You are on page 1of 1

Tiwala sa sarili, susi sa tagumpay

Pananalig sa Panginoon at tiwala sa sarili ang nagpapatibay ng loob ng mga atleta


ng PMPM matapos mag-qualify sa darating na Panabo City Meet sa Nobyembre 12-17,
2017.

Sumabak sa ibat-ibang laro ang mga piling atleta ng PMPM sa ginanap na


KaSaMaLiMa Meet sa San Vicente NHS noong Oktubre 20-21, 2017.

Abot-langit ang pasasalamat at kaligayahan ng iilan sa mga manlalaro matapos


mapili ng mga batikang tagapagsanay na guro ng Ka SaMaLiMa na sina Jhon Paul
Yunson para sa larong Sepak Takraw, Jaylin Lagare at April Angel Maneja para sa
Volleyball, Jhon Carlos Saire at Granold Cedric Papalid sa Swimming, Marvin Geraldo at
Junrey Geegremosa sa Atletics, at Kris Dallen Aguirre, Dezalie Bustamante at Ethel
PApalid para sa larong Basketball.

Kasalukuyang nagsasanay ang mga nabanggit na atleta kasama ang kani-kanilang


mga koponan sa tulong ng mga tagapagsanay bilang mga manlalarong kakatawan sa Ka
SaMaLiMa team sa itatampok na Panabo City Meet sa Nobyembre 12-17, 2017.

Kakatawan naman sa DAVRAA ang mga mananalong atleta bilang kinatawan ng


Panabo City Division.

You might also like