You are on page 1of 2

Pagsisiwalat: Sa Likod ng Pagsisid tungo sa 76 Medalya

Arianne J. Guera

Sa bawat medalya at pagkapanalo ng atleta ay may nakaagapay na tagasanay na nagpupursigi


upang masilayan ang medalya sa leeg ng kanyang manlalaro.

Ipinamalas ni Coach Alyza Mari Landig, 26 taong gulang, isang Physical Education Instructor sa
Laguna State Polytechnic University – San Pablo City Campus (LSPU-SPCC), ang kanyang dedikasyon at
kahusayan sa coaching matapos makapag-uwi ng 50 medalya ang LSPU swimming team sa isinagawang
Southern Tagalog Regional Association of State Universities and Colleges (STRASUC) Olympics 2022 sa
Cavite State University-Main Campus, December 5.

Sa kanyang kamakailang interbyu, isiniwalat ni Landig na bagama’t naging maayos ang


performance ng mga atleta ay hindi nila natakasan ang mga problema sa paghahanda para sa
kumpetisyon, “Sa Cavite, wala pang tubig yung pool noong pagpunta naming doon. So sabi naming mag-
t-training na kami, walang tubig so paano kami maglalangoy, ‘di ba? And then the competition is
kinabukasan na.”

Ngayong taon ay ang unang taon ng coaching ni Ma’am Alyza, kaya naman kamangha-mangha
nang masungkit ng LSPU Swimming Team ang 76 medalya--50 golds, 16 silvers, at 10 bronze, na
nagpaabante sa LSPU upang mahirang na overall champion sa STRASUC Sports Olymics 2022.

“Coaching kasi is part of my duty as a physical education teacher. Kumbaga, parang nasa dugo
na ng PE yon. So, kapag may mga ganyang coaching, dapat tatanggapin namin,” pagkukwento ni Landig
sa kung paano nagsimula ang kanyang karera as a coach. Dagdag niya, ito ay kanyang gusto lalo na at
hilig niya ang mag-handle ng mga bata.

Ipinahayag din ni PE instructor ang kanyang naramdaman sa performance ng mga atleta, “It’s a
privilege. 50 [gold] medals, tapos yung makapagdala ka ng majority ng medals for your school,
napakalaking bagay non. Wow, ang galing nung mga bata talaga.” Ikinwento rin ni Coach Landig ang
kanyang laging pangaral sa kanyang mga atleta na huwag lalaki ang kanilang mga ulo. Aniya, sinasabi
niya sa kaniyang atleta na kailangan pang mag-improve upang mahigitan ang kanilang performance, lalo
na at pataas nang pataas ang kompetisyon.

Sa kabila ng magandang performance ng team ngayong taon, hindi maiwasang makaramdam ng


pressure si Coach Landig lalo na’t 76 medalya ang kanilang naiuwi sa unang taon ng kanyang pagko-
coach. “Tuloy-tuloy lang ang training, hindi kasi pwede na kapag nanalo ka na, tapos na ang training,”
pahayag ni Coach Landig na magpapatuloy ang kanilang training upang mahigitan pa ang mga
medalyang kanilang naasinta ngayong taon.

Maituturing na ang mga coaches ang tumatayong mga magulang sa loob ng pook-sanayan.
Dahil hindi basta-basta ang responsibilidad ng isang tagapagsanay. Hindi lamang nila binabantayan kung
sinusunod ba ng mga atleta ang kanilang mga training routines. Isa magandang halimbawa si Ma’am
Alyza, sa mga coaches na naghahangad ng best para sa kanilang atleta.

You might also like