You are on page 1of 32

🙤 DEPARTAMENTO NG KASAYSAYAN 🙦

ANG ISTIGMATISASYON AT DISKRIMINASYON SA MGA


FILIPINO AMERASIANS NG OLONGAPO, ZAMBALES (1980-1992)

Isang Panukalang Tesis na isinumite sa Departamento ng Kasaysayan ng


Kolehiyo ng mga Agham-Panlipunan at Pag-unlad
Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas – Maynila

Bilang Bahaginang Pagtupad sa Kahilingan Para sa Kursong


Historical Methodology (HIST 20083)

nina

Daniel V. Aganan
Katleen Myla L. Banania
Arden Louise D. Chico
Kyla Yvette F. Liwanag

Marso 2023
🙤 DEPARTAMENTO NG KASAYSAYAN 🙦

TALAAN NG NILALAMAN

UNANG KABANATA

Panimula .............................................................................................................................................. 1

Saligang Pangkasaysayan .................................................................................................................... 2

Paglalahad ng Suliranin ....................................................................................................................... 4

Layunin ng Pag-aaral ........................................................................................................................... 4


Kahalagahan ng Pag-aaral.................................................................................................................... 5

Saklaw at Limitasyon ........................................................................................................................... 7


Pagsusuri ng mga Kaugnay na Literatura ............................................................................................ 8

Konseptwal na Balangkas .................................................................................................................. 19


Metodolohiya ..................................................................................................................................... 21

Pagkakasunod ng Pag-aaral ............................................................................................................... 24


Katuturan ng mga Termino ................................................................................................................ 26
Bibliograpiya ..................................................................................................................................... 28
🙦 DEPARTAMENTO NG KASAYSAYAN 🙦

UNANG KABANATA

PANIMULA
Matapos ang halos tatlong daang-taong pananakop ng Espanya sa Pilipinas, walang pag-
aatubiling pumasok ang Estados Unidos sa eksena dulot ng tusong kasunduan sa Paris taong 1898.
Ang pananatili ng mga Amerikano ay naghatid ng malawak at nakabibiglang epekto sa lipunang
Pilipino pagdating sa iba’t ibang usapin tulad ng ekonomiya, pulitika, edukasyon, kalusugan, at
marami pang iba. Ang mga pag-aaral sa mga nasabing aspeto ay hindi na bago sa larangan ng
akademya. Sa katunayan, maraming mga aklat, tesis, disertasyon, at dyornal na ang nailimbag sa
iba’t ibang mga pagkakataon na kadalasan din ay nagsasalaysay at tumutuon sa mga magagandang
ambagin ng Estados Unidos sa Pilipinas. Gayunpaman, kung gaano kabantog ang mga pag-aaral
sa mga nabanggit at kung gaano rin kaganda ang mga paglalarawan sa kanila, kabaligtaran naman
ang sinapit ng mga “Filipino Amerasians.”

Bagama’t matagal ng nagsara ang mga base militar ng Estados Unidos sa kapuluan
partikular sa Subic Naval Base sa bayan ng Olongapo, Zambales at Clark Air Base sa Clark,
Pampanga dulot ng pagkakabasura ng “extension” nito sa senado taong 1992, hindi kailanman
nagsara ang kabanata sa kwento ng mga “Filipino Amerasians” na isa sa matingkad na palatandaan
ng dominasyong Amerikano sa Pilipinas.1 Kaugnayan, isa si Peter C. Kutschera at ang kaniyang
itinatag na organisasyon na Amerasian Research Network, LTD., ang nangunguna sa pagsasagawa
ng malawakang pag-aaral hinggil sa mga Filipino Amerasians sa bansa.2 Naging katuwang niya
rin ang iba pang mga propesor mula sa iba’t ibang pampublikong paaralan tulad ng Unibersidad
ng Pilipinas. Ilan din sa kanilang mga naisulat na artikulo ay umiinog sa mga karanasan ng iilang
sample Filipino Amerasians kasama ang pagpapakilala sa kanila sa kabuuan. Kung tutuusin, hindi
pa rin sapat upang madalumat ang pagkakakilanlan, karanasan, at panawagan nila bilang minorya

1
Bulletin of Concerned Asian Scholars, “Amerasian children: Living legacy in the Philippines,” Bulletin of
Concerned Asian Scholars 25:2 (1993): 74.
2
Amerasian Research Network, “Dr. P.C. “Pete” Kutschera, Ph.D., LMSW BRIEF BIOGRAPHY,”
Amerasian Research Network, http://amerasianresearch.org/pdf/xx-ARNLtdWebsite-Director-Bio-11-03-2016.pdf
(accessed February 11, 2023).

1
🙦 DEPARTAMENTO NG KASAYSAYAN 🙦

sa lipunang Pilipino dulot ng pagiging komplikado at sensitibo ng paksa. Dagdagan pa ng


pagkikibit-balikat ng pamahalaang Amerikano at ng Pilipinas sa pangangailangan nito na dapat
sila ang nangunguna at nagtataguyod sa pagtugon.3

Sa kabilang banda, magpasa-hanggang ngayon ay marami pa rin sa populasyon ang


nakararanas ng iba’t ibang suliranin sa pang araw-araw na buhay kaugnay ng kanilang
pagkakakilanlan bilang mga Amerasians. Ilan sa mga ito ay dahil sa kanilang pisikal na katangian
o ‘di kaya’y sa kahirapan ng buhay. Bunga nito, ninanais ng mga mananaliksik na makabuo ng
maayos na paglalarawan hinggil sa mga Filipino Amerasians ng Olongapo, Zambales, partikular
sa kanilang mga karanasan tulad ng istigmatisasyon at diskriminasyon mula sa iba’t ibang salik
panlipunan.4 Tinatangka ng mga mananaliksik na sa pamamagitan ng mga mapagkakatiwalaang
batis at gayun din ng pakikipag-panayam na isasagawa ay maka pagbibigay linaw ito sa aspeto ng
kanilang pagkatao lalong higit sa mga katanungan sa paglalahad ng suliranin bilang
pagpapatingkad ng kasaysayan.

SALIGANG PANGKASAYSAYAN
Ang matagal na pananatili ng mga Amerikanong sundalo sa Pilipinas ay hindi lamang
nagdala ng pagbabago sa ekonomiya ng Olongapo, Zambales, bagkus ang kanilang presensya ay
nagdulot ng mga kagimbal-gimbal at nagkintal ng marka sa buhay ng mga mamamayan nito.
Bunga ng kahirapan matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig gayundin ang epekto ng
kasunduan noong 1947 na nagpapahintulot sa pananatili ng hukbong militar ng Estados Unidos sa
Pilipinas [Military Bases Agreement of 1947], ang dalawang salik na ito ang nagsilbing mitsa sa
mahabang pagpapatuloy at pakikipag daupang-palad ng mga Amerikano sa mga Pilipino.5

3
Joseph Ahern, “Out of Sight, Out of Mind: United States Immigration Law and Policy as Applied to
Filipino-Amerasians,” Pacific Rim Law & Policy Journal, Vol. 1 No. 1, (1993): 112-118.
4
Ibid, 113-114.
5
Official Gazette, “Message of President Roxas to the Senate on the Agreement Concerning American
Military Bases in the Philippines,” Official Gazette. https://www.officialgazette.gov.ph/1947/03/17/message-of-
president-roxas-to-the-senate-on-the-agreement-concerning-american-military-bases-in-the-philippines/ (accessed
February 11, 2023).

2
🙦 DEPARTAMENTO NG KASAYSAYAN 🙦

Kaugnayan, ang gayong kaganapan din ay naging dahilan sa pag-usbong ng iba’t ibang uri ng
kalakaran, pamumuhay, pagsasama, mga relasyon at lalong higit ng mga Filipino Amerasians.

Ayon kay Pearl Sydenstricker Buck, isang manunulat at tagapagtatag, tinawag niyang
“Amerasians” ang mga supling na nabuo sa pagitan ng pagsasama ng mga Amerikanong sundalo
at ng mga babaeng asyano. Ito ay halaw sa pinagsamang mga salita na “American” at “Asians” na
kaiba sa mga indibidwal na may “half-half nationality.”6 Bukod pa rito, marami sa nasabing
populasyon ang nakakaranas ng iba’t ibang uri ng istigmatisasyon at diskriminasyon kaugnay ng
kanilang pagkakakilanlan, pisikal na kaibahan, at estado ng pamumuhay. Ilan sa mga halimbawa
nito ay ang pagiging tampulan ng samu’t saring mga panghuhusga o panunukso, pang-aabuso sa
loob at labas ng pamilya, at kawalang pagkilala sa kanilang pag-iral sa lipunan (exclusion)—ang
lahat ng ito ay kadalasang nag-ugat sa pagkalimot at pagpapabaya ng Estados Unidos patungkol
sa naturang usapin.

Sa kabilang dako, ang mga Filipino Amerasians ay humaharap sa masalimuot na


pagtataguyod ng kanilang mga karapatan bilang mga anak ng former U.S. Military Servicemen.
Mas lalong naging mailap na maisakatuparan ang gayong hangarin dulot ng tuwirang pagkalimot
sa mga Filipino Amerasians sa ipinasang “Amerasian Immigration Act of 1982” halos apatnapung
taon na ang nakalilipas. Naglalaman ito ng pagkilala at pagbibigay ng oportunidad sa mga
Amerasians mula sa iba pang mga bansa sa asya tulad ng Korea, Vietnam, Laos, Cambodia, at
Thailand na makapunta sa Estados Unidos kasama ng kanilang mga ama.7 Sa kasamaang palad,
kabalintunaan kung iisipin na ang Pilipinas lamang ang hindi isinama sa nasabing batas—isang
tuwirang sampal at alimura sa panig ng mga Filipino Amerasians. Gayunpaman, sa matagal na
pangungulila sa kanilang mga biological fathers at dala ng mga katanungan kaugnay ng kanilang
pagkatao, hindi naging hadlang ang pagkikibit-balikat ng pamahalaan upang ipagpatuloy ang
paghahanap sa mga ito.

