilities – Ito ay isang gusali, istraktura, o lugar


kung saan idinisenyo upang gamitin para sa o kung saan ginagawa ang sports.

Isports – Ito ay nauukol sa anumang anyo ng mapag-kumpitensyang pisikal na


aktibidad o laro na ang layunin ay para gamitin, mapanatili o mapabuti ang pisikal
na abilidad at kasanayan habang nagbibigay ng kasiyahan sa mga kalahok at sa
ibang pagkakataon, kasiyahan sa mga manonood.

Pisikal na kalusugan – Binubuo ng kagalingan ng katawan at ang pinakamainam


na paggana ng katawan ng mga indibidwal. Ito ay tumutukoy din sa mga pagsusuri
o pag-aaral na may kaugnayan sa pagkain at nutrisyon, mga sakit o kundisyon.

Kasanayan – Ito ay ang natutunang kapasidad o kakayahan na maipatupad ang


mga resultang nauna nang natukoy.
Magandang umaga po sa inyo! Kami ay mga mag-aaral mula sa baitang
10, Pangkat Fidelity ng Davao City Special National High School. Kami ay naririto
upang magsagawa ng isang pananaliksik tungkol sa “Sapat na Pasilidad Para sa
Sports na mga Gawain at Ang Pisikal na Kalusugan ng mga Estudyante ng Davao
City Special National High School.” Inaanyayahan kayong lahat na sumagot
sapagkat nais po naming malaman ang inyong mga kasagutan at mga opinyon
tungkol sa paksang ito. Inaasahan po namin ang inyong buong katapatan sa
pagsagot ng aming mga katanungan. Maraming salamat po!
Panuto: Lagyan ng tsek (✓) ang kahon na naaayon sa iyong mga kasagutan.

Layunin: Ang pangunahing pananaliksik na ito ay naglalayong alamin ang epekto


ng kakulangan sa Pasilidad Para sa Sports na mga Gawain sa Pisikal na
Kalusugan ng mga Estudyante sa Davao City Special National High School.
Naglalayon din itong mabigyang solusyon, matugunan, at magbigyang pansin ng
mga nasa matataas na posisyon ng paaralan.

Leyenda:

5 – Lubos na sumasang-ayon
4 – Sumasang-ayon

3 – Katamtaman

2 – Hindi sumasang-ayon

1 – Lubos na hindi sumasang-ayon

“Sapat na Pasilidad Para sa Sports na mga Gawain at Ang Pisikal na Kalusugan


ng mga Estudyante ng Davao City Special National High School”

PASILIDAD PARA
SA SPORTS 5 4 3 2 1
1. Ang mga
estudyante ng
DCSNHS ay hindi
nakaka ehersisyo na
angkop para sa
kanila dahil sa
kakulangan ng
pasilidad ng sports
sa paaralan.
2. Mayroong sapat
na lugar sa paaralan
kung saan idadaos
ang sports.
3. Ang paaralan ay
may naibanggit o
may napagplanuhan
na
magpatayo/paunlarin
ang pasilidad sa
sports ng paaralan.
4. Ang mga pasilidad
ay gagamitin lamang
para sa mga sports
at ipinagbabawal
gamitin para sa mga
events.
5. Ang mga pasilidad
ay nalilinis ng
maayos para na rin
sa kalusugan ng
mga gumagamit.
MGA KAGAMITAN 5 4 3 2 1
PARA SA SPORTS
1. Kasapatan na silid
para sa mga
kagamitan sa sports.
2. Ginagamit ng
wasto ang mga
kagamitan sa sports.
3. Pinapalitan agad
ang sira na mga
kagamitan sa sports.
4. Ang mga
kagamitan sa sports
ay may mataas na
kalidad, matatag na
pagganap at ligtas
na gamitin ng mga
mag-aaral.
5. May sapat na
kagamitan sa sports
para sa bawat
estudyante.

You might also like