You are on page 1of 5

KABANATA I

ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

Introduksyon

Noon pa man, mayroong hilig na ang mga tao sa mga bagay na

nakapagbibigay benepisyo sa kanilang mga sarili at nakapaglulugod ng kanilang

mga interes katulad na lamang sa mga kinikilala bilang ‘estudyanteng atleta’ na

tunay nga namang maliksi at nakatuon sa pag-aaral at isports. Sa kabilang dako,

ito’y may mga kahihinatnan datapwa’t may pagkahalili upang mas porbutihin ang

kapasidad at kalidad ng isang estudyanteng atleta. Sa bawat asignatura at laro

na nilalahok, may mga tiyak na katangian itong taglay na makasasagupa.

Ang kaisipan at pisikal na aspeto ay ang dalawang ginagampanan ng isang

estudyanteng-atleta at mundong ginagalawan kung paano ma-eensayo at

mapaghahandaan ang paparating na kompetisyon hindi lamang sa loob ng silid-

aralan, pati na rin sa mas malawakang kapaligiran. Ang estudyanteng-atleta ay

may tungkulin at higit sa lahat, batid ang mga kapabilidad sapagkat mayroong

inisiyatiba at perspektibo ang bawat estudyanteng-atleta at may kanya-kanyang

natatanging presensya.

Layunin ng Pag-aaral
Ang pananaliksik na ito’y naglalayong pag-aralan ang akademikong

pagganap at pag-uugali ng mga piling estudyanteng atleta sa paaralan na

kinabibilangan. Makukuha ng mga mananaliksik ang datos na kinakailangan sa

pamamagitan ng pagsasagawa ng isang sarbey para sa mga piling estudyanteng

atleta sa paaralan. Ang mga tanong na naglalayong masagot sa pamamagitan ng

pananaliksik na ito:

1. Ano ang mga salik na nakakaapekto sa mga estudyanteng atleta?

2. Paano nakakaapekto ang pagiging atleta bilang estudyante?

3. Ano-ano ang mga impluwensya na nagaganap sa isang estudyanteng

atleta sa kanyang pag-aaral?

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito’y mahalaga sa mga estudyante at lalong lalo na sa

mga nag babalak maging atleta. Makapagbibigay ito ng kaalaman at malawak na

pag-unawa sa kung paano ba ang buhay ng isang estudyanteng atleta.

Makapagbibigay rin ito ng payo sa mga estudyanteng atleta ukol sa pamamahala

ng kanilang oras na nakapagdudulot ng pakinabang sa akademiko at sa paglalaro.

Gayundin, sa pamamagitan nito ay magtatagumpay ang estudyanteng atleta.

Ang pag aaral na isinasagawa ng mga mananaliksik ay lubos na

makakatulong sa paaralan at mga piling mga mag-aaral. Ito’y ipinapakita upang


lubos na maunawaan at bigyang pansin ng piling mag-aaral at guro ang hirap ng

isang estudyanteng atleta at kung paano nila binabalanse ang kanilang mga

responsibilidad.

Sa pamamagitan ng pag aaral na ito, mas lubusang mauunawaan ng mga

mananaliksik ang mga pagganap at pag-uugali ng isang estudyanteng atleta.

Bilang karagdagan, makakakuha ng kaalaman ukol sa mga hamon at suliranin ng

isang estudyanteng atleta upang mahanapan ng solusyon at malagpasan ang mga

hamon na ito. Mula sa sarbey ng mga mananaliksik makikita ang resulta na

nakuha sa mga piling mag-aaral o mga estudyanteng atleta, ang maaring gamitin

na sanggunian para sa mga mananaliksik sa hinaharap.

Saklaw at Limitasyon

Ang pag-aaral na ito ay tinatalakay ang mga salik na nakakaapekto sa

akademiko ng isang estudyanteng atleta. Lahat ng mga tinanong at

pinagkonsultahan ng para sa pananaliksik na ito ay tiyak at katiwa-tiwala na mga

estudyante. Ito ay limitado lamang sa mga estudyanteng atleta ng School of the

Holy Spirit of Quezon City na may sapat na karanasan at kaalaman sa isports.

Depinisyon ng mga Terminolohiya


Para maging madali ang pagkakaintindi ng mga mambabasa sa gagawin

naming pananaliksik bibigyan namin ng mga depinisyon ang mga sumusunod na

terminolohiya sa mga ginamit namin sa aming papel:

Akademiko: Nagkakaroon ng mga leksyon na pinagaaralan ng mga estudyante.

Pagganap: Mga ganap ng mga estudyanteng atleta sa kanilang isports at

sakanilang pag-aaral.

Paguugali: Ang mga ugali ng mga estudyanteng atleta sa kanilang mga

sinasalihang isports at sakanilang pag-aaral.

Isports: Laro o pinapalakas ang galing, pisikal at mental na kinakailangan ng mga

atleta.

Estudyanteng Atleta: Taong sumasali sa mga aktibong gawain at tinutuunan

parin ng maraming oras ang kanyang pag-aaral.

Istres: Mental na istado na kinahaharap ng isang indibidwal dahil sa mga

problema na kinahaharap niya.

Pagganap sa Akademiko: Sinusukat ang kakayahan ng isang estudyante sa mga

ginagawa sa loob ng silid aralan.

Sosyal na Kalagayan: Kakayahan ng isang indibidwal sa pakikipagsalamuha sa

ibang taong nakikilala palamang nila.

Kalusugan ng Pisikal: Nakikita ang kalusugan ng isang indibidwal sa kanilang

pisikal na kaayusan o kaya sa kanilang ginagawa.


Kalusugan ng kaisipan: Nakikita ang kalusugan ng isang indibidwal sa pag

isipisip ng isang atleta ay kung maayos na nakapagpapahayag ng damdamin.

You might also like