You are on page 1of 1

OCABISIANS, IPINAGDIWANG ANG NATIONAL

READING MONTH 2022


Sandara Palmes Gregorio, OCABIS Student
___________________________________
Martes, Ika-5 ng Abril, 2023

Masayang nakilahok ang mga mag-aaral ng Old Cabalan Integrated School (OCABIS) sa iba’t
ibang aktibidad at gawain na inihanda ng mga guro at miyembro ng English Club para
ipagdiwang ang National Reading Month sa nabangggit na paaralan, noong Disyembre 1-2, na
siyang sumubok sa kanilang kakayahan at nagtulak na ipamalas ang kanilang husay.

Ayon kay Gielyza Marchan Flores, isang mag-aaral mula 10-Einstein, na bagamat nanalo sila
sa Sabayang Pagbigkas na isang kompetisyon sa nasabing selebrasyon para sa ika-10 na
baitang, ay hindi iyon nangangahulugang naging maginhawa ang kanilang naging preparasyon
sa likod nito.

“Ilang linggo rin kaming naghanda para rito. Marami-rami ring hindi pagkakaintindihan na
nangyari sa’ming magkakaklase kasi gusto talaga naming maging malinis at maganda yung
ipapakita naming performance,” saad ni Ms. Flores.

Dagdag pa ni Ms. Flores na sobra rin ang bigat na kanilang pasan noong mga panahong iyon,
lalo pa’t ang pangkat nila ang inaasahang pinakamangingibabaw sa kanilang baitang. Kaya
naman naging motibasyon ito upang mas pag-igihan nila ang kanilang pagtatanghal.

“Kami rin po kasi yung parang inaasahan talaga sa buong Grade 10 na dapat mananalo po kasi
seksyon one raw, ganito ganiyan, kaya nagpapasalamat talaga kami sa guro namin na si Ma’am
Roan Mostoles kasi hindi niya kami pr-in-essure nang malala at pinabayaan. Basta ang sabi
niya lang sa amin, gawin namin yung lahat ng makakaya namin para hindi mapahiya sa harap
kasi naka-video raw po kami hahah, bonus na lang daw po na masungkit namin yung pagiging
kampeon,” ani niya pa.

Samantala, nagkaroon din ng Wear-What-You-Read Competition para sa mga mag-aaral sa


Ika-9 na baitang, kung saan ay kinakailangang magbihis at magsuot ang mga estudyante ng
mga kasuotan ng mga paborito nilang tauhan o karakter na nais nilang gayahin at buhayin.

Bukod pa rito, nagsagawa rin ng mga gawaing pang-silid aralan ang mga guro tulad ng Poster
at Slogan Making Contest na sinalihan din naman ng karamihan sa mga OCABISIANS.

You might also like