You are on page 1of 4

Kabanata II

Kaugnay na Literatura

Lokal
Ayon sa pag-aaral nila Flores et al (2016), ang karaniwang laro na kinabibilangan ng mga
mag–aaral sa Special Program in Sports ay mga “Indoor Games” gaya ng basketbol, balibol,
badminton at table tennis, at “Outdoor Games” gaya ng sepak takraw, running, long at high
jump, fotbol at lawn tennis. Karamihan sa mga respondente ay sumagot na kaya sila sumali sa
Special Program in Sports ay para makakuha ng “Scholarship o benipisyo”.
Hinggil naman sa negatibong epekto ng pagsali nila sa mga paligsahan bilang
kabilang sa Special Program in Sports, ang mga respondente ay nagkakaroon ng sakit o
karamdaman dahil sa pagod. Ang positibong resulta ng pagsali nila sa Special Program in
Sports ay ang pagkakaroon ng lidership at isportmanship sa bawat larong sinasalihan at
nakakakilala sila ng mga bagong kaibigan.

Ayon kay Del Rosario (2013) na meron kaugnayan ang kadahilanan ng pagiging atletang
mag-aaral sa balance scale (motivation, enthusiasm, and resources) at ang kanilang akademik
performans. Ang pag-aaral nito ay nagsasabi na makakamit ang tinawag na higher balance sa
akademiko at atelatang responsibilidad na mas matatapos nila ang kanilang akademikong
requirement.
Napatunayan ng mga magaaral na kaya nilang ibalanse ang kanilang mga
responsibilidad sa paaralan habang naglalaro. Marahil lamang na sila ay nakapokus sa
kanilang atletikong  responsibilidad, ay hindi na ibig sabihin na wala na sila kakayahan na
kayanin ang kanilang mga obligasyon bilang isang magaaral. Eto ay maari dahil alam nila na
kailangan nila maabot ang mga akademikong pamantayan upang mapanatili nila nila ang
kanilang mga scholarships at patuloy na makapag laro sa kanilang paaralan.

Base sa artikulong inilahad ni de Borja at Gloria (2015), sinabi ni Al James Untalan, isang
dating propesor ng International Studies Department, na hindi madaling tungkulin ang
paghahalo ng isports at akademiks at ang responsibilidad na iyon ay maaring makatulong na
magbigay ng inspirasyon sa ibang magaaral na magsumikap upang maabot ang mga pangarap
nila sa buhay. Isinaad din ni Untalan na importante ang bigyan na patas na kahalagahan ang
isports at akademiks ng mga atletang magaaral. “It does not matter how good of an athlete
you are if you do not take your studies seriously” kanyang ipinayo.
 
Isinasaaad sa artikulong nilimbag ni Bautista (2015) batay sa mga magaaral ng Uniberisdad
ng Ateneo de Manila, dahil sa dami ng mga gawaing pang akademiko, mga okasyon ng mga
hindi pang akademikong mga organisasyon, ang mga atletang magaaral ay
pinagkadalubhasan ang pansariling disiplina at ang pamamahala sa kanilang oras. Sabi ng
isang atletang magaaral sa kanilang artikulo, na kinailangan niyang harapin ang pagbalanse sa
ensayo para sa kanyang isport at mga gawaing pang akademiko. Hindi daw ito naging madali
marahil na walang paumanhin ang tinatanggap ng mga guro sa kahit anong isport.
Sinabi din na sa huli, ang mga atletang magaaral ng Ateneo, ay nakadiin ang
atensyon sa pagkamit ng kanilang mga ginugusto, habang ginagawa ang mga kinakailangan
na hakbang para makamit ito.
 
Ayon sa mga sinabi nina Ignacio, Ignacio III, at Buot (2017), maraming isyu at problema ang
nahaharap ukol sa paglalahok sa isports at and akademik performans, sa matagal na panahon.
Madaming nagsasbi na may interesado sa isports na, nakakatulong ang paglalahok ng mga
magaaral sa pagkakaroon ng “a sound mind and a sound body”. Ngunit sa mga paniniwala ng
iba ay nagiging sagabal ang paglalahok ng mga magaaral sa isports sa kanilang abilidad na
dumaig sa kanilang akademikong kurso dahil ang oras na dapat na inilalaan sa pagaaral ay
napupunta sa kanilang responsibilidad bilang isang atleta, tulad ng pageensayo, at mga
sinasalihan na mga kompetisyon. Mas lalo pang diniiin ng mga kritko na walang posibilidad
na ang mga atletang magaaral ay makakamit ng mataas na parangal sa isports pati na din sa
akademiks ng sabay.
 
Pang-ibang bansa
Kapag mas nagehersisyo ang isang indibidwal, mas tumataas ang performans ng kanilang
utak. Ngutin kung mga atletang magaaral namn ang paguusapan ay mas nagiging kumplikado
ito. Dahil kapag ang mga atletang magaaral ay nagehersisyo,  dumadalo sa mga praktis,
lumalakbay para sa mga kanilang mga laban, at kinakailangan pa tuparin ang mga
responsibilidad sa paaralan, ay nagiging kumplikado ang kanilang mga buhay magaaral.
Habang ang ibang mga atletang magaaral ay nahihirapan sa pagbalanse ng kanilang mga
responsibilidad sa paaralan at ang kanilang responsibilidad sa kanilang mga laro, ang iba
naman ay nakikita ito bilang susi upang mas tuparin nila ang kanilang mga responsibilidad na
rumeresulta na mas lalo silang nagiging mapanagumpay sa parehas na lugar. (Florida
National University, 2014)
 
Ayon kanila Lumpkin at Favor (2009), nagsagawa sila ng pananaliksik upang suriin ang
akademik performans ng mga atleta sa haiskul at mga hindi atleta upang matukoy kung ang
paglahok sa mga palaro ay makakapgpahusay o makakaepekto sa kanilang akademikong
performans. Sinasabi ng ibang mananaliksik na nakakakasama ang mga epekto ng paglalahok
sa isports ng mga magaaral sa kanilang akademiks performans, samantala sa iba ay walang
nakikitang positibo o negatibong epekto, at ang iba naman ay sinasabi na nakakatulong ang
paglalahok sa kanilang akademik performans. Gumamit ang mga mananaliksik ng datos
galing sa 139,000 na atletang magaaral ng Kansas at mga karaninwang magaaral at nakita
nila base sa mga resulta na dinaig ng mga atletang magaaral ang mga karaninwang magaaral
sa larangan ng akademiks.
 
