You are on page 1of 6

Modyul 13- Mga Pansariling Salik sa Pagpili ng Tamang Kursong Akademiko o Teknikal

Bokasyonal, Sining at Isports, Negosyo o Hanapbuhay

Mga Pansariling Salik sa Pagpili ng Tamang Kursong


Akademiko o Teknikal Bokasyonal, Sining at Isports,
Negosyo o Hanapbuhay
Modyul 13

Inaasahang Maipamalas Mo

13.1 Nakikilala ang mga pagbabago sa kanyang talento, kakayahan at hilig at naiuuganay ang
mga ito sa pipiliing kursong akademiko, teknikal-bokasyonal, sining at palakasan o
negosyo.
13.2 Napagninilayan ang mga mahahalagang hakbang na ginawa upang mapaunlad ang
kanyang talento at kakayahan ayon sa kanayang hilig at mithiin.
13.3 Napatutunayan na ang pagiging tugma na mga personal na salik sa mga
pangangailangan sa napiling kursong akademiko, teknikal-bokasyonal, sining at isports
o negosyo ay daan upang magkaroon ng makabuluhang hanapbuhay o negosyo at
matiyak ang pagiging produktibo at pakikibahagi sa pagpapaunlad ng ekonomiya ng
bansa.

Grade 9 – Edukasyon sa Pagpapakatao 103


Modyul 13- Mga Pansariling Salik sa Pagpili ng Tamang Kursong Akademiko o Teknikal
Bokasyonal, Sining at Isports, Negosyo o Hanapbuhay

13.4 Natutukoy ang kanyang mga paghahandang gagawin upang makamit ang piniling
kursong akademiko, teknikal-bokasyonal, sining at palakasan o negosyo (hal., pagkuha
ng impormasyon at pag-unawa sa mga tracks sa Senoir High School).

Ang Makabuluhang Tanong

Bawat isang indibidwal ay masasabi natin na mayroong mga


kakayahan at talento na tinataglay at lumalago habang nagpapatuloy
tayo sa ating buhay. Napakahalaga ng papel na ginagampanan ng
bawat talento at kakayahang ito dahil nagiging gabay natin ito sa pagpili natin ng tamang
kurso na ating haharapin na kung saan ay makakatulong ito sa pag-unlad ng ating sarili. Sa
pagpapatuloy ng araling ito malalaman natin ang kahalagahan ng tamang pagpili ng
kursong teknikal o bokasyunal man at inaasahang masagot ang makabuluhang tanong na:
Anu-ano ang iba’t ibang salik sa pagpili ng tamang kursong akademiko o teknikal o
bokasyunal at kung paano ito makakatulong sa bawat indibidwal?

Pagpapalalim

Mga Pansariling Salik sa Pagpili ng Tamang Kursong Akademiko o Teknikal


Bokasyonal, Sining at Isports, Negosyo o Hanapbuhay

Narinig mo na ba ang tanong na “Anong gusto mo paglaki mo?” o baka ikaw mismo ay
natanong na ng katanungan na ito at hindi mo alam ang iyong isasagot. Marahil batid naman
natin na hindi ganoong kadali na mag-isip kung ano nga ba ang gusto nating mangyari sa
ating buhay sa hinaharap at hindi rin madali na pumili kung ano nga ba ang gusto sa nating
linya o kurso pagdating sa kolehiyo.
Bawat isa sa atin at may kanya-kanyang pangarap at mithiin na buhay na nais mangyari
at makamit sa hinaharap ngunit paano nga ba natin ito makukuha. Lalo na ngayon na
marahil ay mas higit na malaki ang pangarap mo kaysa noong bata ka pa lamang. Noong
panahon na ikaw ay bata pa tila medyo maliit pa ang mga iniisip mong mangyari sa iyong
buhay ngunit ngayon na ikaw ay nagsisimula ng lumaki at may mga kaalaman ka na mas
nakakaisip ka ng mas higit na maganda at maayos na pangarap at kung minsan ay tila
mahirap itong maabot.
Masasabi natin na may mga tao talaga na nangangarap para sa kanilang pamilya at
mayroon din naman na nangangarap para lamang sa kanyang sarili. Iba iba man ang dahilan
kung bakit tayo nangangarap ang mahalaga ay gumagawa at gagawa tayo ng paraan upang
tuparin ang mga panagarap na ito. Ang mga pangarap na ito ang magdadala sa atin upang
magsikap tayo sa buhay at mag-aral ng mabuti para sa hinaharap. Sa tulong ng pagtitiyaga at
pagsisikap sa paggawa ay makakamit natin ito unti-unti.