6
Philippine American Guardian Association, “Who are Filipino Amerasians,” Philippine American Guardian
Association. https://www.paga.ph/filipino-amerasians/ (accessed February 11, 2023).
7
Joseph Ahern, “Out of Sight, Out of Mind,”

3
🙦 DEPARTAMENTO NG KASAYSAYAN 🙦

Sa huli, ang pangkabuuang sitwasyon ng mga Filipino Amerasians ay tunay na mahalaga


subalit patuloy na ibinabaon sa limot ng pamahalaang Amerikano maging ng Pilipinas. Gayundin,
ang kwento ng mga Filipino Amerasians ay tunay na mahalagang bahagi ng kasaysayan. Kaya
marapat na maka pagsulong ng mga inisyatiba na magbubukas pa ng mga pinto para sa malalimang
pagdalumat ng kanilang karanasan sa patuloy na paglipas ng panahon.

PAGLALAHAD NG SULIRANIN
Ang pag-usbong at pag-iral ng mga Filipino Amerasians sa bayan ng Olongapo, Zambales
ay indikasyon ng matagal na pananatili ng Estados Unidos sa Pilipinas. Ang kanilang pamumuhay
sa mga nakalipas na taon hanggang sa kasalukuyan ay tigib ng iba't ibang uri ng istigmatisasyon
at diskriminasyon kaugnay ng kanilang pagkakakilanlan, pisikal na kaibahan, at estado sa buhay.
Sa kasamaang palad ay pinalalala pa ng pagkikibit-balikat ng pamunuan at maling paglalarawan
sa kanila bilang mga Filipino Amerasians. Bunga ng nasabing mga kadahilanan, ninanais ng mga
mananaliksik na dalumatin ang karanasan nila nang sa gayon ay maunawaan at maging daan sa
lubos na pag-unawa ng kasaysayan sa pamamagitan ng pagsagot sa mga sumusunod na
katanungan:

1. Paano maiuugnay ang pag-usbong ng Filipino Amerasians sa pamamalagi ng mga


sundalong Amerikano sa Olongapo?
2. Paano kinaharap ng mga Filipino Amerasians ang iba't ibang istigmatisasyon at
diskriminasyon mula sa lipunang kanilang kinabibilangan?
3. Paano binigyang tugon ng pamahalaan ng Pilipinas, Estados Unidos, at ng iba pang mga
institusyong panlipunan ang kalagayan at pangangailangan ng mga Filipino Amerasians?

LAYUNIN NG PAG AARAL


Sa mga suliraning inilahad, nabuo ang sumusunod na mga layunin na siyang magsisilbing
gabay upang maisakatuparan ang ninanais ng mga mananaliksik. Ang papel na ito ay isang
pagtatangka hinggil sa penomena o pag-usbong ng mga Filipino Amerasians at maging sa kanilang

4
🙦 DEPARTAMENTO NG KASAYSAYAN 🙦

kalagayan sa lipunang kanilang kinabibilangan. Upang mas higit na maunawaan at matanaw ang
kapakinabangan ng pag-aaral na ito ay masisipat sa ibaba ang mga sumusunod na layunin:

1. Maiugnay ang pag-usbong ng mga Filipino Amerasians sa pamamalagi ng mga


Amerikanong sundalo sa bayan ng Olongapo, Zambales.
2. Maipakita ang pagtatangka na harapin ang iba’t ibang istigmatisasyon at diskriminasyon
ng mga Filipino Amerasians sa kanilang lipunang kinabibilangan.
3. Maipakita ang mga naging tugon ng pamahalaan ng Pilipinas, Estados Unidos at ng iba
pang institusyong panlipunan hinggil sa pangangailangan ng mga Filipino Amerasians sa
bayan ng Olongapo, Zambales.

KAHALAGAHAN NG PAG AARAL


Sa mahabang panahon ng pananatili ng mga Amerikano sa Pilipinas, mababakas pa rin ang
impluwensyang idinulot nito sa kultura, mga gawi, at pag-iisip ng sambayanang Pilipino lalong
higit sa pag-usbong ng mga Filipino Amerasians. Ang kanilang pag-iral sa lipunang Pilipino ay
lubhang napakahalaga sa pangkabuuang kasaysayan at pagkakakilanlan ng bansa subalit hindi pa
rin nabibigyan ng karampatang pagsipat hanggang sa kasalukuyan. Sa kabilang banda, kapaki-
pakinabang ang pag-aaral na ito sa iba't ibang sektor ng lipunan datapuwa't hindi nalilimita sa mga
sumusunod:

Para sa mga Mag-aaral ng Kasaysayan at mga Mananaliksik. Sa pamamagitan ng papel na


ito, ang mga mananaliksik bilang nasa yugto ng pagsasanay sa pag-aaral ng kasaysayan ay
magkakaroon ng pagkakataon na mapalalim ang kanilang kaalaman hinggil sa mga Filipino
Amerasians na magiging daan sa lalong ikauunlad ng paksa. Gayundin ay makatutulong ito upang
mahasa ang kanilang kakayahang mag-isip ng kritikal, umunlad ang karanasan sa paggawa ng mga
pananaliksik, at higit sa lahat ay maisagawa ang mga kasanayan na ito sa tunay na buhay (practical
applications). Sa huli, upang hikayatin din ang iba pang mga mananaliksik o mag-aaral na
ipagpatuloy ang paksain sa mga susunod pang henerasyon.

5
🙦 DEPARTAMENTO NG KASAYSAYAN 🙦

Para sa mga Filipino Amerasians. Bilang pangunahing paksa ang mga Filipino Amerasians sa
isasagawang pananaliksik, hinahangad ng pag-aaral na magsilbi itong instrumento upang
mabigyan ng maayos at nararapat na paglalarawan o pagkilala ang mga Filipino Amerasians na
bahagi ng kasaysayan ng Pilipinas. Sa pamamagitan ng papel, hinahangad na maiwawaksi ang
maling pagpapakilala (estereotipo) sa kanilang pag-iral kaugnay ng kalakarang prostitusyon sa
Olongapo, Zambales noong panahon ng pamamayagpag ng Estados Unidos sa bansa.8 Gayundin,
magsisilbi rin itong pagpapalawak sa paunang kaalaman sa istigmatisasyon at diskriminasyon na
nararanasan ng mga Filipino Amerasians. Sa huli, upang mapakinggan ang kanilang mga
panawagan bilang mga indibidwal sa iba’t ibang pagkakataon.

Para sa Pamahalaan. Sa mahabang panahon ay hindi nabibigyang pansin ng pamahalaan ng


Pilipinas at Estados Unidos ang kalagayan at pangangailangan ng mga Filipino Amerasians. Pilit
na isinasantabi at hindi napagkakalooban ng karampatang pagkilala, karapatan, at suporta ang mga
ito ayon sa mga umiiral na polisiya o ‘di kaya’y mga panukalang batas na nabuo sa pagitan ng mga
Filipino Amerasians at pamahalaan.9 Kung kaya’t sa pamamagitan ng papel na ito, mabibigyan ng
pagkakataon at tinig ang kanilang mga panawagan. Magsisilbi rin ito bilang paunang hakbang
upang mapukaw ang pansin ng mga nasa pamunuang lokal o internasyonal man. Sa gayon ay
matugunan kahit papaano ang kabuuang suliranin na dinudulog nila sa pamahalaan sa kabila ng
kakulangan ng suporta at pagtugon dito.

Para sa iba pang mga Institusyong Panlipunan. Sa pamamagitan ng papel na ito, mas
mapaiigting ng iba’t ibang mga institusyong panlipunan ang kanilang mandato na tuluyang
matugunan at masuportahan ang kalagayan ng mga Filipino Amerasians sa Pilipinas. Gayundin,
upang masipat ng naturang mga institusyon kung ano-anong mga aspeto ang dapat pa nilang
pagtuunan ng pansin nang sa gayon ay mapunan ang mga pangangailangan ng mga Amerasians

8
Richard Buttny, “Legitimation techniques for intermarriage: Accounts of motives for intermarriage from
U.S. servicemen and Philippine women,” Communication Quarterly, Vol. 35, No. 2 (Spring 1987): 25-143,
http://dx.doi.org/10.1080/01463378709369677 (accessed March 3, 2023).
9
Joseph Ahern, “Out of Sight, Out of Mind,” 105-126.

6
🙦 DEPARTAMENTO NG KASAYSAYAN 🙦

lalo’t higit pagdating sa pag-ibsan ng mga istigmatisasyon at diskriminasyon na matatalakay sa


pananaliksik.

SAKLAW AT LIMITASYON
Sa kabuuan, ang pag-aaral na ito ay iinog sa kasaysayan ng pag-usbong ng mga Filipino
Amerasians sa Pilipinas, partikular na sa bayan ng Olongapo, Zambales mula sa inihahatid ng mga
batis na nakalap ng mga mananaliksik. Isinasaalang-alang ang ugnayang ito sa pagsasa-konteksto
sa pamamalagi ng mga sundalong Amerikano sa mga naval at military bases sa bansa. Ipakikilala
at tatalakayin din dito ang usapin ukol sa rest and recreation program at ang kalakarang
prostitusyon na siyang madalas na ikinakabit bilang pangunahing salik sa pag-usbong ng mga
Filipino Amerasians. Gayunpaman, mabibigyan ng kaunting sipat ang naturang mga salik subalit
hindi malilimitahan sa mga ito ang mga pagtatalakay tungkol sa pag-iral ng nasabing populasyon.

Gayundin, hindi nakakulong ang pananaliksik hinggil sa pag-usbong ng Filipino


Amerasians maging sa kasaysayan ng pamamalagi ng mga sundalong Amerikano sa bansa. Sa
halip ay sisipatin din ng pag-aaral ang istigmatisasyon at diskriminasyong kanilang naranasan na
iniluluwal ng lipunang kanilang kinabibilangan. Kaakibat ng pagtalakay na ito ay ang pagdalumat
sa kanilang reaksyon, hakbangin o di kaya’y pagtugon hinggil dito. Anupa’t mababanaag ang
kanilang pang araw-araw na danas at kalagayang panlipunan. Ang mga ito ay nakasandig sa mga
batis na nakalap mula sa iba’t-ibang plataporma o silid-aklatan, online, journal, at mga
publikasyon na masusing dinalumat ng mga mananaliksik batay sa pagsusuri nito sang-ayon sa
awtentisidad, kredibilidad, at kapakinabangan nito upang maisakatuparan ang layunin ng pag-
aaral. Gayunpaman, ninanais ng mga mananaliksik na magsagawa ng panayam upang mas higit
na masapatan ang datos na kakailanganin sa pagtataguyod ng papel. Dagdag pa rito, sa kabila ng
mga istigmatisasyon at diskriminasyong kanilang nararanasan, maging ang isyu hinggil sa
pagsasawalang bahala ng kanilang mga U.S. Military Servicemen fathers sa kanilang pag-iral,
tatalakayin ng papel ang mga hakbanging isinagawa ng mga ahensya mula sa Pilipinas maging sa
Estados Unidos na may kaugnayan sa usaping ito. Bilang karagdagan, ang pagtalakay ay
lilimitahan lamang sa mga taong 1980 hanggang 1992.

