You are on page 1of 1

Maaari bang sumali?

Sa aspetong edukasyon madalas nakakaimutan ang halaga ng Isports, marahi dahil ang konteksto ay
nakapaloob lamang sa kakayahang kaya ng isipan.

Bawat bata ay may kaniya kaniyang kapasidad at hilig, maaaring sa pagbabasa, pagsusulat, pagsasalita sa
publiko ngunit maliban diyan may mga Kabataang ang hilig ay na sa basketball, volleyball,chess,
badminton,sipak takraw at iba pang larong nakakahasa ng social skills at kalusugan sana naman
mapansin.

Sa DepEd Order no. 64 s, 1993, nakapaloob ang “Sports for All” kung saan inaanyayahan ang lahat na
magkaroon ng oras sa gawaing pisikal sa paaralan.

Hindi lamang basta aliw ang dal anito sa mga kabataan bagkus nakakatulong rin ito sa pagpapalgo ng
kalusugan at maaaring dalhin ang pangalan ng Institusyon kung saang panig ng mundo ng kompetisyon.

Sana maunawaan na hindi lamang basta pagbasa ang kayang ipamalas ng mga mag-aaral ngunit higit pa
sa nakikita ng mata o nauunawaan sa libro. Kahit minsan makita rin ang halaga ng Isports sa larangan ng
edukasyon.

Bawat katiting na suporta mula sa administrasyon ng paaralan at kawani ng Edukasyon isang malaking
tulon upang itulak ang mga kabataan na ungkatin ang kanilang natatagong kakayahan at potensyal.

Bawat batang manlalaro ay kumakatok sabay sabing “pwede paapil?” humihingi ng suporta.

/Jessa

You might also like