Grade 9 – Edukasyon sa Pagpapakatao 104


Modyul 13- Mga Pansariling Salik sa Pagpili ng Tamang Kursong Akademiko o Teknikal
Bokasyonal, Sining at Isports, Negosyo o Hanapbuhay

Sa pagtupad ng ating mga pangarap sa buhay


makakatulong ang tamang kurso na ating pipiliin at tatahakin.
Pipili tayo ng isang kurso na kung saan ito ay nakabase sa ating Sa pagtupad ng ating
talento, kakayahan at mga hilig ngunit may ilan pa ring mga mga pangarap at mithiin
salik na nagiging gabay natin sa tamang pagpili ng kung anong sa buhay makakatulong
kurso ang kukuhanin natin na makakatulong sa atin sa ang tamang pagpili ng
pagtupad ng ating mga panagarap at mithiin sa buhay. Narito kurso na ating
ang ilan sa mga salik na kailangan natin sa pagpili ng tamang tatahakin.
kurso.

A. Talento/Kasanayan
Ang talento at kasanayan ay isa sa mahalagang salik na
tinitingnan kung tayo ay pipili ng isang kurso. Ang talento ng
bawat isa ay nakikita at lumalabas simula pa nung bata at
habang tayo ay lumalaki unti-unti itong nahahasa at lumalago.
Maaari natin itong maging gabay kung tayo ay pipili ng isang
kurso sa kolehiyo. Kung ano ang talento at kakayahan mo
maaari mong hanapin na kurso ay nakaayon dito dahil ang
galing ng isang tao sa pagsasagawa ay maaaring naaayon sa
kanyang talento at kakayahan.

Bawat isang indibidwal ay masasabi natin na may iba’t ibang talento na ipinapakita at
may mga paggawa na masasabi natin na hindi na kailangang pagsanayan gamit ang mga
talento ngunit may mga paggawa din naman na mas higit na kinakailangan ng mga
pagsasanay upang magawa ang isang bagay. Kinakailangan na pag-aralan mo muna ang
bawat gawain gamit ang iyong mga talento at kasanayan upang makagawa ka ng isang
bagay na maayos. Sa pagsasanay pa ng iyong talento dito makikita kung kaya mo bang gawin
ang isang bagay o hindi. Upang magkaroon ka ng isang hanapbuhay ay mahalagang
magkaroon ka ng mga natatanging talento at mga kasanayan na kailangan sa iyong
hanapabuhay na nagustuhan.

B. Hilig

Ano nga ba ang mga hilig mong gawin? Ano ang mga
bagay na nakakapagpasaya sa iyo kapag ginagawa mo
ito? Ilan lamang yan sa mga katanungan na minsan ay
tinatanong mo din sa iyong sarili? Ang hilig ay ang mga
bagay na madalas mong ginagawa at minsan ay talagang
binibigyan mo ng oras at panahon. May mga pagkakataon
na ginagawaan mo pa ito ng paraan para magawa mo
lamang. Kapag nagagawa mo ang iyong mga hilig o
interes ay nagiging masaya ang iyong pakiramdam.

Grade 9 – Edukasyon sa Pagpapakatao 105


Modyul 13- Mga Pansariling Salik sa Pagpili ng Tamang Kursong Akademiko o Teknikal
Bokasyonal, Sining at Isports, Negosyo o Hanapbuhay

May mga hilig at interes na minsan talaga ay binibigyan ng oras at panahon, mayroon
din naman na nakakapaglabas din tayo ng malaking halaga mapasaya lang natin ang ating
sarili. Ngunit may mga hilig na sadyang nagbabago dahil sa takbo ng panahon natin ngayon.
May mga hilig ka na mas malimit mong ginagawa dati pero ngayon ilan sa mga ito o minsan
nga halos yung mga hilig mong gawin dati ay hindi muna nagagawa ngayon. Sa araw-araw
natin na mga ginagawa nakakabuo muli tayo ng mga bagay na maaari nating kahiligan at
maaari mo itong suriin kung mga ito ba ay nakakapagbigay sa iyo ng kasiyahan at maayos na
pakiramdam.
Malaki ang naiitulong ng paggawa ng mga hilig na may kasiyahan para sa atin sa
hinaharap. Pumili ng isang kurso na kung saan nakaayon din ito sa hilig at interes mo dahil
mas madali rin para sa iyo na mapagtagumpayan ito dahil iyon ang gusto mo at yon ang
nagbibigay ng kasiyahan sa iyo.

C. Pagpapahalaga (Service to and Love of Country)

Ang pagpapahalaga ay isa sa mga katangian na dapat ay tinataglay


ng isang manggagawa. Ang salik na ito ay mahalagang bagay na
kailangan mong tandaan kung ikaw ay pipili din ng iyong kurso na kung
saan magagamit mo ito sa huli. Kinakailangan na magpakita ng
pagpapahalaga sa kahit anong trabaho at gawain na meron ka.
Sinasabi na kung pinapahalagahan mo ang iyong mga ginagawa at mga
napipiling mga desisyon ay higit na mapapagtagumpayan mo ito.
Halimbawa na nga lamang sa iyong napiling kurso, kung
pinapahalagahan mo ito magiging maayos at magiging madali para sa
iyo ang mag-aral at makakatapos ka ng maayos at sa huli lahat ng
iyong pinag-aralan ay magagamit mo sa iyong trabaho at mga gawain
na nakaayon sa iyong pinag-aralan.