7
🙦 DEPARTAMENTO NG KASAYSAYAN 🙦

Sa huli, hindi sinasaklaw nitong pag-aaral ang iba pang mga lugar sa loob at labas ng bansa
kung saan maaaring kakikitaan din ng presensya ng mga Filipino Amerasians sapagkat tunguhin
na mabigyang pansin sa paksang inaaral ng mga mananaliksik ang bayan ng Olongapo, Zambales.

PAGSUSURI NG MGA KAUGNAY NA LITERATURA


Ang pagtatangkang maihayag ang karanasan at kasaysayan ng mga Filipino Amerasians
ay tunay ngang masalimuot at nangangailangan ng mabusising pananaliksik. Kung kaya naman
ang mga mananaliksik ay minarapat na maghanap, magsuri, at pumili ng mga batis na
makatutulong upang dalumatin ang nasabing paksa. Mula sa mga silid-aklatan, internet, at iba’t
ibang mga plataporma ay nakapag-impok ng labinlimang (15) na mga batis na makapagbibigay
kalinawan sa tatlong (3) katanungan na makikita sa paglalahad ng suliranin. Matapos nito ay
nagkaroon ng masinsinang pag-aanalisa sa mga sumusunod na batis at nakabuo ng isang
makabuluhang salaysay.

Ang pag-usbong ng mga Filipino Amerasians ay maiuugnay sa pamamalagi ng mga


sundalong Amerikano sa Pilipinas, partikular na sa Olongapo, Zambales. Sa akda ni Richard
Buttny na pinamagatang, “Legitimation techniques for intermarriage: Accounts of motives for
intermarriage from U.S. servicemen and Philippine women,” mababanaagan ang exogamous
relationships o intermarriages na nabuo sa pagitan ng U.S. Military Servicemen at mga
kababaihang Pilipino sa bayan ng Olongapo noong kasagsagan ng pananatili ng mga Amerikano
sa bansa. Gayundin, ang pagtalakay ni Paulla Santos sa kanyang artikulo na “Sexuality, Gender,
and US Imperialism after Philippine Independence: An Examination of Gender and Sexual
Stereotypes of Pilipina Entertainment Workers and US Servicemen” kung saan kanyang binigyang
pansin ang iba’t ibang mga pananaw o estereotipong nangibabaw sa pagitan ng mga Amerikano at
mga kababaihang Pilipino bunga ng kanilang pakikipag daupang-palad sa bawat isa. Samantala sa
tala naman ni Kevin Sliwoski na “Sounds of Subic Bay: The US Navy in the Philippines, 1950 -
1971,” natalakay ang pananatili ng U.S. Military Servicemen sa bansa, partikular sa Subic Naval
Base, maging ang kanilang mga karanasan, pamumuhay at kaparaanan ng paglilibang na siyang

8
🙦 DEPARTAMENTO NG KASAYSAYAN 🙦

nagbukas ng pinto sa kalakarang prostitusyon sa bayan ng Olongapo. At panghuli, ang akda ni


Elisabeth Schober na “Building a city: Korean capitalists and navy nostalgia in “overheated”
Subic Bay” na umiinog sa paghahambing ng mga Olongapeños sa mga Amerikano at mga Koreano
pagdating sa mga oportunidad at benepisyo na inihahandog nito sa publiko o nasabing bayan sa
magkaibang panahon.

Sa kabilang banda, ang bawat batis ay nagkaroon ng mga pagkakahalintulad at pagkakaiba


sa kani-kanilang mga pagsasalaysay. Una, pagdating sa pananaw ng mga sundalong Amerikano at
mga kababaihang Pilipino sa bawat isa bilang saligan ng kanilang pakikipag-ugnayan. Ayon sa
pagtalakay ni Buttny, nahinuha na sa pananatili ng mga U.S. Military Servicemen sa bansa ay
naging daan ito sa pagkakabuo ng iba’t ibang “exogamous relationships” o “intermarriages” sa
pagitan ng mga lokal at banyaga. Binigyang diin niya na ang mga kababaihang Pilipino ay
tinitingnan ng mga Amerikano bilang mas mainam na piliin kaysa sa American women dahil sa
taglay nilang kaaya-ayang mga katangian. Anupa’t para rin sa naturang mga kalalakihan, ang mga
Pilipino ay may pagkakahalintulad pagdating sa kanilang kulturang maka-kanluranin kung kaya
naman mas nakita nilang angat ang mga ito kumpara sa sariling kalahi. Sa madaling salita, ang
pagkakalarawan sa mga Filipina women ay positibo at “ideal,” na siyang naging saligan sa
pagkakabuo ng naturang mga pagsasama.10

Gayunpaman, ang akda ni Paulla Santos ay bumabalikwas sa gayong paglalarawan. Sa


pagtalakay ng mananaliksik, inihayag niya ang mababa at hindi makataong pananaw ng mga
Amerikano sa mga kababaihang Pilipino. Sa katunayan, sinasabing tinitingnan ng mga sundalo
ang kababaihang Pilipino bilang mga sunud-sunuran at umaasa lamang sa mga kalalakihan na siya
namang nagustuhan ng U.S. Military Servicemen. Dagdag pa, pinagtibay ni Santos ang kaniyang
argumento sa pamamagitan ng mga awitin tulad ng Filipino Baby ni Ernest Tubb noong 1946 at
Ballad of Subic Bay ni Eddie Tallada, mga banyaga, na tuwirang ibinababa ang dangal ng mga

10
Richard Buttny, “Legitimation techniques for intermarriage.”

9
🙦 DEPARTAMENTO NG KASAYSAYAN 🙦

kababaihan bilang mga parausan lamang.11 Samakatuwid, ang interaksyon o ang namuong
pakikipag-ugnayan sa pagitan ng mga kababaihang Pilipino at mga sundalong Amerikano ay
madalas na dulot lamang ng estereotipong pagkakakilala nila sa bawat isa.

Gayundin naman, ang akda ni Sliwoski ay hindi nalalayo kay Santos pagdating sa
pagkakaroon ng gayong pananaw sa pakikipag-ugnayan o pagsasama. Walang anu-ano’y mas
pinatingkad niya ito sa paglalahad ng argumento na bagama’t may pagkakataon talaga na may
umiiral na “intermarriages” gaya ng inilalahad ni Buttny, hindi maikakaila na mayroon din
namang mga relasyong sumandig sa pansariling pangangailangan lamang. Halimbawa ang mga
panandaliang-aliw at pagsasama kapalit ng karampatang salapi [prostitusyon] na namamayani sa
mga base militar ng Estados Unidos sa Pilipinas.12 Dagdag pa rito, kung babalikan muli ang
artikulo ni Buttny hinggil sa mga pangunahing dahilan sa pagpasok ng pitumpu’t dalawang mga
kababaihang Pilipino sa intermarriages, bukod sa “romantic love” ay pumapangalawa ang
“economic security” upang tiyakin ang magandang hinaharap [future] ng kanilang mga magiging
anak. Sa madaling salita, mahihinuha na ang interaksyon o relasyon na nabubuo sa pagitan ng mga
Amerikano at mga kababaihang Pilipino ay nagkakaiba-iba batay sa persepsyon at kapakinabangan
na makukuha nila sa isa’t isa.

Samantalang ang naturang “benefits” na binanggit ni Sliwoski maging ang katotohanan na


ang mga US Military Servicemen ang nagiging pangunahing rekurso ng pananalapi ng kalakarang
prostitusyon o mga nightclubs sa Olongapo ay pinatotohanan din sa talakayan na inihahain ni
Schober sa kanyang mga mambabasa.13 Sa kanyang akda, binabanggit na ang benepisyong
tinutukoy dito ay hinggil sa nakukuha ng mga Pilipino sa pakikipag-ugnayan sa mga sundalong
Amerikano sa personal o panlipunan mang aspeto. Dinalumat ni Schober ang nagaganap na

11
Paulla Santos, “Sexuality, Gender, and US Imperialism after Philippine Independence: An Examination
of Gender and Sexual Stereotypes of Pilipina Entertainment Workers and US Servicemen,” Oregon Undergraduate
Research Journal, Vol. 9 No. 1, (Fall 2015): 1-16.
12
Kevin Sliwoski, “Sounds of Subic Bay: The US Navy in the Philippines, 1950 – 1971” (master’s thesis,
University of California Riverside, 2019): 169.
13
Ibid., 135.

10
🙦 DEPARTAMENTO NG KASAYSAYAN 🙦

nostalgia sa mga lokal ng Olongapo na kung saan mababanaagan ang malalim na ikinintal ng
dominasyong Amerikano sa kanilang kabuhayan at kabuuang pang-ekonomiya. Nabanggit kung
papaanong ang iba’t ibang industriya na nakasalig at sumasamantala sa presensya ng Estados
Unidos ay lumakas subalit biglang bumagsak matapos ang 1992. Anupa’t makalipas ang ilang
dekada ay patuloy pa ring umaasa ang karamihan sa mga Olongapeños sa muling pagbabalik ng
naturang hukbo sa kanilang bayan sa paniniwalang magbibigay ulit ng sigla sa kanilang
pamumuhay.14 Samakatuwid, mahihinuha na lubhang nakasalig ang kabuhayan ng Olongapo sa
presensya ng mga Amerikano—na hindi kailanman maaaring kaligtaan kapag nais sipatin ang
motibasyon at pananaw sa interaksyon ng naturang mga tauhan.

