You are on page 1of 6

KABANATA I

a) Introduksyon

Ang basketbol ay malaking bahagi ng kultura ng Pilipinas. Wala kang

mahahanap na lugar o barangay sa Pilipinas na wala man lang ni isang basketbol court,

kahit na ba ito ay bakal lang na inikot at isinabit sa mataas na lugar para magmukhang

ring. Hindi ka rin makakahanap ng Pilipinong walang bakas ng interes sa basketbol

kahit ba nakikisali lang sa usapan tuwing playoffs ng National Basketball Association

(NBA) o di kaya`y championship ng Philippine National Association (PBA) basta masabi

lang na may alam siya kahit kaunti sa basketbol. Lalo na ang mga batang kalalakihan

na tunay na panatiko.

Ang basketbol ay ipinakilala sa Pilipinas ng Young Men`s Christian Association

(YMCA) noong panahon na sinakop ng mga Amerikano ang Pilipinas. Matapos ang

Ikalawang Digmaang Pandaigdigan inilunsad ang tinatawag ngayon na “Golden Age of

Philippine Independent Basketball” dahil noong 1950`s kinilala ang Pilipinas bilang isa

sa pinakamagaling na manlalaro sa mundo. Sa panahong ito, 1951, nanalo ang

Philipppine National Team ng dalawang magkasunood na gintong medalya sa Asian

Games at noong 1954 nanalo sila ng medalyang pilak sa FIBA World Championship

noong 1954. Hangang ngayon ito pa rin ang pinakamataas na medalyang nakuha ng

kahit anong bansa sa Asya. Sa mga palarong ito nakilala ang isa sa pinakatanyag ng

manlalaro ng basketbol sa Pilipinas na si Carlos Loyzaga. Noong 1970`s naman nakita

ng mundo ang pagbuo ng Philippine National Association(PBA), ang unang asosayon

sa Pilipinas ng basketbol at dahil dito nakapaglaro ang Pilipinas sa FIBA Basketball

1
World Cup sa Spain, ang pagbalik ng Pilipinas sa “World Stage”, matapos ang halos

apatnapung taon.

Ang mga Pilipino ay mahilig manuod ng basketbol sa telebisyon o maging live show

tulad na lamang ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP) at NCAA

na kadalasan hinihintay ng mga paaralang kasapi dito at mga panatikong kabataan

galing sa iba`t ibang paaralan. Ang UAAP ay itinatag noong 1931, ang mga atleta sa

kolehiyo sa walong unibersidad sa Lungsod ng Maynila ang naglalaro dito. Ang mga

kasaping unibersidad ay Adamson University (AU), Ateneo de Manila

University(ADMU), De La Salle University(DLSU), Far Eastern University(FEU),

National University(NU), University of the East(UE), University of the Philippines(UP) at

Unibersidad ng Santo Tomas(UST).

Noong 1924, itinatag ang NCAA, ang pinakamatagal na samahan ng mga

atletang kolehiyo at unibersidad ng Pilipinas. Ang mga paaralan na kasama dito ay

Colegio de San Juan Letran(CSJL), De La Salle College of Saint Benilde(DLSU-SB),

San Sebastian at University of Perpetual Help (UPH). Madalas basketbol ang

pinapanuod at hinihintay ng karamihan dito kasama na ang volleyball.

Ang basketbol ay mabilisang laro , magilas, panatikong laro, madaling laruin at

mapag-aralan.

2
b) Layunin ng Pag-aaaral

Marami sa mga kabataang Pinoy ay mahilig sa larong basketbol na pangunahing

laro sa bansa. Saang sulok man ng Pilipinas ay makakakita ka ng court na paglalaruan

nito. Ang nasabing libangan ay nakakatulong nga ba sa paglago ng kaisipan, pisikal at

mentalidad ng isang kabataang naglalaro nito. Ang layunin ng pananaliksik ng dahilan

ng mga mag-aaral sa St. Joseph Catholic School sa paglalaro ng basketbol ay ang

mga sumusunod :

1. Malaman ang dahilan ng mga mag-aaral sa St. Joseph Catholic School sa

Paglalaro ng Basketbol;

2. Matukoy ang mga pananaw ng mga mag-aaral ng St. Joseph Catholic School

tungkol sa basketbol nasa elementarya at sekundarya ; at

3. Magkaroon ng dokumentasyon ukol sa sports na basketbol.

c) Paglalahad ng Suliranin

1. Bakit naglalaro ang mga mag-aaral ng St. Joseph Catholic School ng basketbol?

Ang YMC ang nagpakilalang larong basketbol sa Pilipinas ngunit ang mga

kabataang pilipino ay nilalaro ito hangang ngayon. Nilalayong ang pananaliksik

na ito ay matutuklasan ang mga dahilan kung bakit naglalaro ang mga

kabataang Pilipino ng basketbol mula noon hangang ngayon.