D. Katayuang Pinansiyal
Sa pagpili ng iyong kursong tatahakin at hanapbuhay
na papasukan mahalagang isaalang-alang mo rin ang
antas ng iyong pamumuhay. Mayroong mga kurso at
hanapbuhay na sadyang gusto mo ngunit hindi kaya ng
iyong pinansiyal na katayuan. Marahil minsan ay nagiging
hadlang ang katayuang ito sa pagpili ng kurso o hanap
buhay ngunit may maganda rin naman itong epekto tulad
ng mas napapalawak pa nito ang ating kaisipan at mas
nakakapamli pa tayo ng mas angkop na kurso at
hanapbuhay na babagay sa atin.

Mas nalilimitahan ang iyong mga opsiyon sa pagpili na ukol sa kurso at hanapbuhay.
Kung sa una kasama sa ating listahan ang mga kurso na kinakailangan ng malaking pera,
maaari natin itong tanggalin kung hindi pa natin kaya sa ngayon ang gastusan ang ganoong

Grade 9 – Edukasyon sa Pagpapakatao 106


Modyul 13- Mga Pansariling Salik sa Pagpili ng Tamang Kursong Akademiko o Teknikal
Bokasyonal, Sining at Isports, Negosyo o Hanapbuhay

kurso o hanapbuhay. Ngunit bagaman may mga ganitong pangyayari, may mga paraan rin
naman na maaari nating gawin kung talagang iyon ang gusto nating pasukin. Maaari tayong
kumuha o maghanap ng mga nagbibigay ng iskolarship at mga programa tungkol sa libreng
pag-aaral at may mga paaralan din naman na nagbibigay ng mas murang matrikula para sa
mga kulang ang kakayahan na makapag-aral sa mga unibersidad.

E. Mithiin

Bago pa man tayo pumili ng isang kurso o hanapbuhay


na ating papasukin ay mahalagang alam na natin kung ano
ba ang ating mithiin. Ang bawat mithiing ito ay magging
gabay natin upang makatapos tayo at makapaghanapbuhay
ng maayos. Kailangan na ang ating mithiin ay nakaayon sa
kung ano ang gusto mong mangyari sa iyong buhay kaya
mo kinuha ang ganoong uri ng kurso at hanapbuhay.

Ang iyong mga minimithi ang magdadala sa iyo sa katagumpayan at katanyagan at


maging sa ikakaunlad ng iyong sarili at sa pagtupad ng iyong mga pangarap sa buhay.

Sa pagpili ng tamang kurso at hanapbuhay na angkop sa iyo ay mahalagang malaman


mo at maintindihan ang limang salik na ito. Hindi magiging madali ito para sa atin pero may
mga bagay naman na maaari nating gawin upang mas mapabilis at maging epektibo ang
ating pagpili. Tandaan natin na hindi lahat ng mga nag-aaral at naghahanapbuhay ay
nagtatagumpay sa huli, maraming dahilan at isa na nga rito ay ang hindi tamang pagpili ng
kanilang gusto kaya kinakailangan na sa una pa lamang ay napag-isipan at napag-aralan
natin ito ng maayos upang sa gayon ay hindi natin ito pagsisihan sa huli.

Grade 9 – Edukasyon sa Pagpapakatao 107


Modyul 13- Mga Pansariling Salik sa Pagpili ng Tamang Kursong Akademiko o Teknikal
Bokasyonal, Sining at Isports, Negosyo o Hanapbuhay

Iisa pa rin ang layunin ng


Edukasyon sa Pagpapahalaga at ito ay ang
“Maging mag-aaral na nagpapasya at kumikilos ng mapanagutan
Tungo sa kabutihang panlahat”.

Mga Sanggunian
De Torre, J.M. (1984). The Moral Order. Mula sa The Roots of Society. Manila: Sinag-tala
Publishers, Inc.
Punzalan, T. et. al(2019). Paano Magpakatao. Rex Publishing

Mga Larawan mula sa :


It.freepik.com/vettori-premuim/ragazzi-di-cartone-animato-con-diverse-hobby-2565393.ht
m
K12resources.files.wordpress.com/2016/04/gr-7-esp-/m-q1-to-4.pdf
Youtube.com/watch?v=aBbcJE-dTLY
Venngage.net/p/54553/infographic-on-practicing-Filipino-consumer-rights
Sites.google.com/site/aribaalbay20.main-editoryal

Module Author/ Curator : Mrs. Sheryl C. Gonzales


Template & Layout Designer : Mrs. Rhodoria M. Guillo

Grade 9 – Edukasyon sa Pagpapakatao 108

You might also like