Bilang paglalagom, ang mga akda nina Buttny, Santos, Sliwoski, at Schober ay umiinog sa
ugnayan ng mga kababaihang Pilipino at mga sundalong Amerikano. Malinaw na mahihinuha na
ang pananatili ng mga banyaga sa Olongapo, Zambales ay nagbunga ng iba’t ibang uri ng relasyon
sa pagitan ng mga lokal at banyaga. Ang iba ay humantong sa panandaliang pagsasama o ‘di
kaya’y pangmatagalan [intermarriage]—ito rin ay nakasalig depende sa persepsyon at
kapakinabangan na kanilang matatanggap sa naturang pagbubuklod. Gayunpaman, hindi
maikakaila na ang gayong mga relasyon ay naging instrumental sa pag-usbong ng mga Filipino
Amerasians bilang bunga ng kanilang pakikipag-ugnayan sa isa’t isa. Samakatuwid, maiuugnay
ang pag-usbong ng Filipino Amerasians sa pamamalagi ng mga sundalong Amerikano sa
Olongapo.

Bunga ng pagsilang ng mga Filipino Amerasians sa bayan ng Olongapo, Zambales ay


kaakibat nito ang iba’t ibang pananaw at pagturing sa kanila ng lipunan. Ang gayong pakikitungo
ay mailalarawan bilang porma ng istigmatisasyon at diskriminasyon na patuloy na kinakaharap ng
mga Filipino Amerasians hanggang sa kasalukuyan. Masisipat sa mga sumusunod na batis ang
kalagayan ng naturang populasyon at maging ang epekto nito sa kanilang pamumuhay.
Masasalamin sa akda ni Peter Kutschera na “Modern Day Second Military Filipino Amerasians

14
Elisabeth Schober, “Building a city: Korean capitalists and navy nostalgia in “overheated” Subic Bay.”
History and Anthropology, Vol. 27, No. 5, (September 2016): 488-503.

11
🙦 DEPARTAMENTO NG KASAYSAYAN 🙦

and Ghost of the US Military Prostitution System in West Central Luzon’s AMO Amerasians
Triangle” ang pagsisimula ng military prostitution sa bayan ng Olongapo, ang mga kahirapan na
kinakaharap ng mga naiwang pamilya ng mga sundalong amerikano gayundin ang epekto nito sa
kanilang kalagayang pangkaisipan.15 Sa kasunod na artikulo na inilathala nina Kutschera at
Talamera na pinamagatang “Somatic Illness and Psychosocial Risk among Military Amerasian
Adolescents and Young Adults in Luzon, the Philippines” ay tinatalakay naman ang mga salik o
sanhi ng istigmatisasyon at diskriminasyon sa mga Filipino Amerasians na kadalasan ay
nagmumula sa mga estereotipo ng ibang tao.16 Halimbawa, ang pag-uugnay sa kanila sa kalakarang
protitusyon at kaibahan pagdating sa pisikal na kaanyuan. Gayundin naman, ang artikulong
“Filipino Amerasians: Gauging Stigmatization, Intolerance and Hatemongering in a Pluralistic
Asia Pacific Society” na isinulat din ni Kutschera kasama ng ilan pang mga manunulat, kanilang
tinalakay ang mga nararanasang istigmatisasyon at diskriminasyon ng mga Filipino Amerasians
gamit ang Depression Anxiety Stress Scales (DASS-21).17 Sa kabilang dako, ang akdang “The
Continuing Conundrum of Southeast Asia’s 50,000 Filipino Military ‘Amerasians” na isinulat ni
Kutschera ay tinutumbok ang pinagmulan ng mga istigmatisasyon at diskriminasyon na
nagdudulot ng psychosocial risk and stress sa mga Filipino Amerasians.18

Dagdag pa rito, kung babatayan naman ang akda ni Lora Chapman na “Just being Real.”
A Post-Colonial Critique on Amerasian Engagement in Central Luzon’s Sex Industry,” masisipat
ang ugnayan ng kalakarang prostitusyon sa bayan ng Olongapo sa kalagayang panlipunan ng mga

15
Peter C. Kutschera, Elena C. Tesoro, Mary Grace Talamera-Sandico, and Jose Maria G. Pelayo III.
“Modern Day Second Generation Military Filipino Amerasians and Ghosts of the U.S. Military Prostitution System
in West Central Luzon's 'Amo Amerasian Triangle',” Zenodo, September 1, 2015, https://zenodo.org/record/1109067.
16
Peter C. Kutschera and Mary Grace Talamera-Sandico, “Somatic Illness and Psychosocial Risk among
Military Amerasian Adolescents and Young Adults in Luzon, the Philippines,” Asia Pacific Journal of Social Work
and Development 23, no. 3 (2013): pp. 183-197, https://doi.org/10.1080/02185385.2013.818200.
17
Peter C. Kutschera and Marie A. Caputi, “Filipino Amerasians: Gauging Stigmatization, Intolerance and
Hatemongering in a Pluralistic Asia Pacific Society.” Journal of Hate Studies, Vol. 11, (April 2013): 119-143,
https://jhs.press.gonzaga.edu/articles/10.33972/jhs.94/galley/92/download/.
18
Peter C. Kutschera, Jose Maria G. Pelayo, and Mary Grace Talamera-Sandico. “The Continuing
Conundrum of Southeast Asia 's 50, 000 Filipino Military ' Amerasians ': Semantic Scholar.” (1970) .
https://www.semanticscholar.org/paper/The-Continuing-Conundrum-of-Southeast-Asia-%E2%80%99-s-50-%2C-
Kutschera-Pelayo/af0bb25383b1d929a6bfe5ee2d7adb8c9431c90b

12
🙦 DEPARTAMENTO NG KASAYSAYAN 🙦

Filipino Amerasians maging sa kanilang karapatan at pagharap sa iba't ibang uri ng mga
istigmatisasyon at diskriminasyon na kanilang nararanasan.19 Sa huli, ang batis na “Local
Governance in the Midst of Economic Dependency: A Case Study of Olongapo City” ni John
Michael Ian Salas ay tumatalakay sa pang kabuuang kalagayan ng bayan ng Olongapo, Zambales
sa kabila ng dominasyong Amerikano sa nasabing pook gamit ang iba’t ibang datos panlipunan.20

Bilang ang mayorya ng mga batis ay pinangunahan ni Kutschera—isa sa pangunahing


tagapag sulong ng mga pag-aaral ukol sa Filipino Amerasians, mababanaag na consistent ang
kanyang mga pahayag at argumento sa bawat pag-aaral. Mula sa tatlong pananaliksik na kanyang
pinangunahan katuwang ang iba pang mga dalubhasa na sina Sandico, Pelayo, at Caputi ay
mahihinuha na hindi talaga maihihiwalay ang ideya ng prostitusyon sa mga Filipino Amerasians.21
Sinang-ayunan din ito ng pag-aaral na isinagawa ni Lora Chapman. Nakakabit ang gayong mga
argumento sa mga salaysay na nabuo nina Chapman at Kutschera na maaaring iugnay din sa
kasaysayan ng militarisasyon sa pag-usbong ng mga Filipino Amerasians sa Olongapo at maging
sa pang kabuuang kasaysayan ng Pilipinas. Binigyang diin na dahil sa kultura ng militarisasyon
ng Estados Unidos, nagbigay daan ito upang maitayo sa Pilipinas ang mga base militar na siyang
pinagmulan ng iba’t ibang penomena tulad na lamang ng pag-usbong ng Filipino Amerasians.22
Buhat nito ay nagsanga-sanga ang mga istigmatisasyon na kanilang kinakaharap. Ilan sa mga ito
ay nakatuon sa kanilang pisikal na kaanyuan, kawalan ng ama, at pagkabalisa dahil sa identity
crisis. Samakatuwid, nagbunga ito ng mga di-inaasahang epekto sa pagkatao ng mga Filipino
Amerasians. Dagdag pa, dulot ng istigmatisasyon sa mga Filipino Amerasians, binigyan ng
siyentipikong pagpapaliwanag sa isang papel ni Kutschera ang seryosong epekto nito sa pag-iisip

19
Lora Chapman, “Just being real”: A post-colonial critique on Amerasian engagement in Central Luzon’s
sex industry,” Asia: Routledge Taylor & Francis Group (2017), 224 - 237.
https://www.tandfonline.com/doi/abs/10.1080/12259276.2017.1317917?journalCode=rajw20 (accessed November
17, 2022)
20
John Michael Ian S. Salas, “Local Governance in the Midst of Economic Dependency: A Case Study of
Olongapo City,” EconStor (Makati City: Philippine Institute for Development Studies (PIDS), January 1, 1970),
https://www.econstor.eu/handle/10419/127877.
21
Peter C. Kutschera, Jose Maria G. Pelayo, and Mary Grace Talamera-Sandico. “The Continuing
Conundrum.”
22
Lora Chapman, “Just being real.”

