You are on page 1of 3

KABANATA I

A. Panimula

Ang isports sa Pilipinas ay isang malaking kaganapan kung saan ang mga Pilipino ay nakatutok at
suportado. Ang basketball ay isa sa mga inaabangan ng mga pinoy. Sa iba’t ibang paaralan, mayroong
mga tinatawag na varsity students kung saan ang mga estudyanteng ito ay nag eensayo bawat linggo
kasabay ng kanilang pag-aaral. Kilala sa ating bansa ang ligang UAAP kung saan kasali dito ang iba’t ibang
mga unibersidad tulad ng University of the Philippines, De La Salle University, Ateneo De Manila
University , University of Santo Tomas at marami pang iba.

Ang UAAP ay nagsimula noong 1983, nagsisilbi bilang isang paraan sa mga mag-aaral na
makipagkumpetensya at ipakita ang kanilang kakayahan sa isports. Habang patuloy na nagaganap ang
liga, ang mga panuntunan nito ay nagbabalik din, naglilingkod sa mga pangangailan hindi lamang sa mga
unibersidad kundi sa mga estudyanteng atleta rin. Maraming mga kabataan ang gustong maging parte
ng isang basketball team na sumasabak sa UAAP at sila ay sumusubok makapasok sa mga iba’t ibang
unibersidad kung saan mapapakita nila ang kanilang husay sa paglalaro nito.

Kailangan ng mga estudyanteng kasali sa ligang ito ng matataas na grado sa kanilang kinukuha na kurso
upang makalaro at ma-representa ang kanilang unibersidad. Aalamin ng pag-aaral na ito kung paano
nababalanse ng mga atleta ang kanilang pag-aaral, pag eensayo, at kung nakakapag pahinga sila ng
maayos. Ayon kay Boisjoly (2017) Bilang isang estudyanteng atleta, hindi mawawala ang usapin ng
kanilang pagbabalanse ng oras. Ang kanilang oras ay nahahati sa pageensayo, pag-aaral, mga kaibigan at
sa pag lalaro. Ang oras ay ang nagiisang bagay sa ating buhay na laging hindi sapat. Kung ang isang
atleta ay walang time management skills, sila ay makakaranas ng hindi maiiwasang stress.
B. Batayang Konsept

PAG-AARAL

ANG PAMAMAHALA
SA ESTRATEHIYA NG SPORTS
MGA ESTUDYANTENG
ATLETA SOCIAL

PISIKAL

Ang pag-aaral na ito ay naka-pokus sa isang paksa na mayroong apat na kadahilanan o sanga. Ang
pangunahing pokus ay ang management estratehiya ng mga estudyanteng atleta, kung saan
matutuklasan ang iba’t ibang pamamaraan ng mga atleta sa kanilang pagbabalanse ng oras sa ibang mga
bagay. Pumapasok dito ang usapin ukol sa kanilang pag-aaral, epekto sa kanilang grado at ang
performance nila bilang isang mag-aaral. Ang pangalawang sanga naman ng pangunahing usapin ay ang
kanilang sports na basketball, sa kanilang oras para sa pag-eensayo at pagpapakundisyon sa mga
kumpetisyon. Ang pangatlong sanga naman ay bumabagsak sa usaping “social” kung saan dito
pumapasok ang oras ng mga atleta para sa pamilya, mga kaibigan at ibang mga ganap sa kanilang buhay.
At ang pang huli naman ay ang pisikal, ang kanilang kalusugan sa pagkain at pagtulog at ang kanilang
pagpapalakas ng katawan.
F. Katuturan ng mga katawagang ginamit

Estratehiya – mahusay na pamamaraan sa paggawa ng isang bagay o aksyon

Pamamahala – sa ingles, management. pagpaplano, pagoorganisa o pagsasaayos

You might also like