You are on page 1of 2

Basketball, itinuturo sa P.

E class ng ICCT Colleges

Ni: Joemari Elueso

Ayon kay Bb. Joana J. Corteza P.E titser ng ICCT Colleges,ang kanyang
layunin ng pagtuturo ng basketball sa mga kabataan ay upang maiwasan ang
bisyo. Para sa kanya mahalaga ang pagtuturo ng basketball sapagkat nababahagi
niya ang kaalaman at talento na di dapat ipagdamot sa mga kabataan.

Isinaad nya rin na ginaganap ang pageensayo sa ikatlong palapag ng


paaralan, dito sa ICCT. Sinabi nya rin na hindi pa sya humahawak talaga ng pagtry
out ng mga manlalaro sa paaralan ito, dahil sa siya ay tatlong buwan pa lamang na
nagtuturo dito.

Kanyang ipinahayag na tuwing martes alas onse hanggang ala una ng hapon
, byernes at sabado parehas na oras ng ala una hanggang alas tres ng hapon
ginaganap ang pageensayo at pagtuturo nya sa mga kabataan.

Ayon din sa kanya kaya nagkakaroon ng ganitong mga palaro o pag aaral ay
nakadepende sa dami ng sakop niyang estudyanteng babae, ang kanyang ituturo
dito ay volleyball kapag higit naman ang dami ng lalaki ay basketball ang kanyang
itinuturo.

Iminungkahi nya rin na nagiging epektibo ang kanilang pag eensayo o


pagaaral sa nasabing laro na nalalaman nila ang mga pangunahing kaalaman sa
paglalaro ng basketball, isang maprosesong pagtuturo na magbibigay motibasyon
sa kanila upang sila ay matuto.
ISAA( Inter Scholastic Athletic Association) Ang Mainit na pagtanggap sa ICCT
COLLEGES bilang bagong kasapi ng ISAA

Ni Marlon Sebuc

Naging mainit at matagumpay ang naging pagtitipon ng Inter Scholastic Athletic


Association o ISAA sa ICCT CollegeS noong nakaraang buwan Hulyo 5, 2019 sa
oras na ika ala-una ng hapon bilang pagtanggap sa ICCT Colleges bilang bagong
kasapi sa ikalabing-isang taon ng nasabing asosasyon na dinaluhan ng mga head
teachers bilang kinatawan na nagmula sa iba’t-ibang kilalang pribadong paaralan
dito sa Pilipinas

Ang mga kabilang na paaralan ay mula sa Air Link International Aviation College,
Feati University, Immaculada Concepcion College, La Consolasion College Manila,
PATTS College of Aeronautics, Philippine Wowen’s University Taft Avenue , Manila
Adventist College, Manila Tytana Colleges, Empowering Aviation Education, St.
Dominic College of Asia, Taguig City University Philippines, Treston International
College, Trinity University of Asia.

Ang nasabing asosasyon ay binuo hindi lamang sa pang personal na hangarin ng


mga pinuno ng nasabing paaralan bagkus ito’y upang maging matibay ang
magiging samahan ng mga nasabing paaralan at magiging maayos ang kapakanan
ng mga athlete mula sa iba’t ibang paaralan, pahayag ni G. Montiro.

At ayon kay G. Leonardo Mondero Pinuno ng mga guro sa P.E ng ICCT ang
pagbubukas ng Ika labing–isang taon ng Inter Scholastic Association o ISAA ay
gaganapin sa Mall Of Asia Arena sa darating na Setyembre 19, 2019 para pormal
na pagbubukas ng Ika labing-isang Season ng ISAA at sa pagbubukas nito ay
kabilang na ang ICCT College bilang bagong kasapi.

You might also like