You are on page 1of 2

Hirap, Harapin para sa Kampyonadong Mithiin

Ni: Sherlyn Mae C. Alevio

Puspusan ang pag-eensayo ng naturang kupunan ng volleyball sa Sibugon Integrated School para
sa kanilang nalalapit na labanan. Gaganapin ang naturang laro sa darating na Ika-25 ng Pebrero taong
2023 sa bayan ng Lopez Jaena. Ayon sa kanilang tagasanay na si binibining Angelina Damas, ang
naturang kupunan ay binubuo ng 12 na miyembro. Kasama na ang libero at sila ang kupunan na
tinatawag na SIS Team.

Nagsimula ang kanilang puspusang pagsasanay noong ika-12 ng Disyembre taong 2022
hanggang sa kasalukuyan. “Lagpas lima ang aming paunang ehersisyo” ayon kay Cairah Cadusale.
Dagdag pa niya “mahirap talaga ang pagsasanay at nakakapagod”. Ngunit kailangan itong harapin at
lasapin upang tayo ay pagtibayin.

Ayon din kay Christine Pangasian ,”wala akong inspirasyon dahil ito ay pansariling kagustuhan at
para magkaroon ng bagong karanasan at kaibigan.” Makikita mismo sa kanilang mukha ang hirap at
pagod. Haharapin nila ito ng sabay-sabay, manalo man o matalo.

Inaasahan ng mga manlalaro ang suporta ng kanilang mga kaibigan, kaklase o kahit ang mga
guro. Mahirap man ang kanilang hinaharap sa pagsasanay subalit kanilang kakayanin para sa medalyang
masusungkit. Dugo’t pawis ang ilalaan para sa nalalapit na labanan. Handa nilang ibigay ang lahat ng
kanilang makakaya upang ang parangal ay makamit at sa Sibugon Integrated School mapupunta.

You might also like