You are on page 1of 1

Mea Jean M.

Rodriguez
BSED FILIPINO 2B
SANAYSAY AT TALUMPATI
Bb. GINE MAE LAGNASON
FEBRUARY 9,2023

Ang pagiging mag-aaral ay may malaking bahagi sa ating mga kabataan. May kanya-
kanyang tungkulin para magampanan ang pagiging mabuting mag-aaral. Minsan
nagtatanong sila sa mga sarili nila kung,Bakit kailangan nilang mag- aral? Bakit
kailangan magtapos sa pag-aaral?. “ Ang kabataan ang pag-asa ng bayan” ayon kay
Dr. Jose Rizal.

Bawat mag- aaral ay may kanya-kanyang karapatan at pananagutan sa isang


komunidad. Kailangan na may mga pananagutan at karapatan sila para alam nila kung
ano ang kailangan nilang gawin. Karapatan nila na makatanggap ng komprehensibong
pagsasanay na sapat para sa pag-unlad ng pagkatao at sa akademikong pag-unlad.
Pananagutan nila na patuyan sa mga ibang tao na ang kabataan ay pag-asa ng bayan.
Sa panahon natin ngayon marami ang maagang nabuntis,kailangan silang turuan
maging responsible na kabataan. Nakasasalay ang pag-unlad ng isang bansa o
komunidad sa mga kabataan,dahil ang mga kabataan pwede nilang gamitin ang
kanilang natutunan sa paaralan at ibahagi ito sa mga bata na hindi nakapag-aral. Isa sa
mga dahilan kung bakit may mga kabataan na di pumapasok dahil sa kulang sa
pinansyal kulang sa mga kagamitan. May mga kabataan na may kakayahang mag-aral
at makapagtapos,pwede nila gamitin ang kanilang knowledge para makatulong sa
kabataan na di nabigyan Ng chance na makapag- aral,para maintindihan nila ma
educate sila.

Ang pag-asa ng bayan ay nasa kamay ng mga kabataan dahil isa sila mga humikayat
para mapatuwid ang daan ng mga susunod na henerasyon. Kaya kailangan na ang
bawat mag-aaral ay may pananagutan at karapatan na sinusunod para di sila mapunta
sa maling daan.

You might also like