13
🙦 DEPARTAMENTO NG KASAYSAYAN 🙦

ng mga nasabing biktima.23 Hindi rin inihiwalay ni Kutschera kasama ng iba pa niyang katuwang
sa pag-aaral ang kahalagahan kung bakit kailangan mabanggit ang pangangailangang mental ng
mga Filipino Amerasians.24 Sa kabila ng hindi mabilang na mga istigmatisasyon at
diskriminasyon na binabato sa kanilang komunidad, mapapansin ang pagkakasundo-sundo ng mga
batis na ang pangunahing rason kung bakit sila nagpapatuloy ay dahil sa sosyo-ekonomikong
pangangailangan. Gamit ang mga datos na makikita sa talakayang papel ni Salas, makikitang
sumasandig ang ekonomiya ng Olongapo sa mga gawaing madalas pasukan ng mga Filipino
Amerasians.25 Dito mas makikita ang matibay na pundasyon ng argumento ukol sa isyu ng
matinding pangangailangan ng naturang populasyon. Batid ng mga Filipino Amerasians na ang
pagtatangka na sumangkot ulit sa mga gawaing sekswal na siyang primaryang istigma sa kanilang
pag-usbong ay magiging kapaki-pakinabang sa kanilang pang araw-araw na pamumuhay. Isa pa
sa nag-udyok upang tahakin nila ang landas na ito ay dahil sa kawalan ng oportunidad dulot ng
diskriminasyong namamayani sa lipunang kanilang ginagalawan.26 Bagama’t magkaiba ang istilo
ng pagpapalalim ng paliwanag nina Chapman at Kutschera, hindi ikinaila ng kanilang pag-aaral
na namamana ang bigat ng suliraning kinakaharap ng mga Filipino Amerasians. Ito ay patuloy na
lumalala habang padagdag nang padagdag ang henerasyon ng kanilang populasyon sa paglipas ng
panahon.27

Natatangi ang pag-aaral ni Lora Chapman sa lahat ng batis na nalikom ng mga


mananaliksik dahil sa paglalatag niya ng pagpapaliwanag kung bakit pinangatawanan ng mga
Filipino Amerasians ang mga istigmang ikinintal sa kanilang pagkatao. Taliwas sa madalas na
argumento sa mga pag-aaral na “biktima” ang mga Filipino Amerasians ng prostitusyon at iba
pang maiuugnay na gawaing sekswal, sa paghihinuha ni Chapman ay pinili ng mga Filipino
Amerasians na punan ang istigmang ito, kung kaya’t nagiging reyalidad na at hindi na isang

23
Peter C. Kutschera and Mary Grace Talamera-Sandico, “Somatic Illness.”
24
Peter C. Kutschera and Marie A. Caputi, “Filipino Amerasians.”
25
John Michael Ian S. Salas, “Local Governance.”
26
Lora Chapman, “Just being real.”
27
Peter C. Kutschera, Elena C. Tesoro, Mary Grace Talamera-Sandico, and Jose Maria G. Pelayo III.
“Modern Day.”

14
🙦 DEPARTAMENTO NG KASAYSAYAN 🙦

istigma. Ngunit binigyang diin niya na humantong sa ganitong reaksyon ang Filipino Amerasians
dahil sa hindi makatarungang oportunidad na inilalaan sa kanila ng lipunan.28 Samakatuwid,
napipilitan silang tahakin ang landas ng mga gawaing sekswal dahil ito lamang ang nakikita nilang
pagkakataon upang magkaroon ng trabahong pupuno para sa kanilang pang araw-araw na
pangangailangan. Sa pag-aanalisa, nagbigay ng bagong sipat ang pag aaral na ito sa ideyang
sinamantala na rin ng mga Filipino Amerasians ang istigma na nakakabit sa kanilang pagkatao.
Ngunit hindi maiwawaksi ang katotohanang sumasalamin ito sa patuloy na paglawak ng istigma
sa komunidad ng mga Filipino Amerasians.

Matapos mabigyang sipat ang mga argumento ng bawat batis, may isang lumitaw na
naratibo kung ano at paano kinaharap ng mga Filipino Amerasians ang istigmatisasyon at
diskriminasyong kanilang naranasan. Sa istigmatisasyon, prostitusyon ang itinuturong sanhi sa
marami pang istigma na iniuugnay sa mga sa Filipino Amerasians. Mula rito ay mas lumawak ang
istigma na siyang nagbigay puwang sa mga diskriminasyong kanilang nararanasan sa araw-araw
kahit lumipas na ang maraming henerasyon. Ang manipestasyon ng diskriminasyon ay matatanaw
sa pangkabuuang pagturing ng lipunan sa kanilang pag-iral. Mababanaagan ito sa naging mental
na kalagayan ng mga Filipino Amerasians at kung paano nila ikonsidera ang lipunan sa bawat
desisyon na kanilang pinipili. Sa madaling sabi, mas nangingibabaw ang pagsasaalang-alang sa
magiging reaksyon ng lipunan kaysa ipaglaban ang pansariling karapatang pantao.

Nang umusbong ang mga Filipino Amerasians sa bayan ng Olongapo ay nagsimula ring
tukuyin ng mga ito ang kanilang tunay na pagkakakilanlan. Samu’t saring tanong at alinlangan
hinggil sa kanilang sarili at pagkakakilanlan ang lumutang. Dahil itinuturing silang kakaiba ay
nagdulot ito ng matinding identity crisis o confusion. Mula rito, magkakaibang mga panawagan
ang idinudulog ng mga ito upang sila’y tuluyang kilalanin at mabigyan ng pagkakataong
masuportahan at matugunan ang kanilang pangangailangan. Bunsod nito, ang mga sumusunod na
mga batis ay tumutukoy sa mga polisiya, panukalang batas, at resolusyon na isinasagawa ng

28
Lora Chapman, “Just being real.”

15
🙦 DEPARTAMENTO NG KASAYSAYAN 🙦

pamahalaan ng Pilipinas, Estados Unidos at maging ang mga institusyong panlipunan na may
kaugnayan sa pangangalaga at pagsuporta sa kapakanan ng mga Filipino Amerasians. Tinalakay
sa akda ni Joseph Ahern na may titulong Out of Sight, Out of Mind: United States Immigration
Law and Policy as Applied to Filipino Amerasians ang mga karanasan ng Filipino Amerasians at
ang pagsasabatas sa Amerasian Immigration Act kung saan ay kinikilala at pinahihintulutan ang
ilan sa mga piling Amerasians sa Asya na makapunta sa Estados Unidos upang makamit ang ilan
sa kanilang mga karapatan.29 Gayundin naman, tinutumbok sa akdang US Recognition of Its
Obligation to Filipino Amerasian Children under International Law ni Maria B. Montes ang mga
obligasyon at responsibilidad ng mga sundalong Amerikano sa kanilang mga anak at ang mga
itinakdang batas at polisiyang hindi naipagpatuloy at nabigo dahil sa mahabang deliberasyon at
pagtatalo hinggil sa kalagayan ng mga Filipino Amerasians sa Pilipinas.30 Sa kabilang banda, ang
The Amerasian Problem Blood, Duty, and Race ni Sue-je Lee Gage ay tumutukoy sa mga
pagkukulang ng pamahalaan ng Estados Unidos sa pagrerebisa o pag amyenda ng polisiya at batas
na may kinalaman sa mga Amerasians sa iba’t ibang panig ng Asya.31 Tinalakay naman sa batis o
resolusyon na inihain sa kongreso ng dating senador na si Miriam Defensor Santiago na Directing
the Proper Senate Committee to Conduct an Inquiry, in Aid of Legislation, on the Reported
Probable Increase in the Number of Abandoned Children Fathered by United States Servicemen
in Areas Near their Military Bases in the Philippines ang pagbibigay proteksyon at atensyon sa
mga Filipino Amerasians na inabandona ng kanilang mga amang sundalong Amerikano sa bayan
ng Olongapo, Zambales at Clark, Pampanga.32 At panghuli, ang panukalang batas bilang 1300 o
mas kilala sa tawag na “Mixed Filipino Heritage Act of 2010” na inihain ni Senador Francis
Tolentino ay umiinog sa kalagayan ng iba’t ibang mga magkakahalong lahi at ang kanilang mga

29
Joseph M. Ahern, “Out of Sight, out of Mind.”
30
Maria B. Montes, “U.S. Recognition of Its Obligation to Filipino Amerasian Children under International
Law,” UC Hastings Scholarship Repository, accessed February 22, 2023,
https://repository.uchastings.edu/hastings_law_journal/vol46/iss5/6/.
31
Sue-je Lee Gage. “The Amerasian Problem Blood, Duty, and Race.” International Relations: SAGE
Publications, Volume 21 Issue No. 1 (2007): 86-102, https://doi.org/10.1177/0047117807073769
32
Miriam Defensor Santiago. “Directing the Proper Senate Committee to Conduct an Inquiry, in Aid of
Legislation, on the Reported Probable Increase in the Number of Abandoned Children Fathered by United States
Servicemen in Areas Near their Military Bases in the Philippines.” Senate (2014): 1-2,
http://legacy.senate.gov.ph/lis/bill_res.aspx?congress=16&q=SRN-779

16
🙦 DEPARTAMENTO NG KASAYSAYAN 🙦

karapatan, pagkakakilanlan at maging ang suporta ng pamahalaan laban sa istigmatisasyon at


diskriminasyon sa pamamagitan ng pagpapataw ng mga parusa sa iba’t ibang komunidad na
kanilang kinabibilangan.33 Samakatuwid, ang mga batis na masisipat sa bahaging ay umuugat sa
pangkalahatang tugon o aksyon ng pamahalaan ng Pilipinas, Estados Unidos at maging ang mga
piling institusyong panlipunan sa kapakanan at pangangailangan ng mga Filipino Amerasians sa
bayan ng Olongapo, Zambales.

Sa limang batis na nabanggit, tinalakay ang naging tugon ng pamahalaan ng Pilipinas at


Estados Unidos para sa mga Filipino Amerasians. Sa parehas na pananaliksik nina Joseph Ahern
at Sue-je Lee Gage inilatag ang kakulangan ng katarungan para sa Filipino Amerasians ng
ipinasang batas na “The Amerasian Act of 1992” sa Estados Unidos. Sapagkat sa nasabing batas,
binigyang pagkilala ng pamahalaan ang mga supling na Amerasians mula sa Korea, Thailand,
Vietnam, Laos, at Cambodia ngunit naisantabi ang Pilipinas at Japan. Nagdulot ito ng komosyon
sapagka’t kung aanalisahin, mataas ang populasyon ng Filipino Amerasians kumpara sa iba pang
Amerasians sa Asya. Nabanggit din sa mga batis ang ilang argumento na ibinato ng Estados
Unidos matapos makatanggap ng samu’t saring reaksyon mula sa mga apektadong bansa.34 Narito
ang ilan sa mga rason na inilatag ng Estados Unidos: (1) walang katotohanan na may
diskriminasyong nararanasan ang mga Filipino Amerasians; (2) ilegal ang prostitusyon sa Pilipinas
kaya hindi makatwirang panagutan ito ng kinauukulan sa Estados Unidos at; (3) hindi pinagdausan
ng digmaan ang bansang Pilipinas kung kaya’t hindi sakop ng batas na bigyan pansin ang Filipino
Amerasians. Bilang tugon, sinalungat ito ng mga awtor at ibinaba ang susunod na argumento: (1)
totoong laganap ang diskriminasyon sa mga Filipino Amerasians at mababanaagan ito sa kanilang
pang araw-araw na pamumuhay; (2) inilantad na mayroong sabwatan na naganap sa pagitan ng
Estados Unidos at mga tagasulong ng R&R Industry na siyang nag payabong ng prostitusyon kahit
pa na ilegal na gawain ito at; (3) binigyan katuturan ng may akda na hindi man naging lunsaran ng
digmaan ang Pilipinas ay naging kapaki-pakinabang naman ito para lumakas ang pwersa ng

33
Francis N. Tolentino “An Act Protecting Individuals with Mixed Filipino Heritage from Discriminatory
Acts.” Senate (2020): 1-5, https://legacy.senate.gov/lisdata/3226029107!.pdf
34
Joseph Ahern, “Out of Sight, Out of Mind,” 112-118.

