You are on page 1of 4

Nicko James U.

Pillos

7-Godliness

4/2/2023

Alyssa Valdez, pangungunahan ang PH women’s volleyball team sa SEA Games.

Magandang comeback ang ipapakita ni Alyssa Valdez sa kaniyang pagbabalik aksyon matapos hirangin siya bilang
team captain ng national women’s volleyball squad para sa darating na 32nd Southeast Asian (SEA) Games ngayong
Mayo sa Phnom Penh, Cambodia.

Inanunsyo ng Philippine National Volleyball Federation (PNVF) ang komposisyon ng women’s squad, kung saan si
Valdez ang nakatakdang maging team captain.

Si Valdez, na na-injure nakaraang taon, ay pansamantalang tumigil sa paglalaro sa court upang sumailalim sa
procedure.

Sumailalim sa procedure ang volleyball superstar na si Alyssa Valdez para tulungan siyang maka-recover mula sa
injury sa tuhod. Ito ay inanunsyo ng Creamline Cool Smashers.

Inilabas ng Creamline Cool Smashers ang update upang hindi umano mag-alala ang mga tagasuporta nito sa kaniya.

Hiniling din ng koponan na ipagdasal si Valdez upang mas mapabilis ang pagpapagaling nito.

“Alyssa underwent a procedure recently that will help her recover faster and comeback stronger,” pahayag ng
Creamline Cool Smashers.

“We will ensure that she continues to receive the best possible care and treatment. We want to thank everyone for
the prayers and concerns. She will be back soon enough.”

Hindi naman nabanggit ng koponan kung kailan babalik ang volleyball superstar.

Matatandaan na Disyembre nakaraang taon nang ma-injure si Valdez.

Makakasam rin ng batikang spiker ang kaniyang mga kasamahan sa Creamline na sina Jia De Guzman, Michele
Gumabao, Jema Galanza, Kyla Atienza, Ced Domingo, at Tots Carlos.

Kasama rin sa team sina Maria Angelica Cayuna, Glaudine Troncoso, Kathleen Faith Arado, Dell Palomata, Cherry
Rose Nunag, Katrina Mae Tolentino, at Mylene Paat.
Website:balita.net
0

You might also like