3
2. Ano ang pananaw ng mga mag-aaral ng St. Joseph Catholic School sa

basketbol?

Inaasahang masasagot ang katanungang ito batay sa kanilang sariling

karanasan sa basketbol. Mapapakita dito ang iba`t ibang opinyon ng manlalaro

tungkol sa basketbol.

3. Ano o Sino ang nakaimpluwensya sa mga mag-aaral na magbasketbol?

Sa paglipas ng panahon ang basketbol ang isa sa hindi nalulumang laro sa

ating bansa. Mababatid na ang pagkahilig ng kabataan sa larong ito ay laganap sa

buong Pilipinas. Nais nang pananaliksik na ito na malaman kung ano o sinoang

nakaimpluwensya sa mga mag-aaral na maglaro ng basketbol.

d) Saklaw at Limitasyon

Ang paksa ng pananaliksik na ito ay tungkol sa mga dahilan ng mga mag-

aaral na naglalaro ng basketbol. Maaari kang maglaro kahit saan nito. Pwede sa

court, sa loob ng bahay kahit pa pinapatalbog mo lang ito. Ang basketbol ay

isang mapisikal na laro.

e) ASPEKTO NG PAG-AARAL

Maisasagawa ng mga mananaliksik ang pag-aaral sa pamamagitan ng

pagsasagawa ng sarbey na kung saan pipili ang mga mananaliksik ng anim napong

mag-aaral sa elementarya at sekundarya sa St. Joseph Catholic School upang maging

populayon. Ang pananaliksik ay naganap sa loob ng St. Joseph Catholic School. Ang

4
pananaliksik ay nag-umpisa noong ikalawang semester ng Grade-11, taong dalawang

libo’t labing-anim sa buwan ng Nobyembre hangang sa taong dalawang libo`t labing-

pito sa buwan ng Marso.

f) Depinisyon ng mga Termino

Ang bawat termino na mababanggit ay nakapaloob sa aming sulatin pananaliksik. Ang

mga terminong ito ay makakatulong sa mambabasa upang maunawaaan nila ang

tungkol dito at mas lumawak pa ang kanilang talasalitaan. Nanggaling ang mga salita

sa Diksyonaryo,internet at iba pa.

Basketbol - ang tawag sa larong binubuo ng dalawang pangkat, na ang bawat pangkat

ay may tiglimang manlalaro sa loob ng palaruan. Layon ng laro na maibuslo ang bola sa

iba`t ibang paraan doon sa ring na makapwesto sa magkabilang dulo ng palaruan.

Varsity - isang pamalit at pinaikling termino ng unibersidad. Ang grupo na

nagrerepresenta sa isang kolehiyo o unibersidad kung saan ang mga grupo ay

lumalaban sa ibang grupo sa magkatulad na laro.

Iskolar – mga karapat dapat, responsable at matitiyagang mag-aaral na nagnanais na

magpatuloy o makapagtapos ng pag-aaral ngunit hindi sapat ang pinansyal na suporta

upang maitaguyod at matapos nila ang kanilang pag-aaral.

Iskolarship - kadalasang inaalay ng mga pribadong paaralan para sa mga-aaral na

nagnanais na makapagtapos ngunit walang kakayahan base sa kanilang estadong

pinansyal. Ito din ay iniaalay ng pamahalaan upang isulong ang katotohanan na

5
maaaring makamit ng mga mag-aaral ang kalidad at antas ng edukasyon sa Pilipinas

sa kabila ng kakulangan sa pinansyal na pataguyod sa kanilang pag-aaral.

Basketbolista- ang tawag sa bawat taong manlalaro ng basketbol kung saan sila ay

sumasali sa mga kompetisyong pang eskwelahan, pambansa at pang internasyonal.

YMCA o Young Men`s Christian Association – isang organisasyong tinatag sa

Switzerland na naglalayong ilagay ang Kristiyanismo sa mga kabataan sa buong

mundo.

NCAA o National Collegiate Athletic Association - isang organisasyon na binubuo

ng 1,281 na institusyon, conferences ,organisasyon at indibidwal at tumutulong sa

mahigit 450,000 estudyanteng kolehiyong atleta na naglalaro taun-taon sa mga isports.

UAAP o University Athletic Association of the Philippines – organisasyong pang-

isport na binubuo ng walong unibersidad sa Pilipiinas kasama ang Adamson University

(AU), Ateneo de Manila University(ADMU), De La Salle University(DLSU), Far Eastern

University(FEU), National University(NU), University of the East(UE), University of the

Philippines(UP) at Unibersidad ng Santo Tomas(UST).

You might also like