Ayon sa pagaaral ni Saffici at Pellegrino (2012), sinasabi nila na ang mga pang atletikong
programa ay nagiging hadlang sa mga pang akademikong misyon ng mga paaralan. Ang pag
pokus sa pagkakaroon ng malakas na atletikong programa ay napapanguna kaysa sa kalidad
ng edukasyon ng mga atletang magaaral sa institusyon. Para sa mga atletang magaaralm ang
ibig sabihin nito ay mas mababang pamantayan sa edukasyon at katig na pagtrato sa paaralan.
Sa kabila nito, maraming mga atletang magaaral ay dumadalo sa kolehiyo pero walang
natututunan, at mas napapagod at namamaliit sa klase. Ang pinaka nagiging problema dito ay
ang pag mas bibigay pansin sa mga atletikong programa kaysa akademikong misyon ng mga
paaralan. Imbis na nagigiging “student-athlete”, na ibig sabihin ay magaaral muna bago ang
mga isports, ay nagiging “athlete-student” na ngayon.
 
Ayon kay Sitkowski(2008) na may sapat na ebidensiya na pinakita na may epekto ang
paglalaro ng mga mag-aaral sa mga seasonal sports sa kanilang GPA scores,dahil sa mga
simusunod na dahilan (self-image, motivate to graduate college sports at physiological
aspects sa pagsali sa sports
 
Ayon kay Koh (2005) ang mga mag aaral ay meron na mataas na tyansana amging motivated
at goals para mabuo ang kanilang kumpyansa at madaming magawa sa akademiko habang
ang mga mag-aaral na atleta naman ay patuloy na tinatagpo ang pamantayan sa isports. Ang
routine na ito ay naidadala nila sa klassroom
 
 
 
 

MGA SANGGUNIAN:
 
Lokal

Ignacio, R.M., Ignacio III, R.A., & Buot, M.M.(2017). Academic Achievement as Influenced
by Sports Participation in Selected Universities in the Philippines. Scientific & Academic
Publishing. Kinuha mula sa http://article.sapub.org/10.5923.j.edu.20170703.03.html.
 
De Borja, M.T., & Gloria, G.(2015, Mar. 29). The Hard Knock Life: The Life of a Student
Athlete. TheLasallian. Kinuha mula sa http://thelasallian.com/2015/03/29/the-hard-
knock-life-the-life-of-a-student-athlete/.
 
Bautista, J.J.(2015, Feb 26). Uncovering the Ateneo Student Athlete. The Guidon. Kinuha
mula sa http://www.theguidon.com/1112/main/2015/02/ uncovering-the-ateneo-student-
athlete/.
 
Del Rosario, J. (2013, Jan.).  Academic Motivators and Outcomes of Student-Athletes: A
Correlation Analysis. Mapua Institute of Technology. Kinuha mula sa
http://fs.mapua.edu.ph/MapuaLibrary/Thesis/ACADEMIC%20 MOTIVATIONS
%20AND%20OUTCOMES%20OF%20STUDENT-ATHLETESA.pdf.
 
Flores, C.J.F., et al (2016, March). Pananaliksik: Akademik Performans ng mga Piling Mag -
Aaral ng Special Program in Sports sa Pambansang Mataas na Paaralan ng La Union
Taong Panuruan 2014 - 2015. Personal Blog of John Ken R. Francisco. Kinuha mula sa
http://johnkenfrancisco.blogspot.com/2016/04/pananaliksik-akademik performans-ng-
mga.html?m=1.
 
 Pang-ibang bansa

Sitkowski, L.S. (2008, June). The Effects of Participation in Athletics on Academic


Performance among High School Sophomores and Juniors. Kinuha mula sa
http://digitalcommons.liberty.edu/cgi/viewcontent.cgi?article=1115
&context=doctoral.
 
Lumpkin, A. & Favor, J. (2012, March). Comparing the Academic Performance of High
School Athletes and Non-Athletes in Kansas in 2008-2009. Journal of Sport
Administration & Supervision Volume 4, Issue 1. Kinuha mula sa
https://quod.lib.umich.edu /j/jsas/6776111.0004.108?view=text;rgn=main
 
Anonymous, (2014, March 18). The Link Between Sports and Academic Performance.
Florida National University. Kinuha mula sa http://www.fnu.edu/the-link-between-
sports-and-academic-performance/.
 
Saffici, C. & Pellegrino, R. (2012, Nov. 19). Intercollegiate Athletics vs. Academics: The
Student-Athlete or the Athlete-Student. The Sport Journal. Kinuha mula sa
http://thesportjournal.org/article/intercollegiate-athletics-vsacademics-the-student-
athlete-or-the-athlete-student/.
 
Kohs, T. (2015). The Effect of Being a Student-Athlete on Academic Performance.
Interdisciplinary Undergraduate Research Journal Vol 1, No 1. Kinuha mula sa
http://journals.uic.edu/ojs/index.php/IURJ/article /view/53 66/4440.
 
 
 

You might also like