You are on page 1of 2

Sa nakalipas na mga taon, ang mga benepisyo at positibong epekto ng

partisipasyon sa palakasan sa akademikong pagganap ng mga atletang iskolar ay

napatunayan na ng maraming pag-aaral na nagpapakita ng direktang pagkakaugnay sa

pagitan ng mga ito (Aries & McCarthy, et al., 2004; Ferris & Finster, et al., 2004;

Olszewski-Rublius, 2004; Comeaux, 2007).

Ayon sa pag-aaral nina Garcia at Subia (2019) na pinamagatang “Student

athletes: Their motivation, study habits, self-discipline and academic performance”,

kung ikukumapara sa mga mag-aaral na hindi atleta, ang mga iskolar na manlalaro ay

mas ganadong magsanay, maghanda, at magsagawa ng mga personal na sakripisyo

para sa pagkamit ng kahusayan sa anumang bagay. Ang pag-aaral na ito ay isinagawa

sa Nueva Ecija sa Pilipinas at natuklasan na sa kanila namang pagganap sa klase,

ibinibigay ng mga iskolar na manlalaro ang kanilang buong pagsusumikap sa mga

eksaminasyon, pagsusulit, paglahok sa mga aktibidad, at sa pagpasa ng mga hindi nila

naipasang pangangailangan pagkatapos ng kompetisyon. Gayunpaman, nakita rin sa

resulta ng pag-aaral na kailangan pa nilang pagbutihin ang pagbabalanse nila ng oras

upang makasabay sa kanilang mga kaklase. Dagdag pa rito, ang kanilang akademikong

pagganap ay nakitang may direktang relasyon sa kanilang partisipasyon sa isports. Ibig

sabihin, ang pagtaas ng kanilang akademikong pagganap ay nangangahulugang

naging mataas at mabisa rin ang kanilang partisipasyon sa isports.

Mayroong mga salik at pamamaraang nakakaapekto sa mas mabisang

pagganap ng mga atletang iskolar sa kanilang pag-aaral (Comeaux, 2007). Ayon sa

kanyang pag-aaral, sa tuwing ang manlalarong mag-aaral ay nakatatanggap ng

maraming input mula sa kanyang mga guro at sapat na suporta mula sa kanyang
paligid, ang kanyang akademikong pagganap ay lalong tumataas. Inirekumenda niya

ang mabisang pagpapayo na angkop sa pangangailangan ng mga atletang iskolar na

mayroong iba’t-bang kakayahan. Ayon kay Al-Shinawi (2006), ang pagpapayo sa mga

atletang iskolar ay napatunayang higit na nakatutulong sa kanilang pag-aaral.

Sa kabilang banda, ayon naman sa pag-aaral ni Maloney et. al. (2009), ang oras

na inilalaan ng mga atletang iskolar sa pag-eensayo at paghahanda sa mga laban ay

hindi nakakapangdudang mailayo sila sa kanilang pag-aaral. Ayon kay Mark et. al.

(2016), ang oras at enerhiya ay nababase sa karanasan at kaangkupan nito sa tao. Ibig

sabihin, nakadepende sa mga atletang iskolar kung paano nila ibabalanse ang kanilang

obligasyon upang makiangkop sa mga sitwasyon na buhat ng pagiging mag-aaral at

manlalaro.

You might also like