17
🙦 DEPARTAMENTO NG KASAYSAYAN 🙦

Estados Unidos sa kasagsagan ng kaguluhan sa Asya.35 Mababanaag din sa kabuuan kanilang


papel na mahalagang magkaroon ng amendasyon sa ilang probisyon ng nasabing batas.

Ang ideya ng amendasyong ito ay mas paiigtingin pa ng naunang pag-aaral na isinagawa


ni Maria Montes noong 1995 na tumatalakay sa obligasyon at responsibilidad ng mga sundalong
Amerikano sa mga Filipino Amerasians. Sa papel na ito pinalitaw kung paano nabigo ang
pamunuan ng Estados Unidos na punan ang karapatan ng Filipino Amerasians sa kabila ng mga
posisyong papel at resolusyon na sinusumite sa kanilang tanggapan. 36 Binigyang katuturan din sa
batis na ito kung gaano kahaba ang proseso ng kasunduan at pagdinig sa mataas na hukuman lalong
higit sa Estados Unidos at international law. Masasalamin sa batis na ito na mayroong
pagpapangaw sa pagitan ng pamahalaan ng Estados Unidos at ng Pilipinas sapagkat salungat ang
mga ito at hindi lubusang kinikilala ang karapatan ng mga Filipino Amerasians.37 Mapapansin ito
sa ilalim ng ipinasang batas na “Amerasian Act of 1992” na nabanggit sa itaas na higit na
binibigyang pansin ang mga Amerasians sa ibang bahagi Asya. Sa ganang sabi, ang batis ni Montes
ay pinagtibay at sinasang ayunan ng mga naunang argumento nina Ahern at Gage na umiinog sa
mga panukalang batas at resolusyon na hindi pa rin nabibigyang atensyon at pansin. Nananatili pa
ring malabnaw at hindi katanggap tanggap sa pamahalaan ng Estados Unidos at Pilipinas ang
presensya ng mga Filipino Amerasians sapagkat hanggang sa kasalukuyan ay hindi nakikita ang
kanilang importansya at kahalagahan sa lipunan.

Sa panig naman ng Pilipinas, base sa mga batis na nalikom ng mga mananaliksik ay


mayroong dalawang petisyong itinaas sa kongreso upang bigyan pansin ang danas ng mga Filipino
Amerasians. Ito ay ang mga resolusyon na inihain nina dating Senador Miriam Defensor Santiago
noong 2014 at Senador Francis Tolentino noong 2020. Nakapaloob sa mga petisyong ito ang ilang
mahahalagang punto kung bakit kailangan isulong ang layunin nito.38 Parehas na hinahangad ng

35
Sue-je Lee Gage. “The Amerasian Problem.”
36
Maria B. Montes. “US Recognition.”
37
Ibid,
38
Miriam Defensor Santiago. “Directing the Proper Senate Committee.”

18
🙦 DEPARTAMENTO NG KASAYSAYAN 🙦

mga batis na himukin ang pamahalaan ng Pilipinas na maging kasangga ng mga Filipino
Amerasians sa pagsusulong ng kanilang karapatang pantao sa pamamagitan ng pagtatalaga ng
opisyal na saligang batas na pumoprotekta sa kanilang komunidad.39 Ngunit, nanatili lamang itong
petisyon at hindi na napagtuunan ng pansin sa kongreso.

Sa pangkalahatan, mahihinuha na marami pang kailangan isulong upang mabigyan ng


karampatang proteksyon at pagkilala ang mga Filipino Amerasians. Ang kanilang komunidad ay
maituturing na bahagi ng minoryang pangkat sa Pilipinas, ngunit kumpara sa iba pang pangkat ang
Filipino Amerasians ay naisasantabi sa kamalayan ng mga Pilipino. Sa mga nabanggit na pag-
aaral mapapansin na hindi talaga prayoridad ng kinauukulan ang kanilang hinaing, bagkus ay
patuloy itong tinatakbuhan at pinagtatakpan ng mga makapangyarihang uri. Mababakas din ang
mapagsamantalang pagtugon ng Estados Unidos sa Pilipinas bunsod na rin sa katotohanang
minsan na nilang nasakop at nadiktahan ang galaw ng bansa. Malaking manipestasyon nito ang
kulturang nahalaw ng mga Pilipino at patuloy na tinatangkilik sa kasalukuyan. Limitado din ang
ipinapamalas na aksyon ng lokal na pamahalaan kung kaya’t mas pahirapan ang pagkilos upang
maisakatuparan ang mga adhikaing makatutulong sa Filipino Amerasians. Dulot nito, may
mangilan-ngilan na mga institusyong panlipunan na umusbong at dinadamayan ang naturang
minoryang pangkat sa lipunan.

KONSEPTWAL NA BALANGKAS
Sa pag-aaral na ito, bumuo ng isang konseptwal na balangkas ang mga mananaliksik.
Nilalayon ng pag-aaral na sagutin ang sumusunod na tema na nakaangkla sa suliranin ng pag-aaral:
una, ang kaugnayan ng Filipino Amerasians sa pamamalagi ng mga sundalong Amerikano sa
Olongapo; ikalawa, ang mga karanasan at naging tugon ng mga Filipino Amerasians sa
istigmatisasyon at diskriminasyon na kanilang kinaharap at; ikatlo, kung paano tinugunan ng
pamahalaan ng Pilipinas, Estados Unidos, at iba pang institusyong panlipunan ang kalagayan at
pangangailangan ng mga Filipino Amerasians.

39
Francis N. Tolentino “An Act Protecting Individuals.”

19
🙦 DEPARTAMENTO NG KASAYSAYAN 🙦

Makikita sa ibaba ang dayagram ng magiging daloy ng pag-aaral na isasagawa ng mga


mananaliksik.

Pigura 1. Konseptwal na Balangkas ng Pag-aaral

Kagaya ng nabanggit sa naunang bahagi ng papel, ang bayan ng Olongapo ang


magsisilbing lawak at limitasyon ng pag-aaral. Kung babalikan ang kasaysayan, ang base militar
sa Olongapo ang isa sa pinakamalaking kampo ng Estados Unidos sa Asya.40 Mula rito ay makikita
kung paano dumami ang servicemen at sundalo sa Pilipinas. Ang nabuong koneksyon sa pagitan
ng mga Amerikano at kababaihang Pilipino ang naging hudyat sa pag-usbong ng mga Filipino
Amerasians. Mahalagang maunawaan na hindi lamang sa iisang ugnayan o pamamaraan
nagkaroon ng pagkaka daupang palad sa nasabing mga lahi (prostitusyon). Ngunit hindi
maikakaila na ikinabit ang negatibong pagtanaw na ito sa pagkatao ng mga Filipino Amerasians,
kaya naman nakatanggap sila ng samu’t-saring reaksyon at opinyon mula sa lipunang kanilang

40
Peter Rimmer, “US Western Pacific geostrategy: Subic Bay before and after withdrawal” Elsevier Science
Ltd., (1997): 326. https://doi.org/10.1016/S0308-597X(97)00012-2 (accessed January 23, 2023).

20
🙦 DEPARTAMENTO NG KASAYSAYAN 🙦

ginagalawan. Ito ay nagdulot ng istigmatisasyon at diskriminasyon na siyang kailangan tugunan


ng pamahalaan ng Pilipinas at Estados Unidos at katuwang din ang mga institusyong panlipunan.41

Mula sa daloy na ito ay makakabuo ng isang naratibo ang mga mananaliksik kung saan
magkapag a-ambag ng bagong kaalaman ukol sa kaligiran ng Filipino Amerasians. Datapwa’t
mahalagang tandaan na pili lamang ang makakapanayam na Filipino Amerasians sa pag-aaral na
ito kung kaya’t hindi itinuturing ang magiging resulta bilang pangkalahatang kalagayan ng mga
Filipino Amerasians bagkus magsisilbi lamang itong sulyap sa kanilang danas. Bibigyang diin
lamang sa pag-aaral na ang naging karanasan ng mga Filipino Amerasians dulot ng negatibong
pagtanaw ng lipunan sa kanilang pagkakakilanlan. Inaasahan na sa pagtatapos ng pag-aaral ay
makakabuo ng komprehensibong analisasyon sa naging kaligiran at kasaysayan ng Filipino
Amerasians, partikular na ang nasa Olongapo. Matapos ang mahabang proseso ng paglilikom ng
mga impormasyon ay magiging posible ang pagsasagawa ng konklusyon na siyang magbibigay
daan para sa mga mananaliksik na makabuo ng rekomendasyon.

METODOLOHIYA
Bilang panimula, mahalagang tandaan na ang pag-aaral na ito ay isang uri ng kwalitatibong
pananaliksik (qualitative research) kung saan ang mga datos ay maaaring sumandig mula sa
mahihinuhang obserbasyon sa paligid, makabuluhang interbyu, at pagpili ng partikular na pangkat
ng pag-aaralan.42 Ang pananaliksik na ito ay iinog sa dalawang disiplina—kasaysayan at
sosyolohiya, kung saan aasahan na ang metodong gagamitin ay descriptive textual analysis at
interbyu. Sa bahagi ng usaping pangkasaysayan, sasandig ang mga mananaliksik sa mga
sekondaryang batis na nalikom mula online tulad ng mga artikulo, tesis, aklat, at iba pa. Sa lente
naman ng sosyolohiya, ang magsisilbing pundasyon nito ay ang mga detalye na mahihinuha mula
sa isasagawang panayam at sasalig din sa mga nalikom na batis.

41
Lora Chapman, “Just being real.”
42
Gail Sullivan and Joan Sargeant, “Qualities of Qualitative Research: Part I” J Grad Med Educ, (2011),
499.https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC3244304/ (accessed March 02, 2023).

