You are on page 1of 3

Atleta ng MES, pinaghandaan ang “2024 District and Division Athletics Event”

Sa hindi pagkamit ng pagkakataong maging bahagi ng Kwalipikadong team sa


Division Meet noong nakaraang taon (2022-2023), pinagtiyagaan ng MES (Macanhan
Elementary School) Athletes ang kanilang pagsasanay ngayong taong 2023 – 2024.

Sa pangunguna ng mga MES Coaches, naging mas makabuluhan ang pagsasanay ng


kanilang mga Aleta sa iba’t-ibang sports.

Lahat ng mga kalahok na Atleta ay sumunod sa eskedyul para sa pagsasanay. Tuwing


Lunes, Martes at Biyernes, nangunguna ang pangkat ng Sepak Takraw na magsanay mula 3pm
hanggang alas 5pm habang ang pangkat ng badminton ay nagsisimulang magsanay mula 5 ng
hapon hanggang alas 7 ng gabi.

Tuwing Martes at Huwebes naman ang koponan ng Volleyball ay nagsasanay mula


alas 3 ng hapon hanggang alas 5 ng hapon habang ang pangkat ng basketball ay
magsisimulang magsanay bandang alas 5 ng hapon hanggang 7 ng gabi.

Dahil sa pagod at hirap na naranasan, humugot ng tibay ang mga kalahok na mga
Atleta ng MES na seryosuhin pa lalo ang binigay na pagsasanay upang maging mas handa at
nasa isang daang porsyentong kondisyon ang kanilang mga katawan sa araw ng kompetisyon.
Ani nga ni Coach Jeno F. Marianas sa kanyang koponan sa Basketball “Team! One skill
at a time lang tayo. Huwag mag Madali, matutunan niyo rin lahat yan. Magsanay lang ng
magsanay para gumaling.”
Naging inspirasyon ang mga pahiwatig na iyon sa Aleta na nasa Basketball na
koponan o maging sa iba pang sports.
Sa mga natitirang mga araw, lalong pinagbuti ng lahat ng mga Atleta ng MES ang
kanilang resposibilidad sa pag-iinsayo at pinaganda pa lalo ang kanilang pangangatawan upang
maisakatuparan ang kanilang layunin na mapabilang sa kwalipikadong team sa Division Meet
sa taong ito.
Michelle Morente ng PLDT High speed hitters, lumipat na ng ibang team!
Binulabog nga ni Michelle Morente ang volleyball fans sa kanyang pahiwatig na ika
ba na aalis na sa kanyang team na PLDT High speed hitter sa kanyang Instagram post.

Ika nga niya sa kanyang Instagram post “Maraming salamat sa nabuong


masasayang pagkakaibigan. Grateful for all the opportunities and chances na binigay niyo sakin
para maipakita ko ulit yung talent ko sa lahat. Salamat sa tiwala PLDT. You will always have a
special place in my heart. Till next time.”

Marami sa mga kanyang tagahanga ang hindi makapaniwala na aalis na siya sa


PLDT High speed hitters dahil nga maganda ang kanyang ipinakitang performance sa kanyang
mga laro sa Premier Volleyball League (PVL).

Iba-iba nga ang reaksyon na ipinakita ng kanyang mga tagahanga, ngunit


marami pa rin sa mga ito ang natutuwa na makita siyang lumipat sa ibang team dahil gusto
nilang makita ang bagong Michelle Morente.

Naging palaisipan din sa mga tagahanga kung saang Koponan si Michelle Morente
na mapabilang sapagkat hindi naman niya pinangalanan ang koponan sa kanyang post.

Marami nga ang lumalabas ngayon na pangalan ng mga koponan na binanggit ng


mga tagahanga sa Volleyball na possibleng kumuha kay Michelle Morente, nangunguna nga
ang koponan ng Creamline Cool Smasher at Choco mucho flying titans sa mga ito.

Ilang araw lang ang lumipas, naglabas ng anunsyo ang Petro gazz Angels ng
pagwelcome kay Michelle Morente sa kanilang koponan.

Ani nga ng Petro Gazz Angels sa kanilang Instagram post “Your high-octane energy
will surely drive us tour destined destination! We’re glad to have an angel named Momo!
Welcome, Mich Morente!”

Ayon nga sa post ng koponan, matutulangan sila ni Michelle Morente na sungkitin


ang kampeonato sa nalalapit na season ng Premier Volleyball League (PVL) sa taong 2024.
John Paul Gabunilas “Angas ng Cebu” natalo by Technical Knockout sa
Redemption Bout nila Kanamu Sakama
Hindi nagwagi ang "Angas ng Cebu" na si John Paul Gabunilas matapos matigil ang
laban niya kay Kanamu Sakama at ideklarang Technical Knockout sa round five (5), sa
Redemption Bout na ginanap sa Ariake Arena sa Tokyo Japan noong Disyembre 26, 2024.

Pagtungtong ng ring, nagpakita agad ng gilas si John Paul Gabunilas sa kanyang


katunggali na si Kanamu Sakama, agad niyang pinakawalan ang mabibigat na hook, overhead
punches at upper cut sa kanyang kalaban sa unang round.

Sa ikalawang round, hindi naman nagpahuli sa laban ang knockout (KO) Artist na si
Kanamu Sakama, nagpakawala rin siya ng Magandang kombinasyon na naging dahilan upang
maging dikit at mainit ang laban.

Patuloy na nag-alab si John Paul Gabunilas sa pagpapakawala ng mabibigat na


suntok, gayunpaman ang depensa niya ang naging dahilan nang muntikan na siyang matumba
nang malinis na tumama sa kanyang panga ang hook punch ng kanyang kalaban sa ikatlong
round.

Sa ika-apat na round, naging madikit pa rin ang laban nina John Paul Gabunilas at
Kanamu Sakama nang magpalitan sila ng mga jab at suntok na tumama sa kanila.

Sa huling dalawang minuto at tatlumpu’t limang segundo (2:35), tinamaan si John Paul
Gabunilas ng malakas at solidong liver blow mula sa kalaban, dahilan upang lumupaypay siya
sa laban at ginawad ng referee ang technical knockout call sa round five.

Hindi matanggap ni John Paul Gabunilas ang pagkatalo sa laban at galit na nagsalita
sa referee ngunit ang desisyon na iginawad ay di na mapapalitan.

Marami ang hindi pabor sa hatol ng referee at sa tingin nila kontrobersyal ang
pagpapahinto ng laban, ngunit may ilan naman ang sumang-ayon sa desisyon ng referee, lalo
na’t halatang nahihirapan na si John Paul Gabunilas.

You might also like