You are on page 1of 2

‘Alindog na nagniningning sa kaibuturan’

‘Kagandahan ang humuhuli sa mga matang uhaw, ngunit ang katalinuhang taglay
nagpapatingkad sa busilak na mga aspeto ng buhay’

Kung kagandahan lang naman ang pagbabasehan,marami sa tabi-tabi niyan,ngunit kapag


dinugtungan ng katagang talino! aba’t ewan ko marami ba ang papasa rito!.Sa tingin ko’y kapag
ipinagbuklod ang katalinuhan at kagandahan,,..kabahan ka na ! lalabas lang naman si Darna este!
Kagandahang di mo inakala,kagandahang dadaloy sa ugat at kasukasuhan,likas na yamang sa puso
hinabi at sa madaling salita ang ating perpektong Panginoong Diyos lang ang natatanging buhay na
magpapatunay.

Nakakasilaw lang naman ang instrumentong pumupukaw sa aking kamalayan at kaisipan,isang


nilikhang ako’y ginising sa aking pagkakahimlay,isang may-akda na matatagpuan sa dulo ng aking puso
na unti-unting dumadaloy sa mga ugat ko’t nagkukubli sa laman ng aking kaloob-looban.Siya ay
sinasamba ng lahat ,iniidulo’t tinutularan sa iba’t-ibang dako ng mundo at pangalan niya’y tinataghoy na
makapangyarihan.Ang dahilan kung bakit tayong lahat nakatayo at humahakbang sa paraisong tayo’y
namulat,hinabi niya tayo sa mismong anyong kawangis ng sa kanya at biniyayaan ng taglay na talinong
maipagmamalaki sa kahit anumang dako.Isinakripisyo niya ang kanyang nag-iisang anak sa krus
mapanagutan lamang ang mga pagkakasalang ating inilimbag,mga pagkakasalang tayo’y nasilaw!Nasilaw
sa karangyaan,sa pagiging di kontento,sa paghahangad ng mga bagay na hindi niya sa atin
ipinagkatiwala at higit sa lahat ng dahil sa ating pagiging mapagmataas.Nasaan na ba ang kagandahang
sa atin ay ibiniyaya!,naglaho na esensiyang kanyang ipinamahala at naglaho itong parang bula!.

Kagandahan…katalinohan.. mga sangkap upang sa mata nila’y maituring kang isang tao, Ano to
project na kinakailangan mong maipasa upang di ka magkakakuha ng tres?. Pilit man nating itanggi
ngunit ito’y nasa sistema na natin bilang tao ang mga mapanghusgang mata, mapanglait na bibig at
makasariling asta. Pintas dito pintas doon, dinaig pa c Vice Ganda sa pagiging pintasera naku nga’t
makauwi na’t may nanalo na,taong walang ginawa magkahanap lang ng mintis ng iba.

Sa pagbubukas ng pinto nang kamalian,pumasok tayong mga taong nagtarak sa patalim nang
panghuhusga sa kapwa nilalang na ating nakikita,panglabas na anyo na lamang ba ang ikalulugod ng
bawat isa?Di naman talaga maiaalis ang humanga at maski nangarap gumanda.Sino ba naman ang ni-
minsan sa buhay hindi nangarap noon,itaas ang kamay at bukas mamatay?Pero wag naman nating
hayaan na sa sobrang kariktan ay makapagparamdam tayo ng pagkababa sa ibang di naman
mabiyayaan.O mananatili tayong nakatanaw sa bunga ng pagkadakila,Ang kagandahang ipinamana ng
Poong may-likha!, na sa atin ay nagpapabukod-tangi.Sa bawat paglipas ng oras kaakibat nito ang
pagkabura ng kagandahan, ngunit kapag kagandahan ng puso ang pinairal bukal itong tatatak kahit
pumanaw man.

Tulad nga sabi nila ang kagandahan ay parang gutom lang,lilipas rin yan, eh pano pag kupas na?
saan ka pupunta?

You might also like