You are on page 1of 2

TTVHS,Intrams naganap ba ?

Hindi man matuloy-tuloy noong 2017 ngunit dahil sa basbas ng Panginoong Diyos
,nakadaupang palad ngayong 2018!
Heto ako ngayon tulala pa rin!,tulalang-tulala dahil natapos na nga talaga ang Intra-
ms.Sana nga’t may isa pa!tanong tayo kay ‘Mr. Principal’,Sir pwede pa extend?Hahaha.Sa
kabilang dulo, balik sa akademiko na naman tayong mga estudyante nito!Mamimis ko talaga
ang mga laro sa sports,search for Mr.&Ms. Intramurals,sayawan at nagliliyab na parada
este..mainit pala,sa sobrang init nako’t natunaw lang naman ang ‘make-up’ ni Bb. maganda.
May e-chichika ako hahhh!..gusto n’iyong marinig? Sige’t basahin niyo na!!
Sa dilim ng gabi ayon na’t nagsilabasan lang naman Diyosa’t Adonis ng paaralan!’ Search
for Mr. & Ms. Intramurals’ pala ang labanan at sa aking pag-uwi nabingi lang naman ako!Sino ba
naman ang hindi mabibingi sa hiyaan ng mga tao porke’t nakakakita lang ng magaganda’t
gwapo!.Tiyak maraming mahuhulog na naman nito,Kupido tumigil ka at akin na yang pana
mo!.Naku’t ayon na may nanalo na! Intramurals 2018, Mr. Nhorjamil Toma at Ms.Yollie Ann
Padilla. Congratulations sa inyong dalawa,sa mga hindi pinalad ‘better luck next time’ika nga
nila.
Dayo naman tayo minsan sa kategorya ng sayawan ,dalawang araw na praktis at walang
tulugan!.Koponan ng bawat strand STEM,HUMSS,ABM,GAS&EIM,HE,ICT at SMAW parang bali-
bali ang buto!kembot doon at kembot dito!.Labanan ng nababanak ang buto at sa pagmamasid
ko walang gustong magpatalo.Nagpatuloy ang bakbakan at Diyos ko! Nasali ba naman ang
welding machine at sandok sa hatawan iba talaga ang mga istudyanteng ito hahh,,malikhain
kung baga!.Ito na’t lumabas na ang resulta,HUMSS lang naman ang nagwagi at sila’y
nagbunyi,ngunit ako’y nagimbal dahil sa halip bumusangot ang mga natalo bakit abot tenga pa
rin ang ngiti ng mga ito?
Sa totoo lang namangha talaga ako sa talento ng bawat isa, hindi naman talaga
maipagkakaila na sa isports,alindog,sayawan at iba pa sa Tukuran tayo’y nangunguna.Kanina
nga sa ‘Volleyball men & women category’ hindi alintana ang init at namumulang kamay na
tila’y namimilipit sa hapdi. Pinabagsak lang naman ang bola at sabay sabing ‘Yes’! Punta naman
tayo sa larong ‘Soccer’ ayon ang mga manlalaro nakakapanindig balahibo,simbilis lang naman
sila ng kidlat sa paghahabol ng bola,.At ayon GOAL!!Sa kabilang dako naman ng covered court
nandoon lang naman ang larong Table Tennis .Hala!Humagalpak lang naman ang bola nito sa
lamesa at pinapalo gamit ang maliit na raketa,mga manlalaro dito’y tutok na tutok sa bola akala
mo’y lalamunin nila!.Sa susunod na distinasyon sa larong Footsal tayo papatungo at ayun na’t
kabahan ka na! Ang galing-galing lang naman nila, ba’t ibang estilo sa paglalaro ang gamit
makapuntos lang at manalo.Saludo ako sa inyo!.Sa pinaka-paborito ko Badminton kung tawagin
nila,naku’t ang saya lang naman manood kapag larong isinisigaw ng puso ang matutunghayan at
ayon na nga’t nasa himpapawid pa ang bola ng biglang may nag ‘smash’ gamit ang raketa!
Panalo na pala ang STE Department?ang bilis ahh!
Tulad nga ng sabi ni Kuya Kim “Ang buhay ay weather- weather lang”may saya at may
lungkot at kung minsan kailangan mong magpaalam sa mga ala-alang kupas na, ngunit ang
mahalaga sa bawat karanasan na ating nakakasalamuha ,may natitirang aral na sa atin
nagpapaalala.Aral na patuloy nating babaunin tayo man ay tumanda. Kaya kapatid sa bawat
panalo at pagkatalo huwag kang mawalan ng pag-asa dahil ang araw ay patuloy na sumisikat
malay mo bukas kuminang ka..di ba?
Hanggang susunod na paglalakbay masusungkit mo rin ang inaasam-asam na tagumpay
at sana’y maging handa sa pagpatak ng bawat kabanata.

You might also like