You are on page 1of 4

November 29, 2023

DR. ALLAN G. HOSTALERO


Public School District Supervisor

Magandang araw po sa lahat lalo't higit sa opisina at tanggapan ng ating distrito.

Ito po ay maigsing pagpapaliwanag sa kung ano o paano ang mga naganap at nangyari sa araw ng paglalaro sa Chess na
ginanap noong ika-24 ng Nobyembre taong kasalukuyan sa mababang paaralan ng Maitim, bayan ng Bae.

Ang laro ay sinimulan sa pag-gu-grupo ng ating TM o punong nangangasiwa sa larong Chess na si Mam Elvira Sapitan,
nagkaroon po ng Board 1 at Board 2.

Sa bawat silid na nakatoka ang board 1 at board 2 at napagdisiyonan ng lahat ng mga representante o manlalaro kasama
ng kanikanilng mga nakatalagang coach at sa mga kasamang mga magulang na ang gaganaping laro simula alas 8 ng
umaga ay Round Robin na ang mangyayaring laro ay dapat magkakaroon ng ikutan
- dapat makakakapag laro ang bawat bata at malalabanan lahat ang ibang school o player, hanggang may matira sa kanila
na magiging champion

Sa silid aralan na kung saan ginanap ang Board 2 ay nagkaroon ng ilang gusot o problema.

Matapos makapaglaro ang bata nila at natalo sila ay napapunta sa 3rd place, ang natitirang manlalaro ay ang Bitin at Calo
na maglalaban para sa 1st at 2nd place at ang nanalo ay ang Calo sya na ang sana ay idedeklarang champion, ngunit ito ay
di nagawa sa kadahilanang nag protesta ang magulang at coaches ng Kabaritan.

- protesta

Magulang ng KABARITAN
- "Bakit mangyayari na may labanan na agad para sa 1st at 2nd gayong ang bata namin sa Kabaritan ay kulang pa ang laro
hindi pa nakakapaglaro ng mismong ikutan hindi nya nakalaro ang ibang bata"

(Sir John Erroll Gesmundo)


- “Ako po ay tumatayo sa inyong harapan hindi para sa Bitin ES kundi bilang District PESS Coordinator na may hawak
ng mga palarong pang distrito.

"Ngayon po nagkroon ang pagkukulang ang ating arbiter ng board 2, hindi na po napansin ng mam ang di pagikot o pag
robin ng bata mula sa Kabaritan sa ibang player".

"Ngayon po bilang PESS Coordinator at hindi mula sa Bitin ES, ako po ay humihingi ng paumanhin at sadyang pasensya
sa pagkukulang ng ating arbiter para sa Kabaritan ES, ngayon po upang matugunan ang inyong hinaing at upang
maiwasan po natin ang gulo at hindi humantong lalo sa awayan sa kadahilannang mainit po at sadyang may iba nang mga
salita kayo po magulang ng kabaritan ano po sa tingin ninyo ang maari nating gawin at saka nating pagdesisyonan ang
magiging sistema o sunod na mangyayari?"

Eto po ang aking sinabi sa magulang at teacher ng kabaritan at sa 2 school sa Bitin ES at Calo ES, dahil nagkakaroon na
po dito ng kumusyon sapagkat ang ama ng player ng Kabaritan at asawa ng teacher na nasa kabaritan ay halos ayawin na
po mismo ang sir Joel Certeza iba pa po ang pagtaas ng boses sa amin lalo kay sir Joel iba pa po ang mga salitang
binibitawan ng ama ng taga Kabaritan ES, kaya po ako na ay pumagitna na, nagtanong po talaga ako sa lahat na "ano ang
sa palagay ninyo ang maari nating gawin upang maresolva ang ating problema ngayon na maaring maging maalwan para
sa lahat ng school at para lalo sa mga bata?".

Sumagot po ang mga magulang at guro sa KABARITAN ES na kung kaya po para maging fair sa lahat ay mauulitan ang
mga bata maglalaro ulit sila at babalik sa zero ang kanilang mga score.
Knock out syatem po ang mangyayari sa laro, o do or die

Na ang unang matatalo ay 3rd agad at ang 2 maglalaro sa dulo ay doon malalalaman kung sila ay ang para sa 2nd o 1st o
magiging champion

Sa punto pong iyon ginawa ko po itong mas klaro sa mga magulang at guro na payag ba sila na ang mga bata ay uulit ng
laro at babalik sa zero ang mga score simula noong umaga?

SUMAGOT SILA LAHAT NG "OO/OPO".

Na ang ibigsabihan ay klaro sa kanila ang magaganap na panibagong laro mula sa Kabaritan ES, Calo ES, at sa Bitin ES

Maglalaro sila ulit ng bago at ang mauunang manlalaro ay magmunula sa Kabaritan ES, dito po ay muli akong nagtanong
para sa makakatunggali ng Kabaritan;

"Sino po ang batang makakalaban ng Kabaritan ang Calo po ba o ang Bitin?". - Sir John Erroll

Upang malaman ang magiging unang magkalaban o kakalabanin ng Kabaritan nag karoon ng bato bato piks ang Calo ES
at Bitin ES upang malaman kung sino ang panalo na sitang maghihintay ng sunod pang laban para sa 1st at 2nd place at
ang matatalo ay makakalaban ng Kabaritan ES para sa 3place.

Nanalo ang BITIN ES at siya ang maghihintay sa panibagong laro

Ang unang laban ay mula sa Kabaritan ES at sa Calo ES na ang matatalo ay awtomatikong nasa 3rd place na.

Sa pagpapatuloy ng laro maayos ay maluwalhati ang mga kaganapan, natalo ng Calo ES ang Kabaritan ES kung kaya't
ang Kabaritan ES ang syang naging 3rd place at ang Calo ay lalaban sa Bitin para sa 1st at 2nd place

Muli naging maayos at maganda ang laban ng 2 bata, hanggang sa huli ay ang Bitin ES ang nanalo at naging CHAMPION

SA PUNTONG ITO!

Dito ulit nagkaroon ng protesta ang galit at inis na inis na ama mula sa KABARITAN ES na syang may pagtaas muki ng
boses

KABARITAN: Bakit magiging 1st ang Bitin? Diba dapat mag ikutan ulit? Kahit abutin pa tayo dito ng hapon o kahit sa
nextweek tayo magpatuloy ulit? Hindi pede yan!!

PESS COOR: sir hindi naman po pede po ang ganan? Kasi po tayo ay lahat ay agree para sa ating huling disisyon kaharap
natin ang lahat ng mag magulang ng 3 school, mga teacher-coaches, mga bata TM at Officials ng laro, at ito po ay
sadyang niliwanag ko po sa ating lahat, kung kaya lahat din ay SUMANGAYON".

Sa oras pong ito mula sa sigaw at pag-gagalaite ng KABARITAN ES ay nahimasmasan na sila ok na daw po sa kanila ang
totoong naging resulta na sila ay nasa 3rd place.

Ngunit sa puntong ito, na ang KABARITAN ay sumangayon na, nabaling sa CALO ES ang pag gigiit ng Kabaritan ES

KABARITAN: okey na kami sa naging resulta, bakit ok na ba? payag na ba? Agree ba ang CALO sa naging resulta?

- na ang punto parin ng Kabaritan ay magkaroon ng rematch: magkaroon ulit ng pag uulutang laro at back to zero

- inalmahan ko po ulit ito

PESS COOR: hindi na po maaring magkaroon tayo ng ulitan, ngayon po ay sadyang pagod n ang mga bata, di na po
kakayanin nila na uulit ulit ng laro.
- lalong d na po natin kailangan na ito ay paabutin o magkaroon na naman ng panibagong sabado para dito
- dahil una, lahat tayo ay nag agree sa bawat desisyon na ating ginawa kanina. Yun po ay sinunod natin bago magsimula
ang laro klaro sa ating lahat yan, bakut ngayon mayroon na namang ganitong eksena? Di ba po kaharap kayo namin mga
magulang ng 3 school, mga guro ng 3 school kasama ang 3 bata, lahat tayo ay nagkaisa! Bakit ang nalabas ay hindi nyo
pala igagalng ang desisyon natin kanina?! Sapat po kanina bago tayo nagsimula ang laro ay nagtanong o nilinaw nyo pong
muli kung kayo man ay may agam agam, kaso po wala kayong ginawa kanina kaya tayo ay nagsimula na sa laro.

Sa punto na di mapigilan ulit ang KABARITAN sa pagaasalita nila may isang guro na dumating na pugto ang mata at
galit na galit

Umentra po ang isang guro mula sa CALO ES na sadyang napapangibabawan ng pagkagulo at galit.

Mam Dyan: mali! Mali! mali!!! Bakit naiyak ang bata ko? Bakit nagkaroon kanina nang announcement?? May picture
ako!! Paano na talo ang bata ko? Eh panalo sya kanina??

"Sino ba ang TM? Sino ba ang mga namununo dito sa CHESS??.

"Bakit ganan ang sistema ninyo??".

"Trauma ang bata!! Naiyak! Di ba concerned natin dito ay ang bata?? BAKIT GANITO??". - Mam Dyan Montecillo

Lahat po kami ay nagulat at nabigla sa mga binitawang mga tanong at salita at sa kung paano ibinulalas ni mam Dyan ang
mga ito sa gitna nang paguusap na kaharap ang lahat ng guro, mga magulang at iba pang mga bata at iba pang mga nakaka
dinig mula sa labas ng silid aralan.

Ipinaliwanag ko po sa mga magulang muli at sa mga guro na ang lahat nang nagyaring lro ay naka batay sa aming napag
kasunduan, walang naganap na kahit na anong pangyayri ang wala sa naging usapan at desisyon.

Kaya laking pagtataka namin ni mam Elvira Sapitan kung bakit nagkaroon na naman ng mga protesta at halos kutyain ang
mga nagpapadaloy ng laro, sa kdahilanang may mga salitang panunumbat at sadyang manliliit kami sa mga salitang
kanilang binibitawan.

Ang ang huling salita n mam Elvira Sapitan ay ;

Mam Sapitan: ang bawat laro natin ngayong ay nagmula sa ating maayos na desisyon, sana yun ang inyong pakaisipin at
tandaan na mayroon tayong naging usapan kung paano maguging maayos ang ating laro na ang naging resulta ay dapat
igalang natinv lahat".

Muli sa puntong ito hindi parin matigil ang CALO ES sa kani kani-kanilang mga kuro kuro at ang KABARITAN ES
naman ay bumaba na at tinanggap ang naging resulta, kung kayat ang CALO ES sa pangunguna ni mam Dyan ay
tumalikod at nag walk out nalang basta at ang naiwan ay ang kanilang Pess Coordinator na si mam Jenny Ebron.

Puntos mula sa mga kaguluhan.

1. Tama na may mali at pagkukulang ang naunang arbiter ng board 2. na si ma’am Filipina Escausura.
2. Mali ang paraan ng ama ng player ng Kabaritan ES sa pagsasalita nya at pagtatanong, sa pang-aaway sa mga
opisyales ng laro at sa mga salitang binitawan nya sa mga guro na nagpapadaloy ng laro.
3. Mali ang pag hawak ng mga guro o pag handle ng mga gurong kasama ng mga bata at magulang sa kani-
kanilang players at parents,
- hindi nila nagampanan nang maayos ang kanilang mga dapat gawin bilang guro na kasama sa laro, hindi nila
ipinaliwanag sa mga magulang ang mga dapat sabihin mula sa mga desisyong naganap.
- hinyaan ng ibang guro na mangibabaw ang galit at inis ng mga magulang na di naman pala aware o hindi
malinaw sa kanila ang sadyang nagaganap sa laro.
(PAGKUKULANG NG GURO)
4. SADYANG may kasamahan tayong guro na hindi tayo tinitingnan bilang kabaro o kapamilya sa arangan ng
pagtuturo kapag ang kanilang emosyon ang nangibabaw at hindi marunong makinig sa dapat nilang malaman.
5. Nasa coaches ang desisyon at sadyang labas muna dapat ang mga magulang sa pagkakaroong ng desisyon
ngunit literal na may mga coaches na di nagawa ang kani-kanilang tungkulin kung kayat ang mga magulang ang
syang napangibabawan ng galit at inis.

- lahat po ng naganap sa huling laban ay batay sa desisyon at mula sa maayos na usapan.


- ang huling desisyon at reulta ang sya pong dapat kinilala ng bawat isa.
- walang naging dayaan, walang naging mali mismo sa bawat laro ng bata.

Respecfully yours,

JOHN ERROLL O. GESMUNDO


District PESS Coordinator
School PESS Coordinator
Bitin Elementary School

You might also like