21
🙦 DEPARTAMENTO NG KASAYSAYAN 🙦

Ang descriptive textual analysis ay ang pamamaraan kung saan inaanalisa ang nilalaman
ng isang espisipikong lathalain o dokumento. Ilan sa mga dapat isaalang-alang sa nasabing metodo
ay pagbibigay pansin sa porma at tono ng pagkakasulat, listahan, mga komento, pagkasunod-sunod
ng detalye, simbolismo, mensahe, konteksto, at ang pangkabuuang pinag-uusapan sa batis.43
Gayundin, aanalisahin ang mga sekondaryang batis tulad ng mga dokumento, artikulo, at iba pang
uri ng papel na nalikom mula sa online na moda sa pamamagitan ng pagsusuri lalong higit sa
pamantayan ng awtentisidad (external criticism) at kredibilidad (internal criticism) ng mga batis.
Susubukin na sagutin ng mga batis na ito ang tatlong nailatag na suliranin.

Isa sa esensyal na metodo na gagamitin sa pag-aaral ay ang pagsasagawa ng interbyu. Isang


semi-structured interview ang ihahanda ng mga mananaliksik. Ang ganitong uri ng
pakikipagpanayam ay hindi nakakulong sa mga tanong na masasagot lamang ng mga salitang “oo”
o “hindi.” Bagkus ay magbubukas pa ito ng mas malalimang diskusyon kung kaya’t hindi
uniporme ang mailalatag na tanong sa mga kakapanayamin dahil dedepende ang daloy ng usapan
sa sagot na matatanggap ng mga tagapanayam. 44

Bilang pahapyaw na pagtatasa kung paano tinatanaw ng mga mananaliksik ang magiging
proseso sa paglikom ng mga batis, matutunghayan sa susunod na mga talata kung anong uri ng
metodo ang esensyal na gamitin upang masagot ang bawat suliranin.

Para sa unang suliranin, kung saan susubuking alamin kung ano ang kaugnayan ng Filipino
Amerasians sa pamamalagi ng mga sundalong Amerikano sa Olongapo, babatay ito sa mga batis
na nalikom, partikular na ang mga sekondaryang batis. Ang bahaging ito ang magsisilbing lente
ng kasaysayan ng pag-aaral.

Ang ikalawang suliranin ang magsisilbing panibagong kaalaman na maiaambag ng pag-


aaral na ito. Ninanais ng mga mananaliksik na magsagawa ng interbyu upang malaman ang naging

43
Lawrence Frey, Carl Botan, & Gary Kreps, Investigating communication: An introduction to research
methods, 2nd Edition (New York: Pearson, 1999), pbworks e-book.
44
Tegan George, “Types of Interviews in Research | Guide & Examples.” Scribbr,
https://www.scribbr.com/methodology/interviews-research/ (accessed March 02, 2022).

22
🙦 DEPARTAMENTO NG KASAYSAYAN 🙦

karanasan at tugon ng mga Filipino Amerasians sa istigmatisasyon at diskriminasyon na kanilang


kinaharap sa Olongapo. Dito lamang iinog ang panayam upang hindi lumawak at mag pasikot-
sikot ang mga mananaliksik. Dahil karanasan at tugon ang nais na makalap na datos para sa
bahaging ito, hindi maikakaila na konektado ito sa disiplina ng sosyolohiya.

Para sa panghuling suliranin, tatangkain ng mga mananaliksik na itala ang mga pagtugon
na isinagawa ng pamahalaan ng Pilipinas at Estados Unidos, at iba pang institusyong panlipunan
upang bigyang atensyon ang kalagayan at pangangailangan ng mga Filipino Amerasians. Para sa
bahaging ito, maliban sa mga batis na nalikom ay magsasagawa din ng interbyu ang mga
mananaliksik. Parehas na babagtasin ng bahaging ito ang disiplina ng kasaysayan at sosyolohiya.

Para sa mga suliraning sasandig sa interbyu, minabuti ng mga mananaliksik na huwag


ikulong ang datos mula rito, bagkus ay tutuwangan din ito ng mga batis na nalikom. Bilang
paglalagom, ang pangalawa at pangatlong suliranin ay parehas na sasandig sa interbyu at
descriptive textual analysis samantalang ang unang suliranin ay sasandig lamang sa mga batis na
nalikom.

Sa pagpili naman ng kakapanayamin, gagamitin ang teknik na “snowball sampling” o


“referral sampling” kung saan magkakaroon ng pangunahing tagapamagitan ang mga
mananaliksik upang makapanayam ang mga Filipino Amerasians.45 Maliban sa mga aksesibleng
online platforms tulad ng facebook, makikipag-ugnayan ang mga mananaliksik sa mga
institusyong panlipunan na nakasentro sa mga Filipino Amerasians. Isa sa mga bantog na
organisasyong ito ay ang PREDA Foundation - isang non-government institution na may direktang
koneksyon sa mga Filipino Amerasians sa Olongapo, kung kaya’t magsisilbi silang tagapamagitan
ng mga mananaliksik sa isasagawang panayam na magiging kapaki-pakinabang sa tesis.46

45
John Dudovskiy, “The Ultimate Guide to Writing a Dissertation in Business Studies: a step by step
approach.” research-methodology.net, https://research-methodology.net/sampling-in-primary-data-
collection/snowball-sampling/ (accessed March 02, 2023).
46
Sue-je Lee Gage. “The Amerasian Problem.”

23
🙦 DEPARTAMENTO NG KASAYSAYAN 🙦

Sa pangkalahatan, ang lapit na nais gamitin ng mga mananaliksik sa pag-aaral na ito ay


phenomenology, kung saan nakasentro ang pagsisiyasat sa pag-unawa ng isang karanasan dahil sa
espisipikong penomena47. Magiging posible ito sa tulong ng mga batis na gagamitan ng metodong
descriptive textual analysis. Gayunpaman, mas magiging makabuluhan ang mga impormasyong
mahihinuha rito kung mapagtatagumpayan ang isasagawang mga interbyu na siyang magpupuno
sa mga puwang na nais punan ng bagong kaalaman ng mga mananaliksik.

PAGKAKASUNOD NG PAG-AARAL
Sa mga tesis, mahalaga ang komprehensibong daloy ng mga impormasyon. Esensyal ito
para mas maging kahali-halina sa iba pang mananaliksik na alamin ang nais iparating ng isang
espisipikong pag-aaral. Makikita sa ibaba ang tatlong bahagi na magiging pundasyon ng
isasagawang papel ng kasalukuyang mga mananaliksik.

I. INTRODUKSYON
Ang bahaging ito ang magsisilbing gabay sa mga mambabasa kung ano ang nais
tunguhin ng mga mananaliksik sa isasagawang pag-aaral. Magbibigay ito ng kaligiran sa
naging motibasyon upang mapili ang paksa. Sa pangkabuuan, masisipat sa bahaging ito
ang mga bagay na isinaalang-alang ng mga mananaliksik upang maging posible ang pag-
aaral.
1. Panimula
2. Saligang Pangkasaysayan
3. Paglalahad ng Suliranin
4. Layunin ng Pag-aaral
5. Kahalagahan ng Pag-aaral
6. Saklaw at Limitasyon
7. Pagsusuri ng mga Kaugnay na Literatura
8. Konseptwal na Balangkas

47
Thomas Groenewald. “A Phenomenological Research Design Illustrated.” International Journal of
Qualitative Methods (2004): 50, https://journals.sagepub.com/doi/pdf/10.1177/160940690400300104

24
🙦 DEPARTAMENTO NG KASAYSAYAN 🙦

9. Metodolohiya
10. Pagkakasunod ng Pag-aaral
11. Katuturan ng mga Termino

II. KATAWAN
Sa bahaging ito matutunghayan ang magiging buod ng malilikom na mga datos,
impormasyon, at mga bagong kaalaman na may kaugnayan sa mga sumusunod na tema na
nakasandig sa paglalahad ng suliranin ng pag-aaral na ito. Bawat isa ay katumbas ng isang
kabanata.

1. Kaugnayan ng Filipino Amerasians sa pamamalagi ng mga sundalong Amerikano


sa Olongapo
2. Karanasan at naging tugon ng mga Filipino Amerasians sa istigmatisasyon at
diskriminasyon na kanilang kinaharap
3. Tugon ng pamahalaan ng Pilipinas, Estados Unidos, at iba pang institusyong
panlipunan ang kalagayan at pangangailangan ng mga Filipino Amerasians

III. PANGWAKAS
Para sa bahaging ito, mababanaag ang pangkabuuang analisasyon ng mga
mananaliksik mula sa mga nalikom na mga impormasyon (batis at interbyu). Makikita din
ang listahan at nabuong rekomendasyon para sa mga susunod na mananaliksik. Upang
maaninag ng mga mambabasa ang mahahalagang dokumento o detalye na nahinuha sa pag-
aaral, matutunghayan din ang bahagi ng apendise na siyang pag-iimpukan nito.

1. Konklusyon
2. Bibliograpiya
3. Rekomendasyon
4. Apendise

25
🙦 DEPARTAMENTO NG KASAYSAYAN 🙦

KATUTURAN NG MGA TERMINO


Upang makapagbigay ng mas malinaw na pagpapakahulugan hinggil sa mga
impormasyong inihahain ng pag-aaral, narito ang ilang termino na binigyan katuturan ng mga
mananaliksik.

Amerasian. Mga indibidwal na anak ng mga sundalong Amerikano at mga babaeng Asyano na
nagkasupling habang namamalagi sa mga banyagang bansa partikular na sa Korea, Vietnam, Laos,
Cambodia, at Thailand.48 Sa pag-aaral na ito, ang mga Amerasian ang magiging sandigan sa
pagdalumat ng kasaysayan ng Filipino Amerasians.

Base Militar. Isang pasilidad kung saan matatagpuan ang mga kagamitang pandigma ng mga
militar na nagsisilbi sa ilalim ng hurisdiksyon ng Estados Unidos.49 Sa pag-aaral na ito, tatanawin
ang base militar bilang saligan at pinaka primaryang salik kung bakit namalagi ang mga sundalong
Amerikano sa Pilipinas.

Diskriminasyon. Ito ay isang negatibong paraan ng pagtrato sa isang indibidwal bunsod ng


kanyang espisipikong katangian o pagkakakilanlan.50 Sa pag-aaral na ito, nilalayon ng mga
mananaliksik na kilalanin ang mga diskriminasyong nararanasan ng mga Filipino Amerasian sa
Olongapo.

Filipino Amerasian. Mga indibidwal na ang magulang ay isang Pilipina at sundalong Amerikano
na minsang nanatili sa Pilipinas mula 1946-1992. Sa pag-aaral na ito, ang Filipino Amerasian ang
magiging sentro at pangunahing paksain ng isasagawang tesis. Ang kanilang karanasan at tugon
sa istigmatisasyon at diskriminasyon ang magsisilbing panibagong ambag na kaalaman sa pang
lokal at pangmalawakang kasaysayan ng Pilipinas.

48
Enrico Dungca, “The Forgotten Amerasians.” AAWW, https://aaww.org/the-forgotten-amerasians/
(accessed March 01, 2023).
49
Collins English Dictionary, “Military Base.” HarperCollins Publishers,
https://www.collinsdictionary.com/dictionary/english/military-base (accessed March 01, 2023).
50
Merriam Webster, “Discrimination.” Merriam Webster, https://www.merriam-
webster.com/dictionary/discrimination (accessed March 01, 2023).

26
🙦 DEPARTAMENTO NG KASAYSAYAN 🙦

Istigmatisasyon. Ito ang negatibong pananaw ng isang indibidwal hinggil sa partikular na


katangian o pagkakakilanlan ng isang tao o pangkat.51 Sa pag-aaral na ito, nilalayon ng mga
mananaliksik na alamin ang mga istigmatisasyon na nararanasan ng mga Filipino Amerasian sa
Olongapo.

Olongapo. Ito ay isang lungsod na matatagpuan sa Zambales—bahagi ng Rehiyon III sa Pilipinas.


Sa pag-aaral na ito, ang Olongapo ang magsisilbing lawak at limitasyon sa paghahanap ng
komunidad ng mga Filipino Amerasians. Sa pamamagitan nito, mas madaling matutukoy ang
kaligiran at karanasan ng mga Filipino Amerasians.

Prostitusyon. Isang gawain kung saan ang serbisyong inihahandog ay may kaugnayan sa usaping
sekswal kapalit ng salapi.52 Sa pag-aaral na ito, susubukin ng mga mananaliksik na iwaksi ang
negatibong konotasyon na nakakabit sa Filipino Amerasians. Sinasabi na sila ay bunga ng talamak
na prostitusyon na namayani sa Olongapo sa panahon ng pamamalagi ng mga sundalong
Amerikano. Ang layuning ito ay makakatulong upang ituwid ang maling akala sa pagkakakilanlan
ng mga Filipino Amerasians.

R&R Industry. Kilala rin sa katawagan na rest and recreation. Ito ay isang pamamaraan o
estratehiya na binuo ng Estados Unidos upang pagkalooban ng pagkakataon na makapagpahinga
ang mga Amerikanong sundalo sa isang partikular na lugar at panahon dulot ng kanilang kontrata
sa paglilingkod. Kadalasan ang mga napipiling pook na paglulunsaran ng rest and creation ay
matatagpuan sa mga kolonya ng Estados Unidos o 'di kaya'y sa mga lugar kung saan may misyon.53
Sa pag-aaral na ito, makikita na ang naturang industriya ang naging salik sa pagtaas ng populasyon
ng mga US Military Servicemen sa bayan ng Olongapo, Zambales.

51
Collins English Dictionary, “Stigmize.” HarperCollins Publishers,
https://www.collinsdictionary.com/dictionary/english/stigmatize (accessed March 01, 2023).
52
Leopoldo Moselina, “Olongapo’s Rest and Recreation Industry: A Sociological Analysis of
Institutionalized Prostitution-with Implications for Grassroots-Oriented Sociology.” Philippine Sociological Society,
(1979), 198, http://www.jstor.org/stable/23892390
53
Seungsook Moon, “Rest & recreation (R&R)” John Wiley & Sons, Inc., (2015), 1-2,
https://doi.org/10.1002/9781118896877.wbiehs409

27
🙦 DEPARTAMENTO NG KASAYSAYAN 🙦

BIBLIOGRAPIYA

Ahern, Joseph. “Out of Sight, Out of Mind: United States Immigration Law and Policy as Applied
to Filipino-Amerasians.” Pacific Rim Law & Policy Journal, Vol. 1 No. 1, (1993): 105-
126, https://core.ac.uk/download/pdf/267980919.pdf

Amerasian Research Network. “Dr. P.C. “Pete” Kutschera, Ph.D., LMSW BRIEF BIOGRAPHY.”
Amerasian Research Network. http://amerasianresearch.org/pdf/xx-ARNLtdWebsite-
Director-Bio-11-03-2016.pdf (accessed February 11, 2023).

Bulletin of Concerned Asian Scholars. “Amerasian children: Living legacy in the Philippines.”
Bulletin of Concerned Asian Scholars 25:2 (1993): 74-75.

Buttny, Richard. “Legitimation techniques for intermarriage: Accounts of motives for


intermarriage from U.S. servicemen and Philippine women.” Communication Quarterly,
Vol. 35, No. 2 (Spring 1987): 25-143, http://dx.doi.org/10.1080/01463378709369677

Chapman, Lora. “Just being Real.” A Post-Colonial Critique on Amerasian Engagement in Central
Luzon’s Sex Industry. Routledge Taylor & Francis Group. Retrieved from
https://doi.org/10.1080/12259276.2017.1317917

Gage, Sue-je Lee. “The Amerasian Problem Blood, Duty, and Race.” International Relations:
SAGE Publications, Volume 21 Issue No. 1 (2007): 86-102,
https://doi.org/10.1177/0047117807073769
Kutschera, Peter, and Mary Grace Talamera-Sandico. “Somatic Illness and Psychosocial Risk
among Military Amerasian Adolescents and Young Adults in Luzon, the Philippines.”Asia
Pacific Journal of Social Work and Development, 23:3, 183-197, DOI:
10.1080/02185385.2013.818200

Kutschera, Peter, and Marie Caputi. “Filipino Amerasians: Gauging Stigmatization, Intolerance
and Hatemongering in a Pluralistic Asia Pacific Society.” Journal of Hate Studies, Vol. 11,

28
🙦 DEPARTAMENTO NG KASAYSAYAN 🙦

(April 2013): 119-143,


https://jhs.press.gonzaga.edu/articles/10.33972/jhs.94/galley/92/download/.

Kutschera, Pete, Elena Tesoro, Mary Grace Talamera-Sandico, and Jose Maria Pelayo III.
“Modern Day Second Generation Military Filipino Amerasians and Ghosts of the U.S.
Military Prostitution System in West Central Luzon’s ‘AMO Amerasian Triangle.”
International Journal of Humanities and Social Sciences, Volume 9 No. 10 (2015): 3363-
3373, https://zenodo.org/record/1109067

Kutschera, Peter C., Jose Maria G. Pelayo, and Mary Grace Talamera-Sandico. “The Continuing
Conundrum of Southeast Asia 's 50 , 000 Filipino Military ' Amerasians ': Semantic
Scholar.” (1970) . https://www.semanticscholar.org/paper/The-Continuing-Conundrum-
of-Southeast-Asia-%E2%80%99-s-50-%2C-Kutschera-
Pelayo/af0bb25383b1d929a6bfe5ee2d7adb8c9431c90b

Montes, Maria B. “U.S. Recognition of Its Obligation to Filipino Amerasian Children under
International Law.” Hastings Law Journal. 46, no. 5 (1995): 1621–41. Retrieved from
https://repository.uchastings.edu/hastings_law_journal/vol46/iss5/6

Official Gazette. “Message of President Roxas to the Senate on the Agreement Concerning
American Military Bases in the Philippines.” Official Gazette.
https://www.officialgazette.gov.ph/1947/03/17/message-of-president-roxas-to-the-senate-
on-the-agreement-concerning-american-military-bases-in-the-philippines/ (accessed
February 11, 2023).

Philippine American Guardian Association. “Who are Filipino Amerasians.” Philippine American
Guardian Association. https://www.paga.ph/filipino-amerasians/ (accessed February 11,
2023).

29
🙦 DEPARTAMENTO NG KASAYSAYAN 🙦

Salas, John Michael Ian. “Local Governance in the Midst of Economic Dependency: A Case Study
of Olongapo City.” Philippine Institute for Development Studies, Discussion Paper Series,
No. 2004-54, https://www.econstor.eu/bitstream/10419/127877/1/pids-dps2004-54.pdf

Santiago, Miriam Defensor. “Directing the Proper Senate Committee to Conduct an Inquiry, in
Aid of Legislation, on the Reported Probable Increase in the Number of Abandoned
Children Fathered by United States Servicemen in Areas Near their Military Bases in the
Philippines.” Senate (2014): 1-2,
http://legacy.senate.gov.ph/lis/bill_res.aspx?congress=16&q=SRN-779

Santos, Paulla. “Sexuality, Gender, and US Imperialism after Philippine Independence: An


Examination of Gender and Sexual Stereotypes of Pilipina Entertainment Workers and US
Servicemen.” Oregon Undergraduate Research Journal, Vol. 9 No. 1, (Fall 2015): 1-16,
https://cpb-us-e1.wpmucdn.com/blogs.uoregon.edu/dist/3/14638/files/2017/06/Fall-2015-
28v4snd.pdf

Schober, Elisabeth. “Building a city: Korean capitalists and navy nostalgia in “overheated” Subic
Bay.” History and Anthropology, Vol. 27, No. 5, (September 2016): 488-503,
https://doi.org/10.1080/02757206.2016.1222525

Sliwoski, Kevin. “Sounds of Subic Bay: The US Navy in the Philippines, 1950 - 1971.” University
of California Riverside. (2019), https://escholarship.org/uc/item/20t1x85q

Tolentino, Francis N. “An Act Protecting Individuals with Mixed Filipino Heritage from
Discriminatory Acts.” Senate (2020): 1-5,
https://legacy.senate.gov/lisdata/3226029107!.pdf